LOGINNgunit si Erin, sa loob ng limang taon, pinaniwala niya ang sarili na sapat na sa kanya ang maliliit na bagay na ginagawa ni William para sa kanya. Kahit ang pinaka-payak na sandali nila ay ginawa niyang kayamanan—mga alaala na naging dahilan kung bakit patuloy siyang lumalakad sa dilim, umaasang may liwanag sa dulo, at makakamtan niya ang pag ibig ng lalaki.
Ngunit ngayon, malinaw na ang lahat sa kanya: ito na ang katapusan.
“Erin,” malambing na sabi ni Menchie, nakakunot ang kilay na tila nag-aalala, kahit halatang kaplastikan iyon. “Pasensya na sa pagkasira ng kasal ninyo ni William ngayon. Humihingi ako ng paumanhin.. Ng dahil sa akin, hindi natuloy ang kasal niyo...”
Pagkasabi niya niyon, agad niyang kinuha ang braso ni William, parang sinasadyang ipakita kay Erin na siya ang may hawak ng sitwasyon. Naging malambing ang tinig niya habang bahagyang sumasandal sa lalaki. “William, nakita mo? Nag-sorry na ako. Huwag ka nang magalit sa akin…”
“Hm,” maikling tugon ni William, walang emosyon.
Agad namang sumilay ang mapanlinlang na ngiti kay Menchie, puno ng pagmamayabang habang nakatingin kay Erin—para bang siya ang panalo sa laban na hindi naman dapat pinaglalabanan.
Tiningnan ito ni Erin nang malamig. Dati, madali para sa kanya ang makipagpalitan ng salita kay Menchie, lalo na kapag sinusubukan siya nitong sirain. Pero ngayon… wala na siyang lakas para sa ganoong bagay. Wala nang saysay ang kahit anong paliwanag. Nasa punto na siya ng buhay niya, na parang nananawa na siya.
Bumuntong-hininga siya. Isang paraan ng pagtatanggal ng stress.. “Kailangan ko nang bumalik sa kumpanya. May mga gamit pa akong dapat ayusin.”
At tumalikod na siya sa dalawa. Ayaw niyang maging audience ng lampungan ng mga ito.
Ngunit pagdaan niya sa tabi ni William, bigla nitong hinawakan ang kanyang pulso.
Napalingon si Erin, at sumalubong sa kanya ang malalim na mga mata ni William—mga matang minsan niyang inakalang kayang magbago para sa kanya.
“May sasabihin ako—”
Pero hindi na natapos ng lalaki ang nais niyang sabihin.
Dahil biglang nanghina si Menchie sa gilid, at may pa-iyak pang nalalaman na animo ay aping api.
“William…” mahinang bulong ni Menchie, sabay subsob sa dibdib ng lalaki.
Agad siyang sinalo ni William, halatang nag-alala. “Anong nangyayari sayo?”
“Hindi ko… alam…” mahinang tugon ni Menchie, nanginginig ang boses. “Nahihilo ako… matagal na akong hindi nagpapasalin ng dugo…”
Bumilis ang tibok ng puso ni Erin at umikot ang alaala nang marinig niya ang salitang pagsasalin ng dugo. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Mula pa noon, alam niyang may congenital hematopoietic disorder si Menchie—isang sakit na nangangailangan ng regular na blood transfusion. At ang dugo nito ay napakabihira, ang tinatawag na royal blood.
At sino pa ba ang may ganoong uri ng dugo?
Siya. Si Erin.
Noong bata pa sila, wala siyang kaalam-alam sa bigat ng responsibilidad na iyon. Nang una siyang pumayag na magdonate ng dugo kay Menchie, inisip niyang normal lang iyon, lalo’t sinasabi ni William na pinsan niya si Menchie at nangangailangan ng tulong. Sa pagkakaalam ni Erin, tumutulong siya sa pamilya ng lalaking mahal niya.
Pagkatapos niyon, naging parang tungkulin na iyon—isang tungkuling minsan ay ipinagmamalaki pa niya, dahil ang akala niya, ito ang isa sa mga paraan para mapangiti si William.
