เข้าสู่ระบบPasensya na, Lucas.” paghingi ng paumanhin ng mama nila Tamarah ng sunduin namin si Farrah sa isang club.
Itinawag ng manager ng club kung saan nalasing ito at nakipag away nga sa isang lalaki na gusto daw siyang isayaw ngunit hindi siya pumayag. Kaya iyon, sa kalasingan ay inaway na nito ang lalaking iyon na siyang pinagmulan ng gulo. “Ngayon lang nagkaganito si Farrah. Hindi ko ba alam sa batang ‘to at ano ang naging problema at biglang nagpunta sa club na halata namang hindi siya sanay sa lugar na ganun.” mahabang sabi pa ng kanilang ina habang nakaalalay na ito kay Farrah na kinarga ko sa likod. “Okay lang po, tita. Mabuti nga at hindi siya nasaktan sa pakikipag ayaw niya sa lugar na iyon.” “Kaya nga.” Dahil sa hindi naman nila makarga si Farrah ay ako na mismo ang nag akyat sa kwarto nito para deretso ng maipahiga sa kama nito dahil halatang tulog na ito na nasa likod ko. “Maraming salamat talaga,” “Wala po iyong anuman, tita.” Binuksan ni Tita Carla ang pinto sa kwarto ni Farrah ngunit parang nagkamali yata ng kwartong binuksan ito dahil hindi iyong tipong ganito ang ayos ng kwarto ni Farrah. Sa personalidad nai Farrah at walang maniniwala na kwarto niya ngayon ang pinasukan namin. Dahil ang liwanag at puno ng mga stuff toys ang kwarto nito. Napakagirlish ng style kaya mas iisipin kong kwarto ito ni Tamarah. “Ibaba mo na lang dyan si Farrah, Lucas. Maraming salamat.” Kahit na may pagdadalawang isip na ibaba ito sa kama ay ibinaba ko pa rin ito. Agad na inayos ni tita Carla sa pagkakahiga si Farrah. “Bakit?” Tila nahalata naman ni tita Carla na nahihiwagahan ako sa kwarto ni Farrah. “Kwarto ito ni Farrah, Lucas. Kahit na sinong nakakakilala sigura sa kanya ay magugulat kung makikita na ganito kaliwanag ang kwarto niya. Sa totoo lang ay hindi naman ganun katigas ang puso ng batang ito. Sumula ng mamatay ang kanilang ama ay naging matatag na siya. Sabi niya, kung pareho silang mahina ni Tamarah ay sino ang magtatanggol sa kanilang dalawa. Kaya mas pinili ni Farrah ang patigasin ang pagkatao niya para hindi siya ganun kadaling mabully ng iba. Lalo na ngayon na siya na ang namamahala sa mga negosyong iniwan sa kanila ng kanilang ama.” mahabang paliwanag at kwento na rin ni tita Carla tungkol kay Farrah. At sa narinig ko ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Na sa matigas na personalidad nga ni Farrah ay ganito ka girlish ang kwarto nito. “Nakapagpainit na ako ng hangoover soup, ma.” pumasok na si Tamarah na dala ang isang mangkok ng sabaw at binigay nga iyon kay tita Carla. “Baka hindi na niya ito maiinum pa, Tamarah.” Matapos sulyapan si Farrah na mahimbing ng nakatulog ay lumabas na rin kami sa kwarto nito. Hindi na nga pinainum ang hangover soup na dala ni Tamarah para dito. ….. “Hindi na ako magtatagal.” paalam ko kay Tamarah. Pasado na alas diyes ng gabi at hindi naman ako pwedeng manatili sa kanila dahil hindi pa kami kasal ni Tamarah. “Mag ingat ka sa pagmamaneho.” Tumango ako, mabilis na dinampian pa ng halik siya sa labi bago ako tuluyang lumabas. Hatid tanaw na lang niya ako dahil sinabi ko na hindi na niya ako kailangang ihatid. Umuwi ako sa amin ng may kung anong kakaiba sa akin na hindi ko mapangalan kung anu iyon. ….. “Ugh!” napahilot ako sa sintido ko ng magising ako kinaumgahan. “Gising ka na!” Napasulyap ako sa may pinto. Kapasok lang din ni Tamarah. “Paano ako nakauwi kagabi?” tanong ko sa kanya. Ngunit hindi ko na nahintay ang sagot niya ng para akong maduduwal kaya mabilis akong tumakbo sa banyo at doon ko inilabas ang sama ng sikmura ko. Deretso na rin akong naligo bago lumabas. Wala na si Tamarah kaya matapos akong mag ayos ng sarili ko ay lumabas