LOGINChapter 5: Mess
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa silid na iyon. Basta nakita ko na lang ang sariling nasa sariling kwarto habang habol habol ang hininga. Putik. Kakasimula ko palang pero parang gusto ko ng umatras. Pabagsak akong humiga ka sa kama. Sapo-sapo ko pa ang mukha dahil sa matinding frustration sa lalaki. Magpakatatag ka, Reña… may usapan kayo ni ma'am Tarah dibay? At saka kailangan mo rin ng pera sa pag-aaral, para kay mama at kay… ate. Kinaumagahan maaga akong gumising para maghanda ng pagkain ng amo ko. Sinabihan kasi ako ni manang Sidra na maaga daw itong gumigising para magluto ng agahan niya. Kaya ang goal ko ngayon, ay unahan siya. Nagsangag lang ako ng kanin sa kawali at nilagyan ng iba’t ibang pampalasa. Nangamoy pa nga ang omelette egg na isa sa ni-request ni ma'am Tarah para sa anak. Sa inumin naman ay naghanda lang ako ng isang tasang kape at pitsel ng tubig. Breakfast check. Habang nag-aayos ay nakarinig ako ng mga yapak mula sa itaas. Kumaripas agad ang tibok ng puso ko nang makumpirmang bulto iyon ng malaking tao. Siya na ata. Mabilis akong nagtago sa sulok na alam kong medyo madilim pero sapat na para matanaw pa rin siya. Higit higit ko ang hangin habang pinanood ko kung paano siya dumaan sa lamesa, naglalakad lang naman siya pero bakit parang mapapayuko ako kung sakaling nakasalubong ko siya? Parang masyadong maangas. Umiling ako, ano ba itong iniisip ko? Syempre mayabang iyan kaya feeling hari kung makadaan. Umangat ang labi ko nang mapansing nagawi ang mata niya sa mga nakahain. Pero agad din iyong napawi ng seryoso niya lang iyong nilagpasan at dumiretso pa nga sa kusina na parang walang pakialam. Abat! Bagsak ang balikat kong sumandal sa pader. Huminga ako ng malalim para kalamahin ang sarili. Gusto kong umasa na babalik pa siya at baka may kung anong kinuha lang iyon saglit. Syempre sino namang aayaw sa nakakatakam na umagahan? Maya-maya pa nga ay ganun nga ang nangyari. Lumabas siya pero ngayon ay may bitbit ng umuusok na tasa. At… isang tray? Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Marahas kasi nitong kinuha ang mga pinggang kakaayos ko lang kanina at isa-isa iyong pinagkasya sa tray. Sumiklab ang init sa ulo ko nang matapon ang ibang ulam sa sahig dahil sa ginawa niya. Bastusan lang?! Bago pa man siya makalabas ng p***o ay mabilis kong hinarang ang braso ko sa harap niya. “Saan mo naman iyan dadalhin, Ser?” Taas kilay kong puna habang mariin ang titig sa hawak niya. Hindi naman siya umimik bagkus ay gumalaw pa nga ang magkabilaang panga niya, tila hindi natutuwa na nakita akong nandito ngayon at mangingielam pa sa gusto niyang gawin. “Teka, teka, teka!” pigil ko nang makalapit siya. Napaatras ako nang maramdaman ang bigat na dala niya kung kaya't halos manginig ang dalawa kong tuhod kakaatras. Ito na naman, parang delikado. Kahit na magkaharap kami ay sinadya kong ipukol ang tingin sa likod niya. Hindi naman sa natatakot ako… basta may something lang na ‘di ko maipaliwanag sa tuwing nagbabanggan ang tingin namin. “Look up.” Natameme ako at hindi makapaniwala na umiling sa sarili. “ S-saan mo dadalhin iyan?” pang iiba ko ng usapan dahil wala akong balak sumunod sa utos niya. Naramdaman ko ang paghakbang niya na parang uubusin niya ang paagitan sa aming dalawa. “So you cooked this…mess?” patuya niyang sabi kasabay noon ay ang pagtunog ng mga babasagin. Umangat ang tingin ko at hindi na nakapagpigil pang harapin siya. Sumalubong naman ang mukhang kalmado ngunit madilim niyang mga mata habang nakangisi. Nang mapansin ako ay pinasadahan niya ng tingin ang mga pagkain na tila nandidiri. Nagsisimula na naman siya. “Mess?” tumawa ako na hindi nakaabot sa mata ko.