Accueil / Romance / The Billionaire's Innocent Bodyguard / Chapter 1: The Price of a Spill

Share

The Billionaire's Innocent Bodyguard
The Billionaire's Innocent Bodyguard
Auteur: Darkchoco

Chapter 1: The Price of a Spill

Auteur: Darkchoco
last update Dernière mise à jour: 2026-02-09 11:50:37

Chapter 1: The Price of a Spill

​"Ngumiti ka lang, Henry. Isipin mo, bawat ngiti, limang piso."

​Paulit-ulit na mantra ni Henry Rosales sa kanyang sarili habang pilit na binabalanse ang isang mabigat na silver tray na puno ng champagne flutes. Alas-onse na ng gabi. Ramdam na ramdam niya ang pagtibok ng ugat sa kanyang binti at ang pamamanhid ng kanyang talampakan. Ito na ang pangatlo niyang trabaho ngayong araw. Mula sa pagiging delivery rider sa ilalim ng tirik na araw kaninang umaga, paglilinis ng tatlong unit ng condo sa hapon, at ngayon—waiter sa isang exclusive charity gala ng mga elite sa Makati.

​Masakit na ang paa niya sa leather shoes na dalawang size ang liit, na hiniram lang niya sa kapitbahay niyang security guard na night shift din. Pero kailangan niyang tiisin. Bawat oras dito ay katumbas ng gamot ng nanay niya.

​Ang Grand Ballroom ng Shangri-La ay amoy pera. Literal. Ang pinaghalong amoy ng mamahaling pabango, fresh flowers na inimport pa mula sa Europe, at ang metallic scent ng mga alahas na suot ng mga bisita ay nakakahilo para sa isang tulad ni Henry na ang tanghalian lang ay cup noodles.

​Habang naglalakad siya sa pagitan ng mga lamesang may nakapatong na gold centerpieces, hindi siya naiinggit. Sanay na siya. Sa mundo ni Henry, may dalawang uri lang ng tao: ang mga gumagastos nang walang tingin sa presyo, at ang mga tulad niyang nagbabanat ng buto para may panggastos.

‘Konti na lang,’ isip niya habang tinitingnan ang isang ginang na puno ng brilyante ang leeg. ‘Yung kwintas ng ale na ‘yun, kaya na sigurong bayaran ang hospital bill ni Mama for three years. Pati ata kabaong ko, sagot na kung sakali.’

​Hindi ‘yun bitterness. Calculation lang. Ganoon ang takbo ng utak ni Henry. Lahat ng bagay may presyo. Lahat ng bagay may katumbas na sakripisyo.

​"Waiter! Champagne!" sigaw ng isang lalaking naka-tuxedo na halatang marami nang nainom. Ang mukha nito ay namumula na, at ang boses ay masyadong malakas para sa isang pormal na event.

​Agad na lumapit si Henry, inaayos ang posture kahit gusto na niyang bumagsak sa pagod. "Yes, Sir. Coming right up."

​Professional. Mabilis. Walang arte.

​Pero sa kamalas-malasan, sadyang mapaglaro ang tadhana ngayong gabi. Habang inaabot niya ang baso, biglang may dumaang babae na abala sa pakikipag-beso-beso sa kabilang table. Hindi nito napansin na nakaharang ang siko niya sa daanan ni Henry.

BOGSH.

​Tinamaan ng siko ng babae ang gilid ng tray ni Henry.

​Parang nag-slow motion ang lahat sa paningin ni Henry. Nakita niya ang pagtagilid ng tray. Nakita niya ang pagbagsak ng limang baso ng mamahaling champagne. Nakita niya ang pagtalalsik ng likido. At higit sa lahat, nakita niya ang pagbagsak nito sa mismong suit ng lalaking tumawag sa kanya.

CRASH.

​Basag. Basa. Disaster.

​Ang tunog ng nabasag na salamin ay parang bombang sumabog sa gitna ng tahimik na classical music. Tumigil ang violin quartet. Tumahimik ang mga nagtatawanang bisita. Lahat ng mata, nakatuon sa kanila.

​Ang puting tuxedo shirt ng lalaki ay basang-basa ng madilaw na champagne. May mga bubog din na tumalsik sa sapatos nito.

​"You idiot!" sigaw ng lalaki, ang boses ay umaalingawngaw sa buong ballroom. "Do you know how much this suit costs?! It’s a custom Armani!"

​Agad na lumuhod si Henry. Hindi para pulutin ang basag na salamin, kundi para mag-sorry. Sanay na siya sa ganito. Lunukin ang pride, ilabas ang survival instinct. Wala siyang karapatang magalit o magpaliwanag. Sa trabahong ito, kahit hindi mo kasalanan, ikaw ang may sala.