Hindi niya namalayan na sa pagdaan ng mga taon, halos isang daang beses na beses na pala siyang nagbigay ng dugo sa babaeng ito.Marami ng beses niyang iniunat ang braso, nahilo, nanlambot ang tuhod—habang si William ay nandoon, pero hindi kailanman tunay na tumitingin sa kanya. Tanging ang kamay ng lalaki, ay nakalaan lang sa iisang babae, Kay Menchie.
Kaya nang marinig niya ngayon ang malamig at walang pakialam na utos ni William—
“Erin, maghanda ka na. Sasalinan ulit ng dugo si Menchie mamaya.”Parang may nabasag sa loob niya at iyon ay ang kanyang pasensiya!
Napangiti siya. Isang mapait at mapang uyam na ngiti. Kung tutuusin, dapat matagal na niya itong napagtanto. Siguro, hindi lang basta kaibigan ang turing ni William kay Menchie, kundi isang reyna sa kanyang buhay. At siya?
Isang yaya?
Isang tagasilbi? O mas masaklap—isang mobile blood bank?“Hindi na ako magdodonate ng dugo sa kanya.” matatag niyang sagot, malamig, diretso. “Wala akong planong mag aksaya pa ng dugo sa ibang tao.”
Napakunot-noo si William, tila ba hindi makapaniwalang may lakas-loob siyang tumutol.
“Ang sitwasyon ni Menchie ay espesyal. Kung hindi siya masasalinan ng dugo kaagad, maaari siyang—”“Mamamatay?” putol ni Erin, walang emosyon. Tumagas ang galit at dalamhati sa boses niya, ngunit nanatili ang kanyang ekspresyon—kalma, parang napagod na siya sa lahat. Nagmatigas siya..
“Kung ganoon… hayaan mo siyang mamatay.”Halos malaglag ang panga ni William, gulat at galit na magkasabay umakyat sa kanyang ulo, ngunit hindi na iyon ininda ni Erin. Sa unang pagkakataon, tumanggi siya,hindi na siya magibigay, at tatayo na siya sa sarili.
Sa sandaling iyon, pinutol niya ang huling tanikala na matagal nang nakatali sa kanya.
Palaging mananatili sa alaala ni Erin ang limang taon na nakalipas—ang araw na nawalan ng kontrol ang isang sasakyan. Si Lourdes, sa halip na itulak papalayo si Menchie, ay aksidenteng nadulas at naipit ng gulong.
At siya—si Erin—ang nagligtas kay Menchie.
Akala niya noon, ay masusuklian na ang kabayanihan niyang iyon. Na mapapansin ni William ang kanyang ginawa. Subalit sa huli, wala pa ring ibang naging mahalaga sa lalaki, kundi si Menchie.
“Erin, bigyan mo muna si Menchie ng dugo ngayon, pwede? Saka na tayo mag usap pagkatapos..,” wika ni William, itinaas ang kanyang mga mata at nakatingin kay Erin. Ang kanyang mga maitim na mata ay sumasalamin sa mukha niya—walang emosyon, malamig, parang walang pakialam sa nararamdaman ng iba.
Agad na naglaho ang maliit na pag-asang iyon sa puso ni Menchie ng makita ang katigasan sa mukhang ipinakita ni Erin.
Ngumiti si Erin, mapait at mapakla..Napakatagal niyang naging bulag at tanga sa pag ibig na akala niya ay makukuha niya.
Ngunit ngayon, panahon na, para piliin niya ang kanyang sarili. Walang sinuman ang maaaring magdikta sa kanya. Gagawin niya ang nais niya, ng hindi na kailangang isipin ang sasabihin ng iba.
Kailangang kumbinsihin ni Menchie si Erin, kaya tiningnan niya ito na parang isa siyang kaawa awang babae. Uto uto ang tingin niya kay Erin, at alam niyang susunod ito sa pakiusap niya, alangalang kay William.
“Erin.. alam kong mabuti ang puso mo.. Tatanawin kong malaking utang na loob ito.. Maraming salamat..”
