Third Person POV
"When am I going to see my great-grandchild?" the old woman asked as she sips on her tea.
The man in front of her heaved a sigh. This isn't the first time his Lola asked for a grandchild as if it's easy to make one. He's so sick of that child and marrying thing. He doesn't see himself getting married and being committed to anyone or anything except for his job.
Being married is just a waste of time. It keeps you away from reaching high, higher, and highest. It keeps you distracted and obligated to make time for your wife and kids, and he doesn't like that.
"La, I don't even have a girlfriend." He adjusted his glasses and continued reading the newspaper.
Minsan na nga lang bumisita sa bahay ng lolo't lola niya, ganito pa ang bubungad sa kaniya.
"Then find yourself one!" Having a superstitious and very traditional Lola is not easy. She keeps on telling him to find himself a wife and build a family of his own. A decade has passed since his Lola started to remind him to have a family, but he remained single until now.
"Who wouldn't want to date someone like you? You're handsome, thanks to my genes, and rich. But not young, for Pete's sake you're already 30!" she's exaggerating, that's what he thought. "Napag-i-iwanan ka na ng kalendaryo, jusmiyo! Ang iba mong kaibigan ay may mga pamilya na, ikaw heto't binata pa rin!"
"It's a choice, La. And besides I love to be, and to stay single." Archer Thiago Valle definitely has the looks and money to attract women, but the problem is that he is not interested in anyone. Well, ever since she– Archer shook his head to divert his thoughts.
He tried to flirt and date to make his Lola happy, but he just couldn't feel that 'butterfly in my stomach'. Instead, he felt cringe.
"Sa ngayon ay nasasabi mo pa 'yan. But as you get older, you'll realize that it's better to have someone you'll grow old with."
"Well, I'm not that old to feel that yet, so I'll just enjoy being a bachelor."
"At kailan ka pa maghahanap ng mapapangasawa, aber? Kapag ugod-ugod ka na? Kapag MMMM ka na? Kapag ang mga babaeng lalapit sa'yo ay siguradong pera lang ang habol? And if ever na magka-anak man kayo, nagfly-fly na kami ng Lolo mo sa heaven no'n." He doesn't like his Lola's chosen words. Archer knows that his grandparents will eventually leave this world, but he doesn't like the thought of it, much more hearing it from his Lola.
Binaba ni Archer ang dyaryong hawak at tiningnan ang kaniyang lola'ng umiinom ng tsaa na para bang hindi ito nagsalita tungkol sa kamatayan nito. "La, you'll live longer. Don't you want to break the Guinness World Record as the oldest person who lived?"
Kunot noong tiningnan si Archer ng Lola niya. "And what? Live in this stressful, polluted and over populated world? No way!" Pumorma ng malaking ekis si Lola Cecilia gamit ang dalawang braso niya.
"La–"
"Apo," pigil ni Lola Cecilia. "Ang sinasabi ko lang naman ay sana makita ko pa ang mga apo ko sa'yo bago pa kami lumisan sa mundong ibabaw. Hindi ko man sila makitang lumaki, at least man lang makita ko silang isilang. At sana makita man lang kitang nakatayo sa altar habang hinihintay ang babaeng gusto mong makasama habang buhay." Gone is his Lola's funny tone. Archer knew that he's Lola's serious, but he really doesn't want a family, except for his grandparents of course.
Archer nodded and didn't want to prolong the conversation. He wanted to tell his Lola that he couldn't see himself as a father and a husband but didn't want to hurt his Lola's feelings. That's why he kept his mouth shut. Maybe one day his Lola will understand.
"KAILANGAN KO ANG pera ngayon at hindi bukas! Buo kong ibinigay ang pera kaya't buo mo ring ibalik sa akin iyon!" malakas na sigaw ng ale sa babaeng nakatayo sa may pintuan. Marahas nitong binuksan ang pamaypay at mabilis na pinaypayan ang sarili.
Self proclaimed donya, ganyan ilarawan ng babae ang ale sa harapan niya.
"Hindi naman ho ako ang gumamit ng perang 'yon. Ni hindi ko nga alam na may utang pala ho sa inyo ang nanay." Kahit ubos na ang pasensya ay mas pinili ni Adelaide na marahang kausapin ang ale. Isa pa, masyado na siyang pagod para makipag-talo.
"Nangutang sa akin ang nanay mo noong natalo sa sugal! May lista ako sa lahat ng mga utang niya, mga petsa at kung magkano! Kung gusto mo ay ipakita ko pa sa'yo."
