Share

4. Proud

"Lara," ulit ni Migo nang wala na itong narinig mula sa kanya. "Are you still there?" 

Hindi na halos maalala ni Lara ang mukha ni Migo, pero nang mga sandaling iyon, base sa tono ng napakaganda nitong boses, parang nakikita niya itong nakapangunot-noo.

His voice… It was no longer the same as how she remembered he sounded. Parang mas gumanda? Tunog misteryoso at malamig pero parang may haplos sa puso. 

Ah, basta, 'yon na 'yon! Ang hirap e-explain! 

"Lara," Miguel started to sound annoyed. "Look, if you don't want to talk, ibalik mo na kay George ang telepono—"

"I'm here," putol niyang halos mabingi sa sariling tibok ng puso niya. Para ngang hindi rin siya makahinga. O kinakabahan lang siya kaya siya nagpa-palpitate? 

She waited so long for this. For this one phone call. For this chance to hear his voice! Finally!

"Well, good," sumeryoso ulit ang tono ni Migo. "I want you to prepare your credentials and go to the office tomorrow."

"Sa office mo?" Hindi siya makapaniwala.

For years, she was tempted to go to his office unannounced just to see him. Kaso good girl siya. She was told to never set foot in his office unless he asks her too. At obedient siyang bata kaya naman kahit alam niya kung saan ito nag-oopisina, hindi siya kailanman nagpunta.

Okay. Joke lang 'yon. Hindi niya talaga alam. Or else, nakita na niya sana ito, 'di ba? Madali lang kayang mag-abang sa baba ng building kung sakali. She could play detective if she wanted to.

Miguel Villareal owns a chain of malls. And in the metro alone, nasa sampu na ang malls nito. Hindi niya alam kung saan sa mga iyon nag-oopisina si Migo o kung nasa separate na building ba ito. 

He never told her. Uncle George and Auntie Rosette didn't tell her either as if it was top secret.

"Yes, Lara," parang nakakunot-noo na naman ito. "Look for Ms. Salvacion, the HR manager."

"Wait, are you telling me that I'm going to work in your company?" Tanong niyang medyo na-excite. Naka-adjust na rin siyang kausap niya si Migo after sixteen long years!

"Do you want to work elsewhere?" May pagka-iritable sa tinig nito. “Didn’t we already talk about this in the past?”

“Yes. I just cannot believe it’s already happening now,” malapad ang ngiti niya kahit na hindi siya nito nakikita.

“It’s about time. And congratulations for graduating with the highest honor. I am so proud of you,” he added, siguro nahimigan nito ang saya sa tinig niya kaya nawala na rin ang pagkairita nito. 

Siya naman ay maluha-luha sa sinabi ni Migo. He said he was proud of her. She made her guardian proud! Ay, husband pala. Gustong matawa ni Lara sa sarili. Paano kasi, sa paraan ng pagkakasabi ni Migo ng pagka-proud nito sa kanya, pakiramdam niya, tatay niya ang kausap niya.

Well, Migo raised her. He raised his wife. 

“Thank you!” sambit niya.

“So, get ready. Pass the phone to George, I’ll give him instructions.”

“Wait—” pigil niya. Gusto pa niya itong makausap eh. 

“Yes?”

“Uhmn, am I going to see you at work?” Hopeful niyang tanong.

Narinig naman niya ang pagbuntong hininga ni Migo sa kabilang linya. “We will get there, Lara.”

“When?” pangungulit pa niya.

“By the way, Atty. Baltazar called me about your concern,” his voice suddenly turned cold and serious. Napalunok naman si Lara. Ano pa nga bang concern iyon kundi ang isinadya niya pa sa Abogado kanina? “My answer is no. So don’t ever bring it up again, do you understand?” 

Dahil parang natakot siya sa tono nito, napa-yes siya nang wala sa loob niya.

“Now, pass the phone to George,” sabi pa nito.

Hindi na nakasagot si Lara. Mabigat ang loob na ipinasa niya kay Uncle George ang telepono. 

Alam na ni Migo ang tungkol sa paghahamon niya ng annulment. Iyon din kaya ang dahilan kaya bigla nitong naisip na pagtrabahuin na siya sa kompanya nito? Iniisip kaya nitong baka bored lang siya sa buhay niya? Na kapag naabala siya, makakalimutan niyang makipaghiwalay rito?

‘Kung ano pa man ang dahilan, just be grateful, Lara. At least, you will have the chance to see him again if you will work for him.’

Sige, pansamantala, kalilimutan muna niya ang annulment issue niya. She smiled a little to herself as she waited for Uncle George to finish his conversation with Migo.

