LOGINChapter 3: Familiar
Hindi ako pinatahimik ng salitang iyon kinagabihan. Sa kalagitnaan kasi nang pag-uusap namin ay bigla nalang may tumawag kay ma'am Tarah kaya ‘di ko na nagawa pang magtanong patungkol doon. At ang malala pa ay ibinalita sa akin ni Manang Sidra, na siyang mayordoma ng mansyon. Na dumiretso na daw ito sa opisina kaya hindi na ako mababalikan pa. Nasagot niya naman ang ibang katanungan ko patungkol sa trabaho… “Bakit naman kaya isesekreto iyon?” Wala pa ang sikat nang araw ng bumangon ako sa kinahihigaan. Kahit na walang sapat na oras na tulog ay sanay na rin naman ang katawan ko minsan. Ganito rin kasi noong kailangan naming magdoble kayod ni mama para may makain at pambayad na rin ng paupahan. Speaking of my mom… kamusta na kaya siya? Pilit kong inalis ang pangungulila sa sistema. Pinasadahan ko nalang nang tingin ang maliit kong kwarto. Mula sa kama, cabinet at maliit na banyo ay masasabi kong mas maayos pa ito kaysa sa dating tinitirhan. Lumabas na ako matapos makapagpalit. Isang itim na jogging pants at gray shirt lang ang suot ko. Habang pinusod ko naman ang buhok ko at nag iwan ng natural curl sa bawat gilid ng tainga. Saan naman kaya ang kusina dito? Habang naglalakad, napagtanto kong nasa ikalawang palapag pala talaga ang kwarto ko. Siguro dahil mas maraming kwarto dito kaysa sa ibaba? Akmang pababa na ako ng hagdan nang may nagsalita sa likuran ko. “Hiiii! Bago ka lang dito?” Sinulyapan ko siya. Umangat ang sulok ng aking mga labi nang makita ang maaliwalas nitong mukha. Halatang palakaibigan din dahil kaniyang tinig, idagdag pa na may maliit siyang nunal malapit sa labi. Madaldal daw pag ganun. “Oo,” tanging sagot ko na kinasimangot niya. “Parang ayaw mo akong kausap…” Namilog ang mata ko nang parang bata siyang pumulupot sa aking braso. “Anyways, pababa na rin ako. Sabay na tayo!” masiglang aniya bago ako hinila pababa. Ngumisi ako. Nakakatawa lang isipin na kung makitungo siya akala mo sanggang dikit na kami since birth. “Ngapala, cooker ka din ba dito?” Tanong niya. Doon ko lang napagtanto na papunta kami ngayon sa kusina. Mabuti nalang talaga dahil kung hindi baka Nang makaloob ay agad siyang nagsuot ng apron at net sa buhok. “Alam kong cute ako… pero pwedeng sabihin mo nalang?” “Ambisyosa.” Naiirap kong sagot. Gaya niya ay nagsuot na rin ako. “Sungit.” Pinandilatan ko lang siya. Nagsimula na siyang kumuha ng itlog, lata ng luncheon meat at sausage sa stocks ng mga pagkain. Agad naman akong tumulong sa pagbubukas at paghahati ng dapat hatiin. “Di mo pa sinasagot iyong tanong ko…” Tumikhim ako. “Personal maid ako… nang anak ni Ma'am Tarah.” Maingat kong hinati ang ham habang siya naman ay abala na sa pagpapainit ng mantika sa kawali. Napansin kong natuon ang pansin niya sa akin. “Sino sa dalawa?” Kumunot ang noo ko. Dalawa? Akala ko ba tatlo ang anak ni ma'am Tarah? “Iyong lalaki yata iyon eh…” ‘di ko siguradong sabi dahil pilit kong inaalala ang usapan namin kahapon. Dalawa lang ba talaga? Umalingaw ang malakas na pagbagsak ng kung ano sa sahig. Paglingon ko, nanginginig ang kamay niyang pinupulot ang isa sa latang binuksan ko lang kanina. Lumingon siya sa akin. “S-sure ka?” Tumango ako. “Bakit?” tanong ko dahil nakapagtataka ang pagbabago ng tono niya. Bagkus na sagutin ako ay kinagat niya nalang ang kaniyang labi, “Bilisan nalang natin… at baka maabutan pa tayo.” Dahil doon ay nadagdagan na naman ang mga katanungan sa isip ko. Pansin ko rin ang pag-iiwas niya ng tingin animo’y takot na lumalim pa ang usapan. “Ano ba kasi iyon—” naputol ang gusto kong itanong nang marinig ang malakas na pagtawag ng kung sino. “Mikay!” Nagkatinginan kami saglit bago siya sumagot. “Patapos na po!” Balik niya. Paglingon ko ay nasamyo ko na ang mga bagong luto sa platong hawak