공유

The Billionaire's Duster Queen
The Billionaire's Duster Queen
작가: Felix

Simula

작가: Felix
last update 게시일: 2026-05-29 14:14:59

“Bukas na bukas ay dapat wala na kayo sa pamamahay na ito!”

Halos manlumo naman sa narinig si Mama, sinubukan nitong lumapit kay Aleng Betha ngunit galit namang umiiwas ang babae sakaniya.

“Manang Betha baka bukas o makalawa ay makakabayad na rin kami kaya huwag ho kayong magsalita ng ganiyan...” mahinang sabi pa nito na siyang kinailing ng mamang.

“Aba‘t Vinette, huwag mo akong nililinlang sa salitang iyan! Noong nakaraan ay ganyan rin ang sinabi mo tapos ano ito ngayon, wala pa rin!?”

Unti-unti namang yumuko ang ulo ni mama. Halatang napahiya sa tinuran nito. Napakagat labi na lamang ako, hindi ako sanay na makitang nanghihina si mama habang namumuo ang luha sa mata.

“Tatlong buwan na Vinette, ni isa doon ay wala man lang kayong binayaran!? Hindi porket pinaupahan ko kayo ay lulubos lubisin niyo na na walang bayad! Magpasensyahan tayo dahil gaya niyo ay nangangailangan rin ako!” galit niyang sigaw na kinakuyom ng kamao ko. Pilit ko itong tinatago sa aking likuran.

Tatlong buwan na pala. Tatlong buwan na ang lumipas simula nang matanggal si mama sa dati niyang pinagtratrabauhan. Ganun na rin pala katagal kaming halos mamulubi dahil sa baba ng kinikita namin sa pagsasideline sa kung ano-ano.

“Ma... umalis na tayo dito! Kasi kung magtatagal pa tayo, patuloy lang tayong gigipitin nang babaeng iyon!” naiinis kong sabi.

“ Ang bunganga mo, Lehreña!” puno ng pag-iingat niyang saway.

Halatang nangangamba siyang baka marinig pa iyon ng babae kahit na kanina pa ito nakaalis. Pero wala akong pake! Kasi totoo naman!

Pasimpleng umikot ang mata ko. “Hindi ba‘t pansin mo rin iyon, ma? Sa halos Isang taon nating pamamalagi dito ay saksi kaa rin kung paano pataas nang pataas ang singil niya na akala mo naman gawa sa ginto ang bahay niya!?”

Natahimik naman siya kaya mas lalo lamang nadagdagan ang inis ko.

Oo aminado akong delay kami sa pagbabayad pero masisi niya ba kami? Natanggal sa trabaho si Mama, hindi sapat ang kinikita ko sa pagtitinda ng basahan at matumal lang rin ang kinikita namin sa pananahi ngayon. Tapos ang usapan sa upahan na bayarin ay mas lalo pa niyang pinapataas!

Akala ko ba pang budget f*e lang dito eh ano ito!?

“Hayaan mo na iyon, maghahanap nalang ulit ako ng pwedeng trabaho para mabayaran ko si—”

“Aalis pa rin tayo ma kahit na mabayaran natin iyon o hindi! ” sabat ko.

Ayaw ko na dito, feeling ko talaga simula nang tumira kami dito ay mas lalo lang nadagdagan ang problemang kinakaharap namin.

Lihim akong napangisi nang tumango siya.

Sa wakas, makakaalis din sa impeyernong bahay na ito!

“Oh nakapag impake na pala kayo, ano pa bang hinihintay niyo? Bubuhatin ko pa kayo!?” Rinig kong sigaw mula sa labas

Umagang-umaga ganyan ang bungad ng tigreng iyan.

Kulang man sa tulog dahil sa kakaisip sa buhay na naghihintay sa amin pagkatapos nitoi, nagawa ko paring ngumiti.

Kakayanin namin ito!

“Baka pwedeng ipagpamamaya unti ang pag-alis namin manang Beth? Natutulog pa lang kasi si Lehr—”

“Edi gisingin mo na! Wag kayong kukupad kupad dahil may susunod nang mamalagi dito!” walang preno nitong sabi.

Naiirap akong pumasok nang banyo. Kung nasa labas lang siguro ako ngayon, nasupalpalan na ang bunganga niya. Pero last day naman na namin dito kaya regalo ko na ang pagiging mabuti.

