Share

The Billionaire's Kryptonite
The Billionaire's Kryptonite
Author: Yohanna Leigh

1. Guardian.

"Ate, ang ganda-ganda mo!!! Para kang princess!" 

Hangang-hanga at kumikislap pa ang mga matang bulalas ng seven years old na batang babae na si Lara. 

Ang ate niya na si Lena ay kasalukuyang nag-ga-gown fitting para sa nalalapit nitong kasal. 

"Talaga, Lara?"  Yumuko sa kanya si Lena at pinisil ang magkabila niyang pisngi. "Ikaw talaga ang number one fan ko!" 

Malaking ngiti ang tugon niya sa ate niya, showing off her missing front tooth. 

Kakalabing walong taong gulang pa lamang ni Lena pero sa isang buwan ay nakatakda na itong ikasal sa kababata nitong si Migo. 

Masyado pang maaga kung tutuusin. Pero nakikita naman niyang masaya ito sa desisyon nito. 

"Gusto mo rin bang isukat ang gown mo?" 

Excited siyang tumango nang sunud-sunod. Lara was going to be her sister's flower girl. S'yempre, may gown fitting din siya dapat!

Puti rin ang isusuot niya. Para siyang little bride. 

Tinulungan siya ni Lena na isuot ang gown niya. Tapos sabay silang tumingin sa salamin. 

"Wow! Mukha na rin akong princess! Look at me, ate!" 

"Yes, you are! Wait, let's take a picture together." Kinuha ni Lena ang phone nito and took a mirror shot. 

"Ako na ang kukuha."

Sabay silang napalingon ni Lena. Sa likod nila ay nakatayo ang gwapong future groom ng ate niya. Migo was wearing a white tux and looking like a real life prince. 

Lumapit ito sa kanila at h*****k sa pisngi ng ate niya.

Lara watched the two admiringly. As a kid, she had always considered her ate Lena as her idol in everything, kasama ang pagpili nito ng lalaking pakakasalan. 

Kahit hindi pa niya naiintindihan ang romantic love, ang nakikita niyang kinang sa mga mata ng kapatid ay isang bagay na nais niya ring maranasan paglaki niya. 

"Alright. One, two, three, say cheese!" 

Pagkatapos ang gown at tux fitting ng soon to be wed couple, inihatid na rin sila ni Migo sa bahay nila. Saglit itong humarap sa mga magulang nila bago nagpaalam na rin. 

Iisa lang ang silid nina Lara at ng ate niya. Kaya pagdating ay pareho na rin silang pumanhik sa taas. Diretso sa study table nito si Lena samantalang siya ay sa mga halos mga kasing laki niyang mga manyika para maglaro. 

Hindi pa sila nagtatagal sa bahay nang may dumating silang mga bisita. Sumilip sa bintana ang ate niya at gaya ng lagi nitong reaksyon sa tuwing dumarating ang mga lalaking naka-itim na van, kababakasan na naman nang matinding takot ang magandang mukha ni Lena. 

Lara continued playing. But in her young mind, she was trying to find an answer to her sister's unusual reaction. 

Mayamaya pa ay nakarinig sila ng mga kalabog at sigawan sa baba. Nagmamadaling lumabas ng kwarto si Lena. Pero mabilis din itong bumalik, nanginginig na ni-lock ang pinto ng silid at lumuluhang nilapitan siya. 

"Lara," Lena tried to smile despite her tears. "Let's play hide and seek. Magtago ka sa ilalim ng kama at kahit ano ang mangyari, 'wag kang lalabas, okay?"

She nodded even though she was confused. Niyakap niya nang mahigpit ang isa niyang manyika habang sumisiksik sa ilalim ng kama na sakto lang ang angat sa sahig para magkasya siya. 

"Don't make any noise, okay?" Bilin pa ni Lena na bahagyang napaigtad nang tila may nagbubukas na sa pinto nila. "Promise ate Lena that you will keep quiet."

"I promise, ate," mahina niyang saad. "Are you going to find me?"

"I will. Hide well, Lara. I love you…" Itinulak pa siya ni Lena hanggang sa ang buong maliit niyang katawan ay nakatago na sa ilalim ng kama. 

"I love you too, ate…" May luhang lumabas mula sa mga mata niya. Hindi niya maintindihan, pero natatakot siya.

"Ssshhhhh…" 

No sooner when Lena was done fixing the bed sheet to hide her better, pwersahang nabuksan ang pintuan ng silid nila. 

"Narito ka lang pala, pinahirapan mo pa kami!" Sabi ng boses ng isang lalaki. 

"Ano ang kailangan n'yo sa akin?" Pilit na nagpapakatatag ang tinig ng ate niya. 

"Hindi makabayad ang mga magulang mo. Kaya ikaw na lang ang magiging kabayaran." Mala-demonyong tumawa ang kausap nito.

"You already killed my parents. Hindi pa ba sapat 'yon?!" Lena lost it. She cried and shouted. 

Lara couldn't believe what she just heard. Patay na ang mga magulang nila? Gusto niyang lumabas. Pero nangako siyang hindi siya lalabas hangga't hindi siya hinahanap ng ate niya.

Then it dawned on her, bakit siya nito hahanapin kung alam naman nito kung saan siya nagtago? They weren't playing hide and seek. Lena only wanted her to hide!

Ang mga sumunod na pangyayari ay nasaksihan ni Lara sa maliit na siwang sa pagitan ng nakatakip na bed sheet at ng sahig. 

Her sister was r*ped and murd*red before her very eyes.

Lena was lying on the cold floor, looking lifelessly in her direction before she breathed her last…

Her sister's dead face and the face of her murderer will be forever engraved in Lara's young mind. 

--- 

Tulala si Lara nang makita siya ng mga pulis sa ilalim ng kama. Ang mga mata niyang blangko at walang buhay ay nagpabahala sa mga awtoridad. 

Isang buong araw pa kasi ang lumipas bago nadiskubre ang malagim na sinapit ng kanyang pamilya. Isinugod siya sa ospital at sinigurado ang kaligtasan niya bilang nag-iisang survivor at eye witness sa kaso. 

But she wasn't responding to anyone who tried to talk to her. 

Days passed and it was already her family's burial. Nanatiling tulala si Lara na parati lang yakap ang kanyang manyika.

Maliban nang maupo sa harapan niya si Miguel Villareal. Nakapatong sa magkabila niyang balikat ang mga kamay nito habang nakatingin sa mga mata niya ang malulungkot ngunit uhaw sa hustisya nitong mga mata. 

"I will be your guardian from now on, Lara… I will keep you safe and no one will ever have the chance to lay a finger on you… That's a promise." 

Napakurap si Lara. Tears started pouring like waterfalls from her eyes. 

Maiksi lamang ang sinabi nito, pero ang batang isip at puso niya ay tila namemorya ang bawat katagang binitawan ng binata.

Migo then took her one hand and the two of them watched as her family was finally laid to rest… 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status