Pagkarating sa mismong gate ng mansion, napamulagat ako.
Hindi gate. Pader. Yung tipong kapag nagpasabog ka sa labas, hindi mo pa rin maririnig sa loob. Ganung level ng katahimikan at seguridad. Automatic na bumukas ang gate na parang sinanay para salubungin ang mga taong sanay laging sinasalubong. Sa loob, isang tanawin na parang galing P*******t board ng mga anak ng diyos. Landscaped na garden, may fountain pa talaga na mukhang hindi lang basta pampapogi kundi may sariling filtering system pa. Nakita ko ang mga ilaw na tumatama sa fountain—hindi nakakasilaw, pero enough para magmukhang fairy tale ang ambiance. Hindi ko alam kung mansyon ba ito o bagong resort sa Tagaytay. “Wag kang lalayo sakin, yaya,” bulong ni Princess habang hawak ang laylayan ng oversized shirt ko. “Baka mawala ka. Malaki kasi dito.” “Mas malaki pa ‘to sa barangay namin,” pabulong kong sagot. Pagbaba namin ng sasakyan, sumalubong agad ang ilang staff. May tatlong naka-black and white uniform. One butler, isang matandang babae na mukhang housekeeper, at isang lalaking parang bodyguard na hindi mo gugustuhing asarin sa kanto. Tahimik lang si “Sir” habang naglalakad papasok. Sa likod namin, may kasunod na babae—siguro secretary, kasi may hawak na iPad at mukhang alam niya kung paano ayusin ang mundo ng amo niya in a single swipe. “Prepare the guest room beside Princess’ room,” utos ng lalaki sa isa sa staff. “And bring the standard employee contract.” Napakamot ako sa batok. Tangina. Totoo ‘to. Pagpasok sa loob, hindi lang ako napamura sa utak—napamura ako sa lamig. Literal. Hindi dahil sa aircon, kundi sa pakiramdam ng espasyong sobrang laki pero parang walang tao. Parang museum na walang kaluluwa. Ang marble tiles, halos kuminang sa kinis. Ang chandelier sa taas? Parang may sariling gravity. Kahit kunin ako ng multo dito, baka lumabas pa sila't sabihin: “Sobrang sosyal, ‘di na kami bagay dito.” Dinala kami sa isang maliit na lounge area. Maliit kung mansion standards, pero para sa akin? Literal nang buong bahay. May velvet couch, coffee table na may mamahaling magazine, at isang tray ng sparkling water na parang hindi naman talaga iniinom, pampakita lang. Dumating ang secretary at inilapag ang ilang papel sa harap ko. Hindi ko man lang alam kung saan unang pipirmahan. Nakatingin lang ako sa papel habang si Princess ay kinukulit ako. “Yaya, dito ka na ha? Ayoko na ng ibang yaya. Promise mo sakin?” “Princess,” saway ng lalaki. “Let her read the contract first.” “Ayoko nga ng rules,” sabi ni Princess. “Ayoko ng maraming conditions. Ang gusto ko lang, ‘yung may kasama ako sa birthday ko. ‘Yung may yayakap sakin pag natatakot ako. Hindi ko kailangan ng MBA degree ng yaya, kailangan ko lang ng may puso.” Tahimik si lalaki. Ako naman, wala nang masyadong iniisip. Dinampot ko ang pen, tinapik si Princess sa balikat. “Saan ako pipirma? Gusto ng anak mo ng yaya? Ako na. Pero wag mo kong pilitin umattend ng formal dinner. ‘Di ako marunong gumamit ng tatlong tinidor, isa lang sapat na.” Tiningnan ako ng lalaki. Malalim, parang sinusukat kung alam ko ba ang pinapasok ko. “You’ll regret this,” mahinang sabi niya. Ngumisi ako. “Hindi ako ‘yung sanay magsisi, Sir. Pero ikaw? Mukhang matagal nang may pinagsisisihan.” Pumirma ako. Malinis. Mabilis. Sabay sabing, “Let’s go, Princess. Maghanap tayo ng cartoon.” At habang paakyat kami ng hagdanan papunta sa itinalagang guest room—na malapit sa kwartong tulad ng sa mga fairytale movies—ang batang minsang gustong tumalon mula sa tulay ay ngayon humahawak sa kamay ko na parang ako ang tanging lifeline niya. At ako? Ako ‘yung dating gustong maglaho sa ilog… ngayon, may dahilan na para manatili sa pampang. Hindi ko na alam kung anong klaseng plano ko sa buhay ko nang pumirma ako sa kontratang