Home / Romance / The Billionaire's Innocent Bodyguard / Chapter 3: The Suit and The Shark

Share

Chapter 3: The Suit and The Shark

Author: Darkchoco
last update Last Updated: 2026-02-09 11:53:20

Chapter 3: The Suit and The Shark

​"Ma'am, sigurado po ba kayo na kailangan ko 'to? Pwede naman po akong mag-Barong Tagalog na lang. May luma po si Tatay, kasya pa sa akin."

​Nakatayo si Henry sa gitna ng isang malawak na dressing room sa 40th floor ng Lores Tower. Pinalilibutan siya ng tatlong bading na designers na may hawak na measuring tape, needles, at iba’t ibang klase ng tela. Para siyang manikin na sinusukatan para sa isang operasyon.

​Nakaupo si Veronica sa isang velvet sofa sa gilid, hawak ang isang tablet at hindi man lang tumitingin sa kanya.

​"Henry," malamig na sagot ni Veronica. "You represent Lores Corp now. If you look cheap, I look cheap. And I don't do cheap."

​"Pero Ma'am, ang mahal po nito," bulong ni Henry habang tinitingnan ang price tag ng isang itim na coat na nakasabit. PHP 85,000.

​Halos malula siya. Walumpu’t limang libo para sa isang coat? Pwede na niyang ipa-renovate ang bubong ng bahay nila at magpakain ng lechon sa buong barangay sa presyong 'yan.

​"Don't worry about the price. Just stand still," utos ng head stylist na si Marco. "Girl, ang ganda ng shoulders niya ha. Broad. Kaso payat. Need natin ng padding."

​"Wag na padding," singit ni Veronica nang hindi tumitingin. "Just fit it tailored to his frame. I want him to look sharp, not bulky."

​Napalunok si Henry. Kanina lang, nagbayad siya ng downpayment sa ospital gamit ang advance na binigay ni Veronica. Ligtas na ang nanay niya sa charity ward. Ligtas na ang balakang nito. Para kay Henry, utang na loob niya ang buhay niya kay Veronica. Kaya kahit ipasuot pa sa kanya ang sako ng bigas, gagawin niya.

​"Okay po, Ma'am. Kayo po ang boss," pagsuko ni Henry.

​Isang oras ang lumipas. Sinukatan, binihisan, at inayusan si Henry. Tinanggal ang dumi ng pintura sa buhok niya. Inahit ang konting bigote niya. Nilagyan pa siya ng kung anong cream sa mukha na amoy mint.

​Nung humarap siya sa salamin, hindi niya nakilala ang sarili niya.

​Nawala ang delivery boy. Nawala ang waiter na mukhang pagod.

​Ang nakatitig sa kanya ay isang lalaking naka-suot ng charcoal grey suit na saktong-sakto sa katawan niya. Ang puting polo sa loob ay malinis at presko. Ang buhok niya ay maayos na naka-style palikod.

​Mukha siyang... mayaman. O at least, mukhang anak ng mayaman na naligaw ng landas.

​"Pwede na," komento ni Veronica habang tumatayo. Tiningnan niya si Henry mula ulo hanggang paa. Walang ngiti, pero may konting pagtango. "Wait outside. We're going to the Altino Gala."

​"Gala? Ma'am, akala ko po security lang ako? Bakit kailangan naka-porma?"

​"Because in my world, appearances are weapons," sagot ni Veronica bago naglakad palabas. "And tonight, we are going to war."

The Altino Gala

​Kung ang Lores Tower ay "Elegant and Cold," ang venue ng Altino Gala ay "Loud and Expensive."

​Ginanap ito sa grand ballroom ng isang 6-star hotel. Puro ginto ang dekorasyon. Ang chandelier ay mas malaki pa sa jeep. Ang mga bisita ay mga sikat na artista, politicians, at business tycoons.

​Pagpasok pa lang ni Veronica, nag-iba ang ihip ng hangin. Tumahimik ang ilang nagkukwentuhan. Lahat ng mata, napunta sa kanya.

​Si Henry, na nakasunod sa likod niya, ay hindi mapakali.

‘Grabe, ang daming pagkain,’ isip ni Henry habang tinitingnan ang buffet table na may roast beef, lobster, at chocolate fountain. ‘Pwede kaya mag-uwi? Sayang naman kung itatapon lang nila.’

​Naka-alerto ang mata ni Henry. Hindi sa mga fashionista, kundi sa mga exit signs at fire extinguishers. Trabaho niya 'to. Security. Bawal magpa-distract sa lobster.

