ログイン
Aligaga kong kinuha ang tatlong folder na may lamang mahahalagang documents sa loob nito. Male-late na naman ako. Kung hindi lang ako natagalan kanina sa karinderya ay baka mas maaga akong nakabalik ng office. Isa pang late ay mabubugahan na ako ng apoy ng boss kong pinaglihi sa dragon. Mainitin pa naman ang ulo niya at palaging ako ang pinagbubuntungan niya ng galit.
Palagi niya ring sinasabi sa akin na wala akong karapatan na magreklamo dahil boss ko siya at secretary niya lang ako. That’s why, I always end up in the comfort room, with messy hair or a stained skirt because of her anger issues. Pero kahit kailan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kaniya. Naiintindihan ko siya. Alam ko ang pinagdadaanan niya. Kaya imbes na galit ang maramdaman ko sa kaniya, ay napapalitan na lang ng awa.
“Elize, pinapatawag ka raw ni Ma'am Reigna.”
Nilingon ko ito at tumango na lang. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sana lang ay hindi ko siya maabutang badtrip dahil manganganib ang trabaho ko.
Matapos kong i-check ang mga nasa folder ay dumiretso na kaagad ako sa office niya. Kinakabahan pa rin ako kapag ganitong times na pinapatawag niya ako. My boss is unpredictable. Ang bipolar niya at hindi mo malalaman kung kailan siya okay o hindi. Kapag natyempuhan mong bad mood siya ay magsimula ka nang lumayo sa kaniya dahil hindi ka na aabutan pa ng gabi sa kumpanya kapag pinainit mo pa lalo ang ulo niya. Gano'n siya kalupit na boss. Kahit anong paliwanag mo sa kaniya, sarili lang niya ang paniniwalaan niya kahit mali.
Marahan kong kinatok ang pinto ng office niya at hinintay na mag-response siya. Kaagad naman siyang nagsalita kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. At doon sa loob ay nakaupo siya sa swivel chair habang busy na nakatingin sa computer. Hindi ako nagsalita at hinintay siya na magsalita.
“Elize, do you now have the copy of the documents I needed?” tanong niya habang nasa computer pa rin ang mga mata.
“Yes, boss,” magalang kong sagot at nilapag sa table niya ang mga document.
Nilingon niya naman ito kaya umatras na ako, nananalangin na sana hindi siya ma-badtrip ngayon.
Habang binabasa niya ang mga documents ay napapataas ang kilay niya, na dahilan para ako ay kabahan. May mali kaya sa documents na binigay ko?
“Elize, this is not the information I want. Bakit ang b*b* mo?”
“Po?”
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mainit na naman ang ulo niya. Problema niya na naman ang documents na binigay ko sa kaniya at ako pa ang sinisisi. Inutusan niya lang naman ako na kunin iyon sa development department. Wala naman akong ginalaw na kahit anong data. Papaanong mali ang binigay ko sa kaniya?
“Hindi ka lang, b*b*. Tanga pa! Are you really my secretary?”
“Yes, boss,” naguguluhan ko pa ring sagot dahil hindi ko siya ma-gets ba’t siya nagagalit sa’kin.
“So, ‘yan na ‘yon? Skill mo magbigay ng maling information?”
“Boss, maniwala kayo, wala akong ginalaw sa mga documents na ‘yan. Kung ano ang kinuha ko, ‘yon din ang dinala ko sa’yo,” paliwanag ko dahil inaakusahan niya ako ng misinformation.
Unang-una sa lahat, mahal ko ang trabaho ko. Pangalawa, ginagawa ko ng tama ang role ko sa company niya. Bakit bigla niya na lang kinuwestiyon ang kakayahan ko? I've been her secretary for five years. Dapat alam na niya iyon.
“Eh, ano ‘to?” tanong niya at hinagis sa sahig ang mga document at ibang litrato. Dali-dali ko naman itong pinulot at tiningnan, habang nakakunot ang noo.
Natigilan ako at natulala na lang sa mga picture, na hindi ko alam kung saan nanggalin. Bumalik sa’kin ang gabing nalasing ako at na-drug ng hindi ko kilalang tao. Masyado nang malabo no'n ang paningin ko kaya hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Nagising na lang din ako kinabukasan na walang saplot ang katawan at hindi ko nakita ang taong pinagsamantalahan ako.
