Hindi makapaniwala si Lara.
She graduated Summa Cum Laude tapos ay Assistant to the Assistant ang trabaho niya? Clerical!
Gustong mag-walk out ng dalaga. Anong tingin sa kanya ng magaling niyang asawa? Wala siyang kayang gawin? Sige, given nang fresh graduate siya. Tanggap pa niya ang Assistant eh.
Pero iyong maging Assistant siya ng Assistant, aba, masyado atang minamaliit ni Migo ang kakayahan niya?
Ang isa pang nakakainsulto, kaya raw 'yon ang posisyon na in-offer sa kanya ay dahil wala naman daw talagang bakante. Kung hindi lang daw malakas ang backer niya, hindi raw siya tatanggapin doon.
Yes! The HR Manager was that straight forward! Pakiramdam nga ni Lara ay pine-personal siya.
"Hindi ko kilala ang nag-endorse sa 'yo, but you are referred directly from the office of the CEO. So, palagay ko ay malaking tao siya. But don't mistake na porke malakas ang backer mo ay may special treatment ka rito," Ms. Salvacion lengthy said.
Eh kung sabihin kaya niya rito na asawa siya ng boss nito? Nanggigil pa lalo sa loob niya si Lara nang maalala ang last minute na bilin ni Migo sa kanya habang nasa sasakyan siya papunta ro'n.
"You are not allowed to tell anyone that you are my wife, understand?" he said, as if the idea ever crossed her mind.
Apelyido nga nito, hindi niya ginamit eh.
Nevertheless, pumayag siya sa gusto nito. Kanina kasi, wala pa siyang ideya kung anong posisyon ang ibibigay nito sa kanya.
In her heart, she was still hoping na sa credentials niya ay bigyan naman siya nito nang medyo maayos na simula. Halimbawa, bigyan siya nito ng posisyon na magkakaroon siya ng chance na makita ito.
Pero dahil Assistant to the Assistant siya na considered one of the lowest rank and file position in the Administrative Department, wala siyang magiging pagkakataon na ni makadaupang palad ang misteryoso niyang asawa.
Lara was gritting her teeth secretly. Ang epal pa ng kausap niya na akala naman eh porke referred siya umano ng malakas na backer, eh wala talaga siyang ibubuga.
'Very unprofessional,' she thought. Manager pero nagtataas kilay na animo may kaaway. Dumaan ba ito sa tamang proseso ng pag-aapply noon? Alam ba ni Migo na ganito ang empleyada nito?
"I understand, Ms. Salvacion," sabi niya nang tila mainis ito sa pagiging unresponsive niya.
"You will start formally tomorrow. Sa ngayon, I will ask somebody to orient you with the company policies. Maswerte ka kasi hindi ka na required magbigay ng mga pre-employment requirements." Ayon na naman ang tono nito na umiirita sa tainga ni Lara.
"Although kung ako lang ang masusunod, I will still require you to provide the necessary documents," dagdag nitong tila siya sinusukat.
"Pwede ko naman pong i-submit ang mga kailangan. If you would kindly give me the list, Ms. Salvacion," she said courteously.
Nagtaas ulit ng makeup lang yata nitong kilay ang Manager. Kung tatantyahin ni Lara, siguro ay nasa early thirties ito o kaya ay late twenties. Hindi niya maintindihan ang attitude nito na parang may galit sa kanya pero sige, palampasin na lang niya.
Hoping na pagkatapos ng informal interview na 'yon, hindi na niya ulit ito makikita.
Hindi nagpahayag ng pagtutol si Ms. Salvacion at inilapag sa harapan niya ang mahabang listahan ng mga kailangang dokumento bago makapasok sa kompanya.
"Hindi kita pinipilit. Pero lahat ng narito sa building na 'to, nag-submit ng mga iyan bago nakapasok."
'Oo na!' Isip niyang nais na itong sampalin ng police clearance bukas na bukas din. Isa iyon sa mga nakita niya sa listahan.
"Okay," tiniklop na pasara ni Ms. Salvacion ang folder na ibinigay niya rito kanina na naglalaman ng academic records niya. Parang may duda pa ito sa credentials niya. "I'll pass you to the person who will orient you. Bukas ka magsisimula formally sa trabaho mo."