“Actually… siguro nga?” mataman ko siyang tinignan, “Because I only cooked good, when that person is SPECIAL.” diniinan ko talaga ang panghuli kahit na halos manghina ang tuhod ko sa presensya niya. Tumitig lang siya sa akin habang blanko ang ekspresyon. Iniwas ko ang tingin nang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Pasimple pa akong bumaling sa bintana kung saan pataas na ang kahel na araw. “So are you saying that—” “Such a mess…” pangagaya ko sa paraan ng tono niya kanina. Parang sandali itong natigilan na kinaismid ko. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at kinuha ang pagkakataon na iyon para agawin sakaniya angg tray. Pero mukhang imposible dahil para itong nakatornilyo sa mga naglalakihan niyang mga daliri. “Move.” nagbabantang aniya nang mas naglapit pa ang distansiya namin. Hindi ako sumunod. Bagkus ay mas hinarang ko pa ang sarili sa maaari niyang pag lusutan. Aba, ngayon pa na mukhang alam ko na ang gagawin niya. Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng aking damit nang magsimula na ang tunog ng kumikintab niyang sapatos. Sa tagal naming paghaharap kanina ay ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang suot niya ngayon. Sobrang lapit niya kasi. Isang kulay navy blue turtleneck na may mahabang manggas ang nakalantad ngayon sa aking harapan. Napalunok pa ako ng laway ng aksidenteng napansin ang mga nagyayabang niyang muscle sa katawan. Parang suki ng gym. Pinarisan niya naman ang pang ibaba niya ng itim na trouser. “At the count of three, if your still close to me—You'll regret it.” umalon ang kaba sa aking dibdib ng magsalubong na ang mga kilay niya. “One.” tumindig ang mga balahibo ko sa lamig ng tono niya. “A-uhm… m-may lakad ka ata, ser? Mas mabilis kong sa loob ka nalang mag-a-almusa—” Kinurot ko ang sarili ng magkanda utal-utal ako sa harapan niya. “ Two…” Napakurap-kurap ako nang tila naging hangin lang ang mga sinabi ko. Kainis. Bakit pa kasi siya lalabas? Pwede namang kainin dito. O kung ipapakain niya sa mga hayop pwede namang tawagin nalang. Nagpakawala ako ng hangin ng napansin na may kalayuan na pala ang pagitan namin sa isa’t isa. Alam kong nagtatapang-tapangan ako, pero mismong mga paa ko sinasabi na ang tunay kong nararamdaman. “Good.” saad niya dahil sa laki na ng layo namin sa isa't isa. Pero kahit na ganun ‘di pa rin siya makitaan ng tuwa. Tumigil ang mata niya saglit sa kumikinang niyang relo tila binabantayan ang bawat minutong nasasayang. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang wala ng dapat ipangamba. May lakad siya kaya dapat umalis na siya. Pero nagkamali ako. Akala ko tapos na—titigil na siya. Pero laking gulat ko na lang nang bigla nalang may lumagudog na tunog. Tila mga nababasag na gamit. Sinundan ko agad iyon ng tingin at ganun nalang ang panghihina ng katawan ko nang makitang wala ng laman ang tray niya. Kinagat ko ang labi ko nang makita ang pinaghirapan kong lutuin sa malaking basurahan. Basag basag na ang mga pinggan at tasa na siyang pinaglaanan ko ng oras kanina. “ Masaya ka na? B-basag na oh,” nginitian ko siya kahit na nanginginig ang nakatagong kamao ko sa likod. Umihip ang malamig na hangin sa balat ko. Mataas na rin ang araw katulad ng nag-aalab kong galit sa taong kaharap ko ngayon. Napaka demonyo. “Not really.” Kumibot pa ang mamasa masa niyang labi, napansin kong tila interesado na ang mga mata niya ngayon. “Because you're still here,” humakbang pa siya papalapit hanggang sa nararamdaman ko na ang init ng hininga sa tainga ko. “Not begging to leave.”