Eleven years later…
"Ang aga-aga pa pero 'yang mukha mo, hindi na agad maipinta."
Napaangat ng tingin ang nakasimangot na si Lara sa nagsalita. Si Chester Salas, isa sa dalawang best friends niya.
Matangkad, maputi, gwapo at may playboy na aura sa unang tingin pa lang.
"So?" Isang pulgada ang itinaas ng isa niyang kilay.
"May pakialam ako, Señorita. Kasi kapag nakasimangot ka, apektado ang mundo!" Napatampal ito sa noo nito bago siya tinabihan sa bleachers na kinauupuan niya.
"Lumayas ka sa harapan ko, Chester! Baka hindi kita matant'ya!" Asik niya.
Wala siya sa mood makipagbiruan sa kumag. Kapag ganitong sa maling parte ng kama siya nagising, hindi niya makontrol ang init ng ulo niya.
Bakit mainit ang ulo niya? Wala naman. Trip niya lang. She was just bored with her life.
"Ano na naman ba?" Parang hindi napagbantaan na pangungulit pa rin ng kaibigan niya. "Teka, 'asaan ba si Tasya? Magsisimula na ang klase, wala pa siya."
"Hindi siya papasok," ibinagsak niya sa dalawang palad na nakapatong sa hita niya ang kanyang mukha.
Si Tasya, o Anastacia ang isa pa nilang matalik na kaibigan. Madalas itong lumiliban sa klase. Palibhasa, tagapagmana.
"Hindi na naman? Aba, hindi porke mayaman, ganyan na dapat umasta! Bakit hindi ka niya gayahin, Señorita? Mayaman pero masipag pumasok!"
Malakas niya itong hinampas. Nahulog pa ito sa kinauupuan.
She hated it so much whenever Chester teases her by calling her Señorita. Saka mayaman? Wish niya lang!
Mula nang kupkupin siya ni Miguel Villareal eleven years ago, hindi na niya ito muli pang nakita. Totoo na marangya ang pamumuhay niya ngayon, bakit naman hindi kung isang Bilyonaryo ang guardian niya?
But she was living a lonely life. Kung hindi sa mga may topak niyang mga kaibigan, baka namatay na siya sa kalungkutan.
"Okay, okay, sorry na!" Natatawang pagsuko ni Chester. "Ano ba ang ginagawa mo rito? Halika na at baka ma-late pa tayo. Hindi n'yo ako kagaya ni Tasya na mayaman."
She made a face. Ginaya ang sinabi nito. Pero tumayo naman siya at sumunod dito.
Syempre, hindi totoong mahirap si Chester. Minsan lang talaga sinusumpong ng pagpapaka-humble kuno.
Lara was taking up Bachelor of Science in Business Administration. Pareho rin ng mga kaibigan niya.
Sabi kasi ni Migo, isang araw ay magtatrabaho siya sa kompanya nito. Kaya dapat mag-aral siya nang mabuti. Mula nang kupkupin siya nito, she had been doing her best to please him. Kahit pa ni isang beses ay hindi na niya ulit ito nakita.
Nakakausap niya lang ito kapag birthday niya. Actually, hindi nakakausap ang tawag do'n. Kasi magpapadala lang ito ng regalo sa kanya na may note na binabati siya nito sa kaarawan niya. Mabuti nga sana kung handwritten iyon. Kaso, hindi. Malamang, ni hindi nito personal message ang nakalagay sa card. Pina-research lang ba. Baka assistant pa ang nag-type at nagprint.
At kapag may importante naman itong sasabihin, ipinapadaan nito iyon sa mga kasama niya sa bahay na mga katiwala nito.
Uncle George and Auntie Rosette were like her parents while she was growing up.
Matagal nang naninilbihan sa mga Villareal ang dalawa at nilipat na lang sa sariling mansyon ni Migo nang dalhin siya nito roon. She had been living in his house. Yet, there was not a single time that he went home.
"Malapit na ang eighteenth birthday mo, may ganap ba?" Inakbayan siya ni Chester habang naglalakad sila papunta sa klase nila.