“Bakit ‘to narito? Bakit may ganito? Sino ang may gawa nito?” sunod-sunod kong tanong at kinalkal pa ang mga pictures na nagkalat sa sahig.
Paano ito nangyari? Pakiramdam ko ay maiiyak ako dahil sa kahihiyan na nangyari sa’kin. Nakita pa ng boss ko ang mga bagay na hindi ko naman sinasadya. Ano na lang ang sasabihin niya sa’kin? Na isa akong pariwarang babae?
“How dare you, Elize? Pinakita mo pa talaga sa’kin ang kababuyan mo? Ninyo?” galit niyang tanong habang masama ang mga titig sa'kin.
Hindi ako makatingin nang maayos sa kaniya dahil nahihiya ako. Hindi ko rin kayang ipagtanggol ang sarili ko dahil totoo ang nasa picture. Pero biktima lang din ako. Hindi ko iyon ginustong mangyari.
“Boss…”
“How dare you seduce my fiancé?!”
“Po?” gulat kong tanong dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
Oo, secretary niya ako pero wala akong alam sa love life niya. At never ko rin siya nakitang may kasamang lalaki. Ang buong akala ko ay lesbian siya kaya hindi siya nagkakarelasyon sa mga lalaki. Tapos, all of the sudden ang lalaking lumapastangan sa’kin ay fiancé niya pala? Hindi ba dapat ako ang magalit?
“Boss, maniwala ka, hindi ko alam na fiancé mo siya. Boss Reigna, na-drug ako kaya hindi ko alam ang ginagawa ko ng mga oras na iyon!”
Tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad papalapit sa’kin. Bawat tunog ng heels niya ay lalong nagpapakaba sa’kin, na ikinabilis din ng tibok ng puso ko. Nakakatakot ngayon si Reigna, sa sobrang sama ng tingin niya ay parang pinapatay na ako. Hindi ko sinasadya ang lahat. Nabiktima lang ako! Bakit sa akin siya nagagalit?
“My fiancé is loyal to me. If I now, sineduce mo si Calvin para makuha siya. Malandi ka!” galit niyang sabi at bigla na lang akong sinabunutan.
Nagulat din ako sa ginawa niya kaya hindi ko siya kaagad napigilan. Pinagsasampal niya ako at sinakal. Ramdam ko ang gigil niya sa’kin. Samantalang ako ay hindi makapanlaban dahil sa ginagawa niya. She's suffocating me!
“B…Boss… Reigna… tama na…”
“Titigilan kita ‘pag namatay ka na! Ano may laman na ba ‘yang tiyan mo? Tatadyakan ko ‘yan para mawala!” nanggigigil sa galit na sabi niya at sinuntok ang tiyan ko, kaya lalo akong nanghina.
Hindi ko na rin napansin na naiiyak ako sa nangyayari. Bakit kailangan kong madamay sa ganito? Wala akong ginawang masama.
“Reigna… tama na! Wala akong kasalanan. Nabiktima lang ako!” giit ko.
“I don't believe you! You're a slut!”
“Tama na!” sigaw ko at tinulak siya.
Nagkaroon ako ng pagkakataon na makabangon at makalayo sa kaniya. Masakit pa rin ang tiyan at ulo ko gawa ng pananakit niya sa’kin. At mukhang hindi niya talaga ako titigilan.
“Ano… sinisigawan mo na ang boss mo? Ah, don't worry, my dear secretary, you are no longer working with me starting today.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Halos hindi ako makapaniwala. After five years, basta niya na lang ako iiwan sa ere dahil sa kasalanan na hindi ko naman sinasadya? Hindi ba dapat ang fiancé niya ang sisihin niya, dahil si Calvin naman ang nagsamantala sa’kin? Bakit ang unfair niya?
“You're being unfair, Miss Reigna! Matapos ng lahat ng ginawa ko sa'yo at pagtitiis sa ugali mo, iyan ang igaganti mo sa’kin?” sabi ko na pinipigilan ang sarili na magalit sa kaniya, “Reigna, I was your support system when you almost failed. Hindi kita iniwan. Dahil bukod sa boss kita, kaibigan din kita. Pero bakit? Dahil lang sa kasalanan na hindi ko sinasadya, iiwan mo ako sa ere? You're unbelievable!”