na rin ako ng kwarto ko at naabutan ko sila sa sala. “May problema ka ba?” iyon ang pabungad na tanong sa akin ni mama. “Wala naman mama, sinubukan ko lang naman pero parang hindi ko na uulit pa ang ginawa ko kahapon.” totoong sagot ko. Hindi na ako uulit. Hindi ako masasanay sa ganung lugar at ganung gawain. “Paano pala ako nakauwi kagabi, ma?” “Pasalamat ka at nandito pa kagabi si Lucas. At siya ang kumuha sayo sa club kagabi. Dahil kung hindi ay baka mahirapan kami nitong kapatid mo na iakyat ka sa kwarto mo.” “Huh! Kung ganun ay pumasok si Lucas sa kwarto ko.” “Malamang, siya nga ang kumarga sayo.” sabi naman ni Tamarah. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Ano na lang ang iisipin ni Lukas sa nakitang ayos ng kwarto ko. Ah! Nevermind, at saka wala naman siyang pakialam kung ano nga ba ang ayos ng kwarto ko. Hindi naman ako ang kasintahan niya. ….. Bumalik ako ng condo ko. Tapos na naman ang weekends at balk trabaho na naman ako. Kailangan kong maghanda sa maagang meeting ko sa mga board members. Dahil sa problemang kinakaharap ng negosyo namin. Kailangang masulosyunan ang mga paluging sangay ng kompanya. At kailangan kong maging maingat dahil isa sa mga iyon ang gumagawa ng mga anumlya kaya nawawala ang pundo. Malinis lang silang gumawa kaya wala pang nakikitang butas sa kanila. Papasok na ako ng gusali ng may makasalubong ako. “Farrah?” tanong nito na para bang sinisiguro na ako nga ba talaga ang Farrah na tinawag nito. “Ako nga po. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?” sagot at tanong ko na rin dito. “Ikaw nga! Dito ka rin pala nakatira sa gusaling ito.” “Opo. Pero kilala ko po ba kayo?” muli kong tanong. “Hindi mo ako naalala? Nagkita tayo kahapon, di’ba?” “Huh?” naguluhan ako. Ngunit hindi ko naman maitama ito na hindi ako ang nakita nito kahapon. Bakit parang may mali? At paanong nakilala ako na ako si Farrah. “Ah, naalala ko na po. Kahapon…” “Hindi ko akalain na ikaw ang kasintahan ng anak ko. Akala ko tuloy ay nagbibiro lang siya kahapon ng ipakilala ka niya sa akin.” Napalunok ako. Hindi agad ako nakasagot sa sinabi nito. Ako? Kasintahan ng anak nito? At kailan pa ako nagkaroon ng kasintahan. At sino ang anak nito na kasintahan ko? “Sinabi sa akin ni Stiven na dito kayo nagkakilala mismo. Nagkita daw kayo noon dito ng dalawin niya ako. At love at first sight siya sayo.” “Uhm,” napatango na lang ako ulit. Pero habang dumadami na ang nalalaman ko sa pagkukwento nito ay alam ko na kung sino ang tinutukoy nito. Si Tamarah ang nakilala nito kahapon at ito ang kasintahan ng anak nito. “Hmm,” hindi ko na alam kung naging tabingi na ang ngiti ko ng pinilit kung ngumiti sa harap nito. Nagulat pa ako ng hawakan nito ang kamay ko. “Alam mo bang nagulat talaga ako ng makita kita kahapon na kasama ang anak ko. Hindi ako makapaniwala. Kilala ko na dati ang inyong ina kaya masaya ako na kayo din pala ang magkakatuluyan.” “Maraming salamat mo at nagustuhan niyo ako para sa anak niyo.” palambing na sabi ko like what Tamarah always do. Dahil alam kung ganun din ang sasabihin nito ngayon sa ina ng lalaking kasama niya kahapon. Pero hindi ako basta tatahimik na lang. Kailangan kong kumprontahin si Tamarah. Mamaya, bukas o babalik ako ng bahay para kausapin siya. Kausapin siya ng masinsinan kung anong kaguluhan ang pinasok niya ngayon.Pasensya na, Lucas.” paghingi ng paumanhin ng mama nila Tamarah ng sunduin namin si Farrah sa isang club.Itinawag ng manager ng club kung saan nalasing ito at nakipag away nga sa isang lalaki na gusto daw siyang isayaw ngunit hindi siya pumayag. Kaya iyon, sa kalasingan ay inaway na nito ang lalaking iyon na siyang pinagmulan ng gulo.