Share

Chapter 1

Author: Felix
last update publish date: 2026-05-29 14:34:46

Chapter 1: Rustov Florida

“Reña!”

Halos mapatalon ako nang maramdaman ang mahinang pagtampal sa balikat ko. Napatayo agad ako nang makitang si mama pala iyon.

“Saan ka ba nanggaling, ha? kanina pa kita kinakausap, anak… ang lalim naman yata ng iniisip mo?”

Bumuntong hininga ako. Nakahawak pa rin sa labi habang kaharap si mama. Wala man lang kaalam- alam na kanina pa kumukulo ang dugo ng anak niya dahil sa letcheng lalaking iyon.

Kagigil pa rin!

Hinawakan niya ko sa balikat at mahinang pinisil iyon. “Huwag kang mag-alala, makakabangon rin tayo…”

Hinaplos niya ang buhok ko kaya napapikit ako. Iba man ang pinoproblema ko ngayon pero parang may kung anong tumusok sa puso ko habang pinapakinggan ang boses niya.

Heto na naman ang reyalidad na ang hirap hirap harapin…

“Pupunta tayo sa tiya Mylene mo. Itatanong ko kung available pa ba ang ino-offer niyang trabaho noon.”

Nang makaalis siya’y nagpakawala agad ako ng malalim na hininga.

Puro na lang problema…

Pwedeng pera nalang?

Pabagsak akong humiga sa kama kaya sinapo ng unan ang kabigatan ko. Natulala na lang din ako sa kisame dahil sa dami ng iniisip. Ramdam ko ang paghampas ng malakas na hangin mula sa bintana at kasabay nito ang pagbabalik ng nangyari kanina.

Ramdam ko na naman ang pag akyat ng dugo ko. Tumayo pa ako at hinampas hampas ang unan sa tabi na para bang siya ang lalaki kanina.

“Nag nakaw na nga siya ng wallet, pati ba naman first kiss ko hindi niya pinalampas!?”

At isa pang nakakainis ay hindi ko man lang siya namukhaan. Para ipatikim ko rin sana ang halik—ng kamao ko!

—--

“Oh, Vinette! Napadalaw kayo?” salubong sa amin ng babae na sa tansya ko’y kaedaran lang din ni mama. Pinanood ko pa ang pag siklop nang kulot niyang buhok na kanina lang ay tumatabing sa mukha niya.

Kakadating lang namin ngayon sa bahay ni tiya. Ang sabi kasi ni mama marami daw itong alam na pwedeng pag trababahuhan kaya dito kami agad dumiretso. Ngumiti lamang ako nang magawi sa akin ang tingin niya.

“Hala, Lehraña! Dalagita ka na talaga!” natutuwang aniya nang mamukhaan ako. Medyo natagalan pa kasi siyang nakatitig sa akin animo’y isa akong magandang dayuhan. Kidding!

“Naku! Kumusta ka? Kayo ng mama at ate mo?”

Doon ako natigilan.

Parang may bumabara rin sa lalamunan ko kaya wala akong mabuong sagot, dagdag pa na hindi ko rin talaga alam ang dapat na isagot sa tanong na iyon...

Lalong lalo na ang tungkol kay ate.

Tumikhim si mama nang mapansin ang pananahimik ko. Ramdam niya siguro na ayaw kong pag-usapan ang bagay na iyon kaya sumingit siya.

“Ah… Mylene, pagpasensyahan mo na kung didiretsyuhin na kita sa sadya namin ah...” panimula niya.

Nakakaintindi namang tumango ang Tiya Mylene sakaniya.

“Gusto sana naming itanong kung available pa ba iyong sinasabi mong trabaho sa akin noon... Iyong sa kaibigan mo,”

Napaisip naman ito saglit habang ako naman ay pabalik balik na sa paglakad.

Sana meron pa please... Hindi ko na kasi alam kung saan kami pupulutin pagkatapos nito.

Inilibot ko ang tingin sa paligid habang hinihintay ang kasagutan niya. Nasa labas lang kami ng munting bakuran nila tita, halatang naistorbo ito sa paglilinis kanina dahil sa nagkalat na walis at dustpan sa gilid namin.

