LOGINTumingin si Nanay Helen sa kanya. “Teka anak, bakit ganyan ang suot mo? Sa tensyon ngayon ko na lang napansin.”
Ang damit na pang-auction. Ang heels. Ang make-up na hindi pa niya nahuhugasan. Parang bawat hibla ng tela ay ebidensya ng ginawa niya para sa perang nagligtas sa buhay ng ama.
Nanlamig ang batok ni Gracie.
Nabasa niya sa mata ng nanay niya ang pag-aalala. At ayaw na niyang makadagdag sa alalahanin nito kaya napilitan siyang itago ang pinagdaanan.
Pinilit ni Gracie ang ngiti. ‘Yung ngiti na ginagamit niya sa mga customer kapag kailangan niyang magpanggap na okay siya kahit hindi.
“Ah… nay,” mabilis niyang sabi, pilit casual. “Sumali kasi ako sa… fashion show sa hotel.” Tumawa siya nang mahina, sablay ang tunog. “Kaya medyo bongga.”
“Fashion show?” napakurap ang nanay niya.
“Biglaan lang po,” putol ni Gracie, agad na inilayo ang usapan. “Saka… kailangan ko rin po ng extra. Alam ninyo naman.”
Natahimik si Nanay Helen. Parang may gustong itanong, pero pinili nitong maniwala…
“Anak…” mahinang sabi nito, “salamat sa tulong mo.”
Sumikip ang dibdib ni Gracie. Tumango siya, hindi makatingin. Sa loob-loob niya, gusto niyang isigaw ang totoo, pero paano?
“Nay, binenta ko ang sarili ko para mabuhay si Tatay.”
Hindi niya kaya.
Kaya tumayo siya. “Ma, babalik lang po ako saglit.” Pinilit niyang gawing normal ang tono. “May… aasikasuhin lang po ako.”
“Saan ka pupunta?” agad tanong ni Nanay Helen, halatang naalarma.
“Kukunin ko lang po ‘yung… kulang na bayad,” sagot niya, umiwas sa detalye. “Para sa follow-up costs. Babalik din po ako agad.”
“Mag-ingat ka, anak. Pasensya ka na at ikaw ang naghahagilap ng pera.”
“Nay, huwag na po kayong mag-alala. Akong bahala.”
Tumalikod si Gracie, mabilis ang hakbang palabas ng ospital. Hindi pa siya nakakalayo nang may biglang humarang sa daraanan niya.
Si Marla.
Mukhang may dalang balita na hindi niya gugustuhing marinig. Halos tumama sa kanya ang matapang nitong pabango.
“Gracie!” bulong pero madiin. “Ano’ng ginawa mo?”
Nanlamig siya. “Madam… paano ninyo po nalaman na nandito ako?”
“Hindi na mahalaga,” singhal ni Marla, sabay silip sa paligid na parang ayaw mag-eskandalo. “Nagagalit daw yung buyer mo. Alam mo bang delikado ginawa mo?”
Humigpit ang kapit ni Gracie sa strap ng bag niya. “Kinailangan ko lang po pumunta ng ospital. Nasa bingit na po kasi--”
“Alam ko!” putol ni Marla. “Pero hindi mo puwedeng takbuhan ‘yun. Mayayaman ang mga nasa auction na ’yon. Hindi sila sanay na tinatanggihan. Nadinig ko lang sa tauhan ni Boss Andres… nagagalit daw ‘yung buyer mo.”
Nilunok ni Gracie ang kaba. “Babalikan ko naman po yung kliyente,” mariin niyang sabi. “Hindi ko siya tinatakbuhan. Kailangan ko lang talaga mapuntahan si Tatay.”
“Dapat ngayon na,” sabi ni Marla. “Bago pa lumala.”
Tumango si Gracie. Hindi na siya nakipagtalo. Hindi niya kayang dagdagan pa ang gulo. Kailangan niyang tapusin ang kasunduan, kailangan niya ang kalahati pang milyon.
Kaya pagkalabas niya ng ospital, sumakay siya ng tricycle pabalik sa hotel na pinanggalingan ng auction.
Habang umaandar ang sasakyan, nakatitig siya sa city lights, pero hindi niya talaga nakikita. Ang nakikita niya… ang mukha ng lalaking nakabili sa kanya.
Pagdating sa hotel, agad siyang lumapit sa receptionist.
“Sir, may naiwan po akong… appointment kagabi,” pabulong niya. “Room--” Hindi niya alam ang room number.
Tinignan siya ng staff mula ulo hanggang paa, siguro dahil kakaiba pa rin ang suot niya. “Ma’am, anong pangalan po ng guest?”
Natigilan si Gracie. Hindi niya alam ang totoong pangalan, wala siyang number, wala siyang contact.