Tumingin si Eri at pinagmamasdan si Menchie mula ulo hanggang paa nang may kaunting pangungutya.
‘Ano bang nagustuhan ni William sa babaeng ito? Halata namang side A at side B ang ugali nito.’ bulong niya sa isip.Noon, akala niya, kapag naging mabuti siya, ay mamahalin na siya ng tuluyan ni William.
Ngunit ngayon, malinaw na sa kanya na wala ito ni katiting na malasakit sa kanya. Wala itong pag-asang magbago, at hindi na niya maipagkakaila sa sarili: hindi siya kailanman mamahalin ng lalaki, gaano man siya kabuti.
Binawi ni Erin ang tingin, at bahagyang sinulyapan si William ng may halong inis..
“Sinabi ko na… hindi ako magdodonate ng dugo sa kanya. Ayoko!.”Bahagyang napasimangot si William, ang mga mata niya ay nanatiling malamig at walang emosyon, ngunit may kakaibang kirot na hindi niya maipaliwanag. Ang kawalang malasakit ni Erin ay nagbigay sa kanya ng pakiramdam ng kaunting pagkabalisa—isang pakiramdam na bihira niyang maranasan sa harap ng iba.
Naaalala pa rin ni William ang unang araw na nakita niya si Erin— ang kabutihan nito.. Ang palangiti at lively nitong tawa. Subalit ngayon.. Parang ang ngiting iyon ay bigla na lang natunaw...
“Ano ang gagawin ko? Kung hindi ako bibigyan ni Erin ng dugo… mamamatay ako!” sigaw ni Menchie, puno ng takot ang mukha. “William, ipinangako mo sa mama ko na aalagaan mo ako…”
Nanlamig ang tinig ni William sa paalalang iyon ng babae. “Hahanap ako ng ibang puwedeng mag-donate. Hindi ka mamamatay.”
Nanlaki ang mga mata ni Menchie, halatang hindi makapaniwala. “Paano kung hindi ka makahanap? Si Erin ang madalas na nagbibigay sa akin ng dugo—pareho ang blood type namin at walang rejection. Bakit kailangan ko pang magpalit ng donor?”
Walang naisagot si William.
Agad nang kumislap ang luha sa mga mata ni Menchie ng makitang tila walang plano si William na makiusap kay Erin. “Sige! Sige! Wala ka nang pakialam sa akin. Hahanapin ko si Tita Lourdes!”
Umiiyak siyang tumakbo patungo sa silid ng matanda..
Makaraan ang ilang sandali, na-frame na naman ni Menchie si Erin sa harap ni Lourdes. Nabaliktad na naman niya ang sitwasyon.
Kakatulog pa lang ni Lourdes kanina, at halatang pagod ang kanyang mukha nang imulat niya ang mga mata. Hindi alam ni Erin kung ano ang ibinulong dito ni Menchie, pero ang tingin ni Lourdes sa kanya ay may halong paninisi at galit.
“William,” mahina ngunit mariing sabi ni Lourdes, “huwag mong hayaang mabully si Menchie. Ang mama niya ay nacoma dahil sa pagliligtas sayo. Ngayon, humihingi lang siya ng kaunting tulong—ilang bags ng dugo lang. Ang dami nang beses na nag-donate si Erin sa kanya, pero bakit ngayon, hahanap ka pa ng iba? Kung hindi siya masasalinan agad, mamamatay siya.”
Bahagyang pinisil ni William ang kaniyang labi, halatang napipikon. “Ma, sinabi ko naman na hahanap ako agad ng paraan. May blood bank naman. Hindi kailangang si Erin ang laging magbibigay sa kanya.”
“Tita Lourdes, tingnan n’yo siya!” singit agad ni Menchie, nagmamaktol. “Lagi niyang iniisip si Erin, pero ako? Ni hindi man lang siya naawa sa akin!”
Napapikit si Lourdes, halatang sumasakit ang ulo sa gitna ng sigawan. Ngunit si William… nanatiling malamig. Ang mga mata niya ay tila nagyeyelo—isang tinging alam ni Lourdes na hindi matitinag kahit sinuman ang makiusap. Buo na ang disisyon ng kanyang anak.