“Naku, ang alam ko may nakuha na sa cooker eh... Pero kung sa pagiging kasambahay naman ay iyon ang siguradong-sigurado akong wala pa.”

Nabuhayan naman ang diwa ko sa huli. Nagkatinginan kami ni Mama na halatang nagning ning ang mata sa nalaman.

Sa lagay namin ngayon, kahit yata ano ay papasukin ko basta makatulong lang kila mama at sa pag aaral na din…

Tumingala ako nang maalala na naman ang bagay na iyon.

Huminto ako noong nakaraang taon dahil baon kami sa utang, ganun pa rin naman mapa-hanggang ngayon... Ang kaibahan lang ay mas nakaluwag na kaunti. Dahil wala na kami sa paupahan na mas lalong nag pabigat sa amin noon.

“Saglit lang, Kakausapin ko muna para makumpirma natin,” ani Tita bago umalis sa harapan namin.

Pinapasok naman kami ng anak niya sa gawang kahoy nilang bahay. Ilang minuto lang din naman ay bumalik na rin si Tita na may hatid na ngiti sa labi.

“Vinette, ang anak mo lang na si Lehreña ang pwede doon dahil mas pabor sila sa edad niya,” nakakaintindi namang tumango si mama habang nakatitig sa akin.

“Pero huwag kang mag-alala dahil may kakilala pa ako na pwede mong pagtrababahuhan,” dagdag pa niya.

“Salamat sa tulong, Mylene! Wala eh... Walang wala talaga kami ngayon kaya kailangan talaga namin ng trabaho...”

“Ano ka ba! Wala iyon! Para saan pa at magkakamag anak tayo... diba, Lehreña?” Natatawa Naman akong tumango dahil nag e-emote pa lang si mama pero itong si tita ay bigla na lamang itong pabirong kinurot sa pwet.

“O Siya kunin niyo muna ang mga gamit niyo sa labas, dito na kayo mananghalian... At mamayang hapon na lang kita ihahatid doon, pamangkin.”

Ganun nga ang nangyari. Kinahapunan ay sinamahan nila akong dalawa sa pagbyahe papunta sa lugar nang magiging amo ko. Malapit na ring bumaba ang araw ng bumiyahe kami.

Mula sa labas ng tricycle, napansin kong bawat madaanan namin ay may kanya-kanyang mga bulaklak na talaga namang nagpakintab sa kanilang lugar. Pumikit ako nang madaanan ang amoy ng pinaghalong bato at buhangin.

Mukhang payapa naman ang lugar.

Mapayapa rin kaya ako sa trabaho?

“Rostov Florida…” bulong ko, habang malaya na ulit na pinagmamasdan ang kagandahan ng Probinsya.

Hindi ko akalaing dadating araw na maninilbilbihan ako sa ganitong lugar. Lugar kung saan sa television ko lang naririnig dahil sa kasikatan nito sa bato at bulaklak.

“Hanggang dito na lang kami pamangkin... Pagbutihin mo ha? At kung magkaroon man nang problema, wag kang mag atubiling tawagan kami.” Bilin ni Tiya Mylene na sinang-ayunan ko agad.

“Ingatan mo ang sarili mo anak... Kapag Hindi mo kaya ay umalis ka na agad dahil mas mahalaga ka kaysa sa kahit na ano mang bagay.” Yumapos ako sa kaniya at mahinang humalik dito.

“Ikaw ang mas mag-ingat ma, kasi babawi pa ako sayo… kami ni a-ate, kaya magpalakas ka... At huwag na huwag mong kakalimutan ang manalangin sa may lalang sa atin, makakaraos rin po tayo.” bulong ko. Bahagya pa akong tumingala para hindi bumuhos ang nagbabadya kong luha.

“O Siya, pumasok ka na... Balitaan mo na lang kami niyan,” ani Mama matapos humiwalay sa pagkakayakap namin.