“Wala ka ba talagang bestida, Renieee? O kahit na anong pang porma?” Iyan ang unang bungad sa akin ni Mikay kinaumagahan. Nakapameywang pa ito sa harap ng tukador ko habang nangangalkal naman ang isa niyang kamay.“Wala akong hilig sa ganyan,” naiiling kong sabi habang ang mata'y nasa mga daliri.Totoo naman talagang wala akong interes sa mga ganoong bagay. Mas gusto ko kasing unahin ang mga bagay na mas 'kailangan' kaysa sa mga minsan lang naman magamit.“Nakuuu, kung kasya mo lang talaga ang mga gamit ko,” nangangamot ulong saad niya.Kahapon kasi ay tinipon kami ng mayordoma sa kusina. Nung una hindi ko pa maintindihan kung bakit parang sabik na sabik ang lahat. Kalaunan nang banggitin na nito na may ‘party’ daw na magaganap sa kabilang baryo ay tsaka ko naunawaan ang nakabibinging ingay mula sa kanila.Pero sa mga oras na iyon, isa lang ang naiisip ko. Hindi ako interesado. Pero ang malamang sasama ang lahat, maging ang pamilya Salazar ay doon na ako nagdalawang isip.Makikita ko
Naiirap ako habang tinitignan ang parang batang kasama ko sa loob ng kusina. Kanina ko pa napapansin na galaw siya ng galaw tapos isabay mo pa ang nakakarindi niyang ingay. " Hoy, umamin ka! Kinikilig ka no!" Pang-uusisa niya pa habang sinusubukan akong sundutin sa tagiliran.Sinamaan ko siya nang tingin dahil wala namang katotohanan ang pinagsasabi niya. Hindi ako kinilig no! Mas nangibabaw pa nga ang hiya at inis ko kanina dahil ayaw kong mag isip ng kung ano man. "Titigil ka o ihahampas ko saiyo ito?" Sabay pakita ko sa palayok na hawak hawak ko ngayon. Madilim pa naman ang pwetan nito na talagang magiging kakulay niya kung di siya mananahimik jan.Napansin kong lumayo siya sa akin ng kaunti at umakto pang zinizeeper ang bibig niya. Takot din pala. Imbes na pagtuunan siya ng pansin ay ibinuhos ko nalang iyon sa mga hugasing nasa harapan ko ngayon.Ako kasi ang naka assign sa mga pinggang pinagkainan, samantalang siya naman ay magkikiskis dapat ng kaldero ngayon. Pero heto ang wal
Hindi ako nagtagumpay na mahanap ang matino kung amo. Bigla kasing sumulpot ang Mayordoma ng mansyon at tinawag ako para tumulong sa kusina. Balita ko, may espesyal daw na bisitang darating kaya nga halos lahat ng makasalubong ko ay parang hindi pwedeng istorbohin. “Mikay, naluto mo na ba ang salmon?” “Malapit na ho,” rinig ko namang tugon nito mula sa harapan ng paglutuan.Habang abala ang lahat, pansin kung parang hindi normal ang kilos ng bawat isa. Kitang-kita talagang tuliro ang ang mga kasamahan ko at parang may namumuong kung ano sa kanilang mga mata na parang... Kinakabahan?Ano ba ito? Parang nahahawa na rin tuloy ako!“Reña, magtimpla ka ng juice sa pitsel,” nagmamadaling utos sa akin na agad ko ding sinunod.Naghahalo na ako ngayon, nang malasahang katamtaman na ang lasa ay tsaka ko naman binuhat para ilagay sa lamesa.Papalapit palang ako sa parehabang lamesa nang sumamyo na ang iba't ibang ulam sa ilong ko. Naramdaman ko pa ang pagkulo ng sikmura ko lalo na ng makita
“I'm interested... But how about my brother?” Natitigilan naman akong tinitigan siya. Ramdam ko ang pagdiwang ng katawan ko sa nalaman kaya naman lumapit pa ako ng kaunti para masinsinan kaming makapag usap.“Huwag kang mag-alala akong bahala sa kuya mo,” pagpapanatag ko kahit pa alam kong mahihirapan na naman ako sa bagay na iyon.Ngumuso siya at umiling-iling.“Come on, don't hoping so much. I know him more than you did...”Gaya niya ay napalabi din ako. Gets ko naman iyon. Pero wala namang masama kung susubukan diba?Mas lumapit pa ako at umupo din para magkapantay kami.“Ayaw mong maniwala? Pwes, hayaan mo akong ipakita saiyo,” biro ko na may halong katotohanan.Tumaas ang mataray niyang kilay, mukhang hindi pa rin siya sang-ayon sa kagustuhan ko at parang siguradong-sigurado siya na impossible ang gusto kung mangyari.“You can say that though, pero hindi mo ba napapansin? He keep pushing you and treating you like unhuman, and besides, ayaw niya akong napapalapit sa mga katulad