"Wala," mapait niyang turan. Ni hindi siya sigurado kung alam ni Migo na eighteen na siya sa susunod niyang birthday. Kapag naman kasi binabati siya nito, it's just a plain happy birthday lang. Walang nakalagay kung pang-ilan na.
"Bakit? Hindi ba alam ni Mr. Villareal na magiging legal age ka na sa birthday mo?"
"Wala kang pakialam!" Inapakan niya ang paa nito sabay nagpatiuna sa paglalakad.
"Kaya ayaw magpakita ni Mr. Villareal sa 'yo ay dahil masama ang ugali mo, Lara!" Pasigaw nitong sabi na tumigil para tingnan ang paa.
Hindi niya ito pinansin at nagtuluy-tuloy lang siya.
Hindi totoong masama ang ugali niya. Papasa na nga siyang anghel sa kabaitan niya. Well, sa pagbabait-baitan pala. Ingat na ingat siya kasi gusto niyang pagbigyan siya ni Migo na makita ito.
Isa na nga siyang perfect na alaga sa mga mata nina Uncle George at Auntie Rosette. Mabait, matalino, masunurin, maganda, o ano pa? Ano pa ang kulang?
Hindi naman sa kung anong dahilan kaya masama ang loob niyang hindi nagpapakita sa kanya si Migo. Gusto lang niyang personal na magpasalamat dito. Bukod do'n, malapit na kasing mabura sa alaala niya ang mukha nito.
She was just seven when she last saw him. She's almost eighteen now. Kahit naman halimbawang vivid pa ito sa alaala niya, siguradong nag-iba na ang itsura nito ngayon.
He was just nineteen that time when he was supposed to marry her sister.
Bumagal ang paglalakad ni Lara nang maalala niya ang ate niyang pinagsamantalahan at pinatay sa harapan niya. Nakuyom niya ang mga kamao as she halted her steps.
Kung makikita niya lang ulit ang demonyong gumawa no'n, she would make sure that he would rot in jail.
"Hoy, Lara! Nagbibiro lang ako!" Chester caught up with her.
Nag-iwas siya ng tingin. Hindi alam ni Chester ang bahaging iyon ng buhay niya. Kahit si Tasya, hindi rin nito alam iyon.
It was a dark past that she would only feel safe to share to the man who pulled her out of that darkness. Kay Miguel Villareal na sobrang nagpakamisteryoso naman pagkatapos ng pangyayaring iyon.
Kahit matunog ang pangalan nito, there was not a single write up about him that showed his face. Her guardian was a very private man. And Lara couldn't help but wonder why…
Hindi pa rin kaya ito nakaka-move on sa pagkawala ng ate niya?
"Earth to Lara!" Pumitik pa si Chester sa tapat ng mukha niya.
She came back to her senses. Pero inirapan niya lang ito at nagpatuloy sa paglalakad.
---
"Kasal?!" Um-echo sa buong kabahayan ang tinig ni Lara.
Just now, an important message from Migo was passed to her by Uncle George.
Nasa study room sila at masinsinan siyang kinausap ng fifty-one year old na ginoo na para na niyang tatay.
"Yes," kumpirma ni Uncle George. "Sa eighteenth birthday mo next month, magpapakasal kayo ni Mr. Villareal."
"P-pero…" hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Seryoso ba? Kasal?
As in magiging asawa niya ang guardian niya na si Miguel Villareal???
"Pakikurot ako, Uncle," aniyang inilapit ang braso sa napakunot noong lalaki. "Gusto kong makasiguro na hindi ako nananaginip," dugtong niya.
"Mukha ba tayong tulog?" Mahinang hinampas ni Uncle George ang braso niya. "Magseryoso ka."
She pouted. "Seryoso naman po ako. Pero kayo po yata ang nagbibiro."
"Miss Lara---"
"Lara lang po," mabilis niyang pagtatama. Ayaw niyang tinuturing siyang amo gayong sampid lang siyang alagain doon.