Nang makapagpaalam sa isa‘t isa ay pinanood ko munang lumayo ang sinasakyan nila, bago ako pumasok sa panibagong buhay.

Nakaharap ako sa malaking gate nila. Mula dito sa labas ay matatanaw na ang dalawang palapag nilang bahay na puting-puti na akala mo‘y bagong pintura.

Nag doorbell ako ng dalawang beses. Kasabay nang pagtunog nito ay siya ring pagkabog ng dibdib ko. Namilog pa ang mata ko nang awtomatikong bumukas ang gate sa harap ko.

Wala agad akong namataan na tao, maliban na lang sa mukhang kakarating lang na nakasuot ng pang guwardiya.

Tumango lang ito sa akin at seryosong bumalik sa dati niyang pwesto.

“Parang ang tahimik naman yata dito,”

Dahil tanging mga yapak at gulong nang maleta ko lang ang naririnig sa paligid.

Pero habang papaakyat ako sa hagdan, papasok sa pintuan ay tsaka ako nakarinig nang pamilyar na tunog. Nang makalapit ay mas lumilinaw na tahol pala ito nang aso.

Chiwa-wa

Balak ko sanang hawakan pero mabilis din itong tumakbo palayo.

Nangunot ang kilay ko nang mapansing tila may kagat kagat itong kakaibang bagay sa kanyang bibig.

“Pasaway,” bulong ko nang mawala na ito sa aking paningin.

Sa ‘di inaasahan saktong pagharap ko sa bukas na p***o, ay siya namang pagtabig ng matigas na bagay sa akin.

“Aray!”

Naramdaman ko ang pagtama nang siko sa matibay na p***o. Pinakiramdaman ko rin ang likod ko na siyang unang kumirot.

“Langya, first day ko palang. Sa hilutan agad abot ko…” napapapikit kong reklamo habang hawak-hawak ito ng marahan.

Kamalasan na naman?

Pilit ko namang nilingon ang sanhi ng panibago kong problema. At ayun, nakalayo na ang matipuno niyang likod. Pansin ko rin ang magulo nitong buhok at ang nakakaloka pa, nakasando‘t… naka boxer lang siya!

Umiling-iling ako. Hindi ba niya naisip na baka mailang ang babaeng makakita sakaniya?

Umirap ako. Sinubukan ko pang tumayo nang maayos ang kaso lang agad din akong napapapikit sa sakit.

Bwesit.

Kahit na mahirap ako, wala sa prebilihiyo ko ang ‘di marunong humingi ng paumanhin no.

Kunsabagay wala nga siyang hiya sa sarili niya, sa akin pa kaya?

Lumingon ulit ako sa likuran. Napapiksi ako nang makita ang aso na ngayon ay buhat-buhat na nang lalaking kanina ko pa tinitiris sa utak ko.

Nagkatitigan kami. Pansin kong nangunot ang makapal nitong kilay habang madilim ang tingin sa gawi ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Duster Queen    27

    “Wala ka ba talagang bestida, Renieee? O kahit na anong pang porma?” Iyan ang unang bungad sa akin ni Mikay kinaumagahan. Nakapameywang pa ito sa harap ng tukador ko habang nangangalkal naman ang isa niyang kamay.“Wala akong hilig sa ganyan,” naiiling kong sabi habang ang mata'y nasa mga daliri.Totoo naman talagang wala akong interes sa mga ganoong bagay. Mas gusto ko kasing unahin ang mga bagay na mas 'kailangan' kaysa sa mga minsan lang naman magamit.“Nakuuu, kung kasya mo lang talaga ang mga gamit ko,” nangangamot ulong saad niya.Kahapon kasi ay tinipon kami ng mayordoma sa kusina. Nung una hindi ko pa maintindihan kung bakit parang sabik na sabik ang lahat. Kalaunan nang banggitin na nito na may ‘party’ daw na magaganap sa kabilang baryo ay tsaka ko naunawaan ang nakabibinging ingay mula sa kanila.Pero sa mga oras na iyon, isa lang ang naiisip ko. Hindi ako interesado. Pero ang malamang sasama ang lahat, maging ang pamilya Salazar ay doon na ako nagdalawang isip.Makikita ko

