Share

Chapter 69

Penulis: yshanggabi
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-09 10:00:33

Chapter 69

Calista POV

"Calista, bilisan mo naman diyan! Tambak na yung baso sa lababo!" sigaw ni Manang Lita mula sa kusina habang hawak ang order slip.

"Opo!" sagot ko habang binibilisan ang paghugas ng pinggan. Mainit ang tubig, masakit na ang kamay ko, at halos hindi na rin ako makakilos ng maayos sa pagod. Mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, halos hindi ako tumitigil. Sa maliit na karinderiang ito, parang ako na rin ang taga-hugas, taga-linis, minsan pati taga-serve.

Naisip ko, ito na naman. Isa na namang araw ng paulit-ulit na trabaho, na parang walang katapusan. Hindi ko na nga alam kung ilang beses ko nang naluha habang naghuhugas ng pinggan. Pero anong magagawa ko? Kailangan ko ‘to. Para kay Chrisiah. Para sa pamilya.

Biglang bumukas ang kurtina mula sa labas.

"Hoy, Calista!" sigaw ng isa sa mga customer na mukhang may tama na agad ng Red Horse. "Ikaw ba ‘tong bagong taga-hugas dito?"

"Opo, Sir,"
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 77

    Chapter 77Calista POVGabi na akong nakarating sa bahay. Mabigat ang katawan ko pero mas mabigat ang dibdib ko—hindi ko na alam kung pagod lang ba sa trabaho o dahil paulit-ulit kong naiisip ang tawag ko kay Levi kanina. Hindi pa rin ako sigurado kung tama ba ‘yung ginawa kong pagtawag. Pero sigurado ako sa isang bagay… gusto kong malinawan.Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ni Criscel. Naka-pambahay na siya, may hawak na tasa ng kape habang nakaupo sa sahig at may ginagawang homework.“Ate!” bungad niya habang nakangiti. “Buti umuwi ka na. Inantay pa talaga kita!”Napangiti ako. Kahit papaano, nakakagaan ng loob ‘yung makita siyang buo at masaya. Mula noong tinulungan ko siyang makaalis sa dati naming magulong bahay, ginawa ko na talagang responsibilidad na mapangalagaan siya.“Sorry, natagalan ako. Sobrang daming tao sa karinderya. Akala mo may fiesta,” sagot ko sabay tanggal ng sapatos at bagsak ng bag sa tabi ng sofa.

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 76

    Chapter 76Calista POVTahimik akong nakaupo sa gilid ng karinderya matapos ang lunch rush. Kapos sa oras pero mas kapos ang loob ko sa pagtanggap ng nararamdaman ko. Sa gilid ng cashier table ay naroon pa rin ang bouquet na pinadala ni Levi—unti-unting nalalanta pero nanatiling magandang paalala ng mga salitang hindi niya nasabi noon pero ngayon, isa-isa niyang pinaparamdam.Sa dami ng iniisip ko, bigla akong napatingin sa cellphone ko… na wala. Naiwan ko sa bahay, lowbat din yata. Pero kailangan ko siyang tawagan. Hindi para makipagbalikan. Hindi rin para magpasalamat lang. Gusto ko lang… maintindihan. Gusto ko lang marinig ang totoo. Kung bakit ngayon?Kaya dali-dali akong tumayo at lumapit sa may-ari ng karinderya, si Mang Cesar, na noon ay abala sa pag-aayos ng inventory sa gilid ng kusina.“Uh… Mang Cesar,” bati ko, sabay ngiti.Napatingin siya sa akin at bahagyang nagulat. “Oh, Calista. May kailangan ka ba?”“Ano po… P

