Home / Romance / The Billionaire’s Exclusive Maid / Kabanata 3 Escaping the Billionaire

Share

Kabanata 3 Escaping the Billionaire

last update Last Updated: 2026-02-20 13:44:11

Tumigil ang lalaki at parang leon na pinipigilang sumunggab. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng katawan nila at mawawala na ang natitirang tapang ni Gracie. Napahinto siya sa pag-alis ng butones ng damit.

Nilunok ni Gracie ang kaba. Ito na ang pagkakataon niyang kumapit sa practical na bagay sa perang dahilan kung bakit siya nandito.

“Sir…” maingat niyang simula, pinipilit na hindi manginig ang boses, “pwede po bang… bayad muna bago serbisyo?”

Sa salita pa lang, parang may dumaan na init sa mukha niya, hiya, galit sa sarili, at survival na magkakahalo. Pero hindi siya puwedeng magpatalo sa hiya. Hindi sa gabing ‘to.

Tumawa ang binata. Tumama sa kanya ang tingin nitong parang laser.

“Lahat gagawin mo para sa pera.”

Sumikip ang dibdib ni Gracie. Hindi siya umiwas. Mas sinikap niyang tumindig.

“Totoo naman po,” sagot niya. “Hindi ko itatanggi. Kailangan ko po. Heto po ang account number ko,” aniyang ipinakita ang QR code.

Parang may dumaan sa mga mata nito, hindi awa, pero isang bagay na hindi niya mabasa. Pagkatapos, hinugot nito ang cellphone at nag-tap ng mabilis, parang sanay maglipat ng milyon na parang pamasahe lang.

Tumunog ang phone niya.

Notification: Transfer Received.

Napatigil siya habang nakatingin sa screen.

PHP 500,000.

Napatingala siya sa lalaki, nanlaki ang mata. “Bakit… kalahating milyon lang?”

“Sigurista ka,” sabi niya. “Sigurista din ako.” Bahagyang yumuko siya, halos magdikit ang mga mukha nila. “I’ll give the other half kapag tapos na ako sa kailangan ko sa’yo.”

Napalunok si Gracie. Sa lapit nito, hindi lang takot ang naramdaman niya. May pumitik na kung ano sa mismong ugat ng nerbiyos niya, nakakainis at nakakalito.

“Okay,” mahina niyang sagot.

Tumuwid si Jayden, tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Now,” anitong boses ay parang asin sa alat, “don’t waste my time.”

Sa mga susunod na segundo, parang nagsara ang mundo sa kanilang dalawa. Narinig ni Gracie ang sarili niyang paghinga, ang malakas na tibok ng puso, ang tunog ng aircon na tila mas lumamig.

“Your lips seems delicious. Let me taste it first,” anitong walang babalang hinalikan ang labi niya. Hindi halik. Mukbang. Nanigas ang buong katawan niya. Sabi nito kanina, hindi siya hahalikan.

First kiss niya. Hindi niya alam ang gagawin. Napakapit siya sa braso ng lalaki. Nguit inalis nito ang kamay niya. “Don’t touch me unless I told you to do so.”

Ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig niya.

Buti na lang bago pa niya tuluyang maubos ang hangin sa baga, tumunog ang cellphone ng binata.

Isang beses. Dalawang beses.

Naputol ang tensyon.

Hindi ito tumingin sa phone agad. Tiningnan muna siya nito at saka kinuha ang cellphone sa bulsa at sumulyap sa screen.

May bahagyang pag-igting sa panga nito.

“Excuse me,” mababang sabi nito. Tumalikod ito at naglakad papunta sa veranda, binuksan ang sliding door na halos walang tunog. Sa sandaling iyon, pumasok ang malamig na hangin mula sa labas.

Naiwan si Gracie sa kwarto na parang binawian ng lakas.

Humigpit ang hawak niya sa gilid ng armchair. Kumakabog ang dibdib niya. Hindi lang dahil sa takot, kundi dahil sa mga sandaling halos magkalapit na sila, at sa katotohanang may bahagi sa kanya ang gustong… hindi niya alam. Gusto bang matapos na? Gusto bang tumakas?

Hindi siya tatakas para sa buhay ng ama.

At doon niya naalala ang perang pinanghahawakan niya.

Ang kasunduan. Ang bayad.

Napatingin siya sa lalaki.

Nakasandal ito sa railings, nakatalikod, isang kamay hawak ang cellphone sa tenga. Ang isa, nasa bulsa.

Tumunog ang cellphone niya. May tumatawag na numero lang. Hindi niya sinagot at baka maniningil.

Tumawag ulit. Sinagot na niya.

“Hello?” halos pabulong niyang sagot.

Sa kabilang linya, boses ng nurse na halatang nagmamadali. “Miss Cortez, sa ospital po kami, ang tatay ninyo po… kritikal na. Nasa bingit na po siya ng kamatayan. Kailangan po namin kayo dito ngayon para magdesisyon. Ang nanay po ninyo nag-collapse na.”

