Nakatitig lang siya sa’kin, kaya kinakabahan ako nang kaunti. Baka na-offend ko siya. It was just a silly joke. Ilang minutes na akong nakatayo rito pero wala pa rin siyang sinasabi. Balak ba niya akong patayuin dito magdamag? Nanlaki ang mga mata ko sa na-realize ko. Posible niyang gawin sa'kin ‘yon. Siya ang boss ko ngayon at puwedeng-puwede niya akong pahirapan.
“What is it, Aelice?”
Tumaas nang kaunti ang isa kong kilay dahil tinawag niya ako sa ibang pangalan. Nagsisimula na siyang mag-pretend na ako ang babaeng nakatakdang ikasal sa kaniya. Paano niya kaya nakakayang tumingin sa mga mata ng ibang babae habang iniisip na si Aelice ang kaharap niya? Kung naririto si Aelice, tiyak na masasaktan siya kapag nasaksihan niya ito.
“Guevarra…”
“May ipag-uutos ka ba, Mr. Alexus?” pormal kong tanong at sinundan ito ng tipid na ngiti.
Kailangan ko maging casual sa paningin niya. I must act like I'm the woman he proposed to. Aaralin ko ang mga galawan ni Aelice, pati na rin ang pagkakakilanlan niya. Pero, ngayon pa lang ay nakokonsensya ako. It must be hard to Aelice, watching his beloved fiancé with another girl, who looks like her. Kung nakikita nga niya ang pinanggagawa ni Alexus. Sa ngayon, ay hindi ko pa alam ang totoong dahilan kung bakit kailangan kong magpanggap. Hindi ako kumbinsido na nawawala nga siya.
“Bring me a coffee… black coffee and no… sugar.”
“Noted, Mr. Alexus,” sabi ko kaagad at tatalikod na sana, pero pinigilan niya ako.
“You should call me, Ali… that's her nickname to me.”
Tumango lang ako at lumabas na ng office niya. Nagtimpla kaagad ako ng kape at mabilis na bumalik sa office niya. Naabutan ko siyang nilalaro ang sign pen sa table. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, at hindi naman ako nabigo, tumigil nga siya. Tumingin siya sa’kin na parang kinikilatis niya ang buo kong pagkatao.
“How come that you and Aelice are likely twins? It's so difficult to determine who is who."
Ngumiti lang ako nang tipid at nilapag sa table niya ang kape, “Nagkakamali ka, Mr. Alexus. Magkamukha nga kami ni Aelice pero kahit kailan ay hindi siya magiging ako at hindi ako magiging siya.”
Nakita kong nag-iba ang expression ng mukha niya, pero bumalik din sa papaging blangko.
“Very well said, Guevarra…or should I say… Geronimo?” sagot niya at nag-smirk, kaya napakuyom ako ng mga kamay.
Kung hindi niya lang ako binlackmail, hindi ko tatanggapin ang trabahong ito. Pero sa ngayon ay nakasalalay sa kaniya ang magiging takbo ng buhay ko, kaya wala akong laban sa impluwensya niya.
“Mr. Alex, may ipag-uutos ka pa ba sa’kin?” pag-iiba ko ng usapan.
“I need a massage—”
“Right away, Mr. Alexus,” sagot ko agad at naglakad papunta sa likuran niya.
Nilagay ko ang mga kamay ko sa likuran niya at sinimulan siyang masahihin. Tahimik lang ako habang pinapakiramdaman siya. Masasabi kong hindi ako komportable at kinakabahan pa rin ako. Pero narito na ako sa sitwasyong ito. Wala nang atrasan. Sana lang ay makita na si Aelice para hindi magtagal ang pagpapanggap ko rito.
—
Alas sais na ng gabi pero narito pa rin ako sa ALera. May nakita kasi ako kaninang files sa white box, na alam kong pagmamay-ari ni Aelice. Hindi ako nagdalawang-isip na halughugin ang mga gamit niya dahil kailangan ko iyon para mas makilala ko pa siya, para alam ko kung paano maging siya.
“So, bago naging secretary ni Alexus si Aelice ay naging janitor muna siya ng ALera?”
Ang galing naman niya sa part na naging secretary siya sa loob ng one year. At dahil naging secretary siya ni Alexus ay naging madali ang pagkakaroon nila ng relasyon. The current president fell for her.