"Miss Lara, kapag naikasal kayo ni Mr. Villareal ay hindi pwedeng Lara lang ang itawag namin sa 'yo. At kahit noon pa naman, umpisa pa lang ay nilinaw na ni Mr. Villareal na amo ka rito bilang kanyang magiging maybahay sa hinaharap." Hindi nagpapigil at mahabang paliwanag ni Uncle George, making Lara more confused.
"Magiging maybahay sa hinaharap?"
"Magiging asawa, Miss Lara. Si Mr. Villareal ay kailangang kumuha lamang ng magiging kabiyak sa inyong pamilya. Nang pumanaw ang ate mo, nalipat sa 'yo ang kasunduan."
"Kasunduan?" Ulit niya. Sa mga naririnig ay lumalaki ang mga mata niya.
Bakit hindi niya alam ang tungkol sa mga bagay na iyon?
"Ang iyong namayapang Lolo at ang Lolo ni Mr. Villareal ang gumawa ng kasunduan… Walang nagsabi sa 'yo dahil bata ka pa. Pero ngayon ay kailangan mo nang malaman."
"Pero Uncle George, sa pagkakatanda ko ay mahal nina Migo at ate Lena ang isa't isa!"
"Totoo, Miss Lara. Kaya labis na nasaktan si Mr. Villareal sa kanyang pagkawala. Pero hindi no'n napigil ang kasunduan. Tuloy ang kasal at ngayon ay sa pagitan ninyong dalawa."
Seryoso? But could there be a way out of it? She was not about to marry her legal guardian, was she?
Migo was like thirty years old already if she wasn't mistaken!
"Pero---"
"Miss Lara, makinig ka. Mabuting tao si Mr. Villareal. Hindi mo pagsisisihan ang pagpapakasal sa kanya. Isa pa, pumayag ka man o hindi, tuloy ang kasalan sa iyong ikalabing walong kaarawan."
"Would Migo be there?"
Ewan niya. Pero ang isiping makikita niya makalipas ang maraming taon si Miguel ay nagpasabik sa kanya. Nakalimutan niyang kasal pala ang pinag-uusapan nila.
"Kasal ninyo kaya sa palagay ko ay pupunta siya."
She nodded to agree.
---
Nakapangalumbaba si Lara habang nakatingin sa imahe niya sa salamin.
It was hers and Migo's wedding day. Mamayang hapon iyon sa sala ng judge na si Atty. Baltazar.
Civil wedding. Walang kung ano mang kahit na anong preparasyon maliban marahil sa mga dokumento na hindi niya alam kung paano naproseso kahit wala silang parehong partisipasyon ni Migo.
Ang nagagawa nga naman ng pera.
Excited pa naman si Lara dahil ayon sa research niya, kailangan magkasama sila sa pag-aayos ng mga papeles sa kasal. She thought she'd get to see Migo, maybe spend a day or two with him before their wedding.
Pero hindi nangyari iyon. Ngayon ay duda siya na may kasama siyang haharap sa Judge mamaya.
Imagine, napakayaman nito pero civil wedding lang? Kung tama ang pagkakatanda niya, enggrande ang nakatakdang kasal nito noon at ang kapatid niya. Naglabas pa noon ng anunsyo para sa kaalaman ng lahat.
But now…
Lara sighed and reminded herself of the difference when he was about to marry her sister and now that he was marrying her.
Love.
That, they do not have.
Lara stood up and pulled the simple yet elegant white dress that Migo bought for her. At least, he bothered to choose a dress for her.
And yes, it's just a dress. Not a wedding gown of any sort.
Pero hindi naman talaga iyon importante kay Lara. Ang gusto lang talaga niya ay dumating ang kanyang groom.
Dahil wala naman talaga siyang ibang dahilan sa pagpayag sa kasal na iyon kundi ang makita itong muli. Bukod sa syempre, alam niyang wala siyang karapatang tumanggi. Migo raised her. She owed her life to him.
And marrying him was more like an obligation for Lara rather than a choice that she could turn down.
