Reña’s POV Minsan gusto ko na lang maniwala na unfair ang buhay. Kasi kung patas ang mundo Bakit kailangan pang maghirap? Kung sa-success din lang naman ako in the future, bakit hindi nalang ngayon? Hello, kailangan na kailangan ko na kasi talaga! “Manang, kahit tagalinis nalang po ng karinderia niyo. Mabilis po akong kumi—” “Wala na talagang slot para sayo, Ineng. Kung tatanggapin ka pa namin ay baka wala rin kaming mapa sweldo sa iyo.” Bumuntong hininga ako at nakakaintinding tumango. Bakit kasi ang hirap? Maging… mahirap? Umalis na ako at naglakad lakad nalang. Nagbabakasakaling baka may makita pang ibang hiring na nakapaskil sa daan. Pinagmasdan ko ang kapaligiran. Pansin kong tulad ng buhay ko ay wala pa ring nagbago dito. Pinaghalong usok at alikabok lang din ang simoy sayo. At ang isa pa’y marami ngang pamilihan pero hirap namang makahanap ng pwedeng pagtrabahuhan. “Oh, Reña. Ang aga mo ngayon, hija? ” pansin ni Mang Ising. Isa sa mga matatanda na nagbebenta ng isd
Read more