Share

The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper
The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper
Author: itsmerizzz

Kabanata 1

Author: itsmerizzz
last update Last Updated: 2025-09-20 13:09:09

Nagngingitngit ako sa galit at pagkadismaya. Bakit sa akin napunta ang ubod ng yabang na customer na iyon? Dinig ko pa ang mga kapwa ko stripper na pinag-uusapan ang kapalpakan ko habang nandito ako sa loob ng cubicle. Nagkulong kasi ako rito dahil ayaw ko na makita akong umiiyak ni Mara na kapwa ko stripper. Baka lalong tumaas ang kanyang tingin sa sarili. Kasalanan ko ba kung masyadong demanding ang bwiset na customer na iyon?

Naudlot ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng cubicle. Binuksan ko ang pinto kahit nakaupo ako sa toilet bowl habang nakababa pa rin ang suot kong mini skirt at panty. Ano pang ikakahiya ko? Halos kami naman lahat rito na strippers ay nakita na ang lahat ng kabuuan namin. Mahihiya pa ba ako?

"Matagal ka pa ba diyan? I need you in the office now." Walang halong emosyon ang manager ko na si Miss Joyce. Ganyan lamang iyan pero hindi siya malupit. Parang tita ko na siya rito sa club. Tatlong taon na rin kasi akong nagtatrabaho rito sa The Hera's Club, isa sa high-end club sa bansa.

Tahimik akong sumunod sa kanya at nang makarating sa loob ng kanyang opisina ay umupo na kaagad ako sa kulay red na sofa.

"Ito na ang pangalawang beses na pumalpak ka sa Wild Nights, Callie," may halong disappointment sa tono ng boses ni Miss Joyce. "Ngayon lang 'to nangyari sa loob ng tatlong taon mo rito. Gusto mo na bang mawala sa Top Strippers?"

Hindi ko na napigilang ikuyom ang mga kamay ko na nakapatong sa mga hita ko. Wild Nights ang tawag kapag nais ng customer na sayawan sila na may kasamang paghuhubad at kalaunan ay s*x. At ang Top Strippers naman ay mga strippers na mabenta sa customers at maraming naipapasok na pera sa club. Kasama si Mara doon. Sobrang dumi ng gawain nila kaya binabalik-balikan sila.

At ako?

Sa maniwala man ang iba o sa hindi, wala akong naka-s*x sa mga customers ko. Paano? Dinadaan ko lang naman sa pagpapa-inom ng alak habang sinasayawan sila. May inilalagay akong pampatulog sa alak nila. Sa awa ng Diyos, wala pang nakakadiskubre sa ginagawa ko.

Pero itong customer ko na ubod ng yabang, mukhang siya na yata ang sisira ng diskarte ko. Bakit kasi hindi siya nalalasing! Hindi rin gaanong tumalab iyong inilagay kong pampatulog. Paano nangyari iyon? Ganoon ba kalakas ang immune system niya?

At dahil nataranta na ako kagabi, nasuntok ko siya sa mukha at saka ako tumakbo palabas sa Wild Nights Room. Natakot na kasi ako. Paano kung halayin niya ako? Paano kung suntukin niya rin ako?

"Mabuti na lang nakausap namin ng maayos yung customer mo. Muntik ka na niyang kasuhan," umiiling na wika ni Miss Joyce. "Callie, hindi na kita kayang ipagtanggol sa management kung mauulit pa iyon sa pangatlong pagkakataon. Gusto kang tanggalin sa Top Strippers ng Operations Manager pero pinilit ko pa rin. Alam mo naman hangga't kaya ko tinutulungan kita dahil kailangan mo iyon at ng kapatid mong may sakit."

"Pasensya na po, Miss Joyce. Pangako ko po na hindi na iyon mauulit," saad ko.

Kasalanan kasi ito ni Mara. Sa kanya dapat ang customer na iyon. Hindi naman ako ang pinili ng customer na iyon, eh. Alam kong gumagawa na ng paraan ang babaeng iyon para mawala ako sa Top Strippers. Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong pabagsakin. Never naman kaming nag-usap o kahit batian man lang.