"Come in," sabi niya nang makarinig ng pagkatok mula sa pintuan ng kanyang silid.
"Miss Lara," Auntie Rosette was smiling widely at her when she saw her wearing her white dress. "Napakaganda mo!"
"Salamat po, Auntie," gumanti siya ng ngiti bagamat malungkot iyon. Syempre, hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Auntie Rosette.
The old woman had been beside her since Migo took her under his care.
"Sinabi niyang pupunta siya. Pero kung darating si Mr. Villareal o hindi, ang importante, mas magiging maayos ang buhay mo pagkatapos ng kasal. Magiging legal na iyo na ang lahat ng meron ka ngayon." May maliit na gift box itong inilagay sa palad niya. "Happy eighteenth birthday, Miss Lara."
"Oh, Auntie, nag-abala pa po kayo! Marami pong salamat. Pwede ko na po bang buksan?" Pansamantala ay nawala ang lungkot niya.
"Oo naman. Galing iyan sa aming lahat," tukoy nito sa hindi bababa sa sampung mga kasama niya sa bahay.
When she opened the box, she saw a beautiful gold necklace inside.
"Wow…"
Isinuot iyon ni Auntie Rosette sa kanya and it fitted her dress perfectly.
An hour later, Uncle George and Auntie Rosette accompanied Lara to Atty. Baltazar.
Sabi ng matandang abogado, male-late lang daw si Migo so maghintay muna sila. Na-tense naman si Lara. So, Migo was really coming?
Would she finally see him again?
They waited. One hour, then it became two. Honestly, inaantok na si Lara. Papapikit na nga ang mga mata niya nang biglang may dumating.
"I'm sorry, I'm late…" The man said, announcing his presence.
Seventeen years ago, Lara did not understand why she survived a massacre and her family didn’t. Even when her mind was etched with the face of their killer, all she ever thought was giving justice to their deaths. She knew she would see him again. And she was not wrong. Almost two decades passed, their paths crossed again. Now that she stood at the witness stand and she could see the horror in Stefano’s eyes, Lara was convinced that God allowed her to live for that very purpose. To make Stefano pay for the crimes he committed. Kanina, nang makita siya ng lalaki, labis ang gulat nito. Siguro nga, talagang inisip nito na patay na siya. Well, hindi niya ito masisisi. Nakita nito ang kalagayan niya noon dahil ito ang may kagagawan kaya siya tinamaan ng bala. Pero sorry na lang ito, hindi pa niya oras. Lara swore an oath to tell only the truth. At iyon din naman ang ginawa niya. But she was surprised by her own composure. She didn’t break down even when she recalled everything that happ
“Stop crying, I’m not dead yet.” Hindi malaman ni Lara kung matatawa siya o madadamay sa pag-iyak ng dalawa niyang emosyonal na mga kaibigan. After a week and a half since she almost died, Miguel finally allowed her friends to know about what happened to her and visit her.“Shut up!” nagkukusot pa ng mga matang ani Tasya. “You always do this to us! I’m scared the next time, we’ll just be mourning over your dead body!”“Lara, how could you not tell us? We get it that we might not be able to protect you like your husband could, but aren’t we your friends? At least let us know about what’s going on with you,” seryoso na dagdag ni Chester. His eyes were red from tears earlier. “I’m sorry,” aniya. “Hindi ko naman sadya na hindi talaga sabihin—”“I asked you!” agaw ni Tasya. “You didn’t tell me! Kung alam ko lang na delikado ang gagawin mo no’n, I should have never agreed to help you! Nagsisisi ako na hinayaan ko na hindi ko alam ang plano mo!”“Tash, sorry na… I didn’t want to tell you