niya. “Ihatid mo na ito doon at malapit nang kumain ang magpapamilya.” Hindi ako umimik at sumunod nalang kahit na pansin ko ang pagbabago sa pakikitungo niya. Tatlo kaming naghahain ngayon sa hapag. At hindi ko maiwasang pansinin ang mga tila ‘di normal nilang pag-aayos sa mga pagkakainan. Akala mo mawawalan sila nang oras kung makakilos sila. “Ano pang ginagawa mo jan!? Halika na!” iritadong sabi ng isa sa mga kasamahan ko matapos naming mag-ayos doon. Nagtiim bagang ako at hindi nalang umimik sa pagsusungit ng babae. Parang ka edaran ko lang din kasi siya. Huminga ako ng malalim. Pagpasok ko sa kusina, bumungad sa akin ang iba’t ibang kasambahay na may kanya kanyang upo at hawak na pagkain. Mukhang hindi nila napansin ang pagdating ko dahil abala silang lahat sa paglamon. Mamaya nalang siguro ako kakain… Akmang hahakbang na ako sa p***o nang may humila sa akin pabalik. “Huwag ka ng lalabas.” bulong niya. Hindi ko siya nilingon dahil pamilyar na sa akin ang boses na iyon kahit pa kakarinig ko lang nun kanina. Sumilip ako mula sa p***o. Dito ay natatanaw ko ang hapagkainan na ngayon ay si Ma'am Tarah palang ang naroon. Pero ‘di rin nagtagal ay may natanaw na rin akong bata na papunta sa direksyon niya. “Good morning, sweetie.” humalik ito sa pisnge ng batang babae. Nakangusong naman yumakap ang bata. “Mommy, Let's go to the mall after this...” puno ng lambing niyang saad habang mga mata’y nangungusap sa Ina. “Iyan ang bunsong anak ni ma'am Tarah. Si Teighnie…” bulong nang katabi ko. Hindi na ako nagulat nang banggitin niya iyon. Mula sa bilugan nitong mata, pointed na ilong at pouty lips na labi. Hindi na kataka kataka na galing nga siya sa sinapupunan ng taong nasa tabi niya. “Pero kagagaling lang natin doon kahapon, anak…” “I forgot to buy new dresses, mom!” “Alright, Manang will come with you... I have things to do pa, so be good with her hm?” Abot taingang ngiti naman ang iginawad nito habang tumatango. “She wouldn't come… with anyone.” Tila lumamig ang simoy ng hangin nang umalingaw ngaw ang boses na iyon sa hapag. Ramdam ko rin ang pagtayo ng mga balahibo ko habang hindi na maalis ang tingin sa bagong dating lang na lalaki. “Iyan naman ang panganay na anak ni ma'am Tarah. Si sir Thane…” Napalunok ako nang bumalik sa ala-ala ko ang pangalang narinig ko na bago pa ako tumunton sa lugar na ito. Thane Koz Xue Salazar. Ang isa mga tanyag na nagmamaya ari ng Kompanyang Arkitekto, hindi lang sa bansang Pilipinas kundi pang buong mundo. Tinitigan ko ang salubong nitong makapal na kilay, matang nagniningas sa lamig… na ‘di mo hahamaking tignan. Ilong na matangos at ang labi nitong mamasa masang kulay rosas. Napalunok ako. Siya ba talaga? Pinanood ko siyang pinasadahan ang itim nitong buhok na nakabagsak kanina lang. He look frustrated and intimidating at the same time. “Be with your sister, then.” Mahinahong sagot ng kanilang Ina bago sinensyahan ang mga itong umupo na gaya niya. Hindi pa rin maaalis ang tingin ko sakaniya. Prente lang siyang nakaupo sa upuan ngunit tila nagsusumigaw ito nang awtoridad. May mga pinag-uusapan sila na hindi ko na naintindihan pa dahil sa samo’t saring tanong na naman ang namumuo sa akin. Magiging… Secret personal maid niya ako? Halos masamid ako sa sariling laway nang biglang umangat ang tingin nito na saktong sakto sa direksyon ko. Shit. Nakikita niya kaya ako? Lumingon ako sa likod ko, pero laking gulat ko nang nawala na na parang bula si Mikay. Aba't ang babaeng iyon! Binalik ko ulit ang mata doon. Nagbabakasakaling namamalikmata lang sa nakita kanina. But to my surprise. His chestnut eyes still staring… like a dagger to me. Bumilis ang tibok ng puso ko at ‘di mawari kung anong dapat na gawin. Magtatago ba? Tatakbo paloob? Shit. Nakita niya na ako! Pansin kong may sinasabi pa si ma'am Tarah sakaniya, pero ang loko nakatuon pa rin sa akin ang atensyon! Sa huli ay pilit ko nalang pinatatag ang sarili. At sa bawat segundong pagbibilang ng oras… tila may kung anong namumuong inis sa loob ko na hindi ko maipaliwanag. Parang pamilyar… Unti unting dumilim ang mata niya. At sa pagkakataong iyon parang alam ko na kung saan ko siya nakita. Boxer boy huh?