Share

CHAPTER 10.2

PAGKATAPOS ng tawag na iyon ay natulala ako saglit. Umagang-umaga pero ang lakas ko ay ubos na ubos na. Napahilamos na lang ako sa aking mukha at pinunasan ang kagigising pa lang na pagmumukha.

Ayos ah, magkahalong sakit sa katawan at puso ang almusal ko. Puwede nang hindi kumain ng kanin! Magaling!

"Oy! Napano ka naman diyan?" Untag ni Annie sa akin. Kababangon lang at sabog pa ang buhok. "Umagang-umaga parang pinagsakluban ka ng lupa, ah? May problema? Ano? Pera?" Sunud-sunod niyang tanong.

Umiling ako at ngumiti sa kanya at saka tumayo. Sisimulan ang umagang ganoon ang bungad. Hindi na dapat ako nagtaka pa, iyon palagi ang bukambibig nila kapag hindi ko nabibigay ang gusto nila.

As usual, maingay na naman ang maid's quarter dahil sa bunganga ng mayordoma. Ewan ko ba, hindi nauubusan ng sasabihin. Tumitikom lang yata ang bibig nito tuwing natutulog. Kasi maging sa pagkain ay maingay.

"Bilisan ninyo! Dapat ay malinis lahat ng makikita ko!" Suplada niyang pinagdududuro ang mga kas
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status