LOGINChapter 4: The War of Gifts (and Association Dues)
Alas-nuwebe ng umaga sa opisina ng Lores Corp.
Tahimik ang lahat. Ang tanging naririnig lang ay ang tunog ng mga daliring tumitipa sa keyboard at ang mahinang ugong ng centralized aircon. Pero sa loob ng utak ni Henry Rosales, may nagaganap na giyera.
Giyera sa pagitan ng gutom at hiya.
Nakatayo siya sa gilid ng glass door ng opisina ni Veronica. Suot niya ang kanyang ₱85,000 na suit, pero ang laman ng tiyan niya ay kape lang at isang pirasong pandesal na binili niya sa kanto bago sumakay ng jeep.
‘Grabe, ang bango ng kape ni Ma'am,’ isip ni Henry habang pasimpleng sumisinghot. ‘Arabica ‘yan siguro. O kaya galing sa dumi ng civet cat. Mahal ‘yun eh.’
Biglang bumukas ang elevator sa dulo ng hallway. Lumabas ang receptionist na may dalang isang napakalaking box na nakabalot sa ginto. May ribbon pa itong pula na kasing-laki ng ulo ng tao.
"Delivery for Mr. Henry Rosales!" sigaw ng receptionist.
Napatingin ang lahat ng empleyado sa cubicles nila.
"Ako?" turo ni Henry sa sarili. "Baka mali ka, Miss. Wala akong inorder. Shopee ba 'yan? Wala akong pambayad sa COD."
Lumapit ang receptionist at inilapag ang box sa mesa sa labas ng office ni Veronica. "Paid na 'to, Sir. Padala daw ng admirer mo."
"Admirer?"
Kinabahan si Henry. Baka sindikato 'to. Baka bomba. O baka ulo ng kabayo tulad sa The Godfather.
Dahan-dahan niyang nilapitan ang box. Ang bigat. Tinanggal niya ang ribbon. Binuksan ang takip.
Bumulaga sa kanya ang isang relo. Hindi basta relo. Isang Rolex Submariner na kulay gold at blue. Kumikinang ito sa ilalim ng ilaw. Sa tabi nito, may susi ng kotse na may logo ng Ferrari.
At may maliit na card na kulay pula.
Kinuha ni Henry ang card at binasa nang malakas (sa isip niya).
‘Henry, darling. Why settle for a boss who treats you like a servant? Come to Altino Corp. The car is waiting downstairs. The watch is just a downpayment. - Anastasia.’
Nanlaki ang mata ni Henry.
Ferrari? Rolex?
Sa utak ng isang normal na lalaki: "Jackpot! Yayaman na ako!"
Sa utak ni Henry: "Hala, ang laki ng tax nito! Paano ko ipapa-rehistro 'yung Ferrari? Wala naman kaming garahe sa Tondo, makakaskasan lang 'yan ng tricycle! At 'yung relo... waterproof ba 'to? Pwede kaya isangla sa Cebuana?"
Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Veronica. Lumabas ang CEO, hawak ang kanyang kape. Naramdaman niya agad ang tensyon sa ere. Nakita niya ang gold box. Nakita niya ang Rolex. Nakita niya ang susi ng Ferrari.
At nakita niya ang card na hawak ni Henry.
"Give me that," utos ni Veronica. Ang boses niya ay parang yelo na bumasag.
Inabot ni Henry ang card. Binasa ito ni Veronica. Kumuyom ang kamao niya at nilamukos ang card sa isang kamay.
"Trash," sabi ni Veronica. "She's trying to buy you like a piece of furniture."
"Ma'am, sayang naman po 'yung relo," inosenteng sabi ni Henry. Hawak-hawak niya ang Rolex na parang takot siyang mabasag ito. "Pwede po bang ibenta? Kahit kalahating presyo lang? Sayang po, pang-dialysis din 'to ng kapitbahay namin."
Tiningnan siya ni Veronica nang masama. "Henry, do you know what wearing that watch implies? It means you belong to her. Do you want to belong to Anastasia Altino?"
"Hindi po. Gusto ko lang po ng pera," sagot ni Henry nang mabilis. Honest.
Kinuha ni Veronica ang Rolex mula sa kamay ni Henry. Akala ni Henry, itatapon ito ni Veronica sa basurahan. Pero hindi. Ibinigay ito ni Veronica sa dumaang janitor na nagwawalis sa hallway.
"Manong, sa inyo na 'to," sabi ni Veronica.
Nanlaki ang mata ng janitor. "P-po? Ma'am? Seryoso po?"
"Yes. Use it to time your breaks. Or sell it. I don't care. Just get it out of my sight."
"Salamat po Ma'am! Hulog kayo ng langit!" Tuwang-tuwa na umalis ang janitor.