Pero hindi siya makakapayag at muling tumingin kay Erin, “Erin, maaari ka bang magdonate muli ng dugo kay Menchie? Pakiusap… magmamakaawa na ako kung kinakailangan.”
Ngumiti si Erin—isang mapang asar, malamig at mapanuyang ngiti.
Alam niyang mauuwi ito rito.
Sa tuwing nawawalan ng pag-asa si Menchie, siya ang laging sinasakripisyo. At si Lourdes—ang dapat sana’y tatawagin niyang biyenan—ito rin ang unang gumagawa ng paraan upang siya ang lumabas na masama.Walang bago. Sa simula pa lang, mainit ang puso ni Erin, pero palagi itong idinidikit sa malamig na bato. Parang wala namang plano ang pamilyang ito na tanggapin siya, nagkataon lang na nkikinabang sila sa kanya.
Nabalik sa isip niya ang unang araw na nakita niya si William limang taon na ang nakararaan, noong bakasyon after pasko. Kakapasok pa lang niya sa kolehiyo noon. Isang gabi, dahil late siyang umalis ng campus, hinatak siya ng isang lasing na gangster papasok sa madilim naeskinita. Sa pinakadelikadong sandali, isang matangkad at payat na binata ang sumagip sa kanya.
Hindi niya nakita ang mukha nito—napakadilim. Pero nakita niyang sinaksak ng gangster ang dibdib ng lalaki bago ito tumakbo. Hindi niya malilimutan ang dugo. Ang takot. At ang paraan ng pagkakasalo nito sa kanya na parang napakaselan ng pagkakahawak… bago siya tuluyang nawalan ng ulirat.
Nang makalabas siya ng ospital makalipas ang ilang araw, nakita niya ang parehong sugat sa dibdib ni William.
Doon nagsimula ang lahat.
Doon siya unang umibig. Umibig nang mabilis, mabigat, at walang preno.At nang malaman niyang si William ang nagligtas sa kanya, lalo siyang lumubog sa pagkakahulog sa lalaki. Kahit malamig itong makitungo sa kanya, kahit minsan hindi siya tinatapunan ng pansin, hinabol pa rin niya ito. Hinabol kahit nalalanta na siya. Hinabol kahit sinasabihan siyang walang pag-asa.
Bagama’t siya ang “bulaklak” ng law department noon, walang hiya niyang sinundan si William, araw-araw, buwan-buwan… hanggang mahilo siya sa paghabol.
Isangbakasyon, hindi na niya kinaya ang boredom sa bahay nila. Palihim siyang bumili ng tiket sa airplane, itinago sa pamilya, at nagpunta sa probinsiyang kinalakihan ni William.
Akala niya isang romantic gesture iyon.
Pero pagdating niya roon, nadatnan niyang nakadapa sa lupa si William, napapalibutan ng mga kapitbahay.
“Bakit hindi ka nakikinig sa babala!” sigaw ng matandang kapitbahay. “Sabi namin, may mga NPA sa bundok! Hindi mo ba nakita si Lucia—napahamak siya! At ikaw, umakyat ka pa rin sa bundok parahanapin ang annay mo? Nagpapakamatay ka na ba?!”
At doon, sa malamig na lupa, sa gitna ng sigawan at gulo—unang beses niyang nakita ang tunay na mundong ginagalawan ni William.
At doon siya lalo pang umibig dito.
“Baka may nakasalubong ng tulisan ang nanay mo. Tumawag na kami ng pulis. Hintayin mo na lang dumating sila bago ka umakyat sa bundok. Huwag kang magpilit na magtungo doon mag isa,” bulong ng isang matandang babae habang iniiiling ang ulo.
Nag-umpukan pa ang iba pang taga doon, nagbubulungan at nagkukwentuhan na para bang isang palabas lamang ang nangyayari. Lahat sila’y natatakot, pero mas mabilis silang magbigay ng opinyon kaysa ng tulong.