"Sige ho, gusto kong makita."
Tumaas ang kilay ng ale. "Nasa bahay, hahanapin ko pa. Pero! Sa susunod na balik ko dito'y dapat nakahanda na ang bayad mo!" duro ng ale kay Adelaide.
"Wala ho akong pera. Lahat ng ipon ko'y napunta sa pampalibing ni nanay. Lahat ng iniwan niya sa akin ay puro utang. Sana naman po bigyan niyo ako ng kaunting panahon para makapag-ipon."
"Aba'y hindi ko na problema iyan." Mabilis na umiling ang ale. "Ang gusto ko ay ibigay mo sa akin ang perang inutang ng nanay mong sugarol!"
"Hindi ko naman utang 'yon." Unti-unti nang hindi napipigilan ni Adelaide ang sarili.
"At anong gusto mong gawin ko? Singilin siya sa hukay?" sarkastikong sabi ng ale.
Pwede mo siyang singilin sa impiyerno. Pinigilan ni Adelaide ang sarili na sabihin iyon nang malakas.
"Wala akong perang pambayad," direstsang sabi ni Adelaide.
"Bakit hindi mo singilin ang tatay mong kano? Paniguradong may pera 'yon!"
Gustong sabihin ni Adelaide na hindi niya kilala kung sino ang ama niya, o kung ano ang itsura nito. Basta ang alam niya lang ay mayroon itong berdeng mga mata na kagaya sa kaniya. Pero hindi niya ibibigay sa ale ang pribelehiyong magkwento tungkol sa buhay niya.
"Bigyan niyo lang ako ng konting panahon."
Sinara ng ale ang pamaypay saka itinuro sa kaniya. "Siguraduhin mo lang na magbabayad ka, kung hindi baka kung anong magawa ko sa inyo!" banta ng ale.
Kakatapos lang ng burol ng nanay ni Adelaide at ito kaagad ang bumungad sa kaniya. Kung noon ay ang nanay niya ang humaharap– at minsan ay nagtatago– sa iba-ibang taong napupunta sa bahay nila para maningil, ngayon ay mukhang siya naman ang gagawa nito.
Malakas na napabuntong-hininga si Adelaide. Nararamdaman niyang hindi na magiging payapa ang buhay niya.
Nakarating na kami sa San Rafael. Paano ako nakakasiguro? Nakita ko ang malaking arko na gitna ng kalsada na may nakasulat na "Welcome to San Rafael" sa taas nito. Unlike sa siyudad kung saan kami nanggaling na matataas at moderno ang mga gusali, iilan lang ang nakikita kong commercial buildings dito. Karamihan ay palayan, kabahayan, at iilang mga maliliit na establisyemento. Ang pinakataas na nakita ko pa lang ay limang palapag na gusali. Magaganda at sementado naman ang ibang mga bahay na nakikita ko, pero hindi pa talaga ganoon ka sibilisado ang buong bayan. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa harap ng isang gusaling under construction. Ito na yata ang site na sinasabi ni Archer. Pinarada niya ang sasakyan sa gilid saka pinatay ang makina nito. Nauna akong bumaba sa kaniya at hinintay siyang makalabas. Nakasunod lang ako sa kaniya habang naglalakad siya papasok sa site. Mayroong pader na sinadyang ginawa para ipangharang sa harap ng ginagawang gusali. Sa labas nito ay nakapa
"Nasa biyahe pa po ako, kasama ko po ngayon si Archer," mahina kong sagot sa tawag. Alam kong naririnig ako ni Archer pero mas pinili niyang magkunyari na wala siyang naririnig at nag-focus lang sa pagmamaneho. "At saan naman kayo pupunta?" May halong pagdududa sa boses niya. "Hindi ko po alam." Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Baka nawalan na ng tiwala sa akin si Madam at isipin niya na iba akong pagnanasa sa apo niya. Mas mabuting ipaliwanag ko na lang sa kaniya sa personal kaysa sa telepono. "Hm. Bibisita ako sa bahay ni Archer mamaya for dinner. We'll talk later. For now, give Archer the phone." Tumango ako na para bang kaharap ko ang kausap. Lumingon ako kay Archer saka inabot ang telepono. Nakuha niya agad ang ibig kong sabihin kahit hindi ako nagsalita saka kinuha sa kamay ko ang cellphone. "Yes, La?" Kanang kamay niya ang may hawak ng cellphone habang ang kaliwa ay nasa manibela. Diretso ang tingin niya sa kalsada habang kinakausap si Madam sa cellphone. "Sa site in San
