LOGINTumayo si Gracie nang sobrang bilis, parang may sumabog na bomba sa dibdib niya.
Nadulas ang basahan mula sa kamay niya at bumagsak sa marmol na sahig.
Wala siyang narinig kundi ang sariling tibok ng puso.
Parang may humigop ng hangin sa buong mansyon. Tila isang iglap lang, pero sapat para bumalik sa kanya ang lahat, ang hotel suite, ang kalahating milyon, ang auction, ang pagtakas niya.
Si Yaya Rosie nakatayo at parang sundalong naghihintay ng utos. Si Jewel, naka-angat ang baba, parang prinsesang nasanay na siya ang sentro. Ang mga helper, busy sa kanya-kanyang Gawain.
Sa isang segundo, gusto niyang magpaliwanag sa nangyari. Pero walang lumabas sa bibig niya.
“Yaya Rosie,” malamig na sabi ni Jayden mula sa itaas ng hagdan. “Pakisabi kay Mommy na mauuna na ako.”
Normal. Parang wala lang.
Parang hindi siya kilala.
Tumango agad si Yaya Rosie. “Opo, Sir Jayden.”
Jayden Valencia.
Parang may tumusok sa dibdib ni Gracie nang marinig ang pangalan.
Naglakad pababa si Jayden, kontrolado ang bawat hakbang, parang ang bahay na ‘to ay extension ng katawan niya. Dumaan siya malapit kay Gracie, sobrang lapit na naamoy niya ang cologne nito. Pareho ng gabing tumakas siya.
Hindi ito tumingin direkta sa kanya. Pero sa mismong pagdaan nito, marahan nitong ibinaba ang boses, isang bulong na para lang sa kanya.
“Welcome into my world.”
Parang nanigas ang buong katawan ni Gracie. Napatikom ang bibig niya, pero naramdaman niyang nanginginig ang labi niya. Hindi siya gumalaw. Hindi siya huminga.
At sa gilid ng mata niya, nakita niyang napatingin si Jewel.
Napansin nito ang bahagyang paghinto ni Jayden sa tapat niya.
Kumurba ang labi ni Jewel. Sweet smile sa labas… pero may lason sa loob.
“Yaya Rosie,” mahinahon nitong sabi, parang nag-uutos lang na maghanda ng dessert, “bantayan mo ‘yan.”
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.
Nang tuluyang makalampas si Jayden at magtuloy sa hallway papunta sa labas, saka lang muling gumalaw ang mundo. Bumalik ang tunog ng yapak, ng mga kubyertos, ng mahihinang bulungan ng staff.
Pero hindi na bumalik ang normal na tibok ng puso niya.
Lumapit si Yaya Rosie sa kanya. Hindi malakas ang boses nito, pero mas nakakatakot kapag mahina.
“Bakit ka namutla ng makita si Sir?” tanong nito.
Napasinghap si Gracie. “Ah… wala po. Pagod lang po.
“Pagod?” umangat ang kilay ni Yaya Rosie. “Ngayon ka lang naglinis, pagod ka na?”
Hindi makasagot si Gracie. Pinulot niya ang basahan, piniga, at nagkunwaring abala. Pero ramdam niyang sinusundan siya ng tingin ni Yaya Rosie.
Nang mawala na si Jayden sa paningin at naghiwa-hiwalay na ang tao sa sala, hinila siya ni Yaya Rosie sa gilid, sa parte ng hallway na hindi masyadong kita.
“Gracie,” mababa nitong sabi, “kilala mo ba si Sir Jayden?”
Parang may humampas sa sikmura niya.
“K-kilala po?” ulit niya, pilit nagtataka. “Hindi po. First time ko po siya nakita.”
Sumikip ang mata ni Yaya Rosie. “Huwag mo akong gawing tanga. Kanina, parang may nakita akong… takot sa mata mo. At si Miss Jewel… napansin din.”
Napalunok si Gracie. “Wala po ‘yun. Natakot lang po ako kasi… boss po siya.”
Sandaling katahimikan. Tapos tumango si Yaya Rosie, pero hindi kumbinsido.
“Makinig ka,” sabi nito. “Kung may tinatago ka, itago mo nang maayos. Dahil dito, kapag may nalaman si Donya Margie na problema ka… hindi ka lang tatanggalin. May kakalagyan ka.”