iyon. Parang ako lang ‘yung masyadong pusong-mayaman—lumalabas sa usapan at bigla na lang may trabaho sa mansyon ng isang mayamang CEO na hindi naman marunong makipag-usap sa anak niya. Pagpasok ko sa room ko, parang lahat ng kalye sa buong Maynila naririnig ko. Alam ko namang hindi ako sanay sa ganitong klase ng lugar, pero may instincts din ako sa survival. Walang pwedeng makakita sa ‘kin na natatakot, so ayan, kalye na naman. Tinatanggap ko na lang lahat ng kabaliwan ng buhay ko. Room tour ni Calista: Isa lang ang masasabi ko—na-bobo ako. Laging bago, parang hotel pero may masamang amoy ng wealth. Maliit lang ang kwarto ko, kumpara sa kwarto ni Princess na parang buong palasyo, pero hindi ko naman kailangan ng malaking kwarto para magfeel na importante ako. Hinila ko ang bag ko at inihagis sa tabi ng kama. Hindi ko naman iisipin kung anong klase ng satin 'to, basta ako—tulog na lang at wala ng tanong. I turned to the bed, pero before ako humiga, nagsimula na naman mag-soundcheck ang utak ko—di ko maiiwasang mag-isip kung paano nga ba ‘tong mga mayaman na ‘to. Kung kaya nila magyabang, bakit pa nila kailangan ng katulad ko? Habang humiga, nag-ring ang phone ko. Si Princess. "Yaya, you’re still awake?" tanong niya. Tanging kabisadong voice tone niya lang ang naririnig ko sa kabilang linya, parang siyang bata na pilit kinokontrol ang sarili. “Yeah. I was about to sleep. What’s up?” “Gusto ko po sana ng gatas. Yung init ha?” Napahugot ako ng malalim na hininga. Ang bata na ‘to, gatas na lang, tapos may contract na. Tinitingnan ko ang malambot na kama ko—pero for the first time, parang di ko na feel na kalye ako, na parang ako lang ang di bagay dito. Hindi ko na pinili kung anong sagot ko. Tumayo ako, naglakad sa hallway at naghanap ng kitchen. Kalye, hindi sanay sa formalities, kaya parang gusto ko na lang manakaw ng mabilis sa fridge at bumili ng instant gatas sa tabi ng kanto. Pero no. Kailangan ko mag-adjust. Hindi pwedeng magmukhang lost sa mga galos ng buhay. Nasa harap na ako ng refrigerator, binuksan ko ito, mga mamahaling branded na pagkain, yung mga wala sa listahan ko. Naghahanap ako ng gatas—oo, gatas lang—pero walang ibang choice kundi magpanggap na kaya ko ‘to. Bumalik ako sa kwarto ni Princess, gatas na parang may kasamang pagmumuni. "Here’s your milk," sabi ko, parang biglang nauuntog sa idea na kaya ko palang maging yaya, basta hindi ko patagilid yung sarili ko. "Thank you, yaya!" Ngumiti siya, pero may konting kabigatan sa mata. "Can I sleep beside you?" At dito ko naramdaman—yung ibig sabihin ng pagiging yaya. "Sure" Sabi ko at ngumiti. Kulang ata talaga sa Oras ang batang ito, hindi ko alam kung anong nagustuhan niya sa ugaling kayle ko at napili niya akong bigyan ng trabaho. Nakapatong pa rin ang pisngi ni Princess sa braso ko, habang nilalaro-laro ang dulo ng kumot na parang stuffed toy. Tahimik ang buong kwarto, ang malamlam na ilaw ng lampshade lang ang nagbibigay ng init sa paligid. Ang lamig ng aircon ay parang kaagaw sa yakap ng batang 'to—pero sa totoo lang, mas mainit pa ‘yung presensya niya kaysa sa mga yakap ng mga taong iniwan na ako noon. Tumikhim ako, sinadyang basagin ang katahimikan. “Princess, anong pangalan ng daddy mo?” tanong ko habang nakatingin sa kisame. “Hindi naman kasi siya nagpakilala kanina. Alam mo ‘yung pumasok lang sa eksena tapos akala mo buong mundo, pagmamay-ari niya?” Napahagikhik siya. “His name is Levi Alejandro Hamilton.” Natigilan ako, napalunok. “Tangina. ‘Levi Alejandro Hamilton?’ Wow. Pang-billionaire talaga. Apelyido pa lang, may net worth na.” “May middle name pang Alejandro,” dagdag ko, “parang may sariling brand ng relo.” Natawa siya ulit, pero maya-maya, huminga ng malalim. “But he’s not as cool as his name sounds.” “Obvious naman,” sagot ko habang nilalagay ang isang kamay sa ilalim ng ulo ko. “Mukha siyang tao na hindi marunong ngumiti. Ang postura, parang laging nasa board meeting. 