​"Sir, sorry po! Sorry po talaga!" mabilis na sabi ni Henry habang kumukuha ng cloth napkin mula sa bulsa niya para punasan ang suit ng lalaki. Nanginginig ang kamay niya, hindi sa takot sa lalaki, kundi sa takot na mawalan ng trabaho.

​"Don't touch me!" tinulak siya ng lalaki nang malakas.

​Dahil nakaluhod, madaling natumba si Henry. Napaupo siya sa sahig, diretso sa ibabaw ng mga nagkalat na bubog. Naramdaman niya ang matalim na hapdi sa palad niya nang mahiwa ito ng bubog, pero binalewala niya 'yun. Ang dugo ay libre lang, pero ang suit ng lalaki ay hindi.

​Ang iniisip niya: ‘Lagot, baka kaltasin sa sweldo ko ang suit niya. Magkano ba ang Armani? Isang taong sahod ko ba ‘yun? Pwede bang hulugan? Lord, 'wag naman po sana.’

​Mabilis na dumating ang Head Waiter, si Mr. Tan, na namumutla sa galit at hiya. Ang catering service nila ang isa sa pinaka-prestihiyoso, at malaking dungis ito sa pangalan nila.

​"Anong nangyayari dito?" tanong ni Mr. Tan, pero ang tingin niya kay Henry ay parang gusto na niya itong balatan nang buhay.

​"This incompetent fool ruined my night!" duro ng guest kay Henry, na ngayon ay nakatayo na at nakayuko. "Look at me! I look ridiculous! Fire him! Or I will sue this catering company for incompetence!"

​Tumingin ang Head Waiter kay Henry. Walang tanong-tanong. Walang imbestigasyon kung sino ang may kasalanan. Walang CCTV review. Sa mundong ito, laging tama ang mayaman. Ang waiter ay disposable. Ang VIP ay hindi.

​"Rosales, get out," madiin na utos ng boss niya. Ang boses nito ay malamig, walang awa.

​"Sir, hindi ko po sinasadya, nabunggo po ako nung—" pagsubok ni Henry na magpaliwanag, ang boses ay basag.

​"I said get out! You're fired! Don't expect to get paid for tonight! You are lucky kung hindi ka ipakulong ni Mr. Cojuangco!"

​Nanlamig si Henry. Hindi dahil sa hiya sa harap ng daan-daang tao. Hindi dahil sa sakit ng hiwa sa kamay niya. Nanlamig siya dahil sa pera.

​Ang ₱800 na kikitain niya sana ngayong gabi ay nakalaan na pambili ng adult diapers at gatas ng nanay niya. Naka-budget na 'yun.

​"Sir, kahit 'yung tips na lang po. Pang-gamot lang ng nanay ko," pakiusap niya, hindi alintana kung mukha siyang kaawa-awa. Wala siyang luxury na magkaroon ng pride. Ibinaba niya ang tingin niya sa sapatos ni Mr. Tan. "Kahit kalahati lang po ng shift ko. Sige na po, Sir."

​"Leave. Now. Bago pa kita ipa-kaladkad sa security."

​Tumingin si Henry sa paligid. Ang mga bisita ay nakatingin sa kanya na parang nandidiri. Para siyang basahan na aksidenteng napunta sa palasyo. Walang may balak tumulong. Walang magsasabing "Okay lang 'yan."

​Wala siyang nagawa. Tumayo si Henry nang tuwid, pinagpag ang slacks niyang nabahiran ng champagne at dumi, at lumabas ng Grand Ballroom nang nakayuko. Ang bigat ng bawat hakbang niya ay higit pa sa bigat ng tray na bitbit niya kanina.

​Sa labas ng hotel, bumubuhos ang ulan. Siyempre naman. Kapag malas ka sa teleserye, kailangan umuulan. Para bang nakikiayon ang langit sa trahedya ng buhay niya.

​Wala siyang payong. Tumakbo si Henry papunta sa waiting shed ng bus stop sa tapat ng hotel. Basang-basa na siya sa loob ng ilang segundo. Ang puting polo niya na uniform kanina ay transparent na at dumidikit sa payat niyang katawan. Ang sapatos niyang hiniram, puno na ng tubig baha.

​Nanginginig siya sa lamig, pero mas nanginginig siya sa takot sa kinabukasan.

​Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa. Luma na ito, basag ang screen, at kailangan pang diinan ang power button para bumukas. Binuksan niya ang mobile banking app niya habang pinupunasan ang raindrops sa screen.

Logging in...