Samantala, si William ay nakadapa pa rin sa lupa—ang mukha’y puno ng alikabok, ang damit ay punit-punit at nababalot ng damo. Ngunit ang mga mata niya… mabangis. Halos walang emosyon sa mukha pero malinaw ang desperasyon: kailangan niyang hanapin ang kanyang ina.
“Hayaan niyo siyang umalis!” sigaw ni Erin, bigla siyang sumugod. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas, pero nagawa niyang itulak ang dalawang lalaking pumipigil kay William.
“Aba’t saan nanggaling ang batang ’yan?” tanong ng isa. “Para sa kabutihan niya ’to! Malapit nang magdilim. Kapag umakyat siya ngayon, baka mahuli din siya ng mga NPA, at paslangin!”
Hindi pa rin gumalaw si William. Tahimik siyang nakaupo sa lupa, ang payat niyang mga daliri ay nakakuyom at nanginginig, pero ni isang salita ay wala siyang inilabas.
Napuno ng inis si Erin. “Ang dami n’yong sinasabi! Imbes na tumayo kayo rito at magsalita, hindi ba mas mabuti kung tutulungan ninyo siyang hanapin ang nanay niya habang may konting liwanag pa?”
Nagkatinginan ang mga tagabaryo—may takot sa kanilang mga mukha, ngunit walang gustong kumilos. NPA raw. Delikado raw. Nakakatakot raw.
“Kung ayaw n’yo siyang samahan, huwag n’yo siyang pigilan!” mariing sabi ni Erin. Inilahad niya ang kamay niya kay William. “Halika. Sasamahan kita. Hahanapin natin si Tita.”
Dahan-dahang itinaas ni William ang tingin sa kanya. Sa mata niya ay may bakas ng pagod, galit, at takot—pero nang makita niya si Erin, parang may bahagyang liwanag na lumitaw.
“Halika na,” bulong ni Erin, mas malumanay.
Hinila niya si William, at magkasabay silang nagsimulang umakyat sa bundok.
Malapit ng lumubog ang araw. Ang paligid ay halos lamunin ng dilim. Ang hangin ay malamig at humahampas sa balat, may dala-dalang kakaibang lamig na nagmumula sa kagubatan. Pero hindi tumigil si Erin.
“’Wag kang mag-alala,” sabi niya habang humihingal. “Tutulungan kitang hanapin si Tita. Hindi kita iiwan.”
Sa bawat hakbang ay nararamdaman niya ang mabilis na tibok ng dibdib niya—hindi lang dahil sa takot, kundi dahil alam niyang ito ang unang pagkakataong tunay siyang naging lakas ni William.
At kahit natatakot siya, mas nanaisin pa niyang harapin ang kadiliman kaysa payagang mag-isa itong masaktan.
“Kapag natagpuan natin si Tita, pag-aaralin natin siya ng Taekwondo at Arnis.Sa gayon, kaya na niyang ipagtanggol ang kanyang sarili sa future!” sigaw ni Erin, habang pinagmamasdan si William na nakadapa sa lupa, halatang pagod at puno ng kahihiyan ang mukha.
Ang tanawin ni William—karaniwang mayabang, maayos, at matatag—ngayon ay nagbigay ng kakaibang sigla kay Erin. Dito lamang niya nakita ang kanyang pagiging tao: may mga oras na wala siyang magawa, desperado, at mahina.
Hindi niya gustong makita si William sa ganitong kalagayan. Kaya dapat, gumawa siya ng paraan, upang mas mapatatag pa ito.
Habang dumidilim ang paligid, masuwerte nilang natagpuan si Lourdes. Nakahiga ito, halos nag aagaw buhay na dahil sa labis na pagkawala ng dugo. Hindi niya nakasalubong ang mga NPA, nahulog lang siya at nasaksak ang kanyang katawan sa isang sanga, kaya dumugo iyon nang husto.
Agad na dinala ni William pababa ng bundok ang kanyang ina. Sa oras na iyon, naalala ni Erin kung gaano nagpapasalamat sa kanya ni Lourdes, at kung paano paulit-ulit na pinapaalalahanan ni Lourdes si William na huwag siyang pababayaan.
