Share

Chapter 7 (Part 13)

"What the hell?" Pinagmasdan nila ang dalawang palapag na mini house sa backyard. Gawa ito sa isang makapal at makintab na kahoy. Malaki din ito at paniguradong malawak sa loob. Agaw-pansin din ang mga bata na naglalaro sa paligid nito. Ang iba naman ay labas-pasok.

"Ano 'to?" Ngumiwi si Freya. "Where's Shianna?!"

"Ako ba ang hinahanap n'yo?" Napalingon ang dalawang magkaibigan nang makarinig ng boses sa kanilang kanan. Dito ay nakita nila si Shianna na nakasuot ng mahabang purple dress. Agaw-pansin ang nagmamahaling aksesorya na nasa kan'yang katawan.

Mukha siyang mamahaling senyorita.

"Himalang bumisita kayong dalawa?" Bahagyang tumaas ang kilay ni Shianna. Katabi niya si Hudson at Cayer na seryosong nakatingin sa dalawa. Kung titingnan ay parang naging alalay ang dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid ni Shianna.

"Nandito kami para sa mga bata," si Freya ang sumagot. "Nami-miss namin sila."

"Oh?" Kumunot ang kilay ng dalaga nang tila'y nakita niyang halos matawa si Shianna.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status