Share

Chapter Thirty Six

Agad akong nagpanic nang marinig ang sinabi ni Chantal kaya naman kahit wala pa akong saplot ay mabilis akong bumangon sa hinihigaan kong kama at isa-isang pinulot ang mga damit kong nakakalat sa sahig at dali-daling tumakbo papunta sa banyo upang magtago.

Nang maisara ko ang pinto ng banyo ay siya rin namang pagbukas ng pinto ng kuwarto kaya’t muntikan na akong mapasinghap, mabuti na lamang at agad akong natakpan ang aking bibig.

“Huh? Bakit wala?” Rinig kong tanong ni Chantal, marahil nang matapos silang pumasok sa loob.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at agad na napangiwi. Bakit naman kasi hindi ini-lock ni Preston ang pinto noong lumabas siya? Shit naman!

“Chanty, ‘di naman pupunta rito ang Mama ko. ‘Di ba ‘di sila bati ng Daddy mo?”

Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ang sinabi ni Jarvis. Naiimagine kong umiiling-iling siya habang sinasabi iyon kaya naman mas lalo akong kinabahan lalo pa’t baka malaman niyang nasa loob nga ako ng banyo.

At kami? Hindi kami bati ni Si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status