“Malas naman nang susunod dito,” naiiling kong sabi.

Nang matapos nang makapagbihis ay hbinitbit ko na ang mga dadalhing gamit. Unti lang naman iyon dahil hindi ako pala bili ng kung ano-ano. Kung anong sasapat lang sa pera iyon lang talaga.

Pinasadahan ko nang tingin ang silid ko nang isang taon. Nagmukha na itong walang buhay dahil sa pagkaalis ng mga anik anik ko. Tanging ang maliit lang na higaan at kabinet na kahoy ang natira dito na para bang abandonadong kwarto kung di lang malinis ngayon.

Lumabas na ako ng kwarto. Pumunta ako kung saan nag aabang si Mama. Nasa tabi nito ang tigreng nakakunot ang noo na mukhang inaabangan rin ako.

“Fully paid na ba ma?” may panunuya kong sabi nang masulyapan si Manang Betha.

“O-oo... Tara na,” hinila na niya ako sa takot na baka may masabi pa akong ‘di angkop sa pandinig.

Pinagtaasan ko lang nang kilay ang babae bago hinatak ng may pag iingat si mama. Alam kong ‘di maganda ang pag uugali kong mainis sa matanda pero hindi ko lang talaga mapigilan. Kumabaga, namumuro na kasi siya…pigtas tuloy pasensya ko.

“Sa wakas, wala na tayo sa kaharian ng demonyo!” natatawang sabi ko nang maramdaman ang masarap na hangin.

Pabiro naman akong kinurot ni mama pero natatawa din.

Nang makasakay na kami nang trycicle ay tila sinampal din ako ng katotohanang

Saan kami pupulutin ngayon?

Oo nga't nakaalis kami doon pero paano na kami ngayon?

“Oh, Vinette! Napadalaw kayo?” salubong sa amin ng babae na parang ka edaran lang ni mama.

Kakadating lang namin ngayon sa bahay ni Tiya Mylene. Sabi kasi ni mama maraming itong alam na pwedeng pagtrabauhan kaya dito kami dumiretso.

Ngumiti lamang ako nang magawi sa akin ang tingin niya. “Hala, Lehraña! Dalagita ka na talaga!” natutuwang aniya nang mamukhaan niya ako. Medyo natagalan pa kasi siyang nakatitig sa akin kanina animo’y isa akong magandang dayuhan. Char!

“Naku! Kumusta ka? Kayo ng Mama at ate mo?” dagdag pa nito na Siya namang kinatigil ko.

Parang may bumara namang sa lalamunan ko kaya wala akong mabuong sagot, dagdag pa na hindi ko rin alam ang dapat na isagot sa tanong na iyon...

Lalong lalo na ang patungkol Kay ate.

Tumikhim si mama nang mapansin ang pananahimik ko. Alam ko na alam niyang ayaw ko munang pag-usapan ang bagay na iyon.

“Ah...Mylene, pagpasensyahan mo na kung didiretsyuhin na kita sa sadya namin ah...” panimula niya. Nakakaintindi namang tumango ang Tiya Mylene sakaniya.

“Gusto sana naming itanong kung available pa ba iyong sinasabi mong trabaho sa akin noon... Iyong sa kaibigan mo,”

Napaisip naman ito sa sinabi ni Mama habang ako naman ay halos hindi mapakali sa kinatatayuan. Sana meron pa please... Hindi ko na talaga kasi alam kung saan kami pupulutin nito.

Inilibot ang tingin ko sa paligid habang hinihintay ang kasagutan niya. Nasa labas lang kami nang munting bakuran nila tita, halatang naistorbo ito sa paglilinis kanina dahil sa nagkalat na walis at dustpan sa tabi Namin.

“Naku, ang alam ko may nakuha na sa cooker eh... Pero kung sa pagiging kasambahay naman ay iyon ang siguradong-sigurado akong wala pa.”

Nabuhayan naman ang diwa ko sa huli. Nagkatinginan kami ni Mama na halatang nasiyahan rin sa nalaman.