  • The Billionaire's Duster Queen    26

    Naiirap ako habang tinitignan ang parang batang kasama ko sa loob ng kusina. Kanina ko pa napapansin na galaw siya ng galaw tapos isabay mo pa ang nakakarindi niyang ingay. " Hoy, umamin ka! Kinikilig ka no!" Pang-uusisa niya pa habang sinusubukan akong sundutin sa tagiliran.Sinamaan ko siya nang tingin dahil wala namang katotohanan ang pinagsasabi niya. Hindi ako kinilig no! Mas nangibabaw pa nga ang hiya at inis ko kanina dahil ayaw kong mag isip ng kung ano man. "Titigil ka o ihahampas ko saiyo ito?" Sabay pakita ko sa palayok na hawak hawak ko ngayon. Madilim pa naman ang pwetan nito na talagang magiging kakulay niya kung di siya mananahimik jan.Napansin kong lumayo siya sa akin ng kaunti at umakto pang zinizeeper ang bibig niya. Takot din pala. Imbes na pagtuunan siya ng pansin ay ibinuhos ko nalang iyon sa mga hugasing nasa harapan ko ngayon.Ako kasi ang naka assign sa mga pinggang pinagkainan, samantalang siya naman ay magkikiskis dapat ng kaldero ngayon. Pero heto ang wal

  • The Billionaire's Duster Queen    25

    Hindi ako nagtagumpay na mahanap ang matino kung amo. Bigla kasing sumulpot ang Mayordoma ng mansyon at tinawag ako para tumulong sa kusina. Balita ko, may espesyal daw na bisitang darating kaya nga halos lahat ng makasalubong ko ay parang hindi pwedeng istorbohin. “Mikay, naluto mo na ba ang salmon?” “Malapit na ho,” rinig ko namang tugon nito mula sa harapan ng paglutuan.Habang abala ang lahat, pansin kung parang hindi normal ang kilos ng bawat isa. Kitang-kita talagang tuliro ang ang mga kasamahan ko at parang may namumuong kung ano sa kanilang mga mata na parang... Kinakabahan?Ano ba ito? Parang nahahawa na rin tuloy ako!“Reña, magtimpla ka ng juice sa pitsel,” nagmamadaling utos sa akin na agad ko ding sinunod.Naghahalo na ako ngayon, nang malasahang katamtaman na ang lasa ay tsaka ko naman binuhat para ilagay sa lamesa.Papalapit palang ako sa parehabang lamesa nang sumamyo na ang iba't ibang ulam sa ilong ko. Naramdaman ko pa ang pagkulo ng sikmura ko lalo na ng makita

  • The Billionaire's Duster Queen    24

    “I'm interested... But how about my brother?” Natitigilan naman akong tinitigan siya. Ramdam ko ang pagdiwang ng katawan ko sa nalaman kaya naman lumapit pa ako ng kaunti para masinsinan kaming makapag usap.“Huwag kang mag-alala akong bahala sa kuya mo,” pagpapanatag ko kahit pa alam kong mahihirapan na naman ako sa bagay na iyon.Ngumuso siya at umiling-iling.“Come on, don't hoping so much. I know him more than you did...”Gaya niya ay napalabi din ako. Gets ko naman iyon. Pero wala namang masama kung susubukan diba?Mas lumapit pa ako at umupo din para magkapantay kami.“Ayaw mong maniwala? Pwes, hayaan mo akong ipakita saiyo,” biro ko na may halong katotohanan.Tumaas ang mataray niyang kilay, mukhang hindi pa rin siya sang-ayon sa kagustuhan ko at parang siguradong-sigurado siya na impossible ang gusto kung mangyari.“You can say that though, pero hindi mo ba napapansin? He keep pushing you and treating you like unhuman, and besides, ayaw niya akong napapalapit sa mga katulad