Nanlamig si Gracie. “Opo, Yaya.”
Kinagabihan, matapos ang ilang utos, ilang pag-aayos, at ilang beses na pagpigil sa sariling umiyak, lumapit si Gracie kay Yaya Rosie.
“Yaya,” mahinang sabi niya, “magpapaalam na po sana ako. Aalis na po ako. May trabaho pa po ako sa gabi. Tapos na po ang schedule ko.”
Hindi siya nagsisinungaling. Waitress siya. Kailangan niyang pumasok. Kailangan nila ng pera.
Pero hindi umoo si Yaya Rosie. Sa halip, tiningnan siya nito na parang hindi siya narinig.
“Hindi ka aalis,” sabi nito. “Kulang ng tao ngayon. May dinner setup tayo. At ikaw ang papalit sa absent.”
Nanlaki ang mata ni Gracie. “Pero Yaya--”
“Walang pero.” Tumalim ang boses nito. “Kung gusto mong tumagal, susunod ka.”
Parang nabasag ang huling pag-asa ni Gracie.
Hindi siya makakaalis.
At kung hindi siya makakaalis… ibig sabihin, haharap siya sa hapunan kay Jayden.
Nang magsimula ang dinner, mas lalo niyang naramdaman ang laki ng mundo nila. Mahabang mesa, silverware na kumikislap, mga pinggang parang sining. Si Donya Margie at Don Agustin hindi pa dumadarting mula sa business trip, pero naroon si Jewel, eleganteng nakaupo.
At sa dulo ng mesa… umupo si Jayden.
Naka-head down si Gracie habang bitbit ang tray.
Pero biglang nagsalita si Jayden, hindi siya tumitingin, parang casual lang.
“What’s your name?”
Parang tumigil ang kutsara sa hangin.
Si Jewel napatingin. Si Yaya Rosie napatingin. Lahat, parang biglang nakatutok.
Nangangatog ang kamay ni Gracie.
“Gracie po, Sir,” sagot niya, halos hindi marinig.
Hindi pa rin siya tinignan ni Jayden. Pero kumurba ang labi nito.
Nagpatuloy ang hapunan. Utos dito, tawag doon. Si Gracie, paikot-ikot, bitbit ang tray.
Hanggang sa, sa pagmamadali at sa kaba, nadulas ang paa niya sa marmol.
“Ayyy!”
Pero bago pa siya tuluyang bumagsak, may kamay na sumalo sa pulso niya. Matatag at mainit.
Si Jayden.
Hindi niya alam kung kailan ito tumayo. Basta bigla na lang naroon ang presensya nito.
Nakahawak ito sa pulso niya at hindi nito agad binitawan.
Tumingala si Gracie. Ang mata niya, takot at gulat. Ang mata ni Jayden… malamig, pero may apoy sa ilalim.
“Careful,” mababang sabi nito. “This floor is unforgiving.”
Parang hindi lang sahig ang tinutukoy.
Napansin niya sa peripheral niya, si Yaya Rosie, nakatitig. At si Jewel, may nagbabantang ngiti sa labi.
Binitiwan ni Jayden ang pulso niya nang dahan-dahan, parang sinadya niyang iparamdam na kaya nito siyang hawakan… at pakawalan kahit kailan.
Nang matapos ang hapunan, akala ni Gracie tapos na ang pagsubok.
Pero mali siya.
Tumayo si Jayden at tumingin sa kanya, unang beses niyang tinutok ang tingin nang diretso.
“Gracie,” tawag nito, ang utos nito na tila may tanikala. “Bring tea to my room.”
Dear readers, maraming salamat sa lahat ng nagsimulang magbasa ng bago kong book, The Billionaire's Exclusive Maid. Ang suporta ninyo mula pa lang sa unang chapters ay sobrang nakaka-inspire!