"Bibigyan kita ng bagong kliyente. This time, please lang, Callie. Ayusin mo na ang trabaho mo. Nag-book siya for Wild Nights. Room 106. Alam mo naman ang oras. Twelve midnight," paalala ni Miss Joyce. "Bring the best alcoholic drink as per his request. He paid a big amount. Make sure to do your job well. You can go."

"Makakaasa po kayo, Miss Joyce." Diretso akong lumabas ng office at nagpunta sa personnel room kung saan kami nagbibihis.

Naririto ang iba't ibang uri ng mga costumes, matataas at pointed heels na sapatos, mga maskara, at kung anu-ano pa. Nakahilera rin ang mga vanity mirror na mayroong mga lightbulbs sa paligid at mga upuan na very fabulous.

Namataan ko si Mara na papalapit sa akin. Nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya ay nawala agad ang ngisi sa mukha niya na para bang hindi ko iyon napansin agad.

"Mukhang may mawawala sa Top Strippers, ah. Ikaw ba yon?" diretsang tanong niya sa akin nang makalapit.

"Salamat sayo, Mara. Salamat sa pagpapalit ng customer na dapat ay sa iyo," walang emosyon kong saad.

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Huwag kang magbintang ng walang ebidensya."

"Kung pwede ko lang ibigay ang mga mata ko nang makita nila ang ginawa mo, sure akong ikaw ang matatanggal sa Top Strippers. Alam mong hindi hagip ng CCTV ang parteng iyon ng Wild Nights rooms kaya doon ka pumasok sa room 110, hindi ba?"

"Matalas ka talaga, Callie. Pero mas matinik ako sayo. Kahit sabihin mo pa ang totoo, walang maniniwala sayo dahil wala kang pruweba." Hindi na itinago pa ni Mara ang ngisi sa mukha niya na kanina pa niya pinipigilang ilabas.

Kamag-anak talaga siya ni Valentina. Mga kontrabida!

"Tandaan mo ito, Mara. Karma is a b*tch. Lahat ng mga ginagawa mong katiwalian at pandaraya dito ay babalik sayo." Umalis ako ng hindi siya nililingon.

Mas malakas ang taong walang tinatapakan na iba para umangat at hindi nanlalamang ng kapwa. Madungis man para sa iba ang trabaho ko, pero ito ang nakakapagpagaan sa gastusin namin ng kapatid ko.

Balang araw, makakaalis rin ako rito at tutuparin ang mga pangarap ko kasama ng kapatid ko.

Sumapit ang eleven pm.

Sinigurado kong perfect ang aking makeup. Pinili ko ang pinaka-sexy na costume at napakamabangong perfume. Tila ba isa akong prinsesa na mayroong maiksing gown na pina-sexy ang hugis at gupit. L***t ang perpekto at mabilog kong dibdib at very obvious ang korte ng katawan ko. At panghuli, pinili ko ang pulang masquerade mask na mayroong laces na itim. Ipiniring ko iyon sa aking mukha at saka na dumiretso papunta sa tapat ng Wild Nights room 106.

Handa na rin ang maiinom ng bago kong client. Hawak ang drinks trolley, ni-check ko muna kung tama ba ang expensive na alcoholic beverage na ni-request ng bago kong kliyente. Nagsalamin ako sa baso na gagamitin niya. All in all, kumpleto ang mga gamit.

Kinapa ko ang maliit na tableta na nakatago sa aking bra. Napangisi ako. Safe and secured ang pampatulog.

Huminga muna ako ng malalim at confident akong pumasok sa room.

"Drink with me," saad ng bago kong kliyente. Hindi ko siya makita dahil may manipis na kurtina ang king-sized bed na kinauupuan niya.

Teka.

Ano raw?

Hindi pwedeng iinom agad! Hindi ko pa naipapakita ang taglay kong galing sa pagsasayaw. Kasi kapag lasing na siya, mag-be-break dance ako para masiguro kong wala na siya sa sarili. Tsaka ko ilalagay sa baso niya ang pampatulog.

Wala kasi akong ideya kung katulad ba siya nung isang mokong kong kliyente na gusto akong idemanda. Kailangan ko lang naman maging maingat ngayon.

