Share

Chapter 3: P.1

Author: Marifer
last update Last Updated: 2025-08-20 18:25:58

Napansin ng mayordoma ang kakaiba, kaya maingat siyang nagtanong, “Nag-away po ba si Boss at Madam?”

“Pakialamera!” malamig na tugon ng lalaki.

Bahagyang napangisi si Alejandro, ngunit kasabay nito’y tila bumaba ang temperatura sa buong kainan, para bang ang ngiti niya’y may kasamang yelo.

Napaurong ang mayordoma at tahimik na lamang, hindi na muling nangahas na magsalita.

Humigpit ang kapit ni Alejandro sa hawak niyang tasa. Paanong hindi na babalik si Andrea? giit nito sa sariling isip.

Dapat sana’y abala na ito ngayon sa paghahanda ng baon na ipapadala sa opisina para sa tanghalian.

Noong mga nakaraang pagkakataon, kapag napasama ang loob ni Alejandro kay Andrea, siya mismo ang nagdadala ng tanghalian sa opisina upang humingi ng tawad at maibsan ang galit ng lalaki.

Ngunit sa pagkakataong ito, wala siya.

Samantala sa kabilang banda, naupo naman ang batang si Liana sa hapag-kainan at pagkakita sa pagkain ay tila nabuhayan ang mukha.

“Kay sarap! Lugaw na may itlog na pula at manok!” wika nito.

Gustong-gusto ni Liana ang lugaw na may itlog na pula at manok, ngunit si Liam nama’y halos masuka nang makita ang itlog na pula.

Sa pamilyang Tolentino, bihirang maghain si Andrea ng lugaw, sapagkat hindi ito gusto nina Alejandro at Liam.

Sinabi rin noon ni Matandang Ginang Tolentino ang kanyang biyenan, na ang lugaw ay pagkain lamang ng mga dukha. Kapag kapos sa bigas ang isang pamilya, doon sila gumagawa ng lugaw. Sa pamilyang Tolentino, kailangang naaayon sa agham at wastong nutrisyon ang bawat pagkain sa tatlong beses ng kainan sa maghapon.

Kahit pa paniwalaan ni Andrea na masustansya ang kanyang lutong lugaw at mas madaling tunawin para sa mga bata, kahit pa dinagdagan niya ng manok at itlog na maalat, at gulay ang lugaw, pagtatawanan lamang siya ng pamilya nito, tila ba nagsilbi siya ng kaning-baboy na nakakasuka sa paningin nila.

Noong minsang nagluto siya ng lugaw na may manok at gulay para kay Liam, hindi niya ito nilagyan ng itlog na maalat para hindi ito magreklamo, ngunit diretsong itinapon lang ito ng bata sa basurahan.

Itinuro niya kay Liam na huwag mag-aksaya ng pagkain.

Ngunit galit na galit ito sa kanya at sinumbatan siya, "Pang-baboy 'to! Bakit mo 'to ibinigay sa akin? Ang mommy ko, bagay na bagay sa pagiging taga-probinsiya!" walang modo na bulalas ng bata.

Naramdaman ni Andrea ang biglang paghigpit sa kanyang dibdib, at nang siya’y makabawi ng ulirat, tapos na si Liana sa pagkain ng lugaw na may manok.

Pumulandit ang isang mahinang burp mula kay Liana, habang tinitingnan ang mangkok na halos kinintab na sa kalinisan ng kanyang dila, tila ba bitin pa siya at gusto pang humingi muli.

"Talaga bang kailangan pa nating pumunta sa bahay ni lola para lang makakain ng lugaw na may itlog na maalat at manok?" tanong ni Liana, may inosenteng pagtataka sa boses.

Tinitigan siya ni Andrea, banayad ang tinig ngunit matatag ang pahayag, "Simula ngayon, kakain tayo ng gusto natin, hindi na natin kailangang intindihin ang iniisip ng iba."

"Eh di bukas, 'wag ka na magluto, Mommy! Magpahinga ka naman! Pwede naman tayong kumain sa labas!" agad na sagot ni Liana.

Napalingon si Andrea, bahagyang natigilan. Nakasanayan na niyang gampanan ang tungkulin bilang ina, ang maghanda ng agahan, ang unahin ang anak. Nakalimutan niyang sa buhay, dapat siya muna… bago ang pagiging ina.

"Hmmm. Mukhang tama nga naman." Ang ngiti sa labi ni Andrea ay tila liwanag ng sumisikat na araw.

Ilang sandali, ihinatid niya si Liana sa paaralan, at doon niya nasilayan ang mamahaling Cullinan ng pamilyang Tolentino.

Bumaba agad si Liam mula sa sasakyan, may nakasabit na bag sa likod. Habang tahimik namang iniwas ni Andrea ang kaniyang tingin.