​Nag-loading ang circle. Parang pinagtitripan siya ng signal.

Account Balance: PHP 342.50

​Napabuntong-hininga siya, ang usok ay lumalabas sa bibig niya dahil sa lamig. "Pang-Jollibee lang 'to eh. Kulang pa sa extra rice. Paano ko pagkakasyahin 'to hanggang sa makahanap ako ng bagong raket?"

​Sinubukan niyang mag-compute sa isip niya. Kung maglalakad siya pauwi sa Tondo mula Makati, makakatipid siya ng pamasahe. Kaso baka himatayin siya sa gutom. Kung kakain siya ng street food, baka sumakit ang tiyan niya at magkasakit—mas mahal magkasakit.

​Biglang nag-vibrate ang phone niya. Isang unknown number, pero kilalang-kilala ni Henry kung sino ito. Kabisado na niya ang first three digits.

St. Luke's Medical Center - Billing Dept.

​Napapikit si Henry. Ito ang tawag na pinaka-ayaw niyang sagutin, pero kailangan. Huminga siya nang malalim bago sinagot.

​"H-hello?" sagot niya, pilit na pinapasigla ang boses kahit nanginginig ang panga sa lamig.

​"Mr. Rosales?" boses ng isang striktong admin ang sumagot. Walang "Good evening," walang kamusta. Diretso sa negosyo. "Tumatawag kami regarding the outstanding balance of Mrs. Rosales. We noticed na tumalbog 'yung cheke na binigay mo last week for the partial payment."

​Napakamot si Henry sa basang ulo. "Ah, opo. Pasensya na po, nagkaroon lang ng... technical glitch sa system ng bangko."

Technical glitch, meaning walang laman. Ilang beses na niyang ginamit ang linyang iyon. Alam niyang alam din ng kausap niya na nagsisinungaling siya, pero pareho na lang silang naglalaro sa script na ito.

​"Mr. Rosales, we cannot wait for the bank's system anymore," seryosong sabi ng babae sa kabilang linya. "Kailangan na nating i-settle ang at least 50% ng bill bukas ng umaga. If not, we cannot proceed with her scheduled surgery regarding her hip fracture. At may instruction na rin mula sa admin na kailangan na natin siyang ilipat sa charity ward kung saan puno na ang pila at limited ang facilities."

​Parang binuhusan ng yelo si Henry. Mas malamig pa sa ulan ang naramdaman niya.

​Ang nanay niya ang nag-iisang pamilya niya. Bedridden ito matapos ang car accident dalawang taon na ang nakakaraan. Ang tatay niya ay matagal nang sumakabilang-buhay. Simula noon, si Henry na ang tumayong padre de pamilya, nurse, at breadwinner. Ang nanay niya ang dahilan kung bakit hindi siya sumusuko.

​Kung ililipat ito sa charity ward, alam ni Henry na mahihirapan ito. Mahina ang immune system ng nanay niya.

​"Ma'am, 'wag naman po sa charity ward. Parang awa niyo na," nanginginig na ang boses ni Henry. Hindi na niya kayang magpanggap na matapang. "Pangako po, bukas... bukas na bukas po, magbabayad ako. Hahanap ako ng paraan."

​"We'll expect the payment by 10 AM, Mr. Rosales. Otherwise, ipaproseso na namin ang transfer papers. Good night."

Toot. Toot. Toot.

​Binaba ni Henry ang phone. Nakatingin siya sa kawalan habang patuloy ang buhos ng ulan at pagdaan ng mga sasakyan.

​Alas-onse na ng gabi. Kailangan niya ng 50,000 pesos bago mag-alas diyes ng umaga.

​Tumingala siya sa matatayog na building ng Makati. Ang daming ilaw. Bawat bintana, may kwento ng yaman at kapangyarihan. Ang daming pera sa paligid. Sa loob ng hotel na pinalayas siya, isang basag na baso lang ay katumbas na ng sweldo niya.

​Bakit ang unfair ng mundo? Bakit may mga taong namomroblema kung anong kulay ng Lamborghini ang bibilhin nila, habang siya ay namomroblema kung paano bubuhayin ang nanay niya?

​"Lord," bulong niya sa langit, habang humahalo ang luha niya sa ulan. "Kahit ano po. Kahit anong trabaho. Kahit magbenta ako ng kidney, o maging stunt double sa action movie na walang harness. Kahit maging tester ng gamot na may side effect na pagka-kalbo. Basta may pera."

​Napatingin siya sa isang dambuhalang digital billboard sa tapat ng waiting shed. Isang napakagandang babae ang nandoon, suot ang isang eleganteng pulang dress na humahalik sa kurba ng katawan nito. Ang mukha nito ay fierce, intimidating, pero napakaganda.