Parang nawala ang hangin sa dibdib ni Gracie. Kailangan niyang umalis. Babalik na lang siya.

At bago pa makabalik ang lalaki, tumakbo siya palabas ng suite. Dumaan sa hallway, halos hindi maramdaman ang carpet sa ilalim ng paa niya.

Pagdating sa lobby, halos madapa siya sa pagmamadali. Napatingin ang security guards sa kanya. Na nginitian na lamang niya para hindi na magtanong.

Huminto siya sandali para maghanap ng masasakyan. Buti na lang ay may dumaan na tricycle. “Ospital po! Paki-bilis!”

Sa biyahe, nanginginig ang tuhod niya. Pinipilit niyang huminga, pero parang nasusunog ang dibdib niya sa panic. Paulit-ulit siyang nagdadasal para sa kaligtasan ng ama.

Pagdating niya sa ospital, tumambad sa kanya ang inang umiiyak sa upuan, parang gumuho ang mundo.

“Nay!” sigaw niya, at agad siyang niyakap ng nanay niya.

“Anak…” hikbi nito. “Akala ko… hindi mo na maaabutan ang tatay mo…”

Hindi na siya nagtanong. Tumakbo siya sa counter. Ilang minuto lang ang lumipas, pero totoong kapag may pera, bumibilis ang mundo.

“Kailangan po ng deposit,” sabi ng staff, matigas ang tono.

Hindi na siya nakipagtalo. Binuksan niya ang banking app, nanginginig ang daliri, at doon niya ginamit ang kalahating milyon para sa buhay ng ama.

“Naideposit ko na po,” sabi niya, halos pumikit sa sakit.

Biglang nag-iba ang mukha ng staff. Bumait at bumilis. May tumawag sa doktor. May tumakbo sa hallway. Parang may magic.

Pinaupo sila sa waiting area sa labas ng operating room. Ang ilaw, puti at malamig. Ang oras, parang hindi umuusad.

Tila siya nauupos na kandila habang hinihintay matapos ang operasyon.

Ilang oras ang lumipas. Hindi niya alam kung pang-ilan niyang palit ng upo, pang-ilan niyang pahid ng luha, pang-ilan niyang dasal.

Hanggang bumukas ang pinto.

Lumabas ang doktor.

Tumayo si Gracie nang halos matumba.

“Doc? Kumusta po ang itay?” hingal niyang tanong.

Tumango ang doktor. “Matagumpay ang operasyon. Stable na siya. Kailangan lang ng mahigpit na monitoring.”

Parang biglang bumagsak ang bigat sa balikat ni Gracie. Napaupo siya ulit, nanginginig, humahagulhol sa ginhawa. Niyakap siya ng nanay niya.

“Salamat, Diyos ko,” paulit-ulit niyang bulong.

At doon, sa pagitan ng luha at ginhawa, biglang sumagi sa isip niya ang isang mukha.

Ang malamig na mata. Ang baritonong boses. Ang lalaki sa suite.

Nanlamig ang batok niya.

“Nay…” mahinang sabi niya, parang biglang bumalik ang kaba. “Kailangan ko po munang umalis sandali. Babalik din ako.”

“Anak, saan ka pupunta?” nanginginig ang boses ng nanay niya.

“Kailangan ko pong… ayusin ‘yung pinanggalingan ng perang ginamit natin,” sagot niyang umiwas sa detalye.

Nagdesisyon siyang balikan ang lalaki.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 5 Beggars Can’t Be Choosers

    “Anak ka ni Ate Helen?” tanong ng guard na halos kasing edad lang niya. Tumango at ngumiti siya.Humigpit ang hawak ni Gracie sa strap ng bag niya.Ang dami niyang iniwan sa ospital, resibo, kaba, at ang bigat ng responsibilidad.“ID?” anito.Mabilis niyang inilabas ang lumang ID ng restaurant. Kinuha ng guard, tinignan, saka muling tiningnan si Gracie.“Parang hindi bagay ang ganda mo maging kasambahay,” biro ng guard.Ngumiti si Gracie.Binuksan nito ang gate nang bahagya. “Sige. Pero mag-ingat ka. Dito… konting mali, tanggal agad.”Tumango siya. “Opo. Salamat po.”Sobrang yaman pala ng mga Valencia. Kahit ilang taon ng naninilbihan ang ina ay hindi pa siya nakapasok sa mansyon.Pagpasok niya, unang bumungad ang sobrang linis na driveway, parang hindi tinatamaan ng alikabok. May mga halaman na parang ginupit isa-isa ng gunting, at fountain na tahimik lang ang agos.Namangha siya sa marble floors na kumikislap, sa chandeliers na parang bituin, at katahimikan sa hallway na parang bawa