Ngunit ngayon… lumipas na ang panahong iyon.
Nagbago ang lahat.Si Lourdes, na dati ay pinoprotektahan at inaalagaan siya, ngayon ay nagmamakaawa sa kanya, hinihiling na bigyan ito ng dugo para isalin sa iba. Ang sitwasyon ay nagbukas ng mata ni Erin ng mas malaki: minsan, ang lakas at kabutihan ay maaaring magsilbing sakripisyo, at ang panahon ay maaaring magbago ng mga tauhan at kapalaran depende sa kung paano nila gusto.. Walang silbi ang utang na loob, kapag lumipas na ito.
Nang mapansin ni Jhonary na may mali sa inaarte ni William, agad niyang isinara ang pinto ng opisina. Ayaw niyang may makarinig sa labas. Pagkatapos, mabilis siyang lumapit at napabuntong-hininga.“William, hindi ka ba pwedeng magsalita nang maayos?” sabi niya, halatang nag-aalala. “Hindi mo ba kilala si Erin? Kapag talagang umalis siya, sa tingin mo ba makakatayo pa ang law firm mo?”Malamig na tumingin si William sa kanya. Sa tono niya, may halong pagtatanggol na hindi niya namalayang lumabas. “Hindi mo ba narinig kanina? Siya ang gustong magbitiw. Bakit ko naman siya pipigilan kung ayaw na niya?”Natigilan si Jhonary. Halos hindi siya makapaniwala sa narinig. Seryoso ba ang lalaking ito sa sinasabi niya? talagang pakakawalan nito si Erin? asset iyon ng kumpanya!“Resign resign, huh!” ulit niya. “ Paano niya iiwan ang S&F? Sa buong firm, kahit sino pwedeng umalis—pero hindi si Erin! Hindi niya iyon kayang gawin. Mahal niya ang kumpanya.”Napailing siya. “Kung ganoon, bakit mo siya t
"Nagpasa na ako ng aking resignation letter," sabi ni Erin.Nagulat ang manager ng personnel department, "Huh?" Matagal bago ito nakasagot, "Pagkatapos nito... kailangan mo munang tapusin ang maiiwan mong trabaho."Alam ni Erin na ayon sa pormal na proseso, kailangan niyang magtrabaho pa ng kalahating buwan bago tuluyang makaalis sa kumpanya. Hindi siya gusto gumawa ng mga bagay na walang simula at wakas. Kaya, kahit pa aalis siya, kailangang maayos ang lahat para hindi maging pabigat sa iba."Papasok ako mamaya para sa job handover," sabi ni Erin."Sige, hihintayin kita," sagot ng manager.Pagkatapos ng tawag, huminga si Erin ng malalim. Naibenta na niya ang bahay at handa nang umalis kapag tapos na ang mga kailangan niyang tapusin.Ngunit may kirot pa rin sa puso niya. Matapos magpahinga ng konti, sumakay siya ng kotse papunta sa law firm. Nang dumating siya, biglang naging mas magaan ang pakiramdam sa buong opisina."Miss Sandoval!" tawag ng mga staff na masayang-masaya sa kanyang
“Miss Sandoval?” tawag ng nurse na nagbalik sa kanya sa katinuan.Halos maiyak siya sa biglang alaala ng mga nangyari. Masakit pala talaga kapag nag-iisa ka na, lalo na kapag ibinigay mo na lahat ng pagmamahal at sakripisyo mo sa ibang tao. Pinahid niya ang mga luha na halos bumagsak sa kanyang pisngi, at agad na pinirmahan ang waiver para sa operasyon.Ilang sandali pa, dinala na siya sa operating room. Matapos siyang turukan ng anesthesia, unti-unting nanumbalik ang kawalan ng pakiramdam sa kanyang katawan. Mas nanaig ang walang sakit kaysa sa hapdi na nararamdaman niya. Sa kabila nito, may mga malalabong boses na naririnig niya, hindi niya maintindihan kung saan nanggaling.Biglang bumalik sa isip niya ang mga alaala ng lalaking minahal niya noon. Nakita niya itong nakalugmok sa lupa, habang pinipigilan ng mga kapitbahay na umakyat sa bundok para iligtas ang ina. Naalala rin niya ang unang araw na binuo nila ang S&F Law Firm. Yumakap siya sa lalaki, at halatang nahihiya ito sa kany