'Yung tipong hindi lumalampas ng 15 degrees ang kilay sa kahit anong emosyon.” Nag-raise siya ng kilay, ginagaya ako. “Pero dati daw, he used to smile a lot.” “Ha?” Napatitig ako sa kaniya. “Kailan pa 'yun? Nung dinosaurs pa ang naglalakad sa Earth?” “Nung baby pa ako,” sagot niya, seryoso ang mukha. “He used to make funny faces. Sometimes he’d wear costumes… like a dinosaur onesie, just to make me laugh.” Nanlaki mata ko. “Si Levi Alejandro Hamilton? Nag-dinosaur onesie?” Napailing ako, kunwaring hindi makapaniwala. “Pwede ba ‘yon sa coding ng mukha niya?” “Not anymore,” sagot niya, this time, may lungkot sa tono. “When Mommy left, he stopped everything. He just… stopped being my Daddy. He became Hamilton, the CEO.” Napabuntong-hininga ako. “‘Yun talaga ‘yung nakakainis, no? 'Yung mayayaman, akala mo may lahat, pero kulang naman sa puso. Parang sinukat ang love sa worth ng stocks nila.” “Yaya…” tawag niya mahina, habang unti-unting pinipikit ang mata. “Do you think Daddy will change?” “Pwede,” sagot ko, habang tinititigan ang kisame na parang may sagot ito sa lahat. “Pero hindi overnight. Kailangan niya ng reality check. Either masaktan siya… o makita niyang nawawala na ‘yung tanging mahalagang tao sa buhay niya.” Tahimik. Hindi na sumagot si Princess. Paglingon ko, tulog na pala siya. Mahigpit pa rin ang hawak sa braso ko. Parang sinisigurado niyang hindi ako mawawala habang natutulog siya. Napangiti ako. Hindi ngiti ng aliw, kundi ng isang taong biglang binigyan ng silbi. “Goodnight, Princess Hamilton,” bulong ko. “Don’t worry, I got your back.” At sa gabing ‘yon, ako ‘yung yaya ng anak ng Levi Alejandro Hamilton. Pero sa puso ko, para akong ate. O guardian angel. O... isang taong muling binuhay ng isa pang kaluluwang sugatan.Chapter 101Calista POV"Are you okay, Calista?"Tanong iyon ni Levi habang marahan niyang isinara ang pintuan ng opisina niya. Nasa loob na kami ngayon, at si Princess ay abala sa pakikipagkuwentuhan sa secretary niya na si Daphne sa kabilang dulo ng silid.Hindi ko agad siya sinagot. Tila may bumabara sa lalamunan ko—hindi dahil sa galit, kundi sa dami ng tanong na bigla na lang sumiksik sa isipan ko mula nang biglang lumitaw ang babaeng iyon.Huminga ako nang malalim.Tiningnan ko siya sa mga mata. “Siya ba ang ina ni Princess?”Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan namin. Hindi agad siya sumagot. Ilang segundong tiningnan lang niya ako—parang sinusukat kung handa na ba akong marinig ang totoo.At sa dulo, tumango siya. Mabagal. Mabigat. “Oo.”Napapikit ako. Hindi dahil sa gulat—dahil kanina pa namumuo ang hinala ko. Kundi dahil sa kirot. Hindi ko maintindihan kung bakit pero… parang may humigpit sa dibdib
Author's Note: Welcome to Chapter 100!! malapit na Tayo sa ClimaxChapter 100 Calista POVSabado noon pero maaga pa lang ay umalis na si Levi para sa work. Sinabi niyang may kailangang tapusin sa opisina bago ang Lunes. Gusto ko sanang pigilan siya, sabihing magpahinga na lang, pero kilala ko siya — hindi siya mapakali kapag may hindi naaayos sa kompanya.Kaya naman naiwan kami ni Princess sa mansion. Habang nakahiga siya sa sofa at nanonood ng cartoons, naisip ko ang isang bagay na makakapagpasaya sa kanya… at baka pati na rin kay Levi.“Princess,” tawag ko habang nag-aayos ng gamit sa kusina, “Gusto mo bang dalhan natin si Daddy ng lunch?”Agad siyang tumalon sa pagkakaupo. “Yes please! Ako pipili ng drinks!”Napangiti ako. Siguro nga, maliit lang ito para kay Levi — pero alam kong sa dami ng iniisip niya, kahit simpleng pakita ng effort ay makakagaan sa loob niya. At higit pa roon, gusto ko ring makita ang mundo niya, hin