Ayos na sa akin iyon, kaysa Wala... Sa lagay namin ngayon, kahit yata ano ay papasukin ko basta makatulong lang kila mama at sa pag aaral na din…

Bumuntong hininga ako nang maalala na Naman ang bagay na iyon. Ngayong year kasi ay balak kung tapusin ang nasimulan kung kurso sa kolehiyo.

Huminto kasi ako noong nakaraang taon dahil baon kami sa utang pero ganun pa rin naman mapa-hanggang ngayon...

Ang kaibahan nga lang ay mas nakaluwag na kami unti. Kasi wala na kami sa paupahan na mas lalong nagpapabigat sa amin noon.

“Saglit lang, kausapin ko muna ang kaibigan ko na siyang naghahanap” ani Tita bago umalis sa harapan Namin.

Pinapasok Naman kami Ng anak ni Tita sa loob kaya naupo kami sa munting salas nila. Gawa sa kahoy ang bahay nila kaya Naman nakamamangha ang nga gamit nilang halos lahat ay antique. I lang minuto lang Naman ay bumalik na rin si Tita na may hatid na ngiti sa mga labi.

“Vinette, ang anak mo lang na si Lehraña ang makukuha doon dahil ang katulad niya ang hinahanap nila,” nakakaintindi namang tumango si mama.

“Pero huwag kang mag-alala dahil may kakilala pa ako na pwede mong pagtrabauhan” dagdag pa niya.

“Salamat sa tulong, Mylene! Wala eh... Walang wala talaga kami ngayon kaya kailangan talaga namin ng trabaho...”

“Ano ka ba! Wala iyon! Para saan pa at magkakamag anak tayo... Diba, Lehraña?” Natatawa Naman akong tumango dahil nag e-emote pa lang si mama pero itong si tita ay bigla na lamang itong pabirong kinurot sa pwet.

“O Siya kunin niyo muna ang mga gamit niyo sa labas, dito na kayo mananghalian... At mamayang hapon na lang kita ihahatid dun, pamangkin.”

Ganun nga ang nangyari. Kinahapunan ay sinamahan ako ni Mama at ni Tita sa pagbyahe papunta sa lugar nang magiging amo ko. Malapit nang bumaba ang araw nang makarating kami sa destinasyon ko.

“Hanggang dito na lang kami pamangkin... Pagbutihin mo ha? At kung magkaroon man nang problema, wag kang mag alinlangang tawagan kami.” Bilin ni Tiya Mylene na sinang-ayunan ko agad.

“Ingatan mo ang sarili mo anak... Kapag Hindi mo kaya ay umalis ka na agad dahil mas mahalaga ka kaysa sa kahit na anong bagay.” Puno mg emosyon nitong Sabi kaya hindi ko na pigilan ang sariling yakapin siya.

“Ikaw ang mas mag-ingat ma, kasi babawi pa ako saiyo… kami ni a-ate, kaya magpalakas ka... At huwag na huwag mong kakalimutan ang manalangin sa may lalang sa atin, makakaraos rin po tayo.” bulong ko. Bahagya pa akong tumingala para hindi bumuhos ang nagbabadya kung luha.

“O Siya, pumasok ka na... Balitaan mo na Lang kami niyan,” ani Mama matapos humiwalay sa pagkakayakap Namin.

Nagpaalam na kaming tatlo sa isa‘t isa matapos iyon. Pinanood ko munang lumayo ang sinasakyan nila bago ko napagdesisyonang pumasok.

Ngayon ay nakaharap na ako sa malaking gate nila. Mula dito sa labas ay matatanaw na ang dalawang palapag nilang bahay. Halatang yayamanin talaga ang nakatira.

Nag doorbell ako nang dalawang beses sa tapat ko at naghintay. Maya-maya pa ay bumukas na nga ang gate. Automatic pala itong bumubukas kaya wala akong nadatnan na tao papasok.

“Parang antahimik naman yata dito,” bulong ko dahil tanging mga yapak at gulong nang maleta ko lang ang maririnig habang naglalakad ako sa bakuran nila.

Pero habang papaakyat ako sa hagdan papasok sa pintuan ay tsaka ako nakarinig nang tunog.

Habang papalapit ako ay mas lumilinaw na kahol pala ito nang papalapit na aso.

Hahakbang na sana ako sa loob nang may maramdaman akong mabalahibo na mabilis na dumaplis sa paanan ko. Hinabol ko ito nang tingin at nang Makita ito ay namamangha ako na nagagandahan sa itsura nito.