Bigla akong nagising sa malakas na pagtunog ng aking telepono. Nakapikit ang matang inabot ko sa bedside table ang cellphone kong tunog nang tunog. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla akong makaramdam ng sakit kasabay ng pagsagot ko sa tawag. Hindi ko na nagawang tingnan ang naka-register na caller.["Hoy, gagita ka! Hindi mo naman sinabi na may something pala kayo ni Archer Valle!"] malakas na bungad ng nasa kabilang linya. Kailangan ko pang ilayo ang telepono sa tainga ko para hindi mabasag ang eardrums ko. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha?" Kagigising ko lang tapos ganito agad ang bungad ni Kath. "Anong something something ang pinagsasabi mo?"["Girl, kalat na kalat sa social media ang picture niyo si Archer! Hindi ko masyado makita ang mukha mo pero alam kong ikaw 'yon! Bakit niyo naman kasi piniling magmilagro sa sasakyan? Gaga, andaming umaalam sa identity mo. Kesyo kung sino ka daw, kaano-ano mo si Archer, kung girlfriend ka ba, o secret na asawa."] may halong pag-aalala
Wala akong dalang cellphone, o bag, o kahit pera. Lintik na buhay. Dapat talaga paalalahanan ko ang sarili kong magdala ng bag. Pero sa kabilang banda, hindi ko pa rin naman matatawagan si Archer kahit pa dala ko ang cellphone ko kasi wala akong number niya. And if mayroon man, I doubt na sasagutin niya ang tawag ko. Inis akong nagmarcha palapit sa gusali. Bahala na, basta dadaan na lang ako sa makita kong pintuan. May nakita akong pintong gawa sa salamin hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. Naglakad ako papalapit sa glass door saka sumilip sa loob. Walang tao. May malapad na space sa loob bago makikita ang mahabang hallway. Kahit nagdadalawang-isip ay binuksan ko ito at pumasok sa loob. Sinundan ko lang ang mahabang hallway na nasa unahan ko kahit pa hindi ko alam kung saan ako nito dadalhin. Ilang sandali akong naglakad bago narating ang isa na namang hallway. Seriously? Hindi ko alam kung sa kanan o sa kaliwa ako dapat pumunta. Saan ba dapat? Aish bahala na nga! Lumiko ako paka
Inayos ko muna ang gown na suot bago pagalit na nag-marcha palabas ng mansyon. Pero dahil nga hindi ako sanay mag-heels ay mabagal at maingat pa rin akong naglakad. "Wala ka bang mas maibabagal pa d'yan?" sarkastikong tanong ni Archer. Masama ko siyang tiningnan habang naglalakad papalapit sa limousine. "Maghintay ka, gago! Kung tinulungan mo ako kanina eh di sana mas mabilis akong makakapunta diyan!""Kung hindi ka ba naman tanga eh di sana hindi ka nadapa. Bilisan mo na diyan at anong oras na. Tsk. Hindi ka VIP para hintayin." Nauna ulit siyang sumakay sa sasakyan. Nang makapasok na ako sa wakas sa limousine ay padarag kong sinara ang pintuan. "Hindi mo man lang ako pinagbuksan ng pinto," mahina pero pagalit kong sabi. Sakto lang para marinig niya. Agad akong napatigil nang makita ang loob ng limousine. Oo nakasakay na ako sa limousine ni Madam, pero itong limousine na 'to ay higit na mas magara ang interior kaysa sa nauna kong nasakyan. Muntik na akong mawalan ng balanse nang
Nu'ng sinabi ni Madam na maghahanda kami para sa party, I didn't actually expected na total makeover pala ang gagawin namin– or should I say, gagawin niya sa akin. Pagkatapos namin doon sa Nail Salon ay dito naman kami sa mall dumiretso at pumasok sa isang boutique. Transwoman ang may-ari ng boutique na kaibigan din ni Madam. Skye Alcantara ang pangalan niya at isa siyang kilalang designer ng mga damit. Nakapag-design na siya para sa mga sikat at kilalang personalidad hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa."Marami kami ditong pagpipilian, or if you want we can make your dress based on your taste. We could design it for you, or you can tell us what type, kind, and design of dress you want." Kagaya ni Carol, mabait din si Skye. Though ang first impression ko sa kaniya ay hindi maganda dahil na din sa paraan ng kaniyang pagtitig. Skye has fierce cat eyes na nagbigay ng impression na parang palaging masama ang tingin niya. Halos katulad ng mga mata ni Amber, kaya lang m