  • The Billionaire's Duster Queen    23

    Hindi ko inaasahang dadating ang araw na ito. Siguro nga hindi pa ito ang huling pagkikita namin... Pero kasi, mawawalan na naman ako ng kasundo sa bahay na ito.Kumaway siya sa amin, pagkatapos niyang bumeso sa dalawang anak. “Ingat po kayo, Mrs. Tarah!” sabay-sabay naming sigaw ng mga kasamahan kong kasambahay mula sa gate. Ramdam na ramdam mo talaga ang dismaya sa ekpresyon nila kahit pa nakangiti sila.Pinagmasdan ko ang dalawang alaga ko na seryoso lang ang tingin sa papaalis na sasakyan ng kanilang Ina.Pagkuwan ag yumakap si Teighnie sa kaniyang kuya habang nakabaon ang mukha dito. Binuhat naman siya nito at ngayon ay papalapit na sa pwesto namin.Ay teka, ako nalang pala!Panigurado, ayaw nilang makasalubong ang magkapatid na ito, lalo pa't wala na ang Amo namin.“K-kuya... Bakit kasi hindi nalang tayo isama ni mommy?” narinig kong humihikbing tanong ng bata.“Hush...” hinaplos nito ang buhok ng kapatid habang may binubulong bulong para siguro pagaaanin ang loob niya.Napans

  • The Billionaire's Duster Queen    22

    Kinaumagahan, maaga akong ginising ni Manang para magluto ng agahan ng magpapamilya.Masakit daw kasi ang puson ni Mikay kaya nakahilata lang siya ngayon doon, tapos iyong mga cooker naman na kasama niya ay mamalengke dahil paubos na daw ang stocks.“Nga pala, diba sabi mo dadalhan mo din si Sir ng pagkain sa site niya?” Tumango ako habang kumukuha ng frozen food sa ref. “O siya, ako na munang magbabantay doon sa bata... Para maasikaso mo din si Sir Thane.” Natigilan ako saglit, at napatalon rin sa galak.Sa wakas, bawas responsibilidad ngayon!“Thank you, Manang!”Natatawa naman siyang umiling at pagkuwan pay pabiro akong kinurot.“O siya, magluto kana nga diyan!” Ganun nga ang ginawa ko. Isinalang ko ang kawali sa shalin at nang mainit na'y inilagay ko na ang cooking oil. Nag pr-priito lang naman ako ng Sunny side up egg, Bacon at ang paborito daw ni Teighnie--Ang Tocino!Nagsangag rin pala ako ng kanin, para talagang breakfast na breakfast ang atake. Nang makapaghanda na sa h

  • The Billionaire's Duster Queen    Simula

    “Bukas na bukas ay dapat wala na kayo sa pamamahay na ito!” Halos manlumo naman sa narinig si Mama, sinubukan nitong lumapit kay Aleng Betha ngunit galit namang umiiwas ang babae sakaniya. “Manang Betha baka bukas o makalawa ay makakabayad na rin kami kaya huwag ho kayong magsalita ng ganiyan...”

  • The Billionaire's Duster Queen    05

    “Seems like someone is playing at hide and seek huh?” may panunuya sa boses nito pero halatang hindi niya nagugustuhan ang nangyayari.Dahan dahan akong gumapang papunta sa pinaka dulo ng king size bed niya.I dunno kung nagkataon lang pero papalapit na naman siya dito. Habol habol ko tuloy ang hin

  • The Billionaire's Duster Queen    04

    Naiinis pa rin talaga ako sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na sa unang paghaharap namin ay ganong ugali ang ipapakita niya. Kinagwapo niya ba iyon!?Nasa harapan na ako ng pinto niya ngayon at Nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok pa ba ako sa kwarto niya o wag nalang. Kabadtrip kas

  • The Billionaire's Duster Queen    03

    Kinaumagahan ay maaga akong bumangon nang higaan. Sanay kasi ang katawan ko na maagang gumigising, lalo na noong kailangan naming mag doble kayod ni mama.Speaking of my mom, miss ko na siya...Matapos mag ayos ng komportableng damit ay lumabas na ako sa aking silid. Ngayon ko lang napagtanto na s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status