Iba talaga kapag alaga nang mayaman, nakakaganda, charingg.

Tumaas ang isa kong kilay nang mapansin na tila may kagat kagat itong bagay sa kaniyang bibig at tinatakbo na niya ito ngayon palayo.

“Pasaway na aso,” bulong ko nang mawala na ito sa aking paningin.

Saktong pagharap ko sa pinto ay bigla na lamang akong nawalan ng balanse dahil sa matigas na bagay na tumama sa gilid ko.

“Aray!” daing ko nang tumama ang siko ko sa matibay na pinto. Dagdag pa na nadale rin ang likod ko.

“Nubayan, first day ko palang tapos need ko na agad magpahilot!” napapapikit kong reklamo habang hawak ang likod. For real ang sakit talaga!

Pilit ko namang nilingon ang taong sanhi nang masakit kong likod at siko. At ayun nakalayo na ang Depungal! ‘Di man lang nag-sorry! Bastusan lang!?

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Billionaire's Duster Queen    06

    Tatlong araw na ang lumipas simula nang mahuli niya ako sa kwarto niya. At sa mga nakalipas na araw na iyon din ay hindi ko siya nakita sa pamamahay na ito.“Mikay, anong balita diyan?” tanong ko pagkatapos mag mop ng sahig.Si Mikay ang isa sa mga kaedaran kong katulong dito at siya rin ang naatasan ni Ma'am Tarah na maging mata sa lalaki tuwing naglilinis ako. Mahirap na at baka mahuli ng suplado.Umupo ako sa couch ng lalaki habang nakalagay ang cellphone sa aking tainga. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.“Wala pa rin.... Pero bilisan mo jan at baka maabutan ka na naman.” bilin nito.Umirap ako. Na naman? Eh isang beses pa lang naman ako nahuhuli ng malditong iyon. Atsaka confident rin ako na sa mga oras na ito ay wala pa rin siya. Ganun nga ang ginawa ko. Pagkatapos kung linisan ang buong kwarto niya ay umalis na ako. Pinunasan ko ang pawis sa noo. Nag init ang ulo ko nang maalala na naman ang kalat at dumi sa kwarto niya. Oo, pinuri ko ang kwart

  • The Billionaire's Duster Queen    05

    “Seems like someone is playing at hide and seek huh?” may panunuya sa boses nito pero halatang hindi niya nagugustuhan ang nangyayari.Dahan dahan akong gumapang papunta sa pinaka dulo ng king size bed niya.I dunno kung nagkataon lang pero papalapit na naman siya dito. Habol habol ko tuloy ang hininga ko habang humahakbang siya. Bakit hindi niya muna Icheck sa banyo niya? O sa kung ano-ano. Maging tanga ka ket ngayon lang!Mukhang nasagot naman ang kagustuhan ko dahil dumiretcho ito sa banyo. Padabog na bumakas ang pinto nito dahilan para mas matakot ako.Kung lumabas na kaya ako? Kaso maririnig niya for sure iyong pinto kapag binuksan ko!Pero dahil nanalo nanaman ang intrusive thoughts ko ay dali-dali akong gumapang palabas. Nasa banyo palang siya dahil wala pang tao dito sa bedroom niya. Lakad takbo ang ginawa ko para makapunta sa harap ng pinto. Habol-habol ko pa ang hininga ko na tila lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis. Sorry ka, Mr. Thane pero magaling yata ako. Na

  • The Billionaire's Duster Queen    04

    Naiinis pa rin talaga ako sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na sa unang paghaharap namin ay ganong ugali ang ipapakita niya. Kinagwapo niya ba iyon!?Nasa harapan na ako ng pinto niya ngayon at Nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok pa ba ako sa kwarto niya o wag nalang. Kabadtrip kasi. Kung ihagis ko kaya mga gamit niya palabas? Joke. Baka ihagis rin ako ni ma'am Tarah...Natigil ako sa pag iisip nang makitang hindi normal ang pinto niya. May kulay gray kasi itong panel sa gilid kung saan may numerong pipindutin para magbukas.Pinindot ko ang apat na digit na sinabi sa akin kanina ni Tita. Nang matapos ay tumunog ito kasabay nang pag ilaw ng kulay berde. Nang mag click ito ay tsaka ko hinila ang handle ng pinto.Ibang klase ang seguridad ng lalaking iyon. “Ang... Ganda!” nagliwanag ang mata ko nang makapasok.Parang nalimutan ko saglit ang kaninang inis na nararamdaman.Pinagmamasdan ko ang silid nito.Gray at white ang theme ng silid na mahahalata mong lalaking lalaki