“Kaibigan? Anong karapatan mo para maging kaibigan ko? I never treated you as my friend. Uto-uto ka lang kaya nagpagamit ka sa’kin.”
Nasaktan ako sa sinabi niya. Tagos sa puso lahat. Walang-wala ang pananakit na ginawa niya kumpara sa mga salitang binitiwan niya sa’kin. Para akong sinaksak ng invisible knife, hindi ko makita, pero ramdam ko.
“You’re the worst!” sabi ko at lumabas ng office niya.
Kinuha ko lang ang bag ko at tumakbo palabas ng office. Hindi na ako nakapagpaalam sa mga ka-close ko sa kumpanya. Ayaw kong kaawaan nila ako dahil baka madamay sila sa galit sa’kin ni Reigna. Kaagad akong sumakay ng taxi at hindi na nilingon pa ang lugar na nagpahirap sa'kin ng limang taon.
Never treated as a friend, huh. Walang kwentang boss si Reigna. Hindi niya inaalala ang mga employee niya. She's ruthless and self-centered. Sana hinayaan ko na lang siyang bumagsak noon.
“Kuya, pakihinto po sa tabi.”
Inabot ko na muna sa driver ang bayad bago bumaba ng taxi. Pumasok ako sa isang condominium at dumiretso sa elevator. After 10 minutes, tumigil ang elevator at bumukas ito. Lumabas naman ako kaagad at hinanap ang condo unit ng boyfriend ko.
Hindi niya ito masyadong ginagamit dahil may mansion sila.Binili niya lang ang unit para may tambayan kami dahil hindi ako masyadong pumupunta sa kanila. Tutol kasi sa amin ang pamilya niya kaya ayaw niyang mapahiya ako sa kanila. Alam niya kasing huhusgahan ako ng pamilya niya dahil sa pagiging low class ko.
I’m not that rich that’s why his parents never accepted our relatioship. Suwerte ko na lang dahil mahal ako ni Brandon at hindi ako iniwan. Malapit na rin kaming mag-five years, sa Linggo na iyon. Wala akong inaasahang regalo galing sa kaniya. Ang makapiling lang siya ay sapat na sa’kin.
Nang marating ko ang unit, nagtaka ako dahil hindi ito naka-lock.
“Nandito kaya si Brandon? Hindi ba siya pumasok?”
Pumasok ako ng condo at nilibot ng tingin ang sala pero wala siya. Nakapatay ang ilaw kaya lalo akong nagtaka. Pinasok ba ng magnanakaw ang condo niya?
Nagmadali akong pumunta ng kusina pero ang naabutan ko ay mga nagkalat na utensils. Pinuntahan ko rin ang banyo at naabutan ang tuwalya na nakakalat sa sahig. Ang takot na naramdaman ko kanina ay napalitan ng kaba. Bigla akong nag-overthink. May hindi magandang nangyayari sa condo.
Tumakbo ako papuntang kuwarto at tinulak nang mahina ang pinto. Nakita ko si Brandon na may kahalikang ibang babae. Naluha ako at hindi nakapagsalita. Paano niya nagawang pagtaksilan ako? All this time pinaniwala niya akong ako lang ang mahal niya at hindi niya ako pagtataksilan. Ano ‘tong nakikita ko?
Hindi ako gumawa ng ingay. Umalis ako ng condo at natagpuan ang sariling papunta ng park. Dumiretso ako sa isang bench na malapit sa playground. At doon umupo habang tahimik na umiiyak. I can’t believe that he will cheated on me. Binigay ko lahat ng tiwala ko sa kaniya tapos babalewalain niya lang. What an assh*le!
“Excuse me, Miss.”
Pinahid ko ang mga luha ko bago nilingon ang tumawag sa’kin. Tiningnan ko lang ito dahil hindi ko kilala ang lalaking lumapit sa akin. Nakasuot ang lalaki ng itim na suit at may shades sa mata. Siguro ay nagtatrabaho siya sa mayamang pamilya. Mukha rin kasi siyang expensive.
“Miss Aelice, Mr. Reale is looking for you.”
“Ha?” medyo garalgal pa ang boses ko pero ayoko namang bastusin ang lalaki.