“Hindi ko po alam,” halos pabulong niyang sabi. “Pero… matangkad. Black suit. Nag-stay kagabi around 10PM po.”
Umiling ang concierge. “Sorry ma’am, madami pong guest ang hotel hindi na namin matatandaan.”
“Pwede bang hanapin ko? Importante lang. Sandali lang ako.”
Hindi na niya hinintay ang reply. Tumakbo siya papunta sa elevator at umakyat sa floor na natatandaan niya. Sa hallway, nagmamadali siyang lumapit sa suite.
Pero pagdating doon… sarado na. Walang tao.
Nakatayo si Gracie, humahabol ang hininga, nanginginig ang tuhod.
At sa sandaling iyon, saka lang niya naramdaman ang totoong takot.
Hindi takot na hindi siya makakakuha ng kalahati pang milyon.
Takot na… baka ipakulong siya, may pera at kapangyarihan ang lalaki, na hindi basta-basta matatakasan.
***
Kinabukasan, bumalik siya sa ospital. Stable na si Tatay Joey. Gising na, mahina pero ngumiti nang makita siya.
“Anak…” bulong nito. “Pasensya na… pinahirapan ko kayo.”
“Wag ninyo po sabihin ‘yan,” napaluha si Gracie, hawak ang kamay nito. “Basta po gumaling kayo.”
Pero habang masaya siyang nakangiti kay Tatay, sa gilid ng mata niya nakikita niya ang mga resibo, mga listahan ng gamot, mga singil sa ICU, parang mga kutsilyong nakahanay at malapit na niyang maramdaman ang bawat tusok.
Paglabas nila sa kuwarto, doon siya hinila ni Nanay Helen sa gilid ng hallway. Nakaipit ang listahan ng billing sa kamay nito.
“Anak…” basag ang boses. “Operation successful nga… pero may follow-up costs. ICU meds, labs, room… ang laki pa rin.”
Nanlamig si Gracie. “Magkano po?”
“Hindi ko pa alam lahat,” sagot ni Nanay Helen, nanginginig. “Pero anak… saan tayo kukuha ng pambayad?”
Humigpit ang hawak ni Gracie sa bag niya. Kailangan niyang makausap ang lalaki, may utang pa itong kalahati. Muntik mapagot ag ugat sa utak niya ng maisip na siya ang may utang pa dito!
At doon bumuntong-hininga si Nanay Helen, parang biglang bumigay.
“Ilang araw na akong absent sa mansyon,” mahinang sabi nito. “Baka palitan na ako. Tapos ang dami ko pang bale kay Donya Margie.” Napatingin ito sa kanya, may hiya at pakiusap sa mata. “Anak… ikaw muna kaya ang pumalit sa akin? Tutal naghihitay ka pa naman ng tawag sa mga inaplayan mo… at trabaho mo sa restaurant, gabi pa. Kahit ilang araw lang hanggang makalabas sa ospital ang tatay mo.”
Tumango si Gracie, mabilis, parang walang choice.
“Opo,” mahina niyang sabi. “Ako na po.”
At kinabukasan, dala ang maliit na bag at isang bagong damit na simple, dumating siya sa mansyon ng mga Valencia.
“Anak ka ni Ate Helen?” tanong ng guard na halos kasing edad lang niya. Tumango at ngumiti siya.Humigpit ang hawak ni Gracie sa strap ng bag niya.Ang dami niyang iniwan sa ospital, resibo, kaba, at ang bigat ng responsibilidad.“ID?” anito.Mabilis niyang inilabas ang lumang ID ng restaurant. Kinuha ng guard, tinignan, saka muling tiningnan si Gracie.“Parang hindi bagay ang ganda mo maging kasambahay,” biro ng guard.Ngumiti si Gracie.Binuksan nito ang gate nang bahagya. “Sige. Pero mag-ingat ka. Dito… konting mali, tanggal agad.”Tumango siya. “Opo. Salamat po.”Sobrang yaman pala ng mga Valencia. Kahit ilang taon ng naninilbihan ang ina ay hindi pa siya nakapasok sa mansyon.Pagpasok niya, unang bumungad ang sobrang linis na driveway, parang hindi tinatamaan ng alikabok. May mga halaman na parang ginupit isa-isa ng gunting, at fountain na tahimik lang ang agos.Namangha siya sa marble floors na kumikislap, sa chandeliers na parang bituin, at katahimikan sa hallway na parang bawa