Nang mawala sa paningin niya ang echoserang Manager, kinuha niya agad ang phone niya at tinawagan si Uncle George.
“Miss Lara, pwede ka bang gumamit ng telepono habang nasa trabaho?” bungad ng matandang lalaki.
“Uncle, did Migo tell you that I’d be an Assistant to the Admin Assistant?” may halong pagmamaktol ang tinig niya.
Gustuhin man niyang sa asawa mismo magreklamo ay wala siyang numero nito. Napakadamot na tao, pati iyon ay bawal niyang malaman. Kung may kailangan siya, dapat ay dadaan pa rin siya kay Uncle George.
“Hindi niya sinabi sa akin kung ano ang magiging trabaho mo, Hija. Pero kung ang tingin niya ay ‘yan ang makabubuti sa ‘yo, sumunod ka na lamang.”
Kahit kailan talaga ay hindi niya kakampi si Uncle George. Gustong mag-roll eyes ni Lara. Pero bumuntong-hininga na lang siya.
“I will send you a list of clearances that I need to submit here. Please see how you can help me, Uncle,” sabi na lang niya. Nakita kasi niya sa salaming dingding na kausap na ni Ms. Salvacion ang siguro ay mag-oorient daw sa kanya.
“Okay.”
Lara spent the next two hours of her life listening to the company’s policies, vision, mission, objective, etc. ‘Yong iba like paano nagsimula ang kompanya ay memorized na niya by heart dati pa. Syempre, malamang ay alam niya. Hello? Asawa siya ng may-ari.
Pero nakakatawa na alam niya ang history, ang humble beginnings ng kompanya, and yet, ‘yong asawa niya, hindi pa niya nakikita sa loob ng labing anim na taon. Hindi niya maintindihan. Why was Migo so mysterious?
“Mamayang hapon, ipapakilala kita sa Department mo,” sabi ni Ms. Dizon. Kumpara kay Manager, mas malumanay ito at palangiti. “Lunch time na. Did you bring your own lunch? O lalabas ka?”
“Lalabas na lang ako. Salamat,” tugon niya.
“Sige. Please be back by one o’clock.”
Hindi na siya lumayo. Dahil sa tabi lang ng opisina ay ang mall na isa sa pagmamay-ari ni Migo. It was the one farthest to their house. Nasa Norte ng lungsod sila nakatira. Pero nag-oopisina si Migo sa Timog.
Ni hindi alam ni Lara na kay Migo rin ang prestihiyosong building kung saan nakabase ang opisina nito. And here she was thinking that she knew the company’s history. Hindi niya na-i-count ang building na iyon. Or maybe because just like what Uncle George said this morning, Migo was venturing on real estate as well.
She heaved a sigh as she crossed the street. Pagbibigyan niya si Migo ngayon. She would see kung ano ang kahihinatnan ng pagtatrabaho niya para rito.
—
Lara’s task was to assist the Admin Assistant, whom she already met as Kylene. Okay naman ito, mukha namang friendly. At ang duties and responsibilities nito ay filing ng documents, taga-sagot ng telepono, taga-sort ng email, taga-xerox at kung anu-ano pang clerical.
Lara was depressed because she knew she could do better than those things. Sigurado siya na kapag sa ibang kompanya siya nag-apply, hindi gano’n ang magiging trabaho niya. Hindi naman sa arogante siya o ano, but she knew she deserved better.
Pero patutunayan niya kay Migo na pwede naman siya kahit saan siya nito ilagay. Gagalingan niya! At ipapakita rito na mahusay siya.
She thought it was just that easy.
Ang hindi niya napaghandaan, marami palang mean employees si Migo. And Lara’s patience was just about to be tested.