Naiwan si Henry na nakabuka ang bibig. ‘Sayang... 500k ata 'yun... naging pambili na lang ng meryenda ni Manong.’
Humarap si Veronica kay Henry. Ang mukha nito ay seryoso. Competitive.
"You think that's impressive?" tanong ni Veronica. "A flashy watch and a car you can't afford to maintain? That's cheap tactics."
"Ma'am, hindi po cheap ang Ferrari," bulong ni Henry.
"Henry, listen to me," lumapit si Veronica. Sobrang lapit. Amoy na amoy ni Henry ang mamahaling pabango nito na siguradong hindi nabibili sa mall. "I don't give gifts. I give stability. I give power. Effective immediately, I am raising your salary to 80,000 pesos."
80k.
Napalunok si Henry.
"Plus, you get a company phone. A company car—with a driver, so you don't have to worry about gas or parking. And full scholarship for your siblings if you have any."
Wala siyang kapatid. Pero pwede sigurong ampunin 'yung aso ng kapitbahay.
"Ma'am, seryoso po?"
"Yes. Just promise me one thing," tinitigan siya ni Veronica sa mata. "Whatever Anastasia offers you, reject it. Whatever she sends you, burn it. You work for Lores. You are mine."
Napaurong ng konti si Henry. ‘Mine? Parang gamit lang ah.’
Pero tumango siya. "Opo Ma'am. Basta po regular ang sweldo, sa inyo na po ako kahit habambuhay."
Napangiti ng konti si Veronica. Victory.
The Lunch Ambush
Alas-dose ng tanghali. Isinama ni Veronica si Henry sa isang exclusive French restaurant sa BGC. Ang pangalan ng restaurant ay Le Soleil, at ang presyo ng tubig dito ay mas mahal pa sa monthly water bill ng pamilya ni Henry.
"Sit," utos ni Veronica habang itinuturo ang upuan sa tapat niya.
"Ma'am? Bawal po. Bodyguard po ako. Dapat nakatayo ako sa likod niyo para scan ko ang area for threats," sabi ni Henry.
"The only threat here is bad cholesterol. Sit down. You need to eat properly if you're going to protect me."
Umupo si Henry nang dahan-dahan. Ang lambot ng upuan. Parang ulap.
Habang nag-oorder si Veronica ng kung anu-anong pagkain na hindi mabigkas ni Henry (Escargot? Suso 'yun diba?), biglang may dumating.
"Well, isn't this cozy?"
Ang boses na iyon. Pamilyar.
Tumingala si Henry. Nakatayo sa gilid ng table nila si Anastasia Altino. Suot nito ang isang bright yellow sundress at malaking sumbrero.
"Anastasia," bati ni Veronica nang hindi tumitingin. "Did you follow us here? Or do you just have a radar for desperation?"
"I heard the Escargot is good here," sagot ni Anastasia sabayhila ng upuan sa tabi ni Henry. "Hi, Henry. Did you get my gift?"
Muntik nang mabulunan si Henry sa iniinom niyang tubig.
"Ah... opo Ma'am. Kaso po... ano eh..." Tumingin si Henry kay Veronica.
"The watch is with the janitor," putol ni Veronica. "It suits him better."
Tumawa si Anastasia. "Feisty. I like it. So Henry, I assumed Veronica countered my offer? Let me guess. Salary increase? Boring."
Nilabas ni Anastasia ang phone niya. "How about a condo unit in Rockwell? Fully furnished. Walking distance to the mall. No more commuting inside a sardine can."
Condo in Rockwell.
Nag-imagine si Henry. Aircon. Malambot na kama. Walang ipis. Walang kapitbahay na nagvi-videoke ng My Way tuwing gabi.
Pero mabilis ding pumasok ang "Poor Man's Mentality" niya.
"Ma'am, magkano po monthly dues dun?" tanong ni Henry.
Natigilan si Anastasia. "Monthly dues?"
"Opo. 'Yung bayad sa building maintenance. Narinig ko po nasa 100 pesos per square meter 'yun. Kung 50sqm 'yung unit, 5k din 'yun monthly. Tapos 'yung kuryente pa po, commercial rate. Mababaon po ako sa utang nun Ma'am."
Natahimik ang mesa.
Tinitigan siya ni Anastasia na parang isa siyang alien. "Henry... I'm offering you a multi-million peso property, and you're worried about the electricity bill?"
"Opo Ma'am. Kasi po 'pag nawalan ako ng trabaho, paano ko babayaran 'yun? Edi naputulan ako. Sayang lang. Mas okay pa po sa apartment namin, 3k lang upa, kasama na tubig."
Sa unang pagkakataon, hindi makapagsalita si Anastasia. Hindi niya ma-process ang logic ni Henry.
Biglang tumawa nang mahina si Veronica. Isang tawa ng tagumpay.
"See, Anastasia? You can't buy him with luxury because he doesn't value luxury. He values survival."