“Sir, ayaw mo bang sayawan kita? Sigurado akong mapapaligaya kita,” saad ko habang nagsasalin ako ng alak sa baso.

“I don’t want you to dance the sh*t out of there. That’s not what I came here for.”

Napatigil ako sa pagsalin ng alak dahil sa napaka-masculine niyang boses. Sino ba itong kliyente ko? Most of the time, mga lalaking nasa mid thirties to sixties and pumupunta rito.

Itong isa mukhang binata pa.

“Come here. Drink with me,” pag-uulit niya.

Kita ko naman sa anino niya mula sa manipis na kurtina ng kama na malaki at matangkad siyang lalaki. Tila magulo ang buhok niya. Pati boses niya, para bang pagod siya at gusto nang magpahinga.

“Okay, sir.” Dala ang baso at alak, hinawi ko ang kurtina.

Halos mahulog ang panga ko sa sahig nang masilayan ang kliyente ko. Mukha siyang greek god na nahulog mula sa mount olympus at naghahasik ng kagwapuhan sa sanlibutan.

Tumingala siya at tiningnan ako. Uminit ang mga pisngi ko sa hindi ko malamang dahilan. Parang umuusok ang mga tainga ko. Ano bang nangyayari sa akin?!

“S-sir—“ hindi ko na naituloy ang pautal-utal kong salita nang hawakan niya ang kamay ko sa bandang pulso. Biglang bumilis nag tibok ng puso ko. Hindi rin nawawala ang titig niya sa akin na para bang inuukit niya ang mukha ko sa utak niya.

“I need my drink.” Kinuha niya ang baso sa kamay ko kung saan siya nakahawak. Tsaka niya iyon binitawan nang makuha na niya ang baso at ininom ito.

Bakit nadismaya ako?

Lumalandi na ba ako?

“Sit here,” wika niya sa tabi niya. Tumango naman ako at umikot. Nang maupo ako sa tabi niya ay hindi ko na napigilan ma-awkward.

Hindi ako sanay na ganito ang kliyente ko. Kabaligtaran niya ang mga kliyente ko noon na halos mga wild.

“Sir, nagbayad ka ng malaki para lang uminom dito?” Hindi ko na naiwasang itanong.

Napangisi siya na tila ba na-amuse sa aking tanong. Tinabi niya sa bedside table ang baso niya. “Why? You want me to f*ck you?”

Napanganga ako sa pagiging straightforward niya. Mukhang mali yata ako ng pagkilatis sa kanya. Maiinis na sana ako nang magsalita siyang muli.

Magsasalita sana ako nang bigla niyang hilahin ang kamay ko at inilapit ang mukha ko sa kanyang mukha. Halos mahulog ang puso ko sa kanyang ginawa. Hindi ko ito inasahan. Dapat akong lumayo ngunit hindi magawa ng katawan ko. Name-mesmerize ako sa kanyang mga mata.

Tinititigan niya lamang ako na para bang binabasa niya ang mga mata ko habang ako naman ay nalulunod sa paraan ng pagtitig niya.

“I can f*ck you senselessly right now. But your eyes are telling me I should not. Why are you even here? Hindi ka nababagay sa ganitong trabaho. You’re too innocent to work as a stripper.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 4

    Pagkatapos naming kumain ni Ven sa karenderya ay dali-dali akong umuwi. Hindi ko alam kung may nagmamatyag ba sa akin na paparazzi. Natatakot na tuloy akong lumabas. O baka OA lang ako. Halata naman sa photo na hindi kita ang mukha ko. Marami naman kaming mga nagta-trabaho sa club. For sure, malilito ang mga paparazzi sa kung sino ang babaeng kasama ni Zander. Napahinga ako ng maluwag. Tama. Ganoon dapat ang isipin ko. Pero...paano kung malaman nila na ako ang babaeng nasa paparazzi photo? "Ate, natatae ka po ba? Bakit namumutla ka at pinagpapawisan ng malalaking butil?" tanong ng inosente kong kapatid. "A-ahh.. ano.. oo, kanina ko pa pinipigilan sa karenderya." May halong kaba ang pagtawa ko habang nagpapaliwanag kay Ven. Tumayo ako at tumakbo papunta sa banyo dala ang phone ko. Umupo ako sa toilet bowl at nagsimulang mag-scroll sa social media. Agad kong binuksan iyong isang bagong showbiz balita. "Usap-usapan talaga ang anak ni Mister Francisco Almeda, partner," wika ng ka

