Note: Pwede mo pong laktawan kung ayaw mong basahin, hindi po ito part ng story, maikling pag welcome lang po ito ni Author at pagbibigay ng kunting background tungkol sa story.
Dear Readers, Maraming salamat po, sa pagtangkilik at pagpili upang basahin ang libro ko. Isang malaking karangalan po sa akin na maisulat ang mga panyayaring nakapaloob sa buong imagination ko. Alam niyo po, hindi naman kasi madali ang pagiging writer, kinakailangan po ito ng mahigpit na didikasyon at reasearch sa mga mangyayari sa buong kwento, at sa inyong pagpapatuloy, sa susunod na mga chapters, babalaan ko na po kayo sa mga mangyayari sa simula pa lang. Ito po ang unang libro ko na isusulat sa Goodnovel, kaya umaasa po ako sa mga maayos niyong response sa mga nangyayari sa mismong libro, huwag niyo sana along huhusgahan kung may mga napaloob man na hindi kaaya ayang pagyayari at pagkakamali sa paggamit ng salita, dahil hindi po masamang magkamali lalo na po kung nagsisimula pa lang. Kaya naman umaasa po ako sa inyong maayos sa kooperasyon, at sana mag enjoy kayo sa pagbabasa. Ang kwentong ito at mahigpit na ipinagbabawal sa mga batang mambabasa na nasa edad na 17 pababa, dahil sa mga katangiang hindi kaangkop angkop gaya ng: 1. Sexual Activity 2. Traumatic Experience 3. Attitude na possible ma adapt niyo sa mismong story. 4. At iba pang makasisira sa utak at pag iisip ng mga bata. Kaya naman, kung ikaw ay nasa 13-17 pa lamang, I suggest na you should quiting reading this story sa simula pa lang, dahil talagang dilikado. Pero kung ikaw naman ay nasa hustong gulang na pero, hindi kayang sikmurahin ng mental health mo ang mga panyayaring, maaari ka pong mag skip ng chapters, dahil kada sensitive chapters may warning sa simula pa lang. 📌 Mga Pangunahing Tauhan Calista Oraba ay isang 24 taong gulang na babae na kahit hindi nakapagtapos ng kolehiyo ay nagpursige upang buhayin ang kanyang pamilya. Isang high school graduate lamang, pero punung-puno ng tapang, diskarte, at determinasyon. Sa murang edad, sinubukan na niyang pasukin ang samu’t saring trabaho—mula sa pagiging dishwasher, waitress, hanggang cashier. Ngunit sa bawat trabaho, hindi siya nagtatagal. Hindi dahil sa kakulangan ng kakayahan, kundi dahil sa kanyang matapang at minsang agresibong ugali. Ngunit sa ilalim ng kanyang matitigas na pananalita ay isang pusong handang magsakripisyo para sa apat niyang kapatid na umaasa sa kanya. Levi Hamilton naman ay isang 29 taong gulang na bilyonaryo—isang lalaking lumaki sa mundo ng negosyo at responsibilidad. Mula pagkabata, sa kanya na ipinasa ang kontrol ng kumpanya ng kanilang pamilya. Dahil sa galing at katalinuhan niya, naging matagumpay siya sa larangan ng negosyo. Ngunit kapalit ng tagumpay ay ang pagkawala ng personal na koneksyon sa mga mahal niya sa buhay—lalo na sa kanyang anak. Isa siyang ama na halos hindi na nakakauwi sa bahay, at palaging subsob sa trabaho. Ang anak ni Levi ay isang limang taong gulang na batang babae na sabik sa pagmamahal at presensya ng kanyang ama. Lumalaki siyang palaging kasama ang mga katulong sa mansyon. Bagamat siya ay masayahin, may kakulangan sa emosyonal na koneksyon na kailangan ng isang bata mula sa kanyang magulang. Samantala, si Elise Sy ang ina ng bata—isang matalino, ambisyosa, at career-driven na babae. Kababata at unang pag-ibig ni Levi, sabay silang lumaki at natutong magmahal. Ngunit nang mabuntis siya sa edad na 23, biglang nagbago ang lahat. Nawala ang tiwala niya kay Levi dahil sa pagkakamaling hindi nito ginamitan ng proteksyon, bagay na ikinagalit at ikinasama ng loob niya. Pagkapanganak sa anak, hindi na siya nagpaalam at agad siyang lumipad patungong Amerika upang ipagpatuloy ang pangarap niyang karera, iwanan ang alaala ng pag-ibig na sa tingin niya ay nabigo. Ngayong kilala na natin ang mga Lead Characters, handa ka na bang magpatuloy sa susunod na mga mangyayari? Sincerely, yshanggabiCalista’s POVHindi pa man ako nakakabawi sa sobrang kabusugan ko sa tanghalian, ay heto na ulit si Marcia, parang may built-in radar kung kailan ako kailangang kulitin.“Ma’am Calista, kailangan na po nating bumalik sa etiquette room,” ani niya, habang pinupunasan ko pa ang sulok ng bibig ko.Napatingin ako kay Princess na abala pa rin sa panonood ng cartoons habang tumutuka sa tirang prutas. “Grabe naman, hindi pa nga fully digest ‘tong pagkain ko, training na agad?”“Schedule is schedule,” sagot ni Marcia na para bang siya ang punong abala sa buong mansion.Hindi ko na pinatagal pa. Tumayo ako, ini-straight ang likod ko at iniwasan nang mag-complain nang malakas—dahil nga etiquette training ‘to, baka pagbalik ko eh ipahilot na ang dila ko para maging sosyal ang kilos ng pananalita.Pagbalik namin sa etiquette room, nandoon na si Miss Regina. Nakaayos na naman ang lamesa: kutsara, tinidor, dessert fork, soup spoon, salad knife,
Calista POV Hamilton Mansion – Dining RoomTanghaling tapat, pero sa dami ng kutsara, tinidor, plato, at wine glass sa harapan ko, parang dinner party sa royal palace ‘to, hindi lunch. Wala pa akong isang araw sa bahay na ‘to pero parang may pa-grand ball na agad ang ambiance. At ang matindi, ako ang bida sa floor ng orientation."This is the soup spoon," sabay abot ni Rivera, isa sa mga senior na staff. "This is the dessert spoon. Don’t mix them up."Tiningnan ko ang hawak niya, saka ang mesa. Ilang kutsara ba talaga ang kailangan para kumain? Kung gutom ka na, kahit kamay, gagana eh. Pero syempre, hindi pwede ‘yon dito. Iba ang mundong pinasok ko.Katabi ko si Princess na abalang sinusubo ang tinolang may sayote. Cute siya habang kumakain, parang walang pakialam sa gulong nangyayari sa gilid niya. Ako naman, hindi pa nakakakain. Hindi dahil ayaw ko — kundi dahil literal na tinuturuan ako ng tamang posture, tamang galaw, tamang hawak ng utensils.