“Aelice… lalo akong naku-curious sa pagkatao mo…”
Ibinalik ko ang mga documents sa box nang makarinig ako ng malakas na kalabog. Kaagad akong tumayo at lumabas para tingnan kung ano ang nangyari.
“Alexus!” sigaw ko nang makita siyang nakabulagta sa sahig.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at chineck siya kung anong nangyari. He was drunk. Hindi lang siya nakainom, lasing na lasing pa. Kaya siguro ay bumagsak na lang ang katawan niya dahil hindi na niya kayang tumayo at maglakad.
“Alexus…”
Tinulungan ko siyang tumayo at maglakad, nahirapan pa ako dahil ang bigat ng katawan niya. Pero nagawa ko siyang dalhin sa couch. Nakahiga lang siya rito. Iniwan ko siya saglit at bumalik sa office ko para kumuha ng polbo.
“Bakit kaya siya nagpakalasing?” tanong ko sa sarili habang pabalik sa office niya.
Siguro ay naalala niya si Aelice kaya siya nagkakaganito.
“Alexus, lalagyan kita ng powder sa likod ah,” sabi ko at dahan-dahang nilagyan siya ng powder sa likuran niya.
Naglagay rin ako sa leeg niya at sa noo. Nang matiyak kong puwede na siyang iwan ay tumayo na ako. Pero bigla niya lang ako hinawakan sa kamay, kaya natigilan ako. Ano na naman, Alexus?
“Don't leave… Please, don't leave… Aelice…”
Sinasabi na nga ba at si Aelice ang dahilan kaya siya nagpakalasing. Nakakaawa siyang tingnan. Para siyang miserable. Para siyang clown na tinatago sa lahat ang tunay niyang nararamdaman. Pity.
“Aelice, don't go…”
Sana ay ang tunay na Aelice ang nasa tabi mo ngayon. Pero ibang tao ang kasama mo, Alexus. And, I am not your, Aelice.
Another day, another panloloko sa lahat. Simula nang araw na naging si Aelice ako, pinagdadasal ko tuwing magigising ako sa umaga na sana ay matapos nang maaga ang pagiging impostor ko. Nakaka-bother na kasi tuwing naaalala ko ang mga natuklasan ko tungkol kay Aelice. Hindi ako makatulog sa gabi at palagi ko siyang napapanaginipan na nakatingin sa’kin at tumatawa na parang baliw.Sa totoo lang ay natatakot ako tuwing nakikita ang mukha niya. Ang creepy kasi isipin na mukha ko ang dala-dala ng taong hindi ko alam kung tao pa ba o naging multo na. Kahit alam kong buhay pa siya, para na rin siyang multo para sa’kin.“Good morning, Miss Aelice.”“Good morning, Siena,” tugon ko sa kaniya at ngumiti.“Good morning, Mr. Alexus,” biglang sabi ni Siena na nakatingin na sa likuran ko.Hindi ko siya nilingon at dahan-dahan na lang na naglakad. Pero bigla niya akong hinila kaya napabilis ang paglakad ko. Napangiwi na lang si Siena sa nasaksihan. Alam kong awang-awa siya sa’kin. Pero wala siyang m
“AG, na-send ko na pala sa email mo ‘yong file na hinihingi mo sa’kin kahapon,” sabi ni Monique, nginitian ko lang siya at binalik ang tingin sa monitor.Ni-log in ko ang account ko sa Gmail at hinanap ang sinend ni Monique. Akmang iki-click ko na sana iyon nang biglang mag-pop up ang isa pang email. Walang nakalagay na subject sa email. At higit sa lahat walang sender name. Hindi kaya scammer ‘to tapos ang target ay ang ALera? Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko ‘yong email. Gusto kong makatiyak.After many seconds of thinking, inopen ko ‘yong email. Napalunok ako nang wala sa oras at ayaw bumuka ng bibig ko. As if, nakakita ako ng multo.You're not me. Stop pretending.Tumigil talaga ang mundo ko sa nabasa. Wala talagang subject line. Walang sender name. Pero malinaw ang mensahe na natanggap ko. Parang binibigyan ako ng isang babala. Isang akusasyon na maging ang sarili ko ay sang-ayon sa sinabi ng sender. Nagpapanggap nga akong ibang tao.Hindi ako gumalaw. Parang may malam
Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ni Alexus ay nagpaalam akong umuwi nang maaga. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko simula nang pumasok ako ng boardroom. ‘Yong pressure na naramdaman ko kanina ay dala-dala ko nang lumabas ako ng room na iyon. At hanggang ngayon ay hindi ako nilulubayan. Parang nasu-suffocate ako sa lugar na kinaroroonan ko. Might as well leave this place for a while.Paglabas ko ng elevator, may receptionist na kaagad na lumapit sa akin. Medyo nagulat pa ako ng kaunti pero hindi ko na lang pinahalata. May hawak siyang isang bagay na kaagad kong napansin.“Miss Aelice, may pinabibigay po si Mr. Alexus para sa inyo,” sabi nito at inabot sa’kin ang bagay na kanina ko pa napansin.Hindi kaagad ako nakapagsagot. Hindi dahil sa nagulat ako kun’di naririnig ko ang echo ng salitang Miss Aelice sa tenga ko. Tinanggap ko ang maliit na envelope na gawa sa gold foil. May naka-embosed na initials dito. It’s A.G. Basically, it’s for her, not for me.Pagbukas ko ng envelope
“Miss Aelice, we’re ready for you.”Tumayo ako habang pilit na tinutuwid ang likod kahit nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa first time ko mag-present sa harap ng mga important people ng ALera. Sa pagkakaalam kasi nila ako si Aelice at hindi ibang tao. Kaya batid kong malaki ang expectation nila sa meeting ngayon.Ang tunog ng heels ko sa marmol na sahig ay parang martilyo sa dibdib. Pakiramdam ko may pumupukpok din dito. You need to relax, Elize. Hindi dapat nila mapansin na hindi ako confident sa gagawin ko. Malaki ang expectation nila, lalong-lalo na si Alexus na narito rin sa boardroom.Lahat ng mata ay nakatutok sa’kin na parang sinusuri ang bawat hakbang na ginagawa ko. Ang mga investors, board members, at analysts na present ngayon ay mga taong kilala si Aelice. Hindi si Elize. Hindi ako. Kaya doble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Paano kung pumalpak ako? Paano kung hindi maganda ang kalalabasan ng meeting na ‘to? Mapapahiya si Alexus ‘pag nangyari iyon. At mas lalong
“Congratulations,” bati ni Alexus, habang nakatayo sa harap ng glass wall ng opisina ko. Nakasuot ngayon ng black suit ang magaling kong boss, pero naka-half smirk siya sa’kin na parang nang-aasar. Paano ba naman bigla akong na-promote ng wala manlang ginagawa so far. Wala pa nga akong one month sa ALera ay tumaas kaagad ang posisyon ko. Ganito ba katanga si Alexus kay Aelice?“AG, in my office.”Tinalikuran na niya ako at lumabas ng opisina, kaya dinampot ko ang phone ko at nagmadaling sumunod sa kaniya. Mainipin pa naman siya. Baka umepal na naman ang mood swings niya at imbes promotion ang mangyari ay demotion ang ibibigay niya. Ayoko pa naman maging janitor. Pang-secretarial kaya ‘tong skills ko.Narating ko ang office niya nang ilang minuto lang dahil binilisan ko talaga ang paglakad. Naabutan ko siyang nakaupo na sa swivel chair at nilalaro ang sign pen sa table. Napalunok ako ng wala sa oras dahil iba ang kabang ibinibigay niya sa’kin. ‘Yong tipo na pinapagalitan ako ng strict
Tahimik na ang buong opisina. Siguro nga ay nag-iisa na lang ako rito sa building, maliban sa security guard na nasa lobby. Sa tantiya ko ay alas otso na ng gabi. Ito ang unang beses na inabot ako ng ganitong oras sa opisina na mag-isa lang dito sa part na ‘to ng ALera. Siguro nga ay wala rin dito si Alexus dahil hindi ko pa siya nakikita kanina pa at hindi pa siya bumabalik sa office niya.Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin, hawak ang files na may pangalan ni Aelice. I know simpleng information lang ang nasa loob nito. But the fact that I discovered the truth about her missing is the thing that I couldn’t swallowed. May ginagawa kayang hakbang si Alexus para mailigtas siya? Siguro naman, oo. Kasi fiancee niya ang kinuha sa kaniya imbes na ang kumpanya. Pero hindi ko pa rin ma-imagine na babagsak ang future ng ALera sa kamay ng iba. Alam na kaya niya kung sino ang traidor sa kumpanyang ito?Tiningan ko ang sarili, pero ang nakita ko ay hindi ako. Hindi si Elize. Hindi rin si Aeli