로그인Pagkatapos nang usapin namin ay hinayaan na muna akong magpahinga ni Ma'am Tarah.
Ang bait niya talaga. Dapat nagtratrabaho na ako ngayon dahil kakatanggap niya lang sa akin sa trabahong ito. Pero tignan mo nga naman, nakahiga ako ngayon na animo'y espesyal na bisita. Baka lahat ganto niya tratuhin? Good, then. Bumangon na ako sa pagkakahiga pero hindi pa rin ako umalis sa pwesto ko. Naka tulog rin naman ako ng mga tatlong pong minuto kaya may lakas na naman ako para bumangon. Sinulyapan ko ang cellphone ko sa tabi ko. Basag basag na ito na para bang pwede nang itapon anomang oras. Alas syete na rin pala nang gabi. Kaya pala nung tumanaw ako sa bintana kanina ay madilim na. “Ma‘am Lereña, ang pagkain niyo po,” rinig kong sabi sa likod nang pintuan. Actually, kumatok muna siya bago magsalita na siyang kinailing ko. Ang espesyal naman yata nilang trumato ng katulong? O nasanay lang talaga ako sa masamang ugali ni Manang Betha? Pinagbuksan ko ito ng pintuan. Pumasok naman ang babae na sa tingin ko’y nasa sengkwenta anyos na. May nilapag ito sa maliit na table sa tabi ko. “Ah manang, Reña na lang po ang itawag niyo sa akin, napaka pormal kasi ng Ma'am Lehreña eh. Atsaka kasambahay rin naman po ako dito.” mahabang litanya ko. Napatuwid naman ito nang tayo at marahang ngumiti sa akin. “Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ba ang bagong nakatalaga bilang kasambahay ni Sir Thane?” aniya na kinatunganga ko. Sino iyon? Sir Thane? Tunog Certain huh? Siguro ang buti nang taong iyon. Napakamot naman ako sa batok ko at hindi alam kong o-oo ba ako o hindi? Sino ba kasi iyon? Anak ba iyon ni ma'am Tarah? Pambihira, sa lahat ng bagay iyon pa ang hindi ko inalam! Mukhang napansin niyang nagdadalawang isip akong sumagot kaya nagsalita siya, “Si sir Thane iyong nag-iisang anak na lalaki ni, ma‘am Tarah.” Para naman akong tutang napatango sa bagong nalaman. So siya nga ang tinutukoy ni Ma‘am Tarah na need ng assist ko. Hm... Pangalan palang parang alam ko nang mana sa Ina. “Ako nga po,” sagot ko naman. Hindi ko alam kung guni-guni ko ba iyon o ano pero parang nakita kong parang nag-iba ang ekspresyon niya. “Kung ganoon, mag-iingat ka hija... At ‘wag na ‘wag kang magpapahuli sakaniya...” babala nito na nagbigay tanong ulit sa akin. Akmang tatalikuran niya na ako para umalis ngunit natigil siya nang magtanong ako. “Huh? Hindi ba siya... Mabait?” takang tanong ko. Kasi bakit kailangan pa niyang magsabi nang ganun diba? “You'll know once you caught up,” Napalunok naman ako sa naging sagot niya. Mas lalo lang tuloy dumadami ang katanungan ko nang dahil sakaniya. “Teka lang... ” pigil ko nang muntik na siyang makalabas nang pinto ng silid. Nakakaramdam na tuloy ako nang inis dahil parang atat na atat na itong umalis. Madami pa naman akong tanong pero mukhang ‘di rin masasagot ngayon lahat. “Kailangan ko na pong bumalik do—” “Last question,” pagpuputol ko, mukhang naghihintay naman ito sa anomang sasabihin ko kaya nakaramdam ako nang tuwa. “Anong buong pangalan niya at... Anong nalalaman mo sakaniya?” Nanliit naman ang mata ko dahil nakita ko kung paano siya lumingon lingon sa paligid na para bang sinisigurado niyang walang ibang makakarinig nang sagot niya. Lumapit ito sa akin na tila takot na may makarinig sa sasabihin niya. Napahigpit tuloy ang kapit ko sa bed sheet. “His full name is Thane Koz Xue Salazar, ang unang anak na lalaki ni Mrs. Tarah Salazar...and also the most dangerous person in this house.” Thane Koz Xue Salazar? What a cool name! Pero parang nakakakilabot din sa pagka angas. Napalunok na naman ako sa huling sinabi nito. Ayaw ko sanang maniwala sa sinasabi nito kasi ang bait bait ni Ma‘am Tarah, pero hindi naman siguro magsisinungaling sa akin ang matagal nang naninilbihan na bahay na ito... “Ayaw na ayaw niyang magkaroon ng katulong, at ayaw niya rin na kinakausap siya nang mga kasambahay nang mama niya, ni mahuling nakatitig dito ay pinagbabawal niya.” Napaawang tuloy ang labi ko sa tinuran nito. “Hindi naman sa tinatakot kita pero marami nang hinire si ma'am Tarah para maging