Pinagtagpo pero hindi itinadhana.
Siguro nga hanggang doon na lang ang love story namin ni Brandon. He’s not my first love neither my greatest love. Kaya siguro hindi ako nahirapang bitawan siya, kasi hindi ganoon kalalim ang feelings ko sa kaniya. But still, nasaktan ako sa ginawa niya. Parang naapakan ang ego ko. Hindi ko matanggap na naloko ako sa pag-ibig. Ilang years ko iyong hinintay after ng first break-up ko sa first love ko. And yet, I ended up being cheated and humiliated. “Brandon, iniwan mo rin ako sa huli…” Nagpagulong-gulong ako sa kama hanggang sa maging comfortable ako sa posisyon ko. Inabot ko ang unan at niyakap ito nang mahigpit, as if I’m comforting myself. Ang kailangan ko lang ngayon ay matulog para makalimutan saglit ang mga nangyari kanina. “I hope our path will never cross again,” bulong ko at pinikit ang mga mata. — “Elize! Elize!” Nilingon ko ang tumawag sa’kin pero wala akong ibang nakikita. Parang mag-isa lang ako rito. Teka, nasaan nga pala ako? Gano’n ba kabilis ang oras? Sa pagkakaalam ko ay ilang seconds pa lang na nakapikit ang mga mata ko. Kaya anong ginagawa ko rito? “Who’s there?” sigaw ko, pero umalingawngaw lang ang boses ko sa buong lugar. It gives me goosebumps, hearing my own voice in nowhere. It's like, I was abandoned in a place where I see nothing but blurred lights and neverending horizons. Weird. Anong lugar kaya ‘to? Saang lupalop ng mundo makikita ang lugar na ‘to? Bakit wala akong alam tungkol dito. “Elize! Where are you?!” Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin ang boses na iyon pero wala talaga akong makita. Wala rin akong maramdamang hangin na para bang nakakulong ako sa isang kahon. Pero ang nakakapagtaka ay hindi manlang ako nahihirapan huminga. “You will never be Elize, again! “You're nothing but a second rate…” “Trying hard, Elize…” “Stop! Please!” pagmamakaawa ko. Nagulat ako sa sarili ko dahil sa pagmamakaawa kong tigilan nila ako. Pinalilibutan nila ako at pakiramdam ko ay unti-unting silang pumapasok sa utak ko. Nagagalit sila sa'kin pero at the same time ay tinatawanan nila ako. “Where's your originality?" “Tigilan niyo ako!” Sumigaw ako nang malakas at tumakbo, umaasang lalayuan nila ako. Pero habang tumatakbo ako ay sumusunod sila sa’kin. Para bang nakatali sila sa sarili kong katawan kaya ayaw akong lubayan ng mga ito. Pakiramdam ko ay mababaliw ako. “Leave me alone! I'm begging!” Tinawanan lang nila ako kaya natakot na ako. Sana ay panaginip lang lahat. Sana ay lubayan na nila ako. Dahil masisiraan na ako ng bait kapag nagtagal pa sila sa paligid ko. “Help me!” Nagising akong madilim ang paligid, pawisan at hinihingal. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ramdam ko pa rin ang takot na naramdaman ko kanina. Pakiramdam ko tuloy ay nakamasid sa’kin ngayon ang mga boses na ‘yon. “Hindi talaga ‘to maganda. Ngayon pa lang ay binabangungot ako ng konsensya ko.” — “Good morning, Miss AG! Ano pong nangyari sa mga mata mo?” bati sa'kin ng guard na mukha namang concern sa kondisyon ng mga mata ko ngayon. Literally, may dalawang itim na circles sa mga mata ko ngayon. Matapos kong magising kagabi dahil sa masamang panaginip ay hindi na ako nakatulog. Kaya gising ako hanggang mag-umaga at nakuha ko ‘tong eyebags na hindi kayang takpan ng concealer. Ayaw ko sanang pumasok pero naalala kong may meeting kami ni Alexus ngayon. Nagdalawang-isip pa ako kanina pero alam kong iha-hunting lang niya ako ulit. “Nightmares,” bored kong sabi at dumiretso ng elevator. Hindi ko pinansin ang mga bumabati sa’kin dahil wala talaga ako sa mood. Baka sila pa ang pagbuntungan ko ng negative energy. “Oh, AG, okay ka lang?” bungad na tanong ni Monique, pero nginitian