Kumuha si Veronica ng tinidor at tinusok ang isang pirasong karne sa plato niya. Inilapit niya ito sa bibig ni Henry.
"Eat," utos ni Veronica.
"Po?" gulat na tanong ni Henry.
"Say ah."
Napabukas ng bibig si Henry sa gulat. Isinubo ni Veronica ang mamahaling Wagyu beef sa kanya.
‘Ang sarap. Natutunaw sa dila.’
"Masarap?" tanong ni Veronica.
Tumango si Henry habang ngumunguya. "Opo Ma'am. Lasang langit."
Hindi nagpatalo si Anastasia. Kinuha niya ang bread basket sa mesa. Kumuha siya ng croissant at nilagyan ng maraming butter.
"Henry, try this one. It's imported from Paris," sabi ni Anastasia at akmang isusubo rin kay Henry.
"Wait lang po—" reklamo ni Henry habang puno pa ang bibig.
"Eat it," utos ni Anastasia.
Wala siyang nagawa. Kinain niya rin ang croissant.
Para siyang baby bird na pinapakain ng dalawang agila.
Nagpaparinigan ang dalawang bilyonaryo habang kumakain si Henry.
"My offer still stands, Henry. Cash upfront. 1 Million pesos," sabi ni Anastasia.
"Loyalty bonus. 2 Million pesos if you stay for 5 years," ganti ni Veronica.
"I'll buy your mother the hospital!" hamon ni Anastasia.
"I already own the hospital wing she's staying in!" sagot ni Veronica.
Napatigil si Henry sa pagnguya. ‘Wait... kanina condo lang usapan, ngayon hospital na?’
Habang nagtatalo sila, tumunog ang phone ni Henry. Isang text message galing sa Meralco.
Reminder: Your bill of PHP 1,845.00 is due tomorrow.
Napabuntong-hininga si Henry. Tumingin siya sa dalawang babaeng nag-aaway kung sino ang mas mayaman.
"Ma'am Veronica, Ma'am Anastasia," singit ni Henry.
Tumigil sila at tumingin sa kanya.
"Pwede po bang take-out ko na lang 'yung natirang pagkain? Sayang po eh. Iuuwi ko po sa mga tanod sa amin."
Sabay na napairap ang dalawang babae, pero sabay din silang napangiti.
"Waiter! Pack everything!" sigaw ni Anastasia.
"Add three more orders of Wagyu!" sigaw ni Veronica.
Sa huli, umuwi si Henry na may bitbit na limang paper bag ng Le Soleil. Panalo ang tiyan niya. Panalo ang mga tanod sa barangay.
Pero hindi niya alam, ang giyera ay hindi pa tapos. Dahil sa pagtanggi niya kay Anastasia, mas lalo lang itong naging determinado.
At si Veronica? Mas lalo itong naging possessive.
Habang nasa sasakyan pabalik ng opisina, biglang nagsalita si Veronica.
"Henry."
"Po Ma'am?"
"Starting tomorrow, you will sleep in my penthouse."
Muntik nang mahulog ni Henry ang mga paper bag.
"Po?! Ma'am, bawal po 'yun! Bodyguard lang po ako, hindi po... alam niyo na!"
Tumingin si Veronica sa kanya sa rearview mirror. Ang mga mata nito ay seryoso. Walang halong biro.
"It's for security purposes. Anastasia plays dirty. I need to keep an eye on my assets. And right now... you are my most valuable asset."
Namutla si Henry.
‘Penthouse? Ibig sabihin... condo na naman? Naku, sino magbabayad ng tubig dun?’