katulong nito dahil awang-awa siya sa kaniyang anak... Pero nakakalungkot lang na lahat sila ay di nagtatagal nang araw, at kusa pang sila ang umaalis.” Sinong mas nakakaawa kung ganun? Mga kasambahay! Tumatak tuloy iyon sa isip ko, na para bang hindi na ako makakatulog ulit kung sakali man. “Base sa sinabi ni Manang... Mukhang mahirap pakitunguhan ang lalaking iyon atsaka mukhang kakailanganin ko rin nang mahaba- habang pasensya.” Bumuntong hininga ako. Gusto kong mag-isip na mali lahat nang narinig ko dahil parang malabo akong magtatagal dito kung sakali mang totoo iyon... Kay Mang Betha nga ay nagtitimpi na ako paano nalang kung ganoon nga ang lalaking iyon? Aish. Bigla namang pumasok sa isip ko ang naging usapan namin ni ma'am Tarah kanina lang. “I heard you're gonna continue your studying while working here?” tanong nito. Tumango naman ako, habang nakangiti. Ansaya niyang kausap promise. “Kung makakatagal at kakayanin mo ang trabaho mo ay sasagutin ko lahat ng pangangailangan mo sa pag-aaral and of course I'll pay your tuition f*e. And don't worry, iba pa ang sa sweldo mo,” Ngayon ay seryoso na ang itsura nito. Ni-hindi mo kakikitaan ng anumang biro sa tinuran. “S-sobra-sobra naman po yata l-lahat iyon, ma'am.” nahihiyang tugon ko. Tapos ang gagawin ko magiging kasambahay lang ng anak niya? Hindi sa ine-easy easy ko lang pero sobra naman yata ang offer niya kung sakali man... “No, I know how hard it is for you to do this at the same time... So, if you stay at this work I won't hesitate to do that,” nakangiting aniya. Natutunganga nalang tuloy ako habang nag-iisip. Kung tutuusin ang ganda ng offer na iyon para sa akin, hindi na ako mamromroblema sa pag-aaral niyan at makakatulong pa ako kay mama dahil may sweldo pa rin ako. Kaya... Bakit pa ako aatras? Minsan lang naman magkaroon ng ganitong pagkakataon kaya kukunin ko na. At kung... Totoo nga ang sinasabi ng mamang na iyon, siguro kailangan ko nang mag-aral ngayon kung paano pahabain ang pasensya at pag intindi. Sana lang hindi ito malaman ni mama kung sakali man... Kasi magagalit iyon at di magdadalawang isip na alisin ako dito kahit pa sobrang ganda ng offer…Tatlong araw na ang lumipas simula nang mahuli niya ako sa kwarto niya. At sa mga nakalipas na araw na iyon din ay hindi ko siya nakita sa pamamahay na ito.“Mikay, anong balita diyan?” tanong ko pagkatapos mag mop ng sahig.Si Mikay ang isa sa mga kaedaran kong katulong dito at siya rin ang naatasan ni Ma'am Tarah na maging mata sa lalaki tuwing naglilinis ako. Mahirap na at baka mahuli ng suplado.Umupo ako sa couch ng lalaki habang nakalagay ang cellphone sa aking tainga. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya.“Wala pa rin.... Pero bilisan mo jan at baka maabutan ka na naman.” bilin nito.Umirap ako. Na naman? Eh isang beses pa lang naman ako nahuhuli ng malditong iyon. Atsaka confident rin ako na sa mga oras na ito ay wala pa rin siya. Ganun nga ang ginawa ko. Pagkatapos kung linisan ang buong kwarto niya ay umalis na ako. Pinunasan ko ang pawis sa noo. Nag init ang ulo ko nang maalala na naman ang kalat at dumi sa kwarto niya. Oo, pinuri ko ang kwart
“Seems like someone is playing at hide and seek huh?” may panunuya sa boses nito pero halatang hindi niya nagugustuhan ang nangyayari.Dahan dahan akong gumapang papunta sa pinaka dulo ng king size bed niya.I dunno kung nagkataon lang pero papalapit na naman siya dito. Habol habol ko tuloy ang hininga ko habang humahakbang siya. Bakit hindi niya muna Icheck sa banyo niya? O sa kung ano-ano. Maging tanga ka ket ngayon lang!Mukhang nasagot naman ang kagustuhan ko dahil dumiretcho ito sa banyo. Padabog na bumakas ang pinto nito dahilan para mas matakot ako.Kung lumabas na kaya ako? Kaso maririnig niya for sure iyong pinto kapag binuksan ko!Pero dahil nanalo nanaman ang intrusive thoughts ko ay dali-dali akong gumapang palabas. Nasa banyo palang siya dahil wala pang tao dito sa bedroom niya. Lakad takbo ang ginawa ko para makapunta sa harap ng pinto. Habol-habol ko pa ang hininga ko na tila lalabas na ang puso ko sa sobrang bilis. Sorry ka, Mr. Thane pero magaling yata ako. Na