ko na lang siya nang pilit at dumiretso sa table ko. Nilapag ko lang ang bag ko sa table at sandaling binaon ang mukha sa table. “I hate you, Alexus! Kasalanan mo ‘to eh. Ikaw ang dahilan kaya nagkakaroon ako ng nightmares,” bulong ko sa sarili at malakas na hinampas ang table. Narinig kong nagmura si Monique dahil nagulat siya sa ginawa ko pero wala akong pakialam. Bahala na siya mag-isip kung anong nangyayari sa’kin. “AG, a text from Mr. Alexus. He wishes to see you in his office—” Hindi pa siya tapos magsalita ay inangat ko ang mukha ko at nilingon siya. “Very well, then,” sagot ko at tumayo. Dire-diretso akong lumabas at nagtungo sa office ni Alexus. Naabutan ko siyang nakaupo sa swivel chair habang pinapaikot ang keychain sa daliri. I guess, someone had a nice sleep, except for this woman, who had the worst nightmare this month. “Good morning, Mr. Alexus. Pinatawag mo raw ako?” “Good morning, sunshine,” seryosong sabi niya at saglit na tumahimik, pero hindi ako nilulubayan ng tingin, “What happened to your eyes?” Napakuyom ako ng mga kamay at pilit na ngumiti. Ba't pa niya tinatanong? Siya kaya ang dahilan kung bakit ganito ang mga mata ko. “Unlike you, Mr. Alexus. I think you had a NICE sleep,” sagot ko na nakangiti pa rin, pero deep inside ay gusto ko na siyang sakalin. Nanggigigil ako!Another day, another panloloko sa lahat. Simula nang araw na naging si Aelice ako, pinagdadasal ko tuwing magigising ako sa umaga na sana ay matapos nang maaga ang pagiging impostor ko. Nakaka-bother na kasi tuwing naaalala ko ang mga natuklasan ko tungkol kay Aelice. Hindi ako makatulog sa gabi at palagi ko siyang napapanaginipan na nakatingin sa’kin at tumatawa na parang baliw.Sa totoo lang ay natatakot ako tuwing nakikita ang mukha niya. Ang creepy kasi isipin na mukha ko ang dala-dala ng taong hindi ko alam kung tao pa ba o naging multo na. Kahit alam kong buhay pa siya, para na rin siyang multo para sa’kin.“Good morning, Miss Aelice.”“Good morning, Siena,” tugon ko sa kaniya at ngumiti.“Good morning, Mr. Alexus,” biglang sabi ni Siena na nakatingin na sa likuran ko.Hindi ko siya nilingon at dahan-dahan na lang na naglakad. Pero bigla niya akong hinila kaya napabilis ang paglakad ko. Napangiwi na lang si Siena sa nasaksihan. Alam kong awang-awa siya sa’kin. Pero wala siyang m
“AG, na-send ko na pala sa email mo ‘yong file na hinihingi mo sa’kin kahapon,” sabi ni Monique, nginitian ko lang siya at binalik ang tingin sa monitor.Ni-log in ko ang account ko sa Gmail at hinanap ang sinend ni Monique. Akmang iki-click ko na sana iyon nang biglang mag-pop up ang isa pang email. Walang nakalagay na subject sa email. At higit sa lahat walang sender name. Hindi kaya scammer ‘to tapos ang target ay ang ALera? Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko ‘yong email. Gusto kong makatiyak.After many seconds of thinking, inopen ko ‘yong email. Napalunok ako nang wala sa oras at ayaw bumuka ng bibig ko. As if, nakakita ako ng multo.You're not me. Stop pretending.Tumigil talaga ang mundo ko sa nabasa. Wala talagang subject line. Walang sender name. Pero malinaw ang mensahe na natanggap ko. Parang binibigyan ako ng isang babala. Isang akusasyon na maging ang sarili ko ay sang-ayon sa sinabi ng sender. Nagpapanggap nga akong ibang tao.Hindi ako gumalaw. Parang may malam
Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ni Alexus ay nagpaalam akong umuwi nang maaga. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko simula nang pumasok ako ng boardroom. ‘Yong pressure na naramdaman ko kanina ay dala-dala ko nang lumabas ako ng room na iyon. At hanggang ngayon ay hindi ako nilulubayan. Parang nasu-suffocate ako sa lugar na kinaroroonan ko. Might as well leave this place for a while.Paglabas ko ng elevator, may receptionist na kaagad na lumapit sa akin. Medyo nagulat pa ako ng kaunti pero hindi ko na lang pinahalata. May hawak siyang isang bagay na kaagad kong napansin.“Miss Aelice, may pinabibigay po si Mr. Alexus para sa inyo,” sabi nito at inabot sa’kin ang bagay na kanina ko pa napansin.Hindi kaagad ako nakapagsagot. Hindi dahil sa nagulat ako kun’di naririnig ko ang echo ng salitang Miss Aelice sa tenga ko. Tinanggap ko ang maliit na envelope na gawa sa gold foil. May naka-embosed na initials dito. It’s A.G. Basically, it’s for her, not for me.Pagbukas ko ng envelope
“Miss Aelice, we’re ready for you.”Tumayo ako habang pilit na tinutuwid ang likod kahit nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa first time ko mag-present sa harap ng mga important people ng ALera. Sa pagkakaalam kasi nila ako si Aelice at hindi ibang tao. Kaya batid kong malaki ang expectation nila sa meeting ngayon.Ang tunog ng heels ko sa marmol na sahig ay parang martilyo sa dibdib. Pakiramdam ko may pumupukpok din dito. You need to relax, Elize. Hindi dapat nila mapansin na hindi ako confident sa gagawin ko. Malaki ang expectation nila, lalong-lalo na si Alexus na narito rin sa boardroom.Lahat ng mata ay nakatutok sa’kin na parang sinusuri ang bawat hakbang na ginagawa ko. Ang mga investors, board members, at analysts na present ngayon ay mga taong kilala si Aelice. Hindi si Elize. Hindi ako. Kaya doble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Paano kung pumalpak ako? Paano kung hindi maganda ang kalalabasan ng meeting na ‘to? Mapapahiya si Alexus ‘pag nangyari iyon. At mas lalong
“Congratulations,” bati ni Alexus, habang nakatayo sa harap ng glass wall ng opisina ko. Nakasuot ngayon ng black suit ang magaling kong boss, pero naka-half smirk siya sa’kin na parang nang-aasar. Paano ba naman bigla akong na-promote ng wala manlang ginagawa so far. Wala pa nga akong one month sa ALera ay tumaas kaagad ang posisyon ko. Ganito ba katanga si Alexus kay Aelice?“AG, in my office.”Tinalikuran na niya ako at lumabas ng opisina, kaya dinampot ko ang phone ko at nagmadaling sumunod sa kaniya. Mainipin pa naman siya. Baka umepal na naman ang mood swings niya at imbes promotion ang mangyari ay demotion ang ibibigay niya. Ayoko pa naman maging janitor. Pang-secretarial kaya ‘tong skills ko.Narating ko ang office niya nang ilang minuto lang dahil binilisan ko talaga ang paglakad. Naabutan ko siyang nakaupo na sa swivel chair at nilalaro ang sign pen sa table. Napalunok ako ng wala sa oras dahil iba ang kabang ibinibigay niya sa’kin. ‘Yong tipo na pinapagalitan ako ng strict
Tahimik na ang buong opisina. Siguro nga ay nag-iisa na lang ako rito sa building, maliban sa security guard na nasa lobby. Sa tantiya ko ay alas otso na ng gabi. Ito ang unang beses na inabot ako ng ganitong oras sa opisina na mag-isa lang dito sa part na ‘to ng ALera. Siguro nga ay wala rin dito si Alexus dahil hindi ko pa siya nakikita kanina pa at hindi pa siya bumabalik sa office niya.Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin, hawak ang files na may pangalan ni Aelice. I know simpleng information lang ang nasa loob nito. But the fact that I discovered the truth about her missing is the thing that I couldn’t swallowed. May ginagawa kayang hakbang si Alexus para mailigtas siya? Siguro naman, oo. Kasi fiancee niya ang kinuha sa kaniya imbes na ang kumpanya. Pero hindi ko pa rin ma-imagine na babagsak ang future ng ALera sa kamay ng iba. Alam na kaya niya kung sino ang traidor sa kumpanyang ito?Tiningan ko ang sarili, pero ang nakita ko ay hindi ako. Hindi si Elize. Hindi rin si Aeli