“Bakit namumula ang mukha mo?” tanong ni Yaya Rosie.Nakahawak si Gracie sa gilid ng pinto habang pilit na pinatatag ang mga tuhod. Hindi nakikita ng matanda si Jayden na nakatago sa likod niya. At kasalukuyang itinuloy ang pagkadyot sa kanya ng patalikod.“Parang lalagnatin po ako,” sagot niya.“Nagdadahilan ka pa.” Tumaas ang isang kilay ni Yaya Rosie. “Makinig kang mabuti. Linisin mo ang guest room, palitan ang bedsheet, at siguraduhing may malinis na tuwalya sa banyo. Pagkatapos, tulungan mo si Annie sa kusina.”“Opo.”Marahan ang paglabas-pasok ng matigas na pagkalalaki sa kanyang hiyas.Halos mamaluktot siya sa sarap. Lalo na kapag naaabot ng mahabang ari ang pinaka-nakakakiliting parte sa loob ng kanyang pwerta.“May problema ba?” tanong ng matanda.“W-Wala po. Sige po. Maliligo lang po ako.”“Hindi pa ako tapos. Mamaya, ihanda mo ang tsaa ni Donya Margie. Huwag iyong matapang dahil sumasakit ang sikmura niya. Pakintabin mo rin ang mga silverware na gagamitin sa hapunan.”Tuman
Napapikit si Gracie sa gulat. Ngunit nang maramdaman ang kamay ni Jayden sa kanyang baywang, bumalik sa isip niya ang pagmamadali nitong puntahan si Tanya kagabi. Baka kung ano ang ginawa ng mga ito. Itinukod niya ang mga palad sa dibdib ng binata at itinulak ito.Napaatras ang amo. “Bakit?”“Baka may ginawa kayo ni Miss Tanya,” aniyang napayuko.“Look, may asawa si Tanya.”“Kung may asawa pala si Miss Tanya, bakit kayo ang tinawagan niya?” Hindi niya napigilang sabi. “Bakit ninyo siya sinundo at pinatuloy dito sa mansyon? Hindi ba dapat ang asawa niya ang tinawagan niya?”Tumigas ang panga ni Jayden. “Sinabi niyang may nagtangkang pumasok sa condo niya at hindi niya makontak si Andres.”“At naniwala agad kayo?”“Humihingi siya ng tulong, Gracie. Hindi ko maaaring balewalain iyon kung iniisip niyang nasa panganib siya.”“Dahil mahalaga pa rin siya sa inyo?”Ilang segundo siyang tinitigan ni Jayden bago muling lumapit.“May pinagsamahan kami ni Tanya,” mababa nitong sabi. “Hindi ko ikak
Nanatiling nakatayo si Jayden sa pintuan habang salitan silang tinitingnan.Napatigil si Tanya na nakataas pa rin ang kamay. Nang makita si Jayden, mabilis nitong ibinaba iyon at hinawakan ang pisging sinampal ni Gracie. Ilang sandali lamang ang nakalipas, galit ang namayani sa mukha nito. Ngunit ngayon, napalitan iyon ng takot at sakit.“Jayden…” Nanginginig ang tinig ni Tanya. Namasa ang mga mata nito bago tuluyang tumulo ang luha. “Sinampal niya ako.”Hindi agad nakapagsalita si Gracie. Hindi nakita ni Jayden ang unang sampal ni Tanya. Ang naabutan lamang nito ay ang pagsampal niya.Pumasok si Jayden sa guest room at isinara ang pinto.“Bakit mo siya sinampal?” tanong nito.“Hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin,” singit ni Tanya. “Sinabi ko lang naman na pansamantala akong titira rito. Bigla niya akong inakusahan at sinampal.”“Ano?” Hindi na napigilan ni Gracie ang sarili. “Kayo po ang unang nanampal sa akin!”“You’re lying!” Humikbi si Tanya at lumapit kay Jayden. “Pinagse
Nakatitig lamang si Gracie sa pangalang lumitaw sa screen ng cellphone. Parang naglaho sa kanyang mga labi ang init ng halik ni Jayden at napalitan iyon ng malamig na kirot sa dibdib.Sinagot ni Jayden ang tawag nang hindi lumalayo sa kanya.“Hello, Tanya?”Napakatahimik ng kusina kaya malinaw na narinig ni Gracie ang balisang tinig ng babae mula sa kabilang linya.“Jayden, please… punta ka rito sa condo.”Nawala ang lambing sa mukha ni Jayden. Kumunot ang noo nito at bahagyang humigpit ang hawak sa cellphone.“Are you safe? May kasama ka ba riyan? Si Andres?”May mabilis na sinabi si Tanya, ngunit hindi na iyon naintindihan ni Gracie. Unti-unti siyang lumayo sa counter. Ilang sandali pa lamang ang nakalipas, halos wala nang pagitan ang mga katawan nila ni Jayden. Ngayon, pakiramdam niya ay napakalayo na nito sa kanya.“Lock the door,” mariing utos ni Jayden. “Huwag kang lalabas. Papunta na ako.”Ibinaba nito ang tawag at agad siyang nilingon.“Kunin mo ang jacket ko sa kuwarto pati an