LORES CLOTHING LINE: DEFINING ELEGANCE.

​Hindi ito para sa kanya. Ano bang alam niya sa fashion? Ang alam lang niya ay maglaba.

​Pero napansin niya ang isang maliit na tarpaulin na nakadikit sa poste ng ilaw sa ilalim ng billboard. Nililipad-lipad ito ng hangin at medyo punit na ang gilid. Nilapitan ito ni Henry.

URGENT HIRING: SECURITY PERSONNEL

Lores Tower & Corporate Offices

Must be willing to work shifting hours. Loyal. Discreet.

Risk Pay Included.

Sign-on Bonus available for immediate deployment.

Apply at Lores Tower, 30th Floor. Ask for HR Direct.

​Security Personnel?

​Tinignan ni Henry ang katawan niya sa reflection ng salamin ng waiting shed. Payat. Walang muscles. Ang tanging experience niya sa pakikipag-away ay nung elementary siya nung inagawan siya ng text cards ng kaklase niya—at umiyak lang siya noon.

​Hindi siya brusko. Hindi siya mukhang action star. Mukha siyang kawayan na tinubuan ng buhok.

​Pero nabasa niya ang Risk Pay at Sign-on Bonus.

​"Security..." bulong niya. Inisip niya ang trabaho. "Pwede na siguro 'yun. Taga-bukas lang naman ng pinto 'yun 'di ba? O kaya taga-kaway sa CCTV. Magaling naman ako mag-observe. Tsaka sanay ako sa puyatan."

​Kinuyom niya ang palad niyang may sugat pa. Naramdaman niya ang hapdi, pero mas naramdaman niya ang determinasyon.

​"Bahala na," sabi niya sa sarili. Pinunasan niya ang mukha niya. Wala nang arte-arte. Bukas ng umaga, mag-a-apply siya. Kahit magmukha siyang tanga, kahit pagtawanan siya ng HR dahil sa itsura niya, susubukan niya.

​Basta may pang-downpayment sa hospital, kahit maging human shield pa siya, gagawin niya.

​Hindi niya alam, ang desisyong 'yun ang magbabago ng buhay niya. Ang pag-a-apply niya bilang "Security" ay magdadala sa kanya hindi sa harap ng CCTV monitor, kundi sa radar ng pinaka-kinatatakutan, pinaka-maimpluwensya, at pinaka-magandang babae sa fashion industry.

​At si Henry Rosales, ang lalaking nag-aalala sa presyo ng bigas, ay malapit nang maging priceless possession ng isang bilyonaryo.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • The Billionaire's Innocent Bodyguard    Chapter 5: The Penthouse and The Scandal

    Chapter 5: The Penthouse and The Scandal​"Ma'am, sigurado po ba kayo na dito ako matutulog? Baka po may hidden charges 'to sa payslip ko ah. Electric bill pa lang ng chandelier niyo, tatlong buwang sahod ko na sa construction."​Nakatayo si Henry sa gitna ng living room ng penthouse ni Veronica Lores. Nasa 50th floor sila ng Lores Tower. Ang view mula sa floor-to-ceiling glass windows ay ang kumikinang na skyline ng Metro Manila. Mula dito, ang mga sasakyan sa EDSA ay parang mga langgam na may ilaw.​Ang sahig ay gawa sa Italian marble na mas makinis pa sa mukha ni Henry. Ang sofa ay kulay cream at mukhang gawa sa balat ng unicorn sa sobrang lambot tingnan.​May dala siyang isang sako bag (eco-bag ng grocery) na naglalaman ng kanyang mga gamit: tatlong t-shirt, dalawang brief, toothbrush, at isang tabo (kasi hindi siya sanay mag-shower nang walang tabo).​"Henry," buntong-hininga ni Veronica habang tinatanggal ang kanyang heels. "Stop calculating the electricity. It’s part of your co

  • The Billionaire's Innocent Bodyguard    Chapter 4: The War of Gifts (and Association Dues)