“Masdan mo! Ito ang kendi sa bote ng waks na ipinabili sa akin ni Tita Clarisse!” masiglang usal ng batang lalaki.

Buong siglang inilabas ni Liam mula sa sisidlang papel ang isang matamis na kendi na hugis ulo ng munting oso. Ipinagmalaki niya ito na tila isang kayamanang pambata: “Lasa nitong pistasyong may halong prambuwesas!” 

Hindi natinag si Liana at mahinahong tumugon, “Sabi ni Mommy, kapag sobra ang pagkain ng kendi, sisirain nito ang mga ngipin. At ang kendi sa bote ng waks ay hindi rin daw masustansiya.”

Hinila ni Dudu ang kanyang dila at nanukso, “May bago na akong mommy! Hindi na ako kayang pagalitan ng dati kong mommy!” 

Umismid siya at muling mapagmalaking winika, “Sabi ni Tita Clarisse, ipamahagi ko raw ang kendi sa ibang bata, maliban sa iyo, munting baboy na mataba!”

Matipuno ang pangangatawan ni Liana, at sa tabi ni Liam na likas na payat, lalong tumampok ang laki ng kanyang katawan.

Noong nakaraan, tinuruan ni Andrea si Liam na huwag tularan ang masasamang asal ng ibang mga bata. 

Binigyan ng palayaw ng mga kaibigan si Liana, ngunit ngayo’y tila nawalan ito ng preno sa kanya ang kambal niyang si Liam.

Mahigpit na hinawakan ni Liana ang mga strap ng kanyang bag, habang namumula ang kanyang mga mata, halos mapaluha.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 8: P.2

    Nakasulat sa malaking pulang karton ang “Mga Pinakamahusay na Gawa.”"Ano’ng ginagawa mo?!” singhal ng Guro. “Bawat likhang-kamay ng mga bata ay dapat munang pagbotohan at piliin ng mga kaklase bago malagyan ng tatak na ‘Mga Pinakamahusay na Gawa!"Hinawi ni Clarrise ang mahabang buhok na dumadampi sa kaniyang balikat, sabay taas ng baba na para bang siya ang may pinakamakapangyarihang tinig sa silid. Buo ang kumpiyansa habang isinambit niya,“Walang sinuman, walang gawa ninuman, ang maaaring pumantay sa proyekto ni Liam! Ito ang obra na higit sa lahat, at kung may karapat-dapat na tawaging pinakamahusay, ito iyon!” “Alam kong naroon na ang mga tauhan ng istasyon ng TV sa auditorium. Para mapanatili ang gulat at paghanga ng mga bata, hindi pwedeng buksan ang gawa ni Liam ngayon. Tanging sa entablado lamang, sa harap ng lahat, unang masisilayan ang kaniyang proyekto!” sumunod niyang bulalas.Mahigpit na niyakap ni Clarrise ang karton. Sabi niya kay Liam, “Akin munang iingatan ang proy

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 8: P.1

    Mariing tumutol si Liana, “Si Mommy nagpuyat buong gabi para lang gawin ang kuta sa kalawakan mo!”Pero agad na sumagot si Liam na may diin at pangmamaliit, “Bulok ang kuta ni Mommy, parang gawa sa sirang kahoy! Matagal na ’yong sira! Si Tita Clarrise ang gumawa ng bago, at iyon ang pinakamaganda sa lahat!” Lalong tumikas ang dibdib ng batang si Liam sa sobrang yabang, samantalang si Liana ay mariing pinisil ang kamao niya.Pareho nilang nasaksihan kung paano nagpupuyat ang kanilang ina gabi-gabi para lang matapos ang kanilang mga takdang-aralin. Kaya’t hindi niya matanggap na basta na lang binabalewala nang kambal niya ang lahat ng hirap at sakripisyo ng kanilang ina.Ayaw rin naman sanang mahirapan pa ni Andrea.Kaya’t binabayaran niya ang mga katulong para mag-overtime at sila na ang gumagawa ng takdang-aralin nina Liam at Liana. Pero sa halip na makagaan sa kanya, umangal ang mga ito at nagsumbong pa sa kanyang biyenan, dahilan para lalo siyang mapahiya at mabigatan.Biglang suma

