Share

Chapter 7 (Part 14)

"Marunong ako!" Pilit siyang ngumiti. "Tingnan mo ang gagawin ko."

Ngumuso ang bata at pinanood si Freya na sinimulang linisin ang plato kahit walang sabon.

"Binabanlawan po muna iyan!" singit ng isang bata na nakakakita sa nangyari. "Bakit po si Mommy Shianna marunong maghugas habang ikaw ay hindi?"

"Ano?" Halos samaan ng tingin ni Freya ang bata. "Mas magaling ako—" Napatili siya nang may nagsaboy sa kan'ya ng tubig.

"Maglaro na lang po tayo!" Ngumiti ang bata na hawak ang isang timba. "Hindi ka naman po marunong maghugas!"

"S-Shut up—I mean..." Huminga nang malalim si Freya at inis na binagsak ang plato. "Fine! Hindi ko alam kung paano maghugas! Palibhasa, may maid ako habang kayo ay wala!"

"Pero nakasuot ka po ng pang-maid ngayon."

"Huwag kang pilosopo—" Muling napasigaw si Freya nang biglang may nagsaboy sa kan'ya ng tubig.

"Maglaro po tayo!"

"Shut up!" Pilit na umiwas si Freya kahit basang-basa na siya. Samantala, tahimik na nakamasid si Cayer at Ms. Lebratica na siyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status