Share

Kabanata 19.2

“Beatrice, kanina pa kita hinahanap. Ang akala ko ay hindi ka na talaga darating.” Napatingin ako kay Chairman na bagong dating sa pwesto namin. Tumayo naman ako at nakipagkamay sa kaniya.

“Happy birthday, Chairman. And I have a gift for you also, sana ay magustuhan mo. Hindi ko po kasi alam ang ibibigay ko sayo lalo na at hindi ko alam ang mga hilig mo.” wika ko kahit na saulong-saulo ko na lahat ng mga sports na gusto niya. Kinuha ko sa ilalim ng lamesa ang dala-dala ko, blangko lang namang nakatingin samin si Blaze. Hindi mo alam kung boring na siya sa party o sadyang ganiyan lang talaga siya.

Nakaupo na kaming lahat at nakatingin kay Chairman. Napatingin din ako kay Camilla na nakamasid lang hindi kalayuan samin. Nanlilisik nanaman ang mga mata niyang nakatingin sakin, ang init talaga ng dugo niya sakin.

Tinanggal naman na ni Chairman ang pagkakabalot ng regalo ko at nakatingin lang kami sa kaniya.

“Nakukuryoso talaga ako rito sa regalo mo iha, ano ba ito?” natatawa niyang saad ha
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ma Teress Osias Delpilar
next episode pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status