If he wants me to become Aelice, then I will show him what he’s looking for. Sana hindi niya pagsisihan na ako ang pinili niya. At sana lang ay walang naghihintay na kapahamakan sa akin, dahil makakatikim sa’kin ang Alexus na iyon. Kahit na ubod siya ng yaman ay hindi ko siya uurungan. Maghahalo talaga ang balat sa tinalupan kapag nangyari iyon.
Matapos ang usapan namin ng boss ko raw ay binaba niya ako sa tapat ng fastfood chain. May binigay siyang card sa’kin at sabi niya ay gamitin ko iyon. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ng mga mata ko. Binigyan niya ako ng gold card? Baliw na ba siya? Fastfood chain ‘tong pinagbabaan niya sa’kin at hindi 5-star restaurant. Baka isipin pa ng cashier nila eh nagmamayabang ako sa gold card na hawak ko, kung puwede namang pera ang ibayad.
“What the hell? Anong ginagawa ko rito sa Fast Eat?” gulat kong sabi nang mabasa ko ang pangalan ng fastfood.
Fast Eat is the most expensive fast-food chain in the country. Hindi sila tumatanggap ng petty cash. Now it makes sense. Binigay niya sa’kin ang gold card dahil gusto niya akong kumain dito. May balak siguro siyang pahiyain ako. Pero sorry siya, may dala akong pera. Hindi ko gagamitin ang gold card na hindi naman akin. Hindi rin ako gold na kasing expensive ni Aelice kaya bakit ako magtitiis sa mahahaling kainan na ‘to? Mas masarap pa rin kumain sa karinderya.
Sorry, Fast Eat. Pero hindi ikaw ang bunot ko ngayon.
Bumaba ang tingin ko sa hawak na gold card. May nakapangalan na “Aelice Geronimo.” Hmm, look at that. Aelice is living a luxurious life with Alexus. But yet, she didn’t enjoy it since she’s been missing for no one knows how long. I guess she’s a lucky girl. Baliw na baliw sa kaniya ang isang bilyonaryo na si Alexus. Sabagay, gagawin ba niya ang planong ito kung balewala lang si Aelice. Besides, she’s Alexus’ fiancee.
“Sana nakakatulog ka nang mahimbing. Dahil ako hindi. Kasalanan ‘to ng fiance mo.”
Umalis ako sa harap ng Fast Eat at naghanap ng eatery house na affordable ang price. Kakagigil naman kasi si Alexus. Akala niya siguro ay mapili ako sa pagkain. Kahit pa na magiging si Aelice ako pansamantala ay hindi ko gagawing advantage iyon para mag-enjoy.
After five minutes ng paglalakad ay may nakita akong eatery house, medyo kaunti lang ang kumakain sa loob, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok. Hindi rin naman ako magtatagal dahil kaunti lang ang customer nila. Nag-order lang ako ng barbeque, isaw, siomai, at fried rice. Mukhang 24/7 na open ang kainan na ‘to kasi nagse-serve sila ng breakfast, lunch, meryenda, at dinner.
Tahimik at peaceful sa loob. May background music pa na sa tingin ko ay cozy songs, kaya ang sarap sa pakiramdam na mag-stay sa lugar na ‘to. Ganito ang gusto kong setup ‘pag kumakain sa labas. Ang lakas kasi makapag-good vibes. Mukhang mga low class at middle class lang ang kumakain dito, base na rin sa mga suot at awrahan ng mga customer na nakikita ko ngayon.
“Here’s your order, ma’am.”
Matapos kong abutin ang order ko ay lumabas na ako para makauwi kaagad. Sa bahay ko na lang kakainin ang pagkain ko dahil feel ko ay makakatulog ulit ako after ko kumain. Pero ang excitement ko kanina habang papaalis ng eatery ay nawala nang makasalubong ko ang taong hindi ko na dapat pa makita.
Anong ginagawa niya rito? Bakit ngayon pa kami nagkita?
“Love?” gulat na tanong ng magaling kong boyfriend.
May bitbit siyang paperbag at isang boquet ng rosas. Hmm, I get it. Magkikita sila ng babae niya.
“Buhay ka pa pala?” casual kong tanong na parang strangers lang ang atake.
Napansin kong nagulat siya sa inasta ko pero tiningnan ko lang siya, naghihintay sa isasagot niya sa’kin. Ano kayang kasinungalingan ang ihahabi niya ngayon?
“What happened to you, love? Ilang araw akong naghintay ng text at tawag mo. Hindi rin kita ma-chat kasi binlock mo ako. May problema ba tayo?”