Chapter 5: The Penthouse and The Scandal"Ma'am, sigurado po ba kayo na dito ako matutulog? Baka po may hidden charges 'to sa payslip ko ah. Electric bill pa lang ng chandelier niyo, tatlong buwang sahod ko na sa construction."Nakatayo si Henry sa gitna ng living room ng penthouse ni Veronica Lores. Nasa 50th floor sila ng Lores Tower. Ang view mula sa floor-to-ceiling glass windows ay ang kumikinang na skyline ng Metro Manila. Mula dito, ang mga sasakyan sa EDSA ay parang mga langgam na may ilaw.Ang sahig ay gawa sa Italian marble na mas makinis pa sa mukha ni Henry. Ang sofa ay kulay cream at mukhang gawa sa balat ng unicorn sa sobrang lambot tingnan.May dala siyang isang sako bag (eco-bag ng grocery) na naglalaman ng kanyang mga gamit: tatlong t-shirt, dalawang brief, toothbrush, at isang tabo (kasi hindi siya sanay mag-shower nang walang tabo)."Henry," buntong-hininga ni Veronica habang tinatanggal ang kanyang heels. "Stop calculating the electricity. It’s part of your co
Chapter 4: The War of Gifts (and Association Dues)Alas-nuwebe ng umaga sa opisina ng Lores Corp.Tahimik ang lahat. Ang tanging naririnig lang ay ang tunog ng mga daliring tumitipa sa keyboard at ang mahinang ugong ng centralized aircon. Pero sa loob ng utak ni Henry Rosales, may nagaganap na giyera.Giyera sa pagitan ng gutom at hiya.Nakatayo siya sa gilid ng glass door ng opisina ni Veronica. Suot niya ang kanyang ₱85,000 na suit, pero ang laman ng tiyan niya ay kape lang at isang pirasong pandesal na binili niya sa kanto bago sumakay ng jeep.‘Grabe, ang bango ng kape ni Ma'am,’ isip ni Henry habang pasimpleng sumisinghot. ‘Arabica ‘yan siguro. O kaya galing sa dumi ng civet cat. Mahal ‘yun eh.’Biglang bumukas ang elevator sa dulo ng hallway. Lumabas ang receptionist na may dalang isang napakalaking box na nakabalot sa ginto. May ribbon pa itong pula na kasing-laki ng ulo ng tao."Delivery for Mr. Henry Rosales!" sigaw ng receptionist.Napatingin ang lahat ng empleyado s
Chapter 3: The Suit and The Shark"Ma'am, sigurado po ba kayo na kailangan ko 'to? Pwede naman po akong mag-Barong Tagalog na lang. May luma po si Tatay, kasya pa sa akin."Nakatayo si Henry sa gitna ng isang malawak na dressing room sa 40th floor ng Lores Tower. Pinalilibutan siya ng tatlong bading na designers na may hawak na measuring tape, needles, at iba’t ibang klase ng tela. Para siyang manikin na sinusukatan para sa isang operasyon.Nakaupo si Veronica sa isang velvet sofa sa gilid, hawak ang isang tablet at hindi man lang tumitingin sa kanya."Henry," malamig na sagot ni Veronica. "You represent Lores Corp now. If you look cheap, I look cheap. And I don't do cheap.""Pero Ma'am, ang mahal po nito," bulong ni Henry habang tinitingnan ang price tag ng isang itim na coat na nakasabit. PHP 85,000.Halos malula siya. Walumpu’t limang libo para sa isang coat? Pwede na niyang ipa-renovate ang bubong ng bahay nila at magpakain ng lechon sa buong barangay sa presyong 'yan."Don
Chapter 2: The Red Paint and the Human ShieldAlas-otso ng umaga. Ang Lores Tower sa BGC ay kumikinang sa ilalim ng araw, parang isang higanteng diamante na itinarak sa lupa. Ito ang sentro ng fashion industry sa bansa. Dito nagaganap ang mga desisyon kung anong kulay ang susuotin ng sambayanan sa susunod na season.Pero para kay Henry Rosales, mukha itong kuta ng mga higante.Nakapila siya sa ground floor lobby kasama ang ibang aplikante para sa security position. At sa totoo lang, gusto na niyang umuwi.Tiningnan ni Henry ang katabi niya. Isang lalaking may leeg na kasing-lapad ng hita ni Henry. Ang biceps nito ay pumuputok sa black polo shirt. May peklat pa ito sa kilay na parang nakuha sa pakikipagbuno sa buwaya.Tiningnan ni Henry ang sarili niya. Suot niya ang kaisa-isa niyang long-sleeved polo na kulay puti (na medyo naninilaw na ang kwelyo) at slacks na binili pa niya sa ukay-ukay nung graduation. Payat siya. Hindi naman malnourished tingnan, pero halatang kulang sa prote
Chapter 1: The Price of a Spill"Ngumiti ka lang, Henry. Isipin mo, bawat ngiti, limang piso."Paulit-ulit na mantra ni Henry Rosales sa kanyang sarili habang pilit na binabalanse ang isang mabigat na silver tray na puno ng champagne flutes. Alas-onse na ng gabi. Ramdam na ramdam niya ang pagtibok ng ugat sa kanyang binti at ang pamamanhid ng kanyang talampakan. Ito na ang pangatlo niyang trabaho ngayong araw. Mula sa pagiging delivery rider sa ilalim ng tirik na araw kaninang umaga, paglilinis ng tatlong unit ng condo sa hapon, at ngayon—waiter sa isang exclusive charity gala ng mga elite sa Makati.Masakit na ang paa niya sa leather shoes na dalawang size ang liit, na hiniram lang niya sa kapitbahay niyang security guard na night shift din. Pero kailangan niyang tiisin. Bawat oras dito ay katumbas ng gamot ng nanay niya.Ang Grand Ballroom ng Shangri-La ay amoy pera. Literal. Ang pinaghalong amoy ng mamahaling pabango, fresh flowers na inimport pa mula sa Europe, at ang metallic