Calista POVLahat natawa — pati si Jona at 'yung isa pa sa gilid. Si Ma’am Rivera? Napangiti rin pero pilit. “Keep that tone outside of the mansion’s formal events.”“Copy that,” sagot ko, sabay salute. Pero pang-Boy Scout yata ‘yung style ko.“Isa pa,” dagdag niya. “Kailangan mong matutong gumamit ng Ma’am at Sir sa lahat ng pagkakataon. Hindi ‘Ate,’ hindi ‘Kuya,’ hindi ‘Siya.’ Klaro?”Tumango ako. “Yes, Ma’am. Klarong-klaro. Parang tubig ng Maynilad.”Nag-rolling eyes na ‘yung isa sa staff pero hindi na ako pinatulan. Okay lang. Ako rin naman, natatawa na sa sarili ko.Pero sa likod ng pagbibiro ko, alam kong kailangan kong galingan. Kasi si Princess—‘yung batang sinabihan ako ng “you’re my happy ending” — umaasa sa’kin. Ayokong ipahiya siya. Ayokong ipahiya sarili ko.Kaya habang binabasa sa’kin ang household policies, sinulat ko lahat ng sinabi nila. Ilang salita lang ang kaya kong palitan, pero ‘yung respeto, ‘yon h
Levi Hamilton – First Person POVKinabukasan, umaga ng orientation ni Calista sa mansionAlas otso ng umaga pa lang pero parang alas dose na ng tanghali ang pakiramdam ko. Nakaayos na ang buong mansion — mula sa hallway hanggang sa guest receiving area kung saan idinaos ang orientation ng bago… ng bago kong problema.Nasa itaas ako ng hagdan, hawak ang isang tasa ng mainit na kape habang pinagmamasdan mula sa taas ang kalat ng ugaling kalye na may pangalan — Calista.Pumasok siya sa loob ng conference lounge na parang hindi mansion ang pinasukan, kundi sari-sari store sa kanto. Nakaponytail lang, naka-jacket na may tatak ng “Pasig Athletics,” at naka-cargo pants. Pati slippers niya, hindi uniform — kulay neon green. Gusto ko siyang sabihan na dress code pa lang, bagsak na siya. Pero hindi ko magawa.“Gandang umaga sa lahat!” bungad niya, taas-kilay pa, sabay irap sa isa sa mga kasambahay na obvious na ayaw sa kaniya. “Nandito ba ‘yung nagsabin
Levi Hamilton POVPutangina. ‘Yung “blush” niya, may sarcasm. Naririnig ko na ‘yung imaginary teleserye sound effect sa utak ko. Hindi na ako makahinga ng maayos. Pakiramdam ko, alam niyang may nangyari. Alam niyang may mali. At gusto niyang i-dissect ‘yung mismong pagkakamaling ‘yon sa harap ng hallway. “T-thank you, Marcia. You can go back to your duties now,” utal kong sabi habang naglalakad palayo na parang may hinahabol akong hangin sa loob ng dibdib ko. Pero bago ako tuluyang makalayo, narinig ko pa ang huling linya niya: “Ang ganda po ng bagong Yaya ni Princess sir, sana po ay magtagal siya rito sa mansyon.” Lumingon ako. Ngumiti siya—‘yung mapang-asar pero may halong totoong kilig sa mata. Ako naman, tuluyang naglakad papalayo… mabilis. Shet. Masyado nang intense ‘to.
Levi Hamilton – First Person POV Tahimik ang gabi. Tahimik ang buong mansyon. Isa 'to sa mga bihirang pagkakataon na nakakauwi kami ni Princess ng hindi dis-oras ng gabi dahil hindi ko na kinaya ang kabigla-biglang pasabog niya sa gitna ng Pasig bridge nang mas inuna kung ipaayos ang na flat kong sasakyan kaysa sa kaniya. Kanina lang, muntik na siyang mawala at tumalon sa Pasig Bridge—at ngayon, parang wala lang, parang natagpuan na niya ang bagong mundo sa isang babaeng kakikilala pa lang niya. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto niya, dahan-dahan ang bawat hakbang ko. Ayokong manggising, gusto ko lang masigurong ayos siya. Ligtas. Kumportable. At ayun sila—magkayakap. Nakaunan si Princess sa braso ng bagong yaya. Parehong mahimbing ang tulog. Walang iniinda, para bang wala silang dinaanang kabaliwan ngayong araw. Napatingin ako sa babae. Si Calista. Ang baba