CHAPTER 4“Tita, ospital ito. Lahat ng uri ng dugo ay nasa blood bank nila, hindi na kailangang kumuha ng dugo mula sa akin,” malinaw at malamig niyang tugon. "Mas marami namang option dito.."Ang mukha ni Lourdes ay puno ng kalungkutan at pag-aalinlangan. Para bang hindi siya makakapayag na tumatanggi si Erin ngayon. “Ngunit…”Hindi na siya tiningnan ni Erin. Sa halip, ibinaling niya ang kanyang tingin kay William na nakatayo sa gilid. “William, inilagay ko ang aking resignation letter sa iyong mesa. Nakaimpake na rin ang lahat ng gamit ko. May oras ka para bumalik sa kumpanya at pumirma,” mahina ngunit tiyak ang kanyang boses.Napakunot ang noo ni William. “Anong resignation letter?”“Bata ka!” biglang sumigaw si Lourdes, halatang nabalisa. “Ganyan na ba kalaki ang galit mo sa akin? Hindi iyon ang ibig kong sabihin!”Ngumiti si Erin, malamig at walang pag-aalinlangan. “Tita, magpahinga ka. Bigyang-pansin mo ang iyong katawan. Kailangan ko ng umalis at ipagpatuloy ang pag-iimpake n
Ngunit si Erin, sa loob ng limang taon, pinaniwala niya ang sarili na sapat na sa kanya ang maliliit na bagay na ginagawa ni William para sa kanya. Kahit ang pinaka-payak na sandali nila ay ginawa niyang kayamanan—mga alaala na naging dahilan kung bakit patuloy siyang lumalakad sa dilim, umaasang may liwanag sa dulo, at makakamtan niya ang pag ibig ng lalaki.Ngunit ngayon, malinaw na ang lahat sa kanya: ito na ang katapusan.“Erin,” malambing na sabi ni Menchie, nakakunot ang kilay na tila nag-aalala, kahit halatang kaplastikan iyon. “Pasensya na sa pagkasira ng kasal ninyo ni William ngayon. Humihingi ako ng paumanhin.. Ng dahil sa akin, hindi natuloy ang kasal niyo...”Pagkasabi niya niyon, agad niyang kinuha ang braso ni William, parang sinasadyang ipakita kay Erin na siya ang may hawak ng sitwasyon. Naging malambing ang tinig niya habang bahagyang sumasandal sa lalaki. “William, nakita mo? Nag-sorry na ako. Huwag ka nang magalit sa akin…”“Hm,” maikling tugon ni William, walang e
Huminga nang malalim si Erin, pilit pinipigilan ang kirot ng sugat na hindi niya makita pero ramdam hanggang buto. Ibinaba niya ang tingin sa magandang floor-to-ceiling windows sa harap niya. Sa labas, tirik ang araw, masikip ang trapiko, at sa ibaba niya ay ang malawak at magarang tanawin ng Cebu City—isang lungsod na minsan niyang pinangarap na maging sentro ng tagumpay nila ni William.Isang pangarap na sila sana ang bubuo. Magkasama.Bigla siyang ibinalik ng alaala sa unang araw ng S&F Law Firm—noong nagsimula pa lamang ito bilang maliit na espasyong halos walang laman. Siya, si Erin, ang nagbenta ng nag-iisang bahay na nakapangalan sa kanya upang makapagbayad ng renta. Lahat ng puhunan, oras, lakas, tiwala, at kinabukasan niya ay ipinuhunan niya para matulungan si William.At ngayon… ang buong palapag na ito, ang opisina na minsan niyang pinaghirapan, ay pag-aari na ng lalaki. At siya—ang babaeng naglagay ng unang bato ng pundasyon—wala nang lugar dito.Naalala niya ang unang ar