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 4 Sacrifice for the Family

    Tumingin si Nanay Helen sa kanya. “Teka anak, bakit ganyan ang suot mo? Sa tensyon ngayon ko na lang napansin.”Ang damit na pang-auction. Ang heels. Ang make-up na hindi pa niya nahuhugasan. Parang bawat hibla ng tela ay ebidensya ng ginawa niya para sa perang nagligtas sa buhay ng ama.Nanlamig ang batok ni Gracie.Nabasa niya sa mata ng nanay niya ang pag-aalala. At ayaw na niyang makadagdag sa alalahanin nito kaya napilitan siyang itago ang pinagdaanan.Pinilit ni Gracie ang ngiti. ‘Yung ngiti na ginagamit niya sa mga customer kapag kailangan niyang magpanggap na okay siya kahit hindi.“Ah… nay,” mabilis niyang sabi, pilit casual. “Sumali kasi ako sa… fashion show sa hotel.” Tumawa siya nang mahina, sablay ang tunog. “Kaya medyo bongga.”“Fashion show?” napakurap ang nanay niya.“Biglaan lang po,” putol ni Gracie, agad na inilayo ang usapan. “Saka… kailangan ko rin po ng extra. Alam ninyo naman.”Natahimik si Nanay Helen. Parang may gustong itanong, pero pinili nitong maniwala…“A

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 3 Escaping the Billionaire

    Tumigil ang lalaki at parang leon na pinipigilang sumunggab. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng katawan nila at mawawala na ang natitirang tapang ni Gracie. Napahinto siya sa pag-alis ng butones ng damit.Nilunok ni Gracie ang kaba. Ito na ang pagkakataon niyang kumapit sa practical na bagay sa perang dahilan kung bakit siya nandito.“Sir…” maingat niyang simula, pinipilit na hindi manginig ang boses, “pwede po bang… bayad muna bago serbisyo?”Sa salita pa lang, parang may dumaan na init sa mukha niya, hiya, galit sa sarili, at survival na magkakahalo. Pero hindi siya puwedeng magpatalo sa hiya. Hindi sa gabing ‘to.Tumawa ang binata. Tumama sa kanya ang tingin nitong parang laser.“Lahat gagawin mo para sa pera.”Sumikip ang dibdib ni Gracie. Hindi siya umiwas. Mas sinikap niyang tumindig.“Totoo naman po,” sagot niya. “Hindi ko itatanggi. Kailangan ko po. Heto po ang account number ko,” aniyang ipinakita ang QR code.Parang may dumaan sa mga mata nito, hindi awa, pero isang bagay

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 2 Just One Night

    “What’s your name?” anang baritonong boses ng lalaki ng makarating sila sa hotel room.Parang may malamig na kutsilyong tumutok kay Gracie. Hindi dahil sa tanong, kundi sa paraan ng pagbigkas nito, kalmado pero parang may kapangyarihang mag-utos sa kahit na sino.Pinilit niyang ngumiti, ‘yung ngiting ginagamit niya sa bar kapag lasing ang customer at kailangan niyang utuin para sa tip. “Huwag na po siguro,” pabulong niyang sagot. “One night lang naman tayong magkakasama.”Hindi kumurap ang lalaki. Umupo sa gilid ng sofa, parang hari sa sariling teritoryo. Tahimik ito. Pero ang tingin, parang unti-unti siyang hinuhubaran.Humigpit ang hawak ni Gracie sa bote ng champagne. Kinuha niya ito sa ice bucket. Siya ang nagbukas at nagbuhos sa baso, nanginginig ang kamay pero nagkunwaring confident, parang normal na gabi lang ito ng trabaho.“Drink?” alok niya, pilit steady ang boses.“Later.” Isang salita lang, pero sapat para malaman niyang walang saysay ang pag-arte niya.Nilunok niya ang ka

  • The Billionaire’s Exclusive Maid   Kabanata 1 Auction Night

    “Miss Cortez, we need the deposit tonight.”Parang may humampas na bato sa dibdib ni Gracie. Nakatayo siya sa hallway ng ospital, hawak ang lumang sling bag na puno ng resibo at barya. Sa loob ng kuwarto, napasulyap siya sa amang nasa ICU. Inatake ito sa puso.“Pwede po bang… bukas?” halos pabulong niyang tanong. “Maghahanap pa ako ng pera--”Umiling ang nurse, maingat pero matigas ang boses. “Ma’am, we understand. Pero may protocol kami. Kung walang deposit, hindi namin maitutuloy ang procedure.”Nang bumukas ang pinto, lumabas ang doktor. “Miss… I’m sorry. Time-sensitive ’to.”Time-sensitive. Parang buhay na may expiration.Lumunok siya, pilit pinapanatili ang boses na hindi nanginginig. “Magkano po?”“Miss maghanda po kayo ng isang milyon, diabetic pa ang pasyente.”Nang marinig niya ang halaga, nanlamig ang batok niya. Saan siya kukuha ng ganoong kalaking pera?Paglabas niya ng ospital, dumilim ang langit na parang nakikisama sa bigat sa dibdib niya. Umupo siya sa waiting shed, ti

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status