​"Stay close," bulong ni Veronica. "Don't talk unless spoken to. And for heaven's sake, stop looking at the shrimp like you want to marry it."

​"Opo, Ma'am. Sorry po. Gutom lang."

​Naglakad sila papunta sa VIP section. Habang naglalakad, naririnig ni Henry ang bulungan.

"Sino 'yang kasama ni Veronica?"

"Bagong boytoy?"

"Infairness, ang gwapo ha. Model ba 'yan?"

​Gusto sanang sumagot ni Henry ng, "Hindi po, guard po ako. Hiring po ba kayo?" pero pinigilan niya ang sarili.

​Biglang nahawi ang crowd sa gitna. Mula sa kabilang dulo, may isang babaeng naglalakad palapit sa kanila.

​Kung si Veronica ay nakasuot ng Black Minimalist Dress na nagpapakita ng awtoridad, ang babaeng ito ay nakasuot ng matingkad na Red Sequin Gown na halos walang tinatago sa katawan. Ang buhok nito ay blonde at kulot. Ang labi, pulang-pula.

​Si Anastasia Altino. Ang mortal na karibal ni Veronica Lores. Ang may-ari ng Altino Fashion, na kilala sa pagiging flashy, trendy, at cheap labor (ayon kay Veronica).

​"Veronica, darling!" bati ni Anastasia nang malakas. "I didn't think you'd come. Akala ko busy ka sa pagluluksa sa bumabagsak mong sales last quarter."

​Ngumiti si Veronica. Isang ngiting hindi umaabot sa mata. "Hello, Anastasia. I had to come. Someone has to show these people what real fashion looks like. Hindi pwedeng puro sequins at baduy na designs lang ang makikita nila."

Ouch. Ramdam ni Henry ang init ng sagutan.

​Tumawa lang si Anastasia nang malakas. Sanay na sila sa ganitong bangayan. "You're always so funny, V. But wait..."

​Biglang nalipat ang tingin ni Anastasia kay Henry.

​Nanlaki ang mata ng fashion diva. Tinitigan niya si Henry na parang isang piraso ng mamahaling steak na medium rare.

​"Well, well, well," humakbang palapit si Anastasia kay Henry. "Sino ito? Hindi ko alam na nag-a-upgrade ka na pala ng accessories, Veronica."

​Lumapit si Anastasia nang sobrang lapit. Naamoy ni Henry ang pabango nito—amoy vanilla at pera.

​"Henry po, Ma'am," sagot ni Henry nang mabilis at pormal. "Henry Rosales. Head of Security detail ni Ms. Lores for tonight."

​"Security?" Tinaas ni Anastasia ang kilay niya. Hinawakan niya ang braso ni Henry (sa parteng may biceps). Pinisil niya ito. "Hmm. Matigas. Real muscle, not gym muscle."

​Nanigas si Henry. Hindi siya sanay na hinahawakan ng mga babaeng ganito kaganda at kayaman.

​"Ma'am, bawal po humawak sa personnel," sabi ni Henry, tinanggal ang kamay ni Anastasia nang marahan pero firm. "Protocol po."

​Natigilan si Anastasia. Usually, kapag hinahawakan niya ang mga lalaki, natutuwa ang mga ito. Pero si Henry? Tinanggal ang kamay niya na parang isa siyang security threat.

​Imbes na magalit, ngumiti si Anastasia. Target acquired.

​"Oh, I like him," sabi ni Anastasia kay Veronica, pero nakatingin pa rin kay Henry. "Feisty. Loyal. Cute."

​"He's working, Anastasia. Don't harass my staff," saway ni Veronica. Humakbang siya nang konti para harangan si Henry. Isang subtle na move para sabihing 'Akin 'to.'

​"Magkano pasahod mo sa kanya?" tanong ni Anastasia. "I'll double it. Henry, darling, come work for Altino. You don't have to wear boring suits like that. I'll put you in leather. Or maybe less."

​Nag-blink si Henry. Double?

​Nag-compute agad ang utak niya. 50k x 2 = 100k.

Isang daang libo?

Makakabili na siya ng second-hand na owner jeep para hindi na siya mahirapan mag-commute.

​"Ma'am, 100k po?" tanong ni Henry, biglang lumiwanag ang mukha. "Kasama po ba SSS at PhilHealth diyan? May rice subsidy po ba?"

​Natawa si Anastasia. "Rice subsidy? Honey, I'll give you a steak subsidy."

​Biglang hinawakan ni Veronica ang braso ni Henry at hinila ito palayo kay Anastasia. Mahigpit ang hawak ni Veronica. Ang kuko niya, bumaon nang konti sa coat ni Henry.