“Wala ka ba talagang bestida, Renieee? O kahit na anong pang porma?” Iyan ang unang bungad sa akin ni Mikay kinaumagahan. Nakapameywang pa ito sa harap ng tukador ko habang nangangalkal naman ang isa niyang kamay.“Wala akong hilig sa ganyan,” naiiling kong sabi habang ang mata'y nasa mga daliri.Totoo naman talagang wala akong interes sa mga ganoong bagay. Mas gusto ko kasing unahin ang mga bagay na mas 'kailangan' kaysa sa mga minsan lang naman magamit.“Nakuuu, kung kasya mo lang talaga ang mga gamit ko,” nangangamot ulong saad niya.Kahapon kasi ay tinipon kami ng mayordoma sa kusina. Nung una hindi ko pa maintindihan kung bakit parang sabik na sabik ang lahat. Kalaunan nang banggitin na nito na may ‘party’ daw na magaganap sa kabilang baryo ay tsaka ko naunawaan ang nakabibinging ingay mula sa kanila.Pero sa mga oras na iyon, isa lang ang naiisip ko. Hindi ako interesado. Pero ang malamang sasama ang lahat, maging ang pamilya Salazar ay doon na ako nagdalawang isip.Makikita ko
Naiirap ako habang tinitignan ang parang batang kasama ko sa loob ng kusina. Kanina ko pa napapansin na galaw siya ng galaw tapos isabay mo pa ang nakakarindi niyang ingay. " Hoy, umamin ka! Kinikilig ka no!" Pang-uusisa niya pa habang sinusubukan akong sundutin sa tagiliran.Sinamaan ko siya nang tingin dahil wala namang katotohanan ang pinagsasabi niya. Hindi ako kinilig no! Mas nangibabaw pa nga ang hiya at inis ko kanina dahil ayaw kong mag isip ng kung ano man. "Titigil ka o ihahampas ko saiyo ito?" Sabay pakita ko sa palayok na hawak hawak ko ngayon. Madilim pa naman ang pwetan nito na talagang magiging kakulay niya kung di siya mananahimik jan.Napansin kong lumayo siya sa akin ng kaunti at umakto pang zinizeeper ang bibig niya. Takot din pala. Imbes na pagtuunan siya ng pansin ay ibinuhos ko nalang iyon sa mga hugasing nasa harapan ko ngayon.Ako kasi ang naka assign sa mga pinggang pinagkainan, samantalang siya naman ay magkikiskis dapat ng kaldero ngayon. Pero heto ang wal
Hindi ako nagtagumpay na mahanap ang matino kung amo. Bigla kasing sumulpot ang Mayordoma ng mansyon at tinawag ako para tumulong sa kusina. Balita ko, may espesyal daw na bisitang darating kaya nga halos lahat ng makasalubong ko ay parang hindi pwedeng istorbohin. “Mikay, naluto mo na ba ang salmon?” “Malapit na ho,” rinig ko namang tugon nito mula sa harapan ng paglutuan.Habang abala ang lahat, pansin kung parang hindi normal ang kilos ng bawat isa. Kitang-kita talagang tuliro ang ang mga kasamahan ko at parang may namumuong kung ano sa kanilang mga mata na parang... Kinakabahan?Ano ba ito? Parang nahahawa na rin tuloy ako!“Reña, magtimpla ka ng juice sa pitsel,” nagmamadaling utos sa akin na agad ko ding sinunod.Naghahalo na ako ngayon, nang malasahang katamtaman na ang lasa ay tsaka ko naman binuhat para ilagay sa lamesa.Papalapit palang ako sa parehabang lamesa nang sumamyo na ang iba't ibang ulam sa ilong ko. Naramdaman ko pa ang pagkulo ng sikmura ko lalo na ng makita
