Home / Romance / The Billionaire’s Exclusive Maid / Kabanata 5 Beggars Can’t Be Choosers

Share

Kabanata 5 Beggars Can’t Be Choosers

last update Last Updated: 2026-02-20 14:04:59

“Anak ka ni Ate Helen?” tanong ng guard na halos kasing edad lang niya. Tumango at ngumiti siya.

Humigpit ang hawak ni Gracie sa strap ng bag niya.

Ang dami niyang iniwan sa ospital, resibo, kaba, at ang bigat ng responsibilidad.

“ID?” anito.

Mabilis niyang inilabas ang lumang ID ng restaurant. Kinuha ng guard, tinignan, saka muling tiningnan si Gracie.

“Parang hindi bagay ang ganda mo maging kasambahay,” biro ng guard.

Ngumiti si Gracie.

Binuksan nito ang gate nang bahagya. “Sige. Pero mag-ingat ka. Dito… konting mali, tanggal agad.”

Tumango siya. “Opo. Salamat po.”

Sobrang yaman pala ng mga Valencia. Kahit ilang taon ng naninilbihan ang ina ay hindi pa siya nakapasok sa mansyon.

Pagpasok niya, unang bumungad ang sobrang linis na driveway, parang hindi tinatamaan ng alikabok. May mga halaman na parang ginupit isa-isa ng gunting, at fountain na tahimik lang ang agos.

Namangha siya sa marble floors na kumikislap, sa chandeliers na parang bituin, at katahimikan sa hallway na parang bawat tunog ay bawal. May mga staff na maayos ang uniform, tahimik kumilos, parang lahat may takdang posisyon.

Hindi pa siya nakakalayo nang may biglang boses na umalingawngaw mula sa gilid.

“Ikaw ba ang anak ni Helen?”

Napalingon siya.

Isang babae ang papalapit, matikas ang tindig, suot ang simpleng uniporme pero halatang siya ang may kapangyarihan sa mga tauhan.

“Opo. Ako po si Gracie,” mabilis na sagot niya.

Lalo siyang sinipat ng babae. Mula ulo hanggang paa.

“Ako si Yaya Rosie. Mayordoma dito.”

Mayordoma. Kahit hindi pa nito sinasabi, ramdam na niya.

Ngumiti si Gracie. “Good morning po, Yaya Rosie.”

Hindi nito pinansin ang pagbati niya.  Sa halip, inangat ni Yaya Rosie ang isang kilay.

“Sa tingin mo madali ang trabaho dito?” anito, boses na may halong pangmamaliit. “Mukhang puro arte ang alam mo.”

Napatigil si Gracie. “Hindi po. Sanay po ako sa mga gawaing bahay.”

“May kulay pa ang kuko mo,” dagdag ni Yaya Rosie, tinuro ang daliri niya.

Napatingin si Gracie sa sarili niyang kuko, may natirang light tint pa, hindi naman matingkad, pero oo… may kulay.

“Nagtrabaho po kasi ako sa restaurant--”

“Hindi ko kailangan ng dahilan,” putol ni Yaya Rosie. “Kailangan ko ng disiplina.”

Tila nabawasan ang hangin sa dibdib ni Gracie. Pinilit niyang tumango. “Opo.”

Dahan-dahang lumapit si Yaya Rosie, halos magdikit ang mukha nila. “Makinig ka. Hindi ito lugar na puwede kang ngumiti-ngiti para makalusot.”

Tumango ulit si Gracie, mas mariin.

“Rules,” sabi ni Yaya Rosie.

Isa-isa nitong binagsak ang mga utos na parang bato.

“Una, bawal kang makipag-usap sa mga amo unless asked.”

“Opo.”

“Pangalawa, bawal kang magsalita ng kahit anong tungkol sa mansyon paglabas mo.”

“Opo.”

“Pangatlo, bawal kang lumampas sa third floor.”

Napakurap si Gracie. “Bakit po?”

Biglang tumalim ang tingin ni Yaya Rosie. “Sabi ko, bawal magtanong kung hindi tinatanong.”

