Share

Chapter Forty Eight

“Gusto ko lang na malaman mong sumama ako sa ‘yo rito hindi para mabrainwash mo ako na hiwalayan si Preston at umalis sa bahay. Sumama ako dahil hindi naman ako bastos para hindi ka pansinin at hindi pakinggan ang side mo,” mahinahong sambit ko matapos naming umupo sa upuan.

Malakas na bumuntong hininga si Margaux dahil sa sinabi ko ngunit taas noo ko lamang siyang tiningnan. Tumingin ako sa suot kong relo bago muling nag-angat ng tingin sa kaniya. “Kung ano man ang sasabihin mo, kung puwede sana ay pakibilisan. Mayamaya na lamang ay lalabas na sa school sina Chantal kaya kailangan ko silang sunduin.”

“Mahaba ang ikukuwento ko kaya huwag mo akong madaliin.”

“E ‘di paikliin mo,” pamimilosopo ko pa at tinaasan siya ng kilay.

Mula nang pumunta siya sa bahay ay hindi na siya muli pang bumalik na siya namang ikinalungkot ko—oo, ikinalungkot. Medyo nagsisi kasi ako dahil hindi ko siya nilabanan kaagad noon at nanatili akong takot kahit na wala naman pala akong dapat pang ikatakot.

Hiwalay n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status