​"He is under contract, Anastasia," madiin na sabi ni Veronica. Ang boses niya ay mababa, pero nakakatakot. "Exclusive contract. Buying him out would cost you more than your company is worth."

​Tumingin si Henry kay Veronica. 'Ha? Ganun kalaki buyout f*e ko? Eh wala naman nakalagay sa kontrata kanina ah.'

​"Exclusive contract? Boring," irap ni Anastasia. "Well, let's see how loyal he is kapag nakita niya ang perks sa Altino Corp. Nice meeting you, Henry. See you around."

​Kinindatan ni Anastasia si Henry bago tumalikod at naglakad palayo, iniwan ang amoy ng vanilla sa hangin.

​Pagkaalis ni Anastasia, binitawan agad ni Veronica si Henry.

​"Don't listen to her," utos ni Veronica habang nag-aayos ng sarili. "She's a snake. She doesn't want to hire you because you're good. She wants to hire you simply because you're mine."

​"Yours po?" tanong ni Henry.

​Natigilan si Veronica. "My... employee. Because you work for me."

​"Ah, opo. Opo naman Ma'am," tango ni Henry. "Tsaka okay na po ako sa offer niyo. Sagot niyo po ang ospital ni Mama eh. Yun lang po sapat na. Kahit walang steak."

​Tumingin si Veronica kay Henry. Sa gitna ng mundong puno ng greed at agawan, heto ang isang lalaking kuntento na basta ligtas ang pamilya niya.

​Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ng inis si Veronica. Inis kay Anastasia dahil sa paglandi nito, at inis sa sarili niya dahil... bakit siya naging territorial kanina?

​"Let's go," sabi ni Veronica. "Nawalan na ako ng gana. Iuwi mo na ako."

​"Yes Ma'am," sagot ni Henry. "Pero Ma'am... pwede po bang dumaan muna sa buffet? Kahit mag-take out lang ng shrimp? Sayang po eh."

​Tinitigan siya ni Veronica nang masama.

​"Joke lang po. Tara na po."

​Naglakad sila palabas. Pero sa isip ni Henry, nanghihinayang pa rin siya sa hipon. At sa isip ni Veronica, iniisip niya kung paano ilalayo si Henry kay Anastasia.

​Ang hindi nila alam, simula pa lang ito ng gulo. Dahil sa kabilang banda ng ballroom, tine-text na ni Anastasia ang HR department niya.

Query: Find out everything about Henry Rosales. I want him. Whatever the cost.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Innocent Bodyguard    Chapter 5: The Penthouse and The Scandal

    Chapter 5: The Penthouse and The Scandal​"Ma'am, sigurado po ba kayo na dito ako matutulog? Baka po may hidden charges 'to sa payslip ko ah. Electric bill pa lang ng chandelier niyo, tatlong buwang sahod ko na sa construction."​Nakatayo si Henry sa gitna ng living room ng penthouse ni Veronica Lores. Nasa 50th floor sila ng Lores Tower. Ang view mula sa floor-to-ceiling glass windows ay ang kumikinang na skyline ng Metro Manila. Mula dito, ang mga sasakyan sa EDSA ay parang mga langgam na may ilaw.​Ang sahig ay gawa sa Italian marble na mas makinis pa sa mukha ni Henry. Ang sofa ay kulay cream at mukhang gawa sa balat ng unicorn sa sobrang lambot tingnan.​May dala siyang isang sako bag (eco-bag ng grocery) na naglalaman ng kanyang mga gamit: tatlong t-shirt, dalawang brief, toothbrush, at isang tabo (kasi hindi siya sanay mag-shower nang walang tabo).​"Henry," buntong-hininga ni Veronica habang tinatanggal ang kanyang heels. "Stop calculating the electricity. It’s part of your co

  • The Billionaire's Innocent Bodyguard    Chapter 4: The War of Gifts (and Association Dues)