“I'm interested... But how about my brother?” Natitigilan naman akong tinitigan siya. Ramdam ko ang pagdiwang ng katawan ko sa nalaman kaya naman lumapit pa ako ng kaunti para masinsinan kaming makapag usap.“Huwag kang mag-alala akong bahala sa kuya mo,” pagpapanatag ko kahit pa alam kong mahihirapan na naman ako sa bagay na iyon.Ngumuso siya at umiling-iling.“Come on, don't hoping so much. I know him more than you did...”Gaya niya ay napalabi din ako. Gets ko naman iyon. Pero wala namang masama kung susubukan diba?Mas lumapit pa ako at umupo din para magkapantay kami.“Ayaw mong maniwala? Pwes, hayaan mo akong ipakita saiyo,” biro ko na may halong katotohanan.Tumaas ang mataray niyang kilay, mukhang hindi pa rin siya sang-ayon sa kagustuhan ko at parang siguradong-sigurado siya na impossible ang gusto kung mangyari.“You can say that though, pero hindi mo ba napapansin? He keep pushing you and treating you like unhuman, and besides, ayaw niya akong napapalapit sa mga katulad
Hindi ko inaasahang dadating ang araw na ito. Siguro nga hindi pa ito ang huling pagkikita namin... Pero kasi, mawawalan na naman ako ng kasundo sa bahay na ito.Kumaway siya sa amin, pagkatapos niyang bumeso sa dalawang anak. “Ingat po kayo, Mrs. Tarah!” sabay-sabay naming sigaw ng mga kasamahan kong kasambahay mula sa gate. Ramdam na ramdam mo talaga ang dismaya sa ekpresyon nila kahit pa nakangiti sila.Pinagmasdan ko ang dalawang alaga ko na seryoso lang ang tingin sa papaalis na sasakyan ng kanilang Ina.Pagkuwan ag yumakap si Teighnie sa kaniyang kuya habang nakabaon ang mukha dito. Binuhat naman siya nito at ngayon ay papalapit na sa pwesto namin.Ay teka, ako nalang pala!Panigurado, ayaw nilang makasalubong ang magkapatid na ito, lalo pa't wala na ang Amo namin.“K-kuya... Bakit kasi hindi nalang tayo isama ni mommy?” narinig kong humihikbing tanong ng bata.“Hush...” hinaplos nito ang buhok ng kapatid habang may binubulong bulong para siguro pagaaanin ang loob niya.Napans
Kinaumagahan, maaga akong ginising ni Manang para magluto ng agahan ng magpapamilya.Masakit daw kasi ang puson ni Mikay kaya nakahilata lang siya ngayon doon, tapos iyong mga cooker naman na kasama niya ay mamalengke dahil paubos na daw ang stocks.“Nga pala, diba sabi mo dadalhan mo din si Sir ng pagkain sa site niya?” Tumango ako habang kumukuha ng frozen food sa ref. “O siya, ako na munang magbabantay doon sa bata... Para maasikaso mo din si Sir Thane.” Natigilan ako saglit, at napatalon rin sa galak.Sa wakas, bawas responsibilidad ngayon!“Thank you, Manang!”Natatawa naman siyang umiling at pagkuwan pay pabiro akong kinurot.“O siya, magluto kana nga diyan!” Ganun nga ang ginawa ko. Isinalang ko ang kawali sa shalin at nang mainit na'y inilagay ko na ang cooking oil. Nag pr-priito lang naman ako ng Sunny side up egg, Bacon at ang paborito daw ni Teighnie--Ang Tocino!Nagsangag rin pala ako ng kanin, para talagang breakfast na breakfast ang atake. Nang makapaghanda na sa h
Naiinis pa rin talaga ako sa nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na sa unang paghaharap namin ay ganong ugali ang ipapakita niya. Kinagwapo niya ba iyon!?Nasa harapan na ako ng pinto niya ngayon at Nagdadalawang isip tuloy ako kung papasok pa ba ako sa kwarto niya o wag nalang. Kabadtrip kas
Pagkatapos nang usapin namin ay hinayaan na muna akong magpahinga ni Ma'am Tarah.Ang bait niya talaga. Dapat nagtratrabaho na ako ngayon dahil kakatanggap niya lang sa akin sa trabahong ito. Pero tignan mo nga naman, nakahiga ako ngayon na animo'y espesyal na bisita. Baka lahat ganto niya tratuhi
“Are you okay, hija?” Umangat ang tingin ko at kusang natigilan sa paghagod sa likod nang marinig ang nag aalalang boses ng kung sino. Tinatanong pa ba iyan? Huhu Hindi ko siya masagot dahil obvious naman sa itsura ko na para na akong natatae. Iyong ekspresyon ko kasi panigurado! “Wait, ar
“Bukas na bukas ay dapat wala na kayo sa pamamahay na ito!” Halos manlumo naman sa narinig si Mama, sinubukan nitong lumapit kay Aleng Betha ngunit galit namang umiiwas ang babae sakaniya. “Manang Betha baka bukas o makalawa ay makakabayad na rin kami kaya huwag ho kayong magsalita ng ganiyan...”