    Chapter 4: The War of Gifts (and Association Dues)​Alas-nuwebe ng umaga sa opisina ng Lores Corp.​Tahimik ang lahat. Ang tanging naririnig lang ay ang tunog ng mga daliring tumitipa sa keyboard at ang mahinang ugong ng centralized aircon. Pero sa loob ng utak ni Henry Rosales, may nagaganap na giyera.​Giyera sa pagitan ng gutom at hiya.​Nakatayo siya sa gilid ng glass door ng opisina ni Veronica. Suot niya ang kanyang ₱85,000 na suit, pero ang laman ng tiyan niya ay kape lang at isang pirasong pandesal na binili niya sa kanto bago sumakay ng jeep.​‘Grabe, ang bango ng kape ni Ma'am,’ isip ni Henry habang pasimpleng sumisinghot. ‘Arabica ‘yan siguro. O kaya galing sa dumi ng civet cat. Mahal ‘yun eh.’​Biglang bumukas ang elevator sa dulo ng hallway. Lumabas ang receptionist na may dalang isang napakalaking box na nakabalot sa ginto. May ribbon pa itong pula na kasing-laki ng ulo ng tao.​"Delivery for Mr. Henry Rosales!" sigaw ng receptionist.​Napatingin ang lahat ng empleyado s

  • The Billionaire's Innocent Bodyguard    Chapter 3: The Suit and The Shark

    Chapter 3: The Suit and The Shark​"Ma'am, sigurado po ba kayo na kailangan ko 'to? Pwede naman po akong mag-Barong Tagalog na lang. May luma po si Tatay, kasya pa sa akin."​Nakatayo si Henry sa gitna ng isang malawak na dressing room sa 40th floor ng Lores Tower. Pinalilibutan siya ng tatlong bading na designers na may hawak na measuring tape, needles, at iba’t ibang klase ng tela. Para siyang manikin na sinusukatan para sa isang operasyon.​Nakaupo si Veronica sa isang velvet sofa sa gilid, hawak ang isang tablet at hindi man lang tumitingin sa kanya.​"Henry," malamig na sagot ni Veronica. "You represent Lores Corp now. If you look cheap, I look cheap. And I don't do cheap."​"Pero Ma'am, ang mahal po nito," bulong ni Henry habang tinitingnan ang price tag ng isang itim na coat na nakasabit. PHP 85,000.​Halos malula siya. Walumpu’t limang libo para sa isang coat? Pwede na niyang ipa-renovate ang bubong ng bahay nila at magpakain ng lechon sa buong barangay sa presyong 'yan.​"Don

  • The Billionaire's Innocent Bodyguard    Chapter 2: The Red Paint and the Human Shield

    Chapter 2: The Red Paint and the Human Shield​Alas-otso ng umaga. Ang Lores Tower sa BGC ay kumikinang sa ilalim ng araw, parang isang higanteng diamante na itinarak sa lupa. Ito ang sentro ng fashion industry sa bansa. Dito nagaganap ang mga desisyon kung anong kulay ang susuotin ng sambayanan sa susunod na season.​Pero para kay Henry Rosales, mukha itong kuta ng mga higante.​Nakapila siya sa ground floor lobby kasama ang ibang aplikante para sa security position. At sa totoo lang, gusto na niyang umuwi.​Tiningnan ni Henry ang katabi niya. Isang lalaking may leeg na kasing-lapad ng hita ni Henry. Ang biceps nito ay pumuputok sa black polo shirt. May peklat pa ito sa kilay na parang nakuha sa pakikipagbuno sa buwaya.​Tiningnan ni Henry ang sarili niya. Suot niya ang kaisa-isa niyang long-sleeved polo na kulay puti (na medyo naninilaw na ang kwelyo) at slacks na binili pa niya sa ukay-ukay nung graduation. Payat siya. Hindi naman malnourished tingnan, pero halatang kulang sa prote

  • The Billionaire's Innocent Bodyguard    Chapter 1: The Price of a Spill

    Chapter 1: The Price of a Spill​"Ngumiti ka lang, Henry. Isipin mo, bawat ngiti, limang piso."​Paulit-ulit na mantra ni Henry Rosales sa kanyang sarili habang pilit na binabalanse ang isang mabigat na silver tray na puno ng champagne flutes. Alas-onse na ng gabi. Ramdam na ramdam niya ang pagtibok ng ugat sa kanyang binti at ang pamamanhid ng kanyang talampakan. Ito na ang pangatlo niyang trabaho ngayong araw. Mula sa pagiging delivery rider sa ilalim ng tirik na araw kaninang umaga, paglilinis ng tatlong unit ng condo sa hapon, at ngayon—waiter sa isang exclusive charity gala ng mga elite sa Makati.​Masakit na ang paa niya sa leather shoes na dalawang size ang liit, na hiniram lang niya sa kapitbahay niyang security guard na night shift din. Pero kailangan niyang tiisin. Bawat oras dito ay katumbas ng gamot ng nanay niya.​Ang Grand Ballroom ng Shangri-La ay amoy pera. Literal. Ang pinaghalong amoy ng mamahaling pabango, fresh flowers na inimport pa mula sa Europe, at ang metallic

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status