    Chapter 4: The War of Gifts (and Association Dues)​Alas-nuwebe ng umaga sa opisina ng Lores Corp.​Tahimik ang lahat. Ang tanging naririnig lang ay ang tunog ng mga daliring tumitipa sa keyboard at ang mahinang ugong ng centralized aircon. Pero sa loob ng utak ni Henry Rosales, may nagaganap na giyera.​Giyera sa pagitan ng gutom at hiya.​Nakatayo siya sa gilid ng glass door ng opisina ni Veronica. Suot niya ang kanyang ₱85,000 na suit, pero ang laman ng tiyan niya ay kape lang at isang pirasong pandesal na binili niya sa kanto bago sumakay ng jeep.​‘Grabe, ang bango ng kape ni Ma'am,’ isip ni Henry habang pasimpleng sumisinghot. ‘Arabica ‘yan siguro. O kaya galing sa dumi ng civet cat. Mahal ‘yun eh.’​Biglang bumukas ang elevator sa dulo ng hallway. Lumabas ang receptionist na may dalang isang napakalaking box na nakabalot sa ginto. May ribbon pa itong pula na kasing-laki ng ulo ng tao.​"Delivery for Mr. Henry Rosales!" sigaw ng receptionist.​Napatingin ang lahat ng empleyado s

  • The Billionaire's Innocent Bodyguard    Chapter 3: The Suit and The Shark

    Chapter 3: The Suit and The Shark​"Ma'am, sigurado po ba kayo na kailangan ko 'to? Pwede naman po akong mag-Barong Tagalog na lang. May luma po si Tatay, kasya pa sa akin."​Nakatayo si Henry sa gitna ng isang malawak na dressing room sa 40th floor ng Lores Tower. Pinalilibutan siya ng tatlong bading na designers na may hawak na measuring tape, needles, at iba’t ibang klase ng tela. Para siyang manikin na sinusukatan para sa isang operasyon.​Nakaupo si Veronica sa isang velvet sofa sa gilid, hawak ang isang tablet at hindi man lang tumitingin sa kanya.​"Henry," malamig na sagot ni Veronica. "You represent Lores Corp now. If you look cheap, I look cheap. And I don't do cheap."​"Pero Ma'am, ang mahal po nito," bulong ni Henry habang tinitingnan ang price tag ng isang itim na coat na nakasabit. PHP 85,000.​Halos malula siya. Walumpu’t limang libo para sa isang coat? Pwede na niyang ipa-renovate ang bubong ng bahay nila at magpakain ng lechon sa buong barangay sa presyong 'yan.​"Don

  • The Billionaire's Innocent Bodyguard    Chapter 2: The Red Paint and the Human Shield

    Chapter 2: The Red Paint and the Human Shield​Alas-otso ng umaga. Ang Lores Tower sa BGC ay kumikinang sa ilalim ng araw, parang isang higanteng diamante na itinarak sa lupa. Ito ang sentro ng fashion industry sa bansa. Dito nagaganap ang mga desisyon kung anong kulay ang susuotin ng sambayanan sa susunod na season.​Pero para kay Henry Rosales, mukha itong kuta ng mga higante.​Nakapila siya sa ground floor lobby kasama ang ibang aplikante para sa security position. At sa totoo lang, gusto na niyang umuwi.​Tiningnan ni Henry ang katabi niya. Isang lalaking may leeg na kasing-lapad ng hita ni Henry. Ang biceps nito ay pumuputok sa black polo shirt. May peklat pa ito sa kilay na parang nakuha sa pakikipagbuno sa buwaya.​Tiningnan ni Henry ang sarili niya. Suot niya ang kaisa-isa niyang long-sleeved polo na kulay puti (na medyo naninilaw na ang kwelyo) at slacks na binili pa niya sa ukay-ukay nung graduation. Payat siya. Hindi naman malnourished tingnan, pero halatang kulang sa prote

  • The Billionaire's Innocent Bodyguard    Chapter 1: The Price of a Spill

    Chapter 1: The Price of a Spill​"Ngumiti ka lang, Henry. Isipin mo, bawat ngiti, limang piso."​Paulit-ulit na mantra ni Henry Rosales sa kanyang sarili habang pilit na binabalanse ang isang mabigat na silver tray na puno ng champagne flutes. Alas-onse na ng gabi. Ramdam na ramdam niya ang pagtibok ng ugat sa kanyang binti at ang pamamanhid ng kanyang talampakan. Ito na ang pangatlo niyang trabaho ngayong araw. Mula sa pagiging delivery rider sa ilalim ng tirik na araw kaninang umaga, paglilinis ng tatlong unit ng condo sa hapon, at ngayon—waiter sa isang exclusive charity gala ng mga elite sa Makati.​Masakit na ang paa niya sa leather shoes na dalawang size ang liit, na hiniram lang niya sa kapitbahay niyang security guard na night shift din. Pero kailangan niyang tiisin. Bawat oras dito ay katumbas ng gamot ng nanay niya.​Ang Grand Ballroom ng Shangri-La ay amoy pera. Literal. Ang pinaghalong amoy ng mamahaling pabango, fresh flowers na inimport pa mula sa Europe, at ang metallic

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status