Tumaas ang isa kong kilay pero nanatili akong tahimik. Hindi ko alam pero hindi pa tumatagal ang usapan namin ay nabo-bored na ako. Tinatamad na kaagad akong kausapin siya. Siguro ay na-fall out love na nga ako sa kaniya. Maganda iyon dahil hindi ako mahihirapang mag-move on.
“Hindi mo alam? ‘Di ba ikaw ang gumawa ng problema natin?” sabi ko.
Kumunot ang noo niya na parang hindi siya aware sa mga sinasabi niya. Mga galawan niya talaga eh. Pero hindi niya ako makukuha sa painosente effect niya. I can’t believe na pinatulan ko ang cheater na ‘to. Kung nalaman ko kaagad na isa siyang manloloko, hindi ko na sana dapat pa sinagot ang lalaking ‘to. He’s the biggest mistake I ever made.
“Love? Galit ka ba?” tanong niya, bumaba ang tingin ko sa hawak niya kaya napangiti siya ng alanganin, “Binilhan pa kita ng pagkain at bulaklak oh.”
“Sweet mo naman para sa new girlfriend mo,” sagot ko at nag-smirk sa kaniya.
“How—?”
“It’s just simple. Hindi ka marunong magtago ng sekreto. Ang hina mo pre,” sabi ko at nginitian siya, ngiting wala na akong pakialam sa kaniya.
“Love, look, I’m sorry. I didn’t mean to. My parents wanted me to marry someone–”
“That's why, you cheated on me? Wow, nasaan na ang sinabi mong hindi mo ako lolokohin? Na hindi mo ako sasaktan? Kinain mo na lahat?”
“Eli, I’m really sorry. Kung may magagawa lang ako para maayos lahat—”
“Talaga?”
“Yes, Eli. We can start again… Puwede pa nating gawin ang pangarap natin. I promise, I won’t hurt you again.”
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa mukha. Lalong lumambot ang expression ng mukha niya, kaya muntik na akong matawa. Ganito pala ang hitsura ng mga cheater na nagmamakaawang balikan ng mga niloko nila. Nagmumukha silang mga tuta.
“You know I still love you.”
Nginitian ko siya kaya ngumiti rin siya, hanggang sa pinanlakihan ko siya ng mga mata. Kaagad siyang umatras sa’kin kaya napahalaklak ako. Takot ba siya sa multo niya?
“Neknek mo. We are never, ever, getting back together. We are so over.”
Another day, another panloloko sa lahat. Simula nang araw na naging si Aelice ako, pinagdadasal ko tuwing magigising ako sa umaga na sana ay matapos nang maaga ang pagiging impostor ko. Nakaka-bother na kasi tuwing naaalala ko ang mga natuklasan ko tungkol kay Aelice. Hindi ako makatulog sa gabi at palagi ko siyang napapanaginipan na nakatingin sa’kin at tumatawa na parang baliw.Sa totoo lang ay natatakot ako tuwing nakikita ang mukha niya. Ang creepy kasi isipin na mukha ko ang dala-dala ng taong hindi ko alam kung tao pa ba o naging multo na. Kahit alam kong buhay pa siya, para na rin siyang multo para sa’kin.“Good morning, Miss Aelice.”“Good morning, Siena,” tugon ko sa kaniya at ngumiti.“Good morning, Mr. Alexus,” biglang sabi ni Siena na nakatingin na sa likuran ko.Hindi ko siya nilingon at dahan-dahan na lang na naglakad. Pero bigla niya akong hinila kaya napabilis ang paglakad ko. Napangiwi na lang si Siena sa nasaksihan. Alam kong awang-awa siya sa’kin. Pero wala siyang m
“AG, na-send ko na pala sa email mo ‘yong file na hinihingi mo sa’kin kahapon,” sabi ni Monique, nginitian ko lang siya at binalik ang tingin sa monitor.Ni-log in ko ang account ko sa Gmail at hinanap ang sinend ni Monique. Akmang iki-click ko na sana iyon nang biglang mag-pop up ang isa pang email. Walang nakalagay na subject sa email. At higit sa lahat walang sender name. Hindi kaya scammer ‘to tapos ang target ay ang ALera? Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko ‘yong email. Gusto kong makatiyak.After many seconds of thinking, inopen ko ‘yong email. Napalunok ako nang wala sa oras at ayaw bumuka ng bibig ko. As if, nakakita ako ng multo.You're not me. Stop pretending.Tumigil talaga ang mundo ko sa nabasa. Wala talagang subject line. Walang sender name. Pero malinaw ang mensahe na natanggap ko. Parang binibigyan ako ng isang babala. Isang akusasyon na maging ang sarili ko ay sang-ayon sa sinabi ng sender. Nagpapanggap nga akong ibang tao.Hindi ako gumalaw. Parang may malam