Luh. Wala namang sinabing bawal magtanong. Napatikom si Gracie. “Opo.”

“Pang-apat, bawal pumasok sa study. Kahit bukas ang pinto, kahit may nakita kang kalat. Gets?”

“Opo, Yaya.”

At parang hindi pa sapat, tumagilid si Yaya Rosie at muling sinipat siya.

“At panglima,” dagdag nito, mas mababa ang boses, parang babala. “Dito, maraming mata. Konting mali… ikaw ang sisisihin. Kaya kung gusto mong tumagal, wag kang pasaway.”

Nilunok ni Gracie ang kaba. Ramdam niya ang init sa pisngi.

Kakayanin niya. Lalo na ng maisip ang kanyang ama.

Kaya huminga siya nang malalim. “Opo. Susunod po ako.”

Tumalikod si Yaya Rosie. “Good.”

Tinuro nito ang mahaba at malapad na hallway na marmol, kumikislap sa liwanag ng chandelier.

“Yan,” sabi nito. “Linisin mo ‘yan. Dapat wala kahit anong marka.”

Napatitig si Gracie. Halos wala nga siyang makitang dumi. Pero kinuha niya ang mop at basahan na inabot sa kanya ng isang helper.

Nagtrabaho si Gracie nang tahimik. Bawat swipe ng basahan, parang pinupunasan niya rin ang pagod sa loob niya. Hindi niya ininda ang lamig ng marmol sa paa, hindi niya ininda ang hapdi ng likod, kahit ilang beses siyang napatingin sa orasan.

Matapos ang ilang oras, kumintab ang hallway na parang salamin. Napabuntong-hininga siya, pagod pero kahit paano… satisfied.

Lumapit si Yaya Rosie, walang expression. Tiningnan ang sahig, tumingin sa kanya, tapos biglang nagturo sa isang maliit na marka, isang halos hindi makita na dumi. May lens yata ang mata nito.

“Hindi pa maayos.”

Namilog ang mata ni Gracie. “Po? Halos wala na--”

“Maglinis ka ulit.” Isang utos.

Parang may sumabog sa dibdib ni Gracie. Gusto niyang sumagot. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili niya. Pero naalala niya ang sinabi ng guard, konting mali, tanggal.

Muli niyang inalala ang mantra. Beggars can’t be choosers.

Hindi niya puwedeng matanggal.

Hindi habang nakahiga sa ICU ang ama niya.

Kaya lumunok siya ng pride.

“Opo,” mahina niyang sagot.

Bumalik siya sa hallway, piniga ang basahan, at muling naglinis. Mas mabagal na ngayon, mas maingat. Pero sa bawat dampi ng basahan sa marmol, may kirot sa lalamunan niya.

Kakapit siya para kay Tatay.

Habang nakaluhod siya, may narinig siyang mahinang tawa mula sa dulo ng hallway.

Napalingon siya.

May babaeng papalapit, suot ang eleganteng dress kahit nasa bahay. Mahaba ang buhok, glossy, at may aura ng taong hindi kailanman pinagpawisan sa trabaho. Sa likod nito, dalawang kasambahay ang sumusunod, bitbit ang maliit na tray.

Tumigil ito sa harap niya, sinipat siya.

“Bago?” tanong nito, may smirk.

Nanlamig si Gracie. Gusto niyang tumayo, pero hindi niya alam kung dapat. Kaya nanatili siyang nakaluhod, head slightly down, alinsunod sa rules.

“Opo,” mahina niyang sagot. “Pansamantala lang po. Papalit po ako kay Nanay Helen.”

Tumawa ang babae, maikli. Tumingin ito kay Yaya Rosie na nakatayo sa gilid. “Yaya, bakit ‘yan ang ipinalit? Mukhang… mahina.”

Mahina? Siya? Wala sa bokabularyo niya ang salitang ‘yun.

Pinigil niya ang sarili.

Yumuko nang bahagya si Yaya Rosie at naging malambing ang boses. “Miss Jewel, nakahanda na po ang almusal.”