  • The Billionaire's Duster Queen    03

    Kinaumagahan ay maaga akong bumangon nang higaan. Sanay kasi ang katawan ko na maagang gumigising, lalo na noong kailangan naming mag doble kayod ni mama.Speaking of my mom, miss ko na siya...Matapos mag ayos ng komportableng damit ay lumabas na ako sa aking silid. Ngayon ko lang napagtanto na sa ikalawang palapag pala talaga ang kwarto ko. Hindi naman ito sa pinakadulo dahil may iba pang mga kwarto akong natatanaw sa malayo.Habang pababa ako nang hagdan ay kita na mula dito ang mga naghahain na katulong sa lamesa, kaya naman dali-dali akong lumapit doon para tumulong.“Naku, miss Reña maupo na lang po kayo doon,” ani ng isa sakanila na naghahain ng pagkain.Umiling naman ako at tumulong pa rin sa paglalagay. Unting bagay lang naman ito para sa akin.Hindi na sila nakatanggi pa nang magtuloy ako sa ginagawa. Nang matapos ay pinaupo nila ako dahil kasabay ko raw kakain si Miss Tarah. Ang weird lang, bakit ako sasabay?“Good morning po!” bati ko nang maupo ito sa kanang tabi ko.“Go

  • The Billionaire's Duster Queen    02

    Pagkatapos nang usapin namin ay hinayaan na muna akong magpahinga ni Ma'am Tarah.Ang bait niya talaga. Dapat nagtratrabaho na ako ngayon dahil kakatanggap niya lang sa akin sa trabahong ito. Pero tignan mo nga naman, nakahiga ako ngayon na animo'y espesyal na bisita. Baka lahat ganto niya tratuhin? Good, then.Bumangon na ako sa pagkakahiga pero hindi pa rin ako umalis sa pwesto ko. Naka tulog rin naman ako ng mga tatlong pong minuto kaya may lakas na naman ako para bumangon.Sinulyapan ko ang cellphone ko sa tabi ko. Basag basag na ito na para bang pwede nang itapon anomang oras. Alas syete na rin pala nang gabi. Kaya pala nung tumanaw ako sa bintana kanina ay madilim na.“Ma‘am Lereña, ang pagkain niyo po,” rinig kong sabi sa likod nang pintuan.Actually, kumatok muna siya bago magsalita na siyang kinailing ko. Ang espesyal naman yata nilang trumato ng katulong? O nasanay lang talaga ako sa masamang ugali ni Manang Betha?Pinagbuksan ko ito ng pintuan. Pumasok naman ang babae na s

  • The Billionaire's Duster Queen    01

    “Are you okay, hija?” Umangat ang tingin ko at kusang natigilan sa paghagod sa likod nang marinig ang nag aalalang boses ng kung sino. Tinatanong pa ba iyan? HuhuHindi ko siya masagot dahil obvious naman sa itsura ko na para na akong natatae. Iyong ekspresyon ko kasi.“Wait, are you the one Mylene talking about?” tanong niya habang pinagmamasdan ang bagaheng dala ko.Tumango naman ako nang marinig ang pangalan ni tita. Na para bang wala na akong dila!?“Let’s talk inside then,” aya niya kaya naglakad na kami papasok.Habang naglalakad kami ay pinagmamasdan ko ang bawat paligid. Totoo ngang malaki at malawak ang bahay na ito dagdag pa na ang garbo ng mga nilalaman.Malinis at ang kinis rin nang sahig, kaya na c-concious tuloy ako kung pwede bang itapak itong sapatos ko dito. Langya.Tumigil naman kami sa mga may upuang malalambot na sofa na sa tingin ko ay ang salas nila. Pinaupo niya ako sa tabi niya kaya iniwan ko muna ang bagahe sa gilid.“I heard kamag-anak mo raw si Mylene?”

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status