Masyadong seryoso si Uncle George na nagti-take down pa ng notes na para bang presidente ng bansa ang kausap nito at hindi pwedeng may ma-miss out itong impormasyon sa mga iniuutos ni Migo. 

“Yes, consider it done, Mr. Villareal.” Nang matapos makipag-usap si Uncle George kay Migo ay nagulat pa ito nang makitang hindi pa siya umaalis. Gano’n ito ka-absorb sa pakikipag-usap kanina sa asawa niya. “‘Andito ka pa, Miss Lara?”

She grinned at the old man. “Uncle, saan ang office ni Migo?” 

“Ipahahatid kita ro’n bukas. Kaya ‘wag mo nang tanungin pa. Ang mabuti pa ay ayusin mo na ang mga kailangan mo. Pinaka-ayaw ni Mr. Villareal sa lahat ay ang taong nali-late.”

Ngumuso naman siya pero tumayo naman at sumunod dito.

“You are expected to be there by eight o’clock in the morning.”

“Oo na po.”

She sighed nang magtungo sa kwarto niya. Konsolasyon na lang talaga niya na malapit na niyang makita si Migo.

---

Naunahan ni Lara ang alarm clock niya kinabukasan. She was that excited. Kailangan ay malaman ni Migo na early riser siya. Ayaw nito sa nali-late? Walang problema!

Nagulat pa nga si Auntie Rosette na maaga siyang bumaba sa dining room. 

“Good morning, Auntie!” nakangiti niyang bati. 

“Good morning! Aba, ang aga mo yata?” napatingin pa ang matanda sa relo nito. “Hindi pa tapos lutuin ang almusal.”

“It’s okay po,” sabi niya. “Maghihintay po ako.”

“Excited ka,” sabi ni Auntie Rosette. “Naayos mo ba ang portfolio mo?”

“Oo naman, Auntie. I’m sure, walang dahilan si Migo para magalit sa akin.”

“Hmn, kumusta naman ang pag-uusap ninyo ng asawa mo?” Syempre, alam nitong unang beses na usap nila iyon ni Migo pagkalipas ng maraming taon. Kaya naman, may bahid ng panunuksko ang tinig ng matanda. 

“Ang ganda ng boses ni Migo, Auntie. Parang iba na sa pagkakatanda ko,” matapat namang tugon niya.

“Bata ka pa kasi noon. Si Mr. Villareal din naman ay dise-nueve pa lang nang dalhin ka niya rito. Hay naku, kay bilis ng panahon! Ikaw ay talaga namang lumaking napakaganda! Siguradong mas hahanga sa ‘yo ang asawa mo kapag nakita ka niya nang personal!”

Napakunot noo siya dahil parang kinikilig si Auntie Rosette. Gayunpaman ay hinayaan na lang niya. Mas concern siya sa sinabi nitong kapag nakita siya ni Migo nang personal.

“Nakikita ako ni Migo?”

“Miss Lara,” ngumiti si Auntie Rosette habang nginunguso nito ang CCTV camera sa dining room. “Walang audio ang mga iyan para sa privacy mo. Pero nakikita ka ng asawa mo.”

Namilog ang mga mata niya. So, the cameras were really working???

‘Gosh, Lara! Nakakahiya ka! Ano naman sa tingin mo? Mag-iinstall ng camera tapos hindi gumagana? Gano’n ka cheap ang tingin mo sa bilyonaryo mong asawa?’

Tapos naalala niyang sinabi nga pala ni Atty. Baltazar na pwede niyang i-check ang mga recordings para mapatunayan niyang umuwi nga ng limang beses doon si Migo pagkatapos ng kasal nila. 

“Auntie,” aniya. “Alam mo rin bang umuuwi rito si Migo?”

“Ah,” parang napatda ito pero nakabawi rin. “Miss Lara, ‘wag mong sabihing nakikipaghiwalay ka sa asawa mo? Iyon lang ang dahilan kaya nalaman mo ang bagay na iyan.”

“So, totoo po? Kailan? Bakit hindi ko po alam?” parang gusto niyang magtampo. “Ibinigay sa akin ni Atty. Baltazar ang time stamp. Pwede ko po bang i-check sa mga recordings?” Tama, baka nga sa pamamagitan noon ay makita niya ang mukha ni Migo.

“‘Kung para makita lang ang mukha niya, ‘wag na. Wala ka ring makikita.”

Lumabi siya. Bakit ba basang-basa siya ni Autie Rosette? Hindi bale na nga. Ngayon naman ay makikita na rin niya sa wakas si Miguel Villareal!

Makapaghihintay pa siya ng ilang oras.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status