“Ngayon lang nagkaganito si Farrah. Hindi ko ba alam sa batang ‘to at ano ang naging problema at biglang nagpunta sa club na halata namang hindi siya sanay sa lugar na ganun.” mahabang sabi pa ng kanilang ina habang nakaalalay na ito kay Farrah na kinarga ko sa likod.“Okay lang po, tita. Mabuti nga at hindi siya nasaktan sa pakikipag ayaw niya sa lugar na iyon.”“Kaya nga.”Dahil sa hindi naman nila makarga si Farrah ay ako na mismo ang nag akyat sa kwarto nito para deretso ng maipahiga sa kama nito dahil halatang tulog na ito na nasa likod ko.“Maraming salamat talaga,”“Wala po iyong anuman, tita.”Binuksan ni Tita Carla ang pinto sa kwarto ni Farrah
Hindi ako mapakali.Bakit nga ba?Hindi ko alam kung bakit pero simula ng makaalis si Farrah ay hindi na ako napakali sa pagkakaupo ko lang sa sofa habang naghihintay kay Tamarah.Kuyom ang kamao, pag uugpungin, tatayo mula sa pagkakaupo ko. Basta, pabalik balik ako sa pag upo at pagtayo. Tumitingin sa pinto.Naghihintay na makauwi si Tamarah. O naghihintay na agad na bumalik si Farrah.A moment passed by, 25 minutes to be exact. Nakarinig na ako ng sasakyan na tumigil sa tapat ng kanilang bahay.Bumalik ba agad si Farrah?Malamang. Dahil hindi ako naniniwalang lalabas ito para makipagdate tulad ng sinabi nito kanina. Naikwento sa akin ni Tamarah na hindi marunong makipag socialiaz si Farrah.Napatayo ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, ngunit hindi si Farrah ang pumasok, kundi si Tamarah.Huh! Paano ko ba nasigurong hindi si Farrah ang nasa harap ko ngayon.Malamang agad kong naipaghambing dahil iba naman ang suot ni Farrah na lumabas kanina kahit na magkamukhang magkamukha sila
This is Farrah, she might be the one who will handle my brother-in-law's company.” nauna akong pinakilala ni tito Oscar dito. “Mas nakuha niya ang ugali ng kanyang ama kaya sigurado akong siya ang hahawak ng kompanyang iniwan ng kanilang ama.”“Hello, Ms. Farrah,” pormal na pagbati niya sa akin.Seryoso at parang nakikipagdeal nga lang ito sa mga kasosyo sa trabaho.“Hello, Mr. Scott.” kung ganu naman kapormal ang pagbati niya sa akin ay ganun din ang naging tugon ko sa kanya.Seryoso ko na ring tinapunan ng tingin tulad ng kaseryosohan niya.“And this is Tamarah. Kabaliktaran naman ang ugali niya kay Farrah, she is sweet and loving. She prefers to stay in the house kung wala siyang ginagawa kaysa ang sumama sa kanyang mga barkada.” pagpapakilala ni tito Oscar naman kay Tamarah.“Hi, Tamarah.” magiliw na pagbati naman niya sa kapatid ko.Napayuko naman si Tamarah dahil tinawag lang siya ni Lucas ng pangalan lang hindi tulad sa akin na pormal ang pagtawag sa pangalan ko.And yes, halat
“Uhm!”Napasinghap ako ng lumalim ang paghalik sa akin ni Lucas.Hindi ko napaghandaan ang basta na lang paghalik niya sa akin. Nagulat na lang ako ng basta na lang siyang sumulpot sa likod ko saka ako pinaikot at agad ng halikan sa labi.“S-sandali,” sinubukan ko siyang tinulak habang matino pa ang utak ko ngunit matatag ang braso niyang nakayakap sa baywang habang ang isang kamay ay nakahawak sa batok ko at ayaw akong pakawalan.Ngunit ang pagtulak at kagustuhan kong makalayo sa kanya ay unti unting natibag dahil sa init ng paghalik niya sa akin. Nakakaliyo at nakakawala talaga ng katinuan ng isip. At natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumugon na sa halik niya.Ibinuka ko ang bibig ko para papasukin ang mapangahas niyang dila na nagsusuiksik sa labi ko para makapasok sa loob ng bibig ko.“Ahh,” muli akong napasinghap at napalunok na parang may ipinainum siya sa akin na parang sarap na sarap ako sa paghigop.Mas napanganga ako at hinayaang kong sipsipin niya ang dila ko na para ri