Naiinis pa rin talaga ako sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na sa unang paghaharap namin ay ganong ugali ang ipapakita niya. Kinagwapo niya ba iyon!?Nasa harapan na ako ng pinto niya ngayon at Nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok pa ba ako sa kwarto niya o wag nalang. Kabadtrip kasi. Kung ihagis ko kaya mga gamit niya palabas? Joke. Baka ihagis rin ako ni ma'am Tarah...Natigil ako sa pag iisip nang makitang hindi normal ang pinto niya. May kulay gray kasi itong panel sa gilid kung saan may numerong pipindutin para magbukas.Pinindot ko ang apat na digit na sinabi sa akin kanina ni Tita. Nang matapos ay tumunog ito kasabay nang pag ilaw ng kulay berde. Nang mag click ito ay tsaka ko hinila ang handle ng pinto.Ibang klase ang seguridad ng lalaking iyon. “Ang... Ganda!” nagliwanag ang mata ko nang makapasok.Parang nalimutan ko saglit ang kaninang inis na nararamdaman.Pinagmamasdan ko ang silid nito.Gray at white ang theme ng silid na mahahalata mong lalaking lalaki
Kinaumagahan ay maaga akong bumangon nang higaan. Sanay kasi ang katawan ko na maagang gumigising, lalo na noong kailangan naming mag doble kayod ni mama.Speaking of my mom, miss ko na siya...Matapos mag ayos ng komportableng damit ay lumabas na ako sa aking silid. Ngayon ko lang napagtanto na sa ikalawang palapag pala talaga ang kwarto ko. Hindi naman ito sa pinakadulo dahil may iba pang mga kwarto akong natatanaw sa malayo.Habang pababa ako nang hagdan ay kita na mula dito ang mga naghahain na katulong sa lamesa, kaya naman dali-dali akong lumapit doon para tumulong.“Naku, miss Reña maupo na lang po kayo doon,” ani ng isa sakanila na naghahain ng pagkain.Umiling naman ako at tumulong pa rin sa paglalagay. Unting bagay lang naman ito para sa akin.Hindi na sila nakatanggi pa nang magtuloy ako sa ginagawa. Nang matapos ay pinaupo nila ako dahil kasabay ko raw kakain si Miss Tarah. Ang weird lang, bakit ako sasabay?“Good morning po!” bati ko nang maupo ito sa kanang tabi ko.“Go
Pagkatapos nang usapin namin ay hinayaan na muna akong magpahinga ni Ma'am Tarah.Ang bait niya talaga. Dapat nagtratrabaho na ako ngayon dahil kakatanggap niya lang sa akin sa trabahong ito. Pero tignan mo nga naman, nakahiga ako ngayon na animo'y espesyal na bisita. Baka lahat ganto niya tratuhin? Good, then.Bumangon na ako sa pagkakahiga pero hindi pa rin ako umalis sa pwesto ko. Naka tulog rin naman ako ng mga tatlong pong minuto kaya may lakas na naman ako para bumangon.Sinulyapan ko ang cellphone ko sa tabi ko. Basag basag na ito na para bang pwede nang itapon anomang oras. Alas syete na rin pala nang gabi. Kaya pala nung tumanaw ako sa bintana kanina ay madilim na.“Ma‘am Lereña, ang pagkain niyo po,” rinig kong sabi sa likod nang pintuan.Actually, kumatok muna siya bago magsalita na siyang kinailing ko. Ang espesyal naman yata nilang trumato ng katulong? O nasanay lang talaga ako sa masamang ugali ni Manang Betha?Pinagbuksan ko ito ng pintuan. Pumasok naman ang babae na s
“Are you okay, hija?” Umangat ang tingin ko at kusang natigilan sa paghagod sa likod nang marinig ang nag aalalang boses ng kung sino. Tinatanong pa ba iyan? HuhuHindi ko siya masagot dahil obvious naman sa itsura ko na para na akong natatae. Iyong ekspresyon ko kasi.“Wait, are you the one Mylene talking about?” tanong niya habang pinagmamasdan ang bagaheng dala ko.Tumango naman ako nang marinig ang pangalan ni tita. Na para bang wala na akong dila!?“Let’s talk inside then,” aya niya kaya naglakad na kami papasok.Habang naglalakad kami ay pinagmamasdan ko ang bawat paligid. Totoo ngang malaki at malawak ang bahay na ito dagdag pa na ang garbo ng mga nilalaman.Malinis at ang kinis rin nang sahig, kaya na c-concious tuloy ako kung pwede bang itapak itong sapatos ko dito. Langya.Tumigil naman kami sa mga may upuang malalambot na sofa na sa tingin ko ay ang salas nila. Pinaupo niya ako sa tabi niya kaya iniwan ko muna ang bagahe sa gilid.“I heard kamag-anak mo raw si Mylene?”