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 3

    Nagising na lang ako na sobrang lapit ng mukha niya Zander sa mukha ko. Nanlalaki ang mga ko habang nakatitig sa kanyang peaceful na mukha. Napaisip tuloy ako. May girlfriend kaya siya? O asawa? Sa tingin ko nasa tamang gulang na siya para magkaroon ng asawa. At bakit pinoproblema ko pa pati yon? Masyado naman din akong ilusyonada kung iisipin ko pang magkaroon ng boyfriend na katulad ni Zander. Wala na rin magkakainteres sa akin dahil sa trabaho ko. Baka isang gurang at divorced na lalaki na lang ang papatol sa akin kahit gaano pa ako kaganda.Napabuntong-hininga tuloy ako. Hopeless na talaga ako sa pag-ibig kaya dapat ko na lang atupagin ang trabaho ko at ang kapatid ko."Uh... yung hininga... medyo mabaho," wika ni Zander."Ay!" Napaupo ako ng mabilis at napatakip ng bibig. "Shorry!" Lupa, kainin mo na ako!Nagmadali akong tumayo at pumasok sa banyo. Mabuti na lang may libreng toothbrush at toothpaste. Nagmadali akong mag-toothbrush at naghilamos. Sa kalagitnaan ng paghihilamos

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 2

    Hindi ko mawari ang pakiramdam na ito. Kumakalabog ng mabilis ang puso ko. Hindi ko mapigilang titigan ang kanyang mga mata. Tila ba ang malungkot ang mga ito. Wala pang nagkamaling hawakan ako ng ganito maliban na lamang doon sa huling kliyente ko na gusto akong idemanda. Pero itong isa... kakaiba. Hindi ko alam kung bakit ayaw lumayo ng katawan ko.O sadyang ayaw ko?Wala pa akong na-encounter na kliyente na kasing talas ng isip niya. Paano niya iyon nasabi? May telepathy ba siya?"Sir, masyado pang maaga para malasing ka," malumanay kong saad at may bahid pa ng pang-aakit. "Alam kong nanaisin mo ring matikman ako ngayong gabi. Hindi masasayang ang bayad mo. Tiyak na makakatulog ka ng mahimbing," dagdag ko pa. Isang nagtatagong ngisi ang lumabas sa aking labi dahil hindi ako magkakamaling makakatulog siya dahil sa pampatulog kong tableta.Binitawan ako ng kliyente ko na para bang nagising siya sa kanyang ginagawa."I can't do this. This is so ridiculous," umiiling niyang wika. Dini

  • The Billionaire’s Girlfriend Is A Stripper   Kabanata 1

    Nagngingitngit ako sa galit at pagkadismaya. Bakit sa akin napunta ang ubod ng yabang na customer na iyon? Dinig ko pa ang mga kapwa ko stripper na pinag-uusapan ang kapalpakan ko habang nandito ako sa loob ng cubicle. Nagkulong kasi ako rito dahil ayaw ko na makita akong umiiyak ni Mara na kapwa ko stripper. Baka lalong tumaas ang kanyang tingin sa sarili. Kasalanan ko ba kung masyadong demanding ang bwiset na customer na iyon? Naudlot ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng cubicle. Binuksan ko ang pinto kahit nakaupo ako sa toilet bowl habang nakababa pa rin ang suot kong mini skirt at panty. Ano pang ikakahiya ko? Halos kami naman lahat rito na strippers ay nakita na ang lahat ng kabuuan namin. Mahihiya pa ba ako?"Matagal ka pa ba diyan? I need you in the office now." Walang halong emosyon ang manager ko na si Miss Joyce. Ganyan lamang iyan pero hindi siya malupit. Parang tita ko na siya rito sa club. Tatlong taon na rin kasi akong nagtatrabaho rito sa The Hera's Club, is

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status