Si Jayden.“Nagugutom ako,” sabi nito. “Ipaghain mo ako.”Simple lamang ang utos, ngunit sapat iyon para ipaalala kay Gracie kung ano talaga ang papel niya sa mansiyon, ang magsilbi at sumunod sa lahat ng utos nito.Hindi siya nakatanggi. “Opo, Sir.”Tahimik silang naglakad sa service hallway patungo sa kusina. Nauuna siya, ngunit ramdam niya ang presensiya ni Jayden sa kanyang likuran. Kahit hindi siya lumingon, parang nakadikit sa balat niya ang tingin nito.Pagpasok sa kusina, binuksan niya ang refrigerator. May natira pang sabaw mula sa hapunan kaya inilagay niya iyon sa maliit na kaserola at pinainit sa kalan. Inabala niya ang sarili sa pagkuha ng mangkok at kubyertos upang hindi maalala ang nangyari sa pagitan nila.Ngunit lalo lamang gumulo ang isip niya.Naalala niya ang kuwento ni Annie tungkol kay Tanya, ang babaeng hanggang ngayon ay malapit pa rin kay Jayden.Nang kumulo ang sabaw, pinatay niya ang apoy at hinawakan ang kaserola gamit ang pot holder. Habang inililipat iyon
“Hindi po.”Direktang tumingin si Gracie kay Jayden kahit nanginginig pa ang mga tuhod niya.“Hindi ako naging mistress ni Boss Andres.”Hindi agad nawala ang bigat sa mukha ng binata. Nakatayo ito sa harapan niya, matigas ang panga at nakapako sa kanya ang mga mata, na para bang kaya nitong makita ang bawat kasinungalingang pilit niyang itinatago.“Kung hindi, bakit takot na takot ka sa kanya?” tanong nito. “At bakit kailangan ka niyang kausapin nang palihim sa hallway?”Napalunok si Gracie.Hindi niya maaaring sabihin ang tungkol sa mga package. Kapag nalaman ni Andres na nagsumbong siya, hindi lamang siya ang malalagay sa panganib. Malinaw pa rin sa isip niya ang banta nito.Uubusin ko ang lahi mo.“Nakilala ko lang po siya sa bar kung saan ako nagtatrabaho noon,” sagot niya. “May mga inuutos po siya sa akin paminsan-minsan. Wala pong ibang nangyari sa amin. At alam naman po ninyong kayo ang nakauna sa akin.”Saglit na natahimik ang binata.Napayuko siya. “Ayoko na po sanang pag-usa
“What’s your name?” anang baritonong boses ng lalaki ng makarating sila sa hotel room.Parang may malamig na kutsilyong tumutok kay Gracie. Hindi dahil sa tanong, kundi sa paraan ng pagbigkas nito, kalmado pero parang may kapangyarihang mag-utos sa kahit na sino.Pinilit niyang ngumiti, ‘yung ngiti
“Miss Cortez, we need the deposit tonight.”Parang may humampas na bato sa dibdib ni Gracie. Nakatayo siya sa hallway ng ospital, hawak ang lumang sling bag na puno ng resibo at barya. Sa loob ng kuwarto, napasulyap siya sa amang nasa ICU. Inatake ito sa puso.“Pwede po bang… bukas?” halos pabulong
Tumingin si Nanay Helen sa kanya. “Teka anak, bakit ganyan ang suot mo? Sa tensyon ngayon ko na lang napansin.”Ang damit na pang-auction. Ang heels. Ang make-up na hindi pa niya nahuhugasan. Parang bawat hibla ng tela ay ebidensya ng ginawa niya para sa perang nagligtas sa buhay ng ama.Nanlamig a
Tumigil ang lalaki at parang leon na pinipigilang sumunggab. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng katawan nila at mawawala na ang natitirang tapang ni Gracie. Napahinto siya sa pag-alis ng butones ng damit.Nilunok ni Gracie ang kaba. Ito na ang pagkakataon niyang kumapit sa practical na bagay sa p