Pagkatapos ng maikling pag-uusap namin ni Alexus ay nagpaalam akong umuwi nang maaga. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko simula nang pumasok ako ng boardroom. ‘Yong pressure na naramdaman ko kanina ay dala-dala ko nang lumabas ako ng room na iyon. At hanggang ngayon ay hindi ako nilulubayan. Parang nasu-suffocate ako sa lugar na kinaroroonan ko. Might as well leave this place for a while.Paglabas ko ng elevator, may receptionist na kaagad na lumapit sa akin. Medyo nagulat pa ako ng kaunti pero hindi ko na lang pinahalata. May hawak siyang isang bagay na kaagad kong napansin.“Miss Aelice, may pinabibigay po si Mr. Alexus para sa inyo,” sabi nito at inabot sa’kin ang bagay na kanina ko pa napansin.Hindi kaagad ako nakapagsagot. Hindi dahil sa nagulat ako kun’di naririnig ko ang echo ng salitang Miss Aelice sa tenga ko. Tinanggap ko ang maliit na envelope na gawa sa gold foil. May naka-embosed na initials dito. It’s A.G. Basically, it’s for her, not for me.Pagbukas ko ng envelope
“Miss Aelice, we’re ready for you.”Tumayo ako habang pilit na tinutuwid ang likod kahit nanginginig ang tuhod ko. Hindi dahil sa first time ko mag-present sa harap ng mga important people ng ALera. Sa pagkakaalam kasi nila ako si Aelice at hindi ibang tao. Kaya batid kong malaki ang expectation nila sa meeting ngayon.Ang tunog ng heels ko sa marmol na sahig ay parang martilyo sa dibdib. Pakiramdam ko may pumupukpok din dito. You need to relax, Elize. Hindi dapat nila mapansin na hindi ako confident sa gagawin ko. Malaki ang expectation nila, lalong-lalo na si Alexus na narito rin sa boardroom.Lahat ng mata ay nakatutok sa’kin na parang sinusuri ang bawat hakbang na ginagawa ko. Ang mga investors, board members, at analysts na present ngayon ay mga taong kilala si Aelice. Hindi si Elize. Hindi ako. Kaya doble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Paano kung pumalpak ako? Paano kung hindi maganda ang kalalabasan ng meeting na ‘to? Mapapahiya si Alexus ‘pag nangyari iyon. At mas lalong
“Congratulations,” bati ni Alexus, habang nakatayo sa harap ng glass wall ng opisina ko. Nakasuot ngayon ng black suit ang magaling kong boss, pero naka-half smirk siya sa’kin na parang nang-aasar. Paano ba naman bigla akong na-promote ng wala manlang ginagawa so far. Wala pa nga akong one month sa ALera ay tumaas kaagad ang posisyon ko. Ganito ba katanga si Alexus kay Aelice?“AG, in my office.”Tinalikuran na niya ako at lumabas ng opisina, kaya dinampot ko ang phone ko at nagmadaling sumunod sa kaniya. Mainipin pa naman siya. Baka umepal na naman ang mood swings niya at imbes promotion ang mangyari ay demotion ang ibibigay niya. Ayoko pa naman maging janitor. Pang-secretarial kaya ‘tong skills ko.Narating ko ang office niya nang ilang minuto lang dahil binilisan ko talaga ang paglakad. Naabutan ko siyang nakaupo na sa swivel chair at nilalaro ang sign pen sa table. Napalunok ako ng wala sa oras dahil iba ang kabang ibinibigay niya sa’kin. ‘Yong tipo na pinapagalitan ako ng strict
Tahimik na ang buong opisina. Siguro nga ay nag-iisa na lang ako rito sa building, maliban sa security guard na nasa lobby. Sa tantiya ko ay alas otso na ng gabi. Ito ang unang beses na inabot ako ng ganitong oras sa opisina na mag-isa lang dito sa part na ‘to ng ALera. Siguro nga ay wala rin dito si Alexus dahil hindi ko pa siya nakikita kanina pa at hindi pa siya bumabalik sa office niya.Nakatayo ako ngayon sa harap ng salamin, hawak ang files na may pangalan ni Aelice. I know simpleng information lang ang nasa loob nito. But the fact that I discovered the truth about her missing is the thing that I couldn’t swallowed. May ginagawa kayang hakbang si Alexus para mailigtas siya? Siguro naman, oo. Kasi fiancee niya ang kinuha sa kaniya imbes na ang kumpanya. Pero hindi ko pa rin ma-imagine na babagsak ang future ng ALera sa kamay ng iba. Alam na kaya niya kung sino ang traidor sa kumpanyang ito?Tiningan ko ang sarili, pero ang nakita ko ay hindi ako. Hindi si Elize. Hindi rin si Aeli