Chapter 99Levi POVNakatitig ako kay Rosela Navarro, ang babae sa harapan ko na ngayon ay tila muling binubuhay ang isang kasaysayan na dapat matagal nang isinara. Akala ko, ang dahilan ng pag-uusap na ito ay para sa pagbawi niya kay Calista—para humingi ng tawad, para muling buuin ang pagkakabuo ng isang relasyong nawala. Pero hindi. Hindi ganun kasimple.“Pumili ka sa kanila, Levi,” mahinahon ngunit mariing sabi niya.Napakunot ang noo ko. “What do you mean?”Tumayo siya mula sa pagkakaupo, marahang naglakad papunta sa bintana habang hawak ang isang tasa ng tsaa. Mula roon, tanaw ang malawak nilang bakuran—isang tahimik na lugar na tila malayo sa gulo ng mundo, pero sa sandaling ito ay nagsisilbing saksi sa isang tanong na kay bigat dalhin.“You need to choose between my daughter Elise and Calista,” sabi niya, diretsong tumitig sa akin. “Hindi pwedeng silang dalawa ang piliin mo. Isipin mong mabuti dahil si Elise pa rin ang ina ni
Chapter 98Levi POVTahimik ang paligid habang nakaupo ako sa terrace ng opisina, hawak ang tasa ng kape na kanina pa nanlalamig. Sa harap ko ay ang tablet, bukas sa isang confidential report na pinapaverify ko kay Daphne — at sa mismong gitna ng screen ay nakalagay ang pangalan:Rosela Araceli Navarro– mother of Elise Navarro. Grandmother of Princess. At... biological mother ni Calista.Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Paulit-ulit lang na gumugulong sa isipan ko ang katotohanang hindi ko inaasahan.Ang inang hinahanap-hanap ni Calista, ang babae sa likod ng sakit at tanong niya sa pagkatao… ay siya ring lola ni Princess.Hindi ito coincidence.Hindi ito biro ng tadhana.Isa itong sumpa ng katotohanan na hindi ko alam kung paano ko ihaharap kay Calista.Kanina, matapos ang pag-alis ni Daphne, hindi ko na kinaya ang pagdududa. Tinawagan ko ang isang private investigator na matagal ko nang ka
Chapter 97Levi POVPagkauwi namin mula sa hindi inaasahang pagkakadismaya, ramdam kong tahimik at mabigat ang paligid sa loob ng sasakyan. Si Calista, nakatanaw lang sa bintana habang yakap ni Princess ang kanyang braso. Gusto kong sabihin na ayos lang, na hindi pa tapos ang paghahanap, pero alam kong mas makabubuting hayaan ko muna siyang mapag-isa sa mga iniisip niya.Pagdating sa mansion, tahimik pa rin siya. Tumango lang nang magpaalam ako papunta sa office. Hindi na ako nagpilit magsalita. Alam ko—may kanya-kanyang paraan ang tao para maghilom, at kailangan ko ring bigyan ng espasyo si Calista para buuin ang sarili niya sa gitna ng lahat ng natuklasan niya.Sa opisina, sinalubong agad ako ni Daphne.“Sir, ang daming backlog ng documents from last week, pero inayos ko na po ‘yung priority folders,” bungad niya habang sinasabayan ako sa elevator.“Thanks, Daphne. Ako na ang bahala sa mga urgent.”Pagpasok ko sa office, tu
Chapter 96Calista POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mahapdi pa rin ang mata ko sa kakaiyak kagabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng ama ko — na anak ako sa labas, at hindi pala ako tunay na anak ni Mama. Sa bawat pagdilat ko, parang totoo pa rin ang sakit. Pero ngayon, may iba nang kasama ang sakit na ‘yon: determinasyon.Pagbaba ko mula sa kwarto, nadatnan ko si Levi sa garden, nakaayos na, hawak ang laptop habang may hawak na tasa ng kape. Tahimik siyang nagbabasa ng kung ano’t pinapabayaan lang ang ihip ng hangin na pagpagaanin ang paligid. Napansin niya akong paparating at agad siyang tumayo.“Good morning,” mahinang bati niya.“Morning,” sagot ko, halos pabulong. Umupo ako sa tabi niya at sandaling natahimik.“Ano ‘yan?” tanong ko habang pasimpleng sumilip sa laptop niya.“Background check,” sagot niya. “Nag-search ako kay Rosela Navarro.”Napatingin ako sa kaniya, nagulat. “Ginagawa mo ‘y