LOGINHello dear readers. I just want to say thank you so much for reading this piece. Thank you for unlocking every chapters, may it be through ads, coins or bonus. I love you all 🥰
Gaya ng ipinangako ni Lawrence, hindi nga siya umalis ng mansion kinaumagahan. Maaga siyang nagising, at pagbaba ko sa sala, sinabi na lang sa'kin ni Butler Paul na nasa kusina daw ito at nagluluto. Dahan-dahan naman akong naglakad upang silipin siya. Napangiti ako nang makita ko itong nagluluto na sumasayaw-sayaw pa habang kumakanta. "Maganda yata ang gising ng isang ito," bulong ko at umiling. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya at hindi ko na inabala pa. Dumeritso na ako sa garden upang maglakad-lakad, para naman ma exercise ang katawan ko. Labis kung kinagigiliwan ang naghahalong amoy ng mga bulaklak na halaman namin, mas nangingibabaw pa nga ang halimuyak ng sampagita. No wonder kung bakit ito ang naging pambansang bulakalak. "Good morning love! Dinala ko na rito ang breakfast natin, naisip ko kasi mas maganda kung preskong hangin ang nalalanghap mo habang kumakain tayo," ani ni Lawrence na naglalakad habang may dala-dalang plato. Sa likod niya naman nakasunod si Butler Pa
Kahit gustuhin ko man na layuan na lang si Lawrence, hindi sang-ayon sa plano ko itong si Boboy. Siguro kung maliit pa ang tyan ko, tiyak na kahit hindi niya ako tulungan, makakaya kong lumayo mag-isa."We're here." Binuksan na niya ang pinto ng kotse pero bago ako tuluyang makababa, hinawakan pa niya ang kamay ko. "Huwag kang padalos-dalos. Hintayin mo muna na lumabas ang bata bago ka magdesisyon. Malay natin, magbago pa ang isip ng asawa mo."Tumango na lang ako at nagbuntong hininga. "Salamat sa lahat Boboy."Nginitian niya lang ako at tinapik sa balikat. "Nandiyan ka na pala Love. Kumusta? Masakit pa ba ang ulo mo? Ano ang sabi ng doctor?"Kaagad akong sinalubong ni Lawrence. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Thank you David, ingat ka sa byahe." Kinawayan niya si David bago ito tuluyang naka alis."Love, nagkita na ba kayo ni Abby?" Hindi ko mapigilan na magtanong sa kaniya. Naglalaro pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Abby kanina. Palagay ko may koneksiyon siya sa unang
[AFTER 3 MONTHS]Sobrang tahimik sa bahay simula ng bumalik na ako sa mansion. Lagi na lang ako sa kwarto dahil mabilis na rin akong makaramdam ng pagod dahil malaki na ang tyan ko. Si Lawrence naman laging wala, busy sa business at panay out of town sila. Aaminin kung nakakabagot sobra.Napaigtad ako nang biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong lang sa kama. It's Boboy calling."Katkat, tama nga ang hinala mo. May inilagay sa relos na ibibigay ni Anthony sa asawa mo. It's a tracker," aniya kaya napaupo ako ng wala sa oras."Kaya pala natunton tayo ng mga taong 'yon sa beach? Sinasabi ko na nga ba, si Anthony ang banta sa buhay ni Lawrence," sagot ko na nagngingitnhit sa galit.Anthony never calls me again, hindi na siya nagparamdam sa'kin after noong nawala si lolo. Baka nalaman niya na hindi ako talaga pumapanig sa kaniya kaya siya na mismo ang gumagawa ng paaraan para makaganti."Oo, iyon nga ang dahilan. Ito ang masasabi ko sa'yo Katkat, huwag kang lalabas sa mansion niyo,
“Akala ko ba busy ka?” untag ko sa kaniya, at pakiramdam ko nagsasalubong pa ang aking mga kilay. “I can cancel all my meetings just to be with you, Love,” aniya kaya hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mapangiti. Hinawakan niya ako sa pisnge at napansin ko naman ang bago niyang relos na tila may kakaiba akong napansin. Hindi ko na lang ito ipinahalata sa kaniya.“You miss us?” tanong ko at walang ano-ano’y hinalikan niya ako sa labi.“I miss you a lot. Sa bawat minuto ikaw lang ang laman ng isip ko,” aniya. Hawak kamay kaming naglakad sa buhangin at sabay namin na pinagmasdan ang mga alon at pinakinggan ang paghampas nito sa dalampasigan. Napaka gaan sa pakiramdam, pakiramdam na minsan ko na lang ulit naramdaman simula nang makilala ko siya. “Mukhang malalim yata ang iniisip mo, love?” tapik sa’kin ni Lawrence na nanliliit pa ang mga mata.Sa mga nangyayari ba naman sa buhay ko, sa mystery na bumabalot dito, siguro normal lang talaga na mag isip ako ng sobrang lalim.Umi
“Bakit ganiyan ang mukha mo?” salubong sa’kin ni Boboy nang lumabas na ako sa kwarto.“Para bang binabangungot na naman ako kagabi,” wika ko at napa buntong hininga. “Huwag kang masyadong mag papaka stress,” aniya.Napapansin ko, simula ng magbuntis ako, mas nagiging madalas na rin ang mga masama kung panaginip. Hindi ko alam kung dahil lang sa pagbabago ng hormones ng katawan ko, o may kung ano pang dahilan. Basta’t ang tanging alam ko, may mali, at may dapat akong alamin.Tinanguan ko na lang siya at dumiretso na ako sa kwarto ni lolo at nakita ko naman na may hinahalungkat siya sa kaniyang aparador. Nilapitan ko siya ngunit tumigil siya sa kaniyang ginagawa nang mapansin niya ang paglapit ko. “Apo,” tawag niya sa’kin. “Lolo, may hinahanap po ba kayo?” Umiling siya at naupo sa kama niya. Pinagmasdan ko lang siya at napansin ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Tila ba ayaw niya akong tingnan sa mga mata.“Lolo may masakit po ba sa’yo?” muli kong tanong sa kaniya. Kagaya kanin
Malalim na nga ang gabi ngunit hito pa rin ako nakadungaw sa bintana habang malayo ang tanaw at malalim ang iniisip. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi kanina ni Boboy. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo, pero bakit pakiramdam ko naman, hindi ko talaga iyon sinabi. Dahan-dahan akong lumabas sa silid ko at sinilip kong may mga nakabantay ba sa labas. Nakita ko ang dalawa na natutulog na. Maingat akong naglakad papunta sa kuwartong itinuro ni Boboy kanina. Sa tingin ko, nandiyan ang daan patungo sa underground. Pinihit ko ang doorknob at napa atras pa ako saglit dahil sa dilim sa loob. Kinapa ko ang cellphone na nasa bulsa ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw.Mga cartoon, mga lumang gamit at mga paintings. Ito ang bumungad sa’kin. Ngunit nasaan ang undergound? Wala namang ibang pinto dito, liban sa pinasukan ko. Isa-isa kong nilapitan ang mga cartoon na naglalakihan. Sinilip ko kung ano ang nasa loob ng isa, at puro mga scratch papers ang

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