Tumingin si Nanay Helen sa kanya. “Teka anak, bakit ganyan ang suot mo? Sa tensyon ngayon ko na lang napansin.”Ang damit na pang-auction. Ang heels. Ang make-up na hindi pa niya nahuhugasan. Parang bawat hibla ng tela ay ebidensya ng ginawa niya para sa perang nagligtas sa buhay ng ama.Nanlamig ang batok ni Gracie.Nabasa niya sa mata ng nanay niya ang pag-aalala. At ayaw na niyang makadagdag sa alalahanin nito kaya napilitan siyang itago ang pinagdaanan.Pinilit ni Gracie ang ngiti. ‘Yung ngiti na ginagamit niya sa mga customer kapag kailangan niyang magpanggap na okay siya kahit hindi.“Ah… nay,” mabilis niyang sabi, pilit casual. “Sumali kasi ako sa… fashion show sa hotel.” Tumawa siya nang mahina, sablay ang tunog. “Kaya medyo bongga.”“Fashion show?” napakurap ang nanay niya.“Biglaan lang po,” putol ni Gracie, agad na inilayo ang usapan. “Saka… kailangan ko rin po ng extra. Alam ninyo naman.”Natahimik si Nanay Helen. Parang may gustong itanong, pero pinili nitong maniwala…“A
Tumigil ang lalaki at parang leon na pinipigilang sumunggab. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng katawan nila at mawawala na ang natitirang tapang ni Gracie. Napahinto siya sa pag-alis ng butones ng damit.Nilunok ni Gracie ang kaba. Ito na ang pagkakataon niyang kumapit sa practical na bagay sa perang dahilan kung bakit siya nandito.“Sir…” maingat niyang simula, pinipilit na hindi manginig ang boses, “pwede po bang… bayad muna bago serbisyo?”Sa salita pa lang, parang may dumaan na init sa mukha niya, hiya, galit sa sarili, at survival na magkakahalo. Pero hindi siya puwedeng magpatalo sa hiya. Hindi sa gabing ‘to.Tumawa ang binata. Tumama sa kanya ang tingin nitong parang laser.“Lahat gagawin mo para sa pera.”Sumikip ang dibdib ni Gracie. Hindi siya umiwas. Mas sinikap niyang tumindig.“Totoo naman po,” sagot niya. “Hindi ko itatanggi. Kailangan ko po. Heto po ang account number ko,” aniyang ipinakita ang QR code.Parang may dumaan sa mga mata nito, hindi awa, pero isang bagay
“What’s your name?” anang baritonong boses ng lalaki ng makarating sila sa hotel room.Parang may malamig na kutsilyong tumutok kay Gracie. Hindi dahil sa tanong, kundi sa paraan ng pagbigkas nito, kalmado pero parang may kapangyarihang mag-utos sa kahit na sino.Pinilit niyang ngumiti, ‘yung ngiting ginagamit niya sa bar kapag lasing ang customer at kailangan niyang utuin para sa tip. “Huwag na po siguro,” pabulong niyang sagot. “One night lang naman tayong magkakasama.”Hindi kumurap ang lalaki. Umupo sa gilid ng sofa, parang hari sa sariling teritoryo. Tahimik ito. Pero ang tingin, parang unti-unti siyang hinuhubaran.Humigpit ang hawak ni Gracie sa bote ng champagne. Kinuha niya ito sa ice bucket. Siya ang nagbukas at nagbuhos sa baso, nanginginig ang kamay pero nagkunwaring confident, parang normal na gabi lang ito ng trabaho.“Drink?” alok niya, pilit steady ang boses.“Later.” Isang salita lang, pero sapat para malaman niyang walang saysay ang pag-arte niya.Nilunok niya ang ka
“Miss Cortez, we need the deposit tonight.”Parang may humampas na bato sa dibdib ni Gracie. Nakatayo siya sa hallway ng ospital, hawak ang lumang sling bag na puno ng resibo at barya. Sa loob ng kuwarto, napasulyap siya sa amang nasa ICU. Inatake ito sa puso.“Pwede po bang… bukas?” halos pabulong niyang tanong. “Maghahanap pa ako ng pera--”Umiling ang nurse, maingat pero matigas ang boses. “Ma’am, we understand. Pero may protocol kami. Kung walang deposit, hindi namin maitutuloy ang procedure.”Nang bumukas ang pinto, lumabas ang doktor. “Miss… I’m sorry. Time-sensitive ’to.”Time-sensitive. Parang buhay na may expiration.Lumunok siya, pilit pinapanatili ang boses na hindi nanginginig. “Magkano po?”“Miss maghanda po kayo ng isang milyon, diabetic pa ang pasyente.”Nang marinig niya ang halaga, nanlamig ang batok niya. Saan siya kukuha ng ganoong kalaking pera?Paglabas niya ng ospital, dumilim ang langit na parang nakikisama sa bigat sa dibdib niya. Umupo siya sa waiting shed, ti