"Nakita mo na ba ang CEO?" Lara randomly asked Kylene one boring day while she was photocopying memos to be distributed to the company's various departments. "Si Mr. Villareal? Hindi pa. Kapag may meeting naman kasi, hanggang Manager level lang ang kasama. Saka may sariling elevator si Sir na diretso lang sa floor niya," sagot ni Kylene na kaunti lang ang tanda sa kanya. Pansin niya rin na introvert ito. Hindi ito nakikisali sa mga ibang kasama nila sa department. Sa katunayan, binu-bully ito. Tinatambakan ng paper works na kung tutuusin, hindi na sana nito trabaho. "Misteryoso rin pala siya kahit dito," bulong niya."Ano 'yon, Lara?" "Wala," she said, shaking her head. Inilipat niya sa mesa ang mga papel at inumpisahang mag-sort. "Heto pa. Kailangan ito in thirty minutes!"Nagliparan ang mga inaayos ni Lara dahil pabagsak na inilapag ni Lizzie sa mesa niya ang isang makapal na folder. Kung hindi tumalikod
Napangisi si Lara habang sinisingit sa photocopied files para sa CEO ang annulment papers na pirmado na niya. She knew that annulment doesn't work like divorce but at least, the papers that she signed would let him know that she was dead serious about it. Enough is enough. She was so done. If Miguel wouldn't take her seriously, then he should just let her on her own. Hindi na niya ito kailangan dahil malaki na siya. 'That sounds so ungrateful, Lara,' maagap na banat ng isip niya. Oo na. Utang niya kay Miguel lahat ng mayro'n siya ngayon. Pero hindi ba pwedeng hanggang doon na lang? Pabayaan na siya nito so she could live her own life away from him. Tutal naman, wala itong balak magpakita sa kanya!Para saan ba ang pakasalan siya kung ni dulo ng buhok nito, hindi niya masilayan? Ni hindi ba sila pwedeng maging magkaibigan? What was Migo's reason for being so mysterious? Aanuhin niya ba ito? Lara was tired. She didn'
Napatingala si Lara nang tumigil sa harapan niya si Migo. She could still remember how he was a tall guy when she was just little. Pero bakit gano’n? Parang hindi siya lumaki? Hanggang ngayon ay kailangan pa rin niyang baliin ang leeg niya para tingnan ito sa mukha. Lara realized na matangkad na lalaki si Miguel Villareal. He exuded an intimidating aura. And power, naghuhumiyaw iyon sa tayo pa lang nito. Sa mga tingin nitong parang nagmula pa sa North Pole, and yet despite the coldness, hindi rin maikakaila ang matinding galit sa mga iyon.What did she do that offended him? ‘Duh, Lara, nagtanong ka pa? Look at yourself! You’re a mess! Nahuli ka sa aktong nakikipag-away! Nakakahiya ka. I’m sure, mas lalong hindi papayag si Migo na malaman ng lahat na asawa ka niya!’ “What are you doing?” he asked.Pakiramdam ni Lara, nagkabikig ang lalamunan niya. When she opened her mouth to speak, walang lumabas na boses sa mga labi niya. O talaga lan
Dahil bad trip pa rin si Lara, pagkahatid sa kanya sa opisina nang sumunod na araw, hindi siya pumasok. She just made her driver think na nagawa nito ang trabaho nito na ihatid siya sa trabaho.Pero pagkababa niya, nag-taxi siya papunta sa condo ni Anastacia."I'm leaving in an hour," anang kaibigan niya na parang ayaw pa siyang papasukin. Nagpa-plantsa ito ng buhok nito."I need someone to talk to, Tasya!" Kahit hindi siya welcome, pumasok pa rin siya at ibinagsak ang sarili sa kama ng kaibigan na bumalik din agad sa harap ng vanity nito."Okay, shoot. I guess I can multitask," sabi na lang ni Tasya na abala pa rin sa buhok nito.Napabuga naman siya ng hangin. "I've seen Migo," wika niya at bahagya pang napaigtad nang sumigaw ang kaibigan niya. "Ouch!" daing nito na napaso ang sarili dala ng pagkagulat sa sinabi niya. "So, ano itsura ng guardian mo? Pogi ba ang famous pero mysterious
