Share

Chapter 13

"Alam mo, CJ, kinakabahan na ako kay Miss Green. Baka mamaya iba na magawa niya dahil sa selos. Akalain mo ba namang tinarayan ang dalawang magandang babae kanina?!"

"Tsk!"

"Oh, see? Nagselos na naman siya kasi sinabi kong 'maganda'." Pinaparinggan ako ni Veigo na nasa passenger seat katabi ni Clark na nagda-drive. "Pwede niya naman sanang sabihin na ayaw niya, edi sana hindi na lang ako pumayag na maki-picture doon sa kanila. Siyempre mas susundin ko pa rin siya kasi siya si Miss Green."

"Ewan ko sa'yo, Veigo."

Nilingon niya ako. "Sabihin mo na lang kasi, may pagnanasa ka sa'kin kaya ka nagselos," kampante niyang sabi.

"At sinong may sabing nagselos ako?" tinaasan ko siya ng kilay. Pauwi na kami ngayon matapos naming mamili. Simula nang sinabi ko 'yon sa mga babae ay hindi na magkamayaw si Veigo sa kaaasar sa akin na nagseselos daw ako. Si Clark naman sinasabayan pa ang asar ng kaibigan.

Hindi. Ako. Nagselos. Wala akong rason para magselos. Sadyang mataas lang ang tingin ni Veigo s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status