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 7: P.2

    Napataas ang boses ni Liam, puno ng hinanakit, “Gusto mo bang dalhin ko sa paaralan ang mga pulang bulaklak na binili mo lang? Gusto mo ba akong pagtawanan ng ibang mga bata? Ang tunay na pulang bulaklak ay yung ibinibigay ng guro, ’yun lang ang totoo!” bulalas nito.Mariin niyang tinitigan si Clarrise, bago muling nagsalita, mas matalim ang tono, “Narinig mo na ba ang kuwento tungkol sa bagong kasuotan ng emperador?”Suminghal si Liam, galit na galit. “Niloloko mo lang ang sarili mo!” aniya.Napahiya si Clarrise, ang mukha niya’y parang mas makulay pa kaysa paleta ng pintor matapos pagalitan ng isang walong taong gulang na bata.Napilitang ngumiti, napataas ang tono ng boses niya para magpanggap na kalmado. “Sige na, sige na! Tutulungan na lang kitang buuin ang kutang pagkalawakan.”Kung si Andrea nga ay kayang bumuo ng isang kutang pangkalawakan gamit lang ang mga plastik na dayami, paano pa kaya’t siya hindi makakagawa nang maayos? Bulong niya sa sarili.Pagkaraan ng sampung minuto

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 7: P.1

    Iniabot ni Andrea ang panulat sa kanya.Sa gilid naman, namulat nang malaki ang mga mata ni Clarrise, kumikislap sa pananabik.At nang makita niyang nilagdaan nga ni Alejandro ang kasunduan sa diborsyo, lihim siyang nagdiwang sa kanyang isipan.“Andrea, napakapakipot mo naman! Kung ako ang may asawang gaya ni Alejandro, baka tuwing hatinggabi ay nagigising akong natatawa sa tuwa!” mapang-uyam na usal ni Clarrise.Sinulyapan ni Andrea si Clarrise na may kalahating ngiti sa labi. “Tingnan mo nga ang mukha mong sabik na sabik.” aniya.Inihagis ni Alejandro ang nilagdaang kasunduan ng diborsyo kay Andrea.“Pwede mo akong guluhin, pero bakit si Clarrise, ang pinupuntirya mo?” galit na bulalas ng lalaki.Ayaw na niyang pag-aksayahan pa ng oras si Andrea. Ibinaling niya ang boses at marahang sinabi sa anak niyang babae, “Kung gusto mong umuwi, lagi mong matatawagan si Daddy.”Tumingala si Liana kay Eduardo. Wala siyang binigkas na salita, subalit mahigpit niyang hinawakan ang kamay ng kanyan

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 6: P.2

    Unti-unting lumamig ang boses ni Alejandro. Hawak-hawak ang kasunduan sa diborsyo, tinanong niya, "Ginagamit mo ba itong bagay na ’to para takutin ako, masaya ka ba?" aniya."Andrea, makikipaghiwalay ka ba kay Alejandro nang dahil lang sa’kin?" tanong ni Clarrise na kunwari’y naguguluhan.Kumawala ang isang mapang-uyam na ngiti mula sa labi ni Andrea, at mariin niyang sambit. "Mas mabuti pa, sabihin mo ’yan nang mas malakas para marinig ng buong pamilya Tolentino.Biglang nag-iba ang anyo ni Clarrise, at kapansin-pansing humina ang kanyang boses. "Andrea, bakit ka naging ganito ka-tapang? Hindi ka naman ganito dati!" Samantala, ang batang si Liam, nang makita na dehado si Clarrise, tumalon siya mula sa sofa at, parang isang munting sundalo, pumagitna para harangan ang kanyang Tita."Mommy, pwede bang huminahon ka muna?!" anito.Naka-krus ang mga braso ni Liam sa kanyang dibdib at sumunod nitong usal, “Si Daddy nagtatrabaho nang sobra, tapos pag-uwi niya kailangan pa niyang pagtiisan

  • The Billionaire's Forsaken Wife   Chapter 6: P.1

    Nanlumo si Andrea, tila baga sinalanta ng dambuhalang along dumagundong at bumasag sa katauhan niya, pinunit-punit ang laman at isinukloban ng nag-aalimpuyong galit at matinding pagkalupig.Ngunit sa kabila ng lahat, nanatiling malamig ang kanyang anyo. Marahan niyang iniunat ang kamay at dinampot ang kwintas.Samantala, nagningning ang mga mata ni Clarrise, kumikislap sa pang-aalipustang hindi niya itinago.Si Alejandro nama’y nakasandal sa sofa, iniwas ang tingin. Para sa lalaki, si Andrea ay parang isang aso, minsan ay walang pakialam, pero sa isang tawag lang ay agad kumakawag ang buntot.Dahan-dahang gumuhit ang daliri ni Andrea sa kwintas na nakasukbit sa leeg ni Clarrise.Magkalapit niyang inilagay ang dalawang kwintas.“Clarrise, mas maganda ang kalidad ng ina ng perlas sa suot mo. Gusto ko sanang ipagpalit sa iyo… ano sa tingin mo?” ani Andrea.Kung diretsahan niyang sasabihin na peke iyon, siguradong maghahanap lang si Clarrise ng kung anu-anong palusot para umiwas sa panana

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status