Isa siguro ito sa anak ng mga amo.

At ngayon, nakatitig sa kanya si Jewel na parang may bagong laruan.

Lumapit pa si Jewel, sinipat ang mukha niya nang mas malapitan, sobrang lapit na parang sinusuri ang pores niya.

“You’re pretty.”

Napatigil si Gracie.

“Miss Jewel, mas maganda ka po,” ani Yaya Rosie.

May kung anong kaba ang gumapang sa batok niya, parang may paparating na bagyo. Pinilit niyang ngumiti kahit nanginginig ang labi.

“I know, Yaya Rosie.”

At sa sandaling iyon, may narinig silang yapak mula sa itaas ng hagdan, mabigat, kontrolado.

Napakurap si Gracie.

Hindi pa niya nakikita kung sino.

Pero biglang tumayo si Yaya Rosie nang mas tuwid, at si Jewel, bahagyang umayos ang tindig.

Humigpit ang kapit ni Gracie sa basahan.

At bago pa siya makalingon, narinig niya ang boses, pamilyar.

“Yaya Rosie,” sabi ng boses mula sa itaas, “pakisabi kay mommy na mauuna na ako.”

Parang may dumaloy na yelo sa dugo ni Gracie.

Dahan-dahan niyang inangat ng tingin.

At doon niya nakita.

Naka-formal attire ang isang lalaki. Malamig ang mata, pero may spark ng recognition na parang kidlat na tumama sa pagitan nila.

Ang anak ng amo niya…

at ang lalaking nakabili sa kanya…

ay iisa!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 5 Beggars Can’t Be Choosers

    “Anak ka ni Ate Helen?” tanong ng guard na halos kasing edad lang niya. Tumango at ngumiti siya.Humigpit ang hawak ni Gracie sa strap ng bag niya.Ang dami niyang iniwan sa ospital, resibo, kaba, at ang bigat ng responsibilidad.“ID?” anito.Mabilis niyang inilabas ang lumang ID ng restaurant. Kinuha ng guard, tinignan, saka muling tiningnan si Gracie.“Parang hindi bagay ang ganda mo maging kasambahay,” biro ng guard.Ngumiti si Gracie.Binuksan nito ang gate nang bahagya. “Sige. Pero mag-ingat ka. Dito… konting mali, tanggal agad.”Tumango siya. “Opo. Salamat po.”Sobrang yaman pala ng mga Valencia. Kahit ilang taon ng naninilbihan ang ina ay hindi pa siya nakapasok sa mansyon.Pagpasok niya, unang bumungad ang sobrang linis na driveway, parang hindi tinatamaan ng alikabok. May mga halaman na parang ginupit isa-isa ng gunting, at fountain na tahimik lang ang agos.Namangha siya sa marble floors na kumikislap, sa chandeliers na parang bituin, at katahimikan sa hallway na parang bawa

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 4 Sacrifice for the Family

    Tumingin si Nanay Helen sa kanya. “Teka anak, bakit ganyan ang suot mo? Sa tensyon ngayon ko na lang napansin.”Ang damit na pang-auction. Ang heels. Ang make-up na hindi pa niya nahuhugasan. Parang bawat hibla ng tela ay ebidensya ng ginawa niya para sa perang nagligtas sa buhay ng ama.Nanlamig ang batok ni Gracie.Nabasa niya sa mata ng nanay niya ang pag-aalala. At ayaw na niyang makadagdag sa alalahanin nito kaya napilitan siyang itago ang pinagdaanan.Pinilit ni Gracie ang ngiti. ‘Yung ngiti na ginagamit niya sa mga customer kapag kailangan niyang magpanggap na okay siya kahit hindi.“Ah… nay,” mabilis niyang sabi, pilit casual. “Sumali kasi ako sa… fashion show sa hotel.” Tumawa siya nang mahina, sablay ang tunog. “Kaya medyo bongga.”“Fashion show?” napakurap ang nanay niya.“Biglaan lang po,” putol ni Gracie, agad na inilayo ang usapan. “Saka… kailangan ko rin po ng extra. Alam ninyo naman.”Natahimik si Nanay Helen. Parang may gustong itanong, pero pinili nitong maniwala…“A