Lumapit ito sa’kin at hinawakan ako sa braso. Tumayo naman ako para lumayo sa kaniya, pero hinawakan niya ako nang mahigpit. Pilit akong pumiglas pero ayaw niya akong bitawan.Ano bang problema niya at anong kasalanan ko na naman? Bakit lahat na lang sinisisi ako?
“Pakiusap, Miss Aelice, ‘wag ka nang tumakas dahil mapapatay kami ng fiancé mo.”
Ano?! Anong fiancé ang pinagsasasabi niya? Eh, hindi ko naman kilala si Mr. Reale na tinutukoy niya? Isa pa, may boyfriend ako, may boyfriend na cheater! Nababaliw na ba ang lalaking ‘to?
“Excuse me, Mr. Blacksuit. I am not Aelice!” matigas kong sabi at buong lakas na tinanggal ang kamay niya sa braso ko, “I don't know who you are, and I don't know who the f*ck Mr. Reale is. So leave me alone before I call the police.”
“Miss Aelice, kahit anong rason po ang sabihin mo, hindi na ako maniniwala. You’ve already lied to our boss and it will never happen… again,” sabi niya at mabilis akong hinawakan.
Pero kinagat ko ang kamay niya at sinipa siya sa ibaba.
“F*ck!”
“Hindi ako sasama sa’yo!”
Nabitawan niya ako kaya dali-dali akong tumalikod para tumakbo. Pero nakaramdam ako ng parang kuryente na dumampi sa tagiliran ko, hanggang sa manghina ang katawan ko. Nagawa ko pang lingunin ang may gawa no'n sa’kin pero hindi ko siya mamukhaan.
“Oops, no more running, darling,” rinig kong sabi niya bago ako mawalan ng malay.
—
Nagising ako sa madilim na kuwarto, malamig at nakakabingi ang katahimikan nito. Wala pa akong lakas na bumangon pero ramdam ko naman na hindi ako nakagapos. I guess, hindi naman ganoon kadelikado ang sitwasyon ko. Hindi naman siguro nila ako kinidnap ano? Pero kung ano man ang binabalak nila ay wala na akong pakialam. Masyadong nagdadalamhati ang puso ko para magmakaawa sa kanila na pakawalan ako. Kahit na tapusin nila ako ay ayos lang. I got nothing left because the only person I have already betrayed me.
“Saan nila ako dinala?”
Nilibot ko pa ng tingin ang buong kwarto, nang biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag. May naririnig din akong kaunting music mula sa labas at hiyawan ng mga tao. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung saan ako. Anong ginagawa ko sa club? Sa dinarami-rami ng puwede nilang pagdalhan sa’kin, bakit sa club pa? Mukha ba akong bayaran?
“Finally, you're awake. Your guests are waiting outside and my brother, too,” sabi ng boses babae na nakatayo sa pintuan.
Hindi ko maaninag ang mukha niya pero may hinala akong isa siya sa mga taong high class. Wait a second… nasa club ba talaga ako?
“Nasaan ako?” mahina kong tanong pero narinig niya pa rin.
“In your own party?” patanong na sagot ng babae kaya lalo akong naguluhan.
Anong party ang sinasabi niya? Hindi naman ako nagpa-party. ‘Yong pera ko nga lang eh sapat na pambayad ko ng apartment at budget ko sa pagkain. Kaya papaano ako nagkaroon ng party? Niloloko ba ako ng babaeng ‘to?
“What are you saying?”
“Aelice, alam mo namang obsessed sa’yo ang kapatid ko—”
“Teka, hindi Aelice ang pangalan ko. It’s Elize.”
“Okay, whatever your name is. Halika na at kailangan ka pang ayusan,” sabi niya at hinila ako.
Muntik na akong matumba dahil bigla niya akong pinatayo. Mabuti na lamang at nakahawak ako sa braso niya.
“Oops, sorry.”
Dinala niya ako sa kabilang room. May mga tao roon na nag-uusap. Natigil na lang ang kanilang usapan nang makita kami ng babaeng kapatid daw ng fiancé kong hilaw. Gusto kong matawa sa nangyayari pero ayaw kong may makaaway ako rito. Mukha pa naman yatang mga bigatin ang pamilya nila.
“Tamarra, siya na ba ang fianceé ng kapatid mong pogi na si Alexus?” tanong ng beki na mas mahaba pa sa’kin ang buhok.
“Make her pretty… prettier than ever!”