Hindi kumikibo si Lara habang kumakain sila ni Miguel. Wala siyang ganang kumain kahit sa totoo lang ay gutom naman talaga siya. Naiinis siya sa kinalabasan nang matagal niyang pangarap na makita muli ito. She had expected to see the gentle Migo who was so in love with her sister back then. Bakit makalipas ang labing-anim na taon ay hindi lang pisikal nito ang nagbago? Gone was the kind and sweet Miguel Villareal she once knew. Napalitan iyon ng nakaka-intimidate at overbearing nitong version. "Why didn't you come to work?" tanong nito habang nagpupunas ng labi. He was already done eating. Samantalang siya naman ay nilalaro na lang ang pagkain sa pinggan niya. "Para ano? You humiliated me, remember? Ano pang mukha ang ihaharap ko ro'n?" She rolled her eyes at him."You are twenty-three, Lara. Hindi ka na bata. Can't you handle such a small matter?" may bahid ng pagkairita ang tono nito. "How about you? Must you confront me
"Lara!" natutuwang bati ni Kylene nang makita siya. "Akala ko pati ikaw ay sinisante! Mabuti naman at suspension lang sa 'yo!"Napakunot-noo siya. Suspension? Suspended ba siya dapat? Iyon ba ang pinalabas ni Migo sa opisina?Gayunpaman ay hindi na siya nagsalita pa tungkol doon. Alangan namang sabihin niya rito na wala lang siya sa mood kaya hindi siya pumasok."Sino ang natanggal?" aniya."Si Lizzie. Pati na si Kendra," tugon nito. "One-third ng department natin suspended kahapon." Napaisip si Lara. Paano nalaman ni Migo ang nangyayari sa kanya roon eh kagabi lang naman siya nagsabi? At dahil lang sa naiinis siya. But he had fired them in the morning when she hadn't said a word to him yet. Totoo nga kaya ang sinabi nito? Na may pakialam ito sa nangyayari sa kanya roon dahil asawa siya nito?'Dapat lang, Lara. Siya ang nagpasok sa 'yo sa sitwasyong ito. He should be responsible,' sabi ng makatwiran niyang ut
Migo didn't come home that night. But it wasn't like he was supposed to anyway. Sixteen years nga itong hindi umuwi, 'di ba? Magtataka ba siya dapat sa isang gabi? Lara tossed and turned on her bed hanggang sa mag-umaga na lang na hindi siya nakakatulog. What's wrong with her?It was just that she kept thinking about Miguel the whole night without a reason why. Lutang na bumangon siya at naligo. "Miss Lara, may sakit ka ba?" Puna ni Auntie Rosette habang sinisilbi ang almusal niya. Dinama pa nito ng likod ng palad nito ang noo niya."Wala po," nangalumbaba siya. "Did Migo come home, Auntie?" "Hindi," binigyan siya nito nang nagtatakang tingin. "Wala naman siyang sinabi na uuwi siya. Malamang ay nasa condo niya siya." "Saan ang condo niya, Auntie?" tanong niyang kumukuha ng pagkain kahit na alam naman niyang hindi sasabihin sa kanya ni Auntie Rosette kung saan umuuwi si Migo. "May problema ka ba, Miss Lara?" sa halip ay nananantiyang tanong nito
Lara was supposed to call Uncle George para magpasundo. But at twelve midnight, she found herself beside Chester while crying.Si Tasya dapat, pero out of the country ito bigla. Kaya heto, si Chester ang nagtyatyaga sa kanya. Hinihintay siya nitong matapos umiyak dahil narealize na nitong kahit anong tanong ang gawin nito, hindi niya sasabihin ang dahilan ng kanyang pag-iyak. "I feel weird watching you cry," sabi nito na ubos na ang tisyung paisa-isa nitong inaabot sa kanya mula pa kanina. "First time kitang makitang umiyak and I'm dying to know who the f*ck made you to be like this! This isn't you, Lara!" She felt weird crying in front of him too. Pero anong magagawa niya? Tila balong ayaw nang tumigil sa pagluha ang mga mata niya. Heaven knows she wanted to tell Chester the reason for her tears. But she couldn't bring herself to. Kilala naman niya ito, matalik na kaibigan pa nga ng maraming taon. May tiwala siyang hindi siya nito tatawanan o