“I think our baby is moving…”Lara laughed softly at what Miguel said. Nasa tiyan niya ang kamay nito at dinadama iyon kahit hindi pa umuumbok. “Is that so?” Alam naman niyang imposible iyon dahil ilang linggo pa lang naman ang sanggol sa sinapupunan niya. But she didn’t have the heart to correct him. Migo was just excited. “Then get ready, Migo. I’m sure paglabas niya ay isa siyang makulit at malikot na bata!”“Maganda rin, mabait, matalino, matapang at mana sa mama…” Miguel smiled gently at her. That warmed her heart. Lara was happy, so happy. “You want a daughter?” “Kahit son o daughter, ayos lang. Ang importante, pareho kayong maging maayos ng anak natin.” Umusod ito para masuyo siyang hawakan sa kanyang pisngi. “I love you, sweetheart…”“I love you too, Miguel…” Miguel bent to kiss her lips softly. Gustong maiyak ni Lara. She could feel her husband’s love for her and she was ashamed that she caused him to worry too much then. Pero sa kabila nang padalos-dalos na pagpayag n
“Sometimes I wonder why I am still alive. Is it for you to spoil me with visits like this?” Meredith rolled her eyes at him. Nakasandal lang ito sa headboard ng hospital bed nito nang abutan niya. “Araw-araw kang narito, Migo.”“It’s for you to realize that there’s someone who is not yet ready to lose you,” Miguel answered, lightly pinching his friend’s cheek. “As if!”Hindi fatal ang mga gunshot wounds nito dahil nakasuot naman ito ng bulletproof vest. Pero tinamaan kasi ito sa braso at balikat. She was just recovering now from her wounds. Pero ang sakit nito, patuloy na lumalala. “Have you made up your mind yet?”Meredith sighed. “Matagal na akong nakapagdesisyon, you know it. So, I don’t understand why you’re still trying to convince me every day.”“Mer, until you’ve tried everything, it’s not yet over. Besides, do you really want to leave me now?” pangongonsensya niya.“Cut it out,” natatawa nitong saway. “Hindi mo ako madadala sa ganyan. Alam ko na masaya ka na. Hindi mo na ako
“You should’ve just killed me,” mapait pero unremorseful na sabi ni Stefano.“We’re not the same, Stefano. I am not a killer,” tugon niya. Kalalabas lang sa ospital ng pinsan niya, pero sa kulungan ito idiniretso. Stefano’s arms were both gone. Gayunpaman, hindi kakikitaan ng pagsisisi ang lalaki sa lahat ng ginawa nito.“You are so full of yourself, Miguel. Darating din ang araw mo!” “Ang mahalaga, dumating na ang sa ‘yo. Show even a little remorse, Stefano. You killed not only the woman you claim to love, but also your own blood!”His cousin laughed bitterly. “You killed them.”“I didn’t. It was your selfishness and love for money that killed them. You killed them, Stefano.”“I’m the bad guy now?” Tila naiimposiblehan pa ito.“You’ve always been,” sagot niya. “Even before we met, you already ruined Lolo’s trust in you. Wala akong kinalaman sa lahat ng sinasabi mo na naging pagbabago. You made all the changes yourself.”Tumawa ulit ito. “Pwede kang tumanggi, Miguel. You didn’t. You
“Lena… It’s you… Lena!”Lara was utterly confused. Mistulang baliw na biglang naging maamong tupa si Stefano na nakaluhod pa habang gagap ang mga kamay niya. He was calling her by her sister’s name repeatedly. “Lena, I’m sorry. I’m sorry!” Kinalagan nito ang posas niya at pinaghahalikan ang mga kamay niya. “Are you hurt?” Diring-diri si Lara, but she was too afraid to do anything that might trigger Stefano to do something dangerous to her. “I knew that you’re alive!” He stood up and hugged her. “They all lied to me, Lena!” Nang yakapin siya nito at bahagyang mahila ang buhok niya, that was when it dawned to Lara. Her hair was down. Hindi niya namalayan ang paghulagpos no’n sa pagkakatali niya kanina. At kapag nakalugay ang buhok niya ay kamukhang-kamukha niya ang ate niya. Stefano was not able to differentiate her from her sister for a reason unknown to Lara. What was going on with him?“Alam ko na babalik ka!” Ikinulong nito sa mga palad nito ang mukha niya. Lara couldn’t say