Hindi ko inaasahang dadating ang araw na ito. Siguro nga hindi pa ito ang huling pagkikita namin... Pero kasi, mawawalan na naman ako ng kasundo sa bahay na ito.Kumaway siya sa amin, pagkatapos niyang bumeso sa dalawang anak. “Ingat po kayo, Mrs. Tarah!” sabay-sabay naming sigaw ng mga kasamahan kong kasambahay mula sa gate. Ramdam na ramdam mo talaga ang dismaya sa ekpresyon nila kahit pa nakangiti sila.Pinagmasdan ko ang dalawang alaga ko na seryoso lang ang tingin sa papaalis na sasakyan ng kanilang Ina.Pagkuwan ag yumakap si Teighnie sa kaniyang kuya habang nakabaon ang mukha dito. Binuhat naman siya nito at ngayon ay papalapit na sa pwesto namin.Ay teka, ako nalang pala!Panigurado, ayaw nilang makasalubong ang magkapatid na ito, lalo pa't wala na ang Amo namin.“K-kuya... Bakit kasi hindi nalang tayo isama ni mommy?” narinig kong humihikbing tanong ng bata.“Hush...” hinaplos nito ang buhok ng kapatid habang may binubulong bulong para siguro pagaaanin ang loob niya.Napans
Kinaumagahan, maaga akong ginising ni Manang para magluto ng agahan ng magpapamilya.Masakit daw kasi ang puson ni Mikay kaya nakahilata lang siya ngayon doon, tapos iyong mga cooker naman na kasama niya ay mamalengke dahil paubos na daw ang stocks.“Nga pala, diba sabi mo dadalhan mo din si Sir ng pagkain sa site niya?” Tumango ako habang kumukuha ng frozen food sa ref. “O siya, ako na munang magbabantay doon sa bata... Para maasikaso mo din si Sir Thane.” Natigilan ako saglit, at napatalon rin sa galak.Sa wakas, bawas responsibilidad ngayon!“Thank you, Manang!”Natatawa naman siyang umiling at pagkuwan pay pabiro akong kinurot.“O siya, magluto kana nga diyan!” Ganun nga ang ginawa ko. Isinalang ko ang kawali sa shalin at nang mainit na'y inilagay ko na ang cooking oil. Nag pr-priito lang naman ako ng Sunny side up egg, Bacon at ang paborito daw ni Teighnie--Ang Tocino!Nagsangag rin pala ako ng kanin, para talagang breakfast na breakfast ang atake. Nang makapaghanda na sa h
Pagkatapos nang usapin namin ay hinayaan na muna akong magpahinga ni Ma'am Tarah.Ang bait niya talaga. Dapat nagtratrabaho na ako ngayon dahil kakatanggap niya lang sa akin sa trabahong ito. Pero tignan mo nga naman, nakahiga ako ngayon na animo'y espesyal na bisita. Baka lahat ganto niya tratuhi
“Are you okay, hija?” Umangat ang tingin ko at kusang natigilan sa paghagod sa likod nang marinig ang nag aalalang boses ng kung sino. Tinatanong pa ba iyan? Huhu Hindi ko siya masagot dahil obvious naman sa itsura ko na para na akong natatae. Iyong ekspresyon ko kasi panigurado! “Wait, ar
“Bukas na bukas ay dapat wala na kayo sa pamamahay na ito!” Halos manlumo naman sa narinig si Mama, sinubukan nitong lumapit kay Aleng Betha ngunit galit namang umiiwas ang babae sakaniya. “Manang Betha baka bukas o makalawa ay makakabayad na rin kami kaya huwag ho kayong magsalita ng ganiyan...”
Naiinis pa rin talaga ako sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na sa unang paghaharap namin ay ganong ugali ang ipapakita niya. Kinagwapo niya ba iyon!?Nasa harapan na ako ng pinto niya ngayon at Nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok pa ba ako sa kwarto niya o wag nalang. Kabadtrip kas