“Yes, gorgeous Tamarra…”
What the heck? Seryoso ba sila sa party at fiancé thingy na ‘to? Paano ba kasi ako napunta rito? At bakit nila pinipilit na ako si Aelice?
—
“Good evening, ladies and gentlemen! Tonight, we will witness the sweetest love between the richest man in the country and the most beautiful woman in the universe! Alexus and Aelice! The AA couple!”
Tinulak ako ng ate ni Alexus papunta sa gitna kaya wala akong nagawa kun’di maglakad papunta roon. Sa kabilang banda naman ay naglakad papalapit sa'kin ang Alexus na sinasabi nila.
He’s handsome. He's like a character from a fantasy movie, almost perfect and captivating. But in his eyes, there's a coldness that was forced to be sealed. Ako lang ba o sadyang napipilitan lang din siya? I can tell that he's not happy at this party. Pero bakit nasabi ng ate niya na obsessed siya sa babaeng nagngangalang Aelice.
Lumapit siya sa akin at bumulong sa tainga ko, kunwari hinalikan niya ako sa pisngi.
“You're not Aelice, right?”
Nanigas ako sa puwesto ko na para bang kasalanan ko pa na nagpanggap akong Aelice. Eh, kinidnap lang naman ako ng butler niya.
“Of course, you’re not. You’re one of Aelice’s personality, right, Elize?”
The heck! Ba’t lumalabas na baliw ako sa mga mata nila?
The heat was unbearable. Every breath felt like fire scraping down my throat. My vision blurred between smoke and tears, and all I could think was—this is it.Lumalapit na sa akin ang apoy; sinusunog ang lahat ng puwedeng masunog. My body was heavy, my skin stung from burns, and my blood mixed with the soot on the floor. I tried to crawl, pero nanginginig na ang braso ko.“Help…” I whispered, barely audible. “Alexus…”Then, through the chaos, I heard footsteps. Fast. Desperate.“Elize!”That voice—deep, frantic, familiar—cut through the roar of the fire. I forced my eyes open. Through the haze, I saw him.Alexus.He pushed through the smoke, his shirt already soaked with sweat, his face streaked with ash. “Elize!” he shouted, kneeling beside me. “Stay with me, okay? Don’t close your eyes.”I tried to speak, but only a weak sound came out. “She… Alice…”“She’s gone,” he said firmly, his voice shaking. “Patay na si Alice.”I blinked, trying to process his words.Dead.Alice.For a mo
AELICE’s POVAng lamig ng hangin sa warehouse, pero ang katawan ko ay naglalagablab sa sakit. Bawat bugbog ni Alice ay may kasamang galit na hindi ko maabot. “Akala mo makakatakas ka?” sigaw niya, sabay suntok sa tagiliran ko.Napasinghap ako at napaluhod. Ang dugo ko na tumulo sa semento ay naghalo sa pawis at luha ko. “Please…” Halos hindi na lumalabas ang boses ko. “Stop this…” “Stop?” Tumawa siya nang malamig. “Bakit ako titigil kung ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko?Hinila niya ako sa buhok at tinulak sa pader. Ang tunog ng pagbangga ng ulo ko sa bakal ay umalingawngaw sa silid. Nanghina ako, pero hindi ako bumitaw sa paghinga. “Hindi mo alam kung gaano ko pinaghirapan ang maging ikaw,” sabi niya habang humihingal. “Pero noong bumalik ka, lahat ng iyon nawala.” “Hindi ko sinadya…” “Lahat ng kasinungalingan mo, pare-pareho lang!” sigaw niya, sabay hagis ng tubo sa gild.Kinuha niya ang kutsilyo mula sa mesa at tumingin sa akin na parang ibang tao na ang nasa l