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 3 Escaping the Billionaire

    Tumigil ang lalaki at parang leon na pinipigilang sumunggab. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng katawan nila at mawawala na ang natitirang tapang ni Gracie. Napahinto siya sa pag-alis ng butones ng damit.Nilunok ni Gracie ang kaba. Ito na ang pagkakataon niyang kumapit sa practical na bagay sa perang dahilan kung bakit siya nandito.“Sir…” maingat niyang simula, pinipilit na hindi manginig ang boses, “pwede po bang… bayad muna bago serbisyo?”Sa salita pa lang, parang may dumaan na init sa mukha niya, hiya, galit sa sarili, at survival na magkakahalo. Pero hindi siya puwedeng magpatalo sa hiya. Hindi sa gabing ‘to.Tumawa ang binata. Tumama sa kanya ang tingin nitong parang laser.“Lahat gagawin mo para sa pera.”Sumikip ang dibdib ni Gracie. Hindi siya umiwas. Mas sinikap niyang tumindig.“Totoo naman po,” sagot niya. “Hindi ko itatanggi. Kailangan ko po. Heto po ang account number ko,” aniyang ipinakita ang QR code.Parang may dumaan sa mga mata nito, hindi awa, pero isang bagay

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 2 Just One Night

    “What’s your name?” anang baritonong boses ng lalaki ng makarating sila sa hotel room.Parang may malamig na kutsilyong tumutok kay Gracie. Hindi dahil sa tanong, kundi sa paraan ng pagbigkas nito, kalmado pero parang may kapangyarihang mag-utos sa kahit na sino.Pinilit niyang ngumiti, ‘yung ngiting ginagamit niya sa bar kapag lasing ang customer at kailangan niyang utuin para sa tip. “Huwag na po siguro,” pabulong niyang sagot. “One night lang naman tayong magkakasama.”Hindi kumurap ang lalaki. Umupo sa gilid ng sofa, parang hari sa sariling teritoryo. Tahimik ito. Pero ang tingin, parang unti-unti siyang hinuhubaran.Humigpit ang hawak ni Gracie sa bote ng champagne. Kinuha niya ito sa ice bucket. Siya ang nagbukas at nagbuhos sa baso, nanginginig ang kamay pero nagkunwaring confident, parang normal na gabi lang ito ng trabaho.“Drink?” alok niya, pilit steady ang boses.“Later.” Isang salita lang, pero sapat para malaman niyang walang saysay ang pag-arte niya.Nilunok niya ang ka

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 1 Auction Night

    “Miss Cortez, we need the deposit tonight.”Parang may humampas na bato sa dibdib ni Gracie. Nakatayo siya sa hallway ng ospital, hawak ang lumang sling bag na puno ng resibo at barya. Sa loob ng kuwarto, napasulyap siya sa amang nasa ICU. Inatake ito sa puso.“Pwede po bang… bukas?” halos pabulong niyang tanong. “Maghahanap pa ako ng pera--”Umiling ang nurse, maingat pero matigas ang boses. “Ma’am, we understand. Pero may protocol kami. Kung walang deposit, hindi namin maitutuloy ang procedure.”Nang bumukas ang pinto, lumabas ang doktor. “Miss… I’m sorry. Time-sensitive ’to.”Time-sensitive. Parang buhay na may expiration.Lumunok siya, pilit pinapanatili ang boses na hindi nanginginig. “Magkano po?”“Miss maghanda po kayo ng isang milyon, diabetic pa ang pasyente.”Nang marinig niya ang halaga, nanlamig ang batok niya. Saan siya kukuha ng ganoong kalaking pera?Paglabas niya ng ospital, dumilim ang langit na parang nakikisama sa bigat sa dibdib niya. Umupo siya sa waiting shed, ti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status