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 75

    Chapter 75Levi POVNakaupo ako ngayon sa opisina, pero kung tutuusin, wala sa mga papel sa harap ko ang iniisip ko. Wala sa mga figures sa monthly report ang may saysay para sa akin ngayon. Ang tanging laman ng utak ko, ay si Calista.Napatingin ako sa notification sa phone ko—delivered na raw ang food na ipinadala ko kanina. Napangiti ako kahit papaano. Alam kong hindi sapat ‘yon para mapawi ang lahat ng sakit, pero gusto kong iparamdam sa kanya na may nagmamalasakit pa rin sa kanya kahit na nasaktan ko siya noon.Tumayo ako saglit at lumapit sa bintana ng office. Mula rito, tanaw ko ang ilang parte ng lungsod—matao, mabilis ang galaw ng mga sasakyan, pero sa gitna ng lahat ng iyon, nanatiling tahimik ang loob ko. Tahimik, pero hindi payapa.Alam kong wala akong karapatang suyuin siya ngayon. Pero hindi rin ibig sabihin ay titigil na ako sa paghahanap ng paraan. Gusto ko siyang maipaglaban. Kahit paunti-unti.Biglang may naisip ako.

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 74

    Chapter 74Levi POVMaaga pa lang, gising na ako. Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa iisang dahilan—Calista.Hindi ako mapalagay simula nang iniwan niya kami ni Princess sa gitna ng daan. Kahit ilang araw na ang lumipas, ramdam ko pa rin ang lungkot sa loob ng bahay. Tahimik si Princess, madalas tulala. Ako naman, parang laging may kulang.Kaya ngayong umaga, bago pa man magbukas ang opisina, nagdesisyon akong mag-order ng breakfast para sa kanya. Naalala ko kung gaano siya kasimple at kung paano niya gustong nakakakain ng mga paborito niyang pagkain kahit busy.“Botejo,” bulong ko sa sarili habang naglalagay ng order sa app. Alam kong gustung-gusto niya ang pagkain doon—lalo na ang Egg Katsu Bento at Mango Yakult. Simple lang, pero panalo para kay Calista.Pagkatapos kong lagay ang order, dinoble-check ko ang delivery address. Gusto kong siguraduhin na walang aberya. Then, naglagay ako ng request para sa rider:"Please includ

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 73

    Chapter 73Calista POVPinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko gamit ang palad. Bahagyang basa pa ang buhok ko dahil sa ulan habang dahan-dahan akong naglakad papunta sa gate ng bahay namin. Sa bawat hakbang, pakiramdam ko ay mas lalo kong nararamdaman ang bigat sa dibdib. Hindi ko alam kung dahil sa mga sinabi ni Levi, sa sigaw ni Princess, o sa sarili kong desisyong iwan sila sa gitna ng kalsada. Pero isa lang ang alam ko—masakit pa rin. Masakit pa ring mahalin siya.Pagdating sa tapat ng bahay, bahagya kong tinapik ang pinto. Isang mahinang katok lang, dahil baka tulog na sila. Pero ilang segundo lang ay bumukas agad ito. Si Chrisiah.“Ate, nagkita kayo ni Sir Levi?” agad niyang bungad, halatang gulat at sabik sa sagot. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa—tila sinusuri kung okay ba ako, o kung may sugat akong tinamo.Napangiti ako, kahit pilit. “Ano ba pinagsasabi mo,” sagot ko, sabay tawa nang peke, para hindi mahalata ang sakit. “Matu

  • The Billionaire's Aggressive Maid   Chapter 72

    Chapter 72Calista POVHindi ko pa rin maipaliwanag kung ano ang mas nakakagulat—ang makita si Levi na biglang sumulpot para iligtas ako, o ang makita si Princess na umiiyak habang tinatawag ang pangalan ko. Naramdaman ko ang bigat ng mga braso ni Levi nang yakapin niya ako sa gitna ng kusina. Nakaapak ako sa basa at madulas na sahig, amoy mantika, amoy luha, pero sa loob ng ilang segundo… parang safe ako.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Hindi ko na napansin kung paano niya ako inalalayan palabas ng resto. Parang may sarili akong mundo habang papalabas kami—ang init ng pisngi ko, ang panginginig ng kamay ko, ang pakiramdam na para akong batang tumatakbo palayo sa bangungot.Pagkapasok namin sa kotse, agad akong niyakap ni Princess mula sa likod ng upuan. Hindi siya bumitaw.“Nanny, balik ka na po,” aniya, hikbi ang bawat salita.Napakagat ako sa labi, pinipigilan ang luha pero tuloy-tuloy pa rin ito. Lumingon ako sa likod, sa m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status