Ang boses niya pa rin ang umalingawngaw sa isip ko habang nakatingin sa kaniya, sa babaeng kamukha ko na parang salamin ng bangungot. Ang babaeng gusto akong burahin sa mundong ito.Pero habang tinititigan ko siya, may isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Iyong galaw ng kamay niya habang naglalakad, iyong pag-ikot ng pulso bago niya itulak ang buhok palayo sa mukha. Sobrang pamilyar sa akin.Parang si Alice.Napasinghap ako. “Wait…”Ngumiti siya, iyon ding ngiting nakasanayan kong makita tuwing nagbibiro si Alice noon.This is impossible. “Funny, you noticed.”Hindi ako makagalaw. Para akong nakakita ng multo.Hindi puwedeng totoo ‘to. Hindi puwedeng siya. “Alice?” mahina kong sabi. Halos hindi ko marinig ang sarili ko.Tumawa siya nang malamig, parang may tunog ng basag na salamin. “Wow, three years later and you still remember my name.”Parang binagsakan ako ng mundo.Si Alice.Si Alice na akala kong patay na.Si Alice na nilibing ko kasama ng lahat ng alaala. “Hindi puwedeng
After everything that happened—lahat ng gulo, lahat ng away, lahat ng luha—I think I can finally breathe. The morning sun feels soft, parang gentle reminder na okay na talaga ang lahat. I even smile habang naglalakad papunta sa kotse, feeling that rare peace I haven’t felt in months.Walang threat, walang shadow sa likod ko. Just silence. Pero minsan, kinakabahan ako sa katahimikan na nararanasan ko.Or, maybe I’m just being paranoid.Akmang bubuksan ko na ang kotse nang may pumunta sa likod ko. Sobrang bilis ng pangyayari. Isang kamay, gamit ang panyo, ang sumaklob sa bibig ko. Isa pang kamay ang humawak sa braso ko at nilagay ito sa likuran ko para hindi ako makapanlaban.I tried to scream, pero walang lumalabas. Naaamoy ko lang ang chemical na
Hindi ko alam kung mas nakakainis ang tunog ng mga champagne glasses o ‘yong tawa ni Aelice na paulit-ulit kong naririnig kahit sa malayo. The Dimonds Charity Gala was supposed to be classy, elegant, peaceful. Pero sa totoo lang, para sa akin, parang battlefield ito.Lahat ng tao ay nakangiti, pero alam kong bawat ngiti ay may kasamang judgment.At sa gitna ng lahat ng iyon, nandoon siya—si Aelice, ang babaeng gustong ipakita sa mundo na siya ang perpekto.Pero kahit gaano pa niya ipakita sa lahat na perpekto siya, hindi niya maitatago na isa lamang siyang huwad.Ako? Tahimik lang sa gilid, hawak ang wine glass, sinusubukang hindi mapansin, lalo na ni Aelice. Pero kahit anong gawin ko, ramdam kong nakatutok pa rin ang mga mata niya sa akin.
“Elize…”Nilingon ko ang nagsalita. It was Alexus. Dumating siya gaya ng sinabi ko.Gusto kong ngumiti. Gusto ko siyang yakapin at sabihin na na-miss ko siya. Pero iba ang pinunta ko rito. Iba ang agenda ko.I am here to tell him the possible truth about Aelice’s identity. “Alexus, hindi na ako magpaliguy-ligoy pa—” “I missed you, Aelice,” sabi niya, sabay yakap sa akin.Naguluhan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang tinawag niya akong Aelice. Nababaliw na ba siya?
The hall glowed under the soft afternoon light, and for a moment, I forgot how to breathe. Everything looked unreal—the glass walls catching the sun, the white roses lining the aisle, the faint piano music that seemed to echo inside my chest.Tahimik ang paligid. I could hear the soft rustle of my
Inayos ko ang laylayan ng dress ko habang pilit na ngumiti kay Alexus. I’m not really comfortable, even though this was planned before. Siguro ang awkward lang sa feeling na ako ang narito at ginagampanan ang papel ni Aelice.Speaking of her, wala pa akong natatanggap na response mula sa kaniya. Na
Matapos naming umalis sa hotel ay dinala kaagad ako ni Alexus sa private hospital na pagmamay-ari ng pinsan niya. Kaagad naman akong ginamot ng doktor at sinabing muntikan na raw mabali ang buto ko. Mabuti at hindi ganoon kalala ang natamo ng braso ko. Nilagyan na lang ako ng arm sling para may su
Maaga akong pumunta sa Highpearl Hotel kung saan gaganapin ang charity gala. Hindi ko kasabay si Alexus dahil may tatapusin lang daw siyang gawain sa kumpanya. Pinauna na niya ako rito para may representative sa ALera Group. Siyempre, bilang impostor ni Aelice, susundin ko ang utos niya. Isa pa, in







