LOGINHuminga nang malalim si Erin, pilit pinipigilan ang kirot ng sugat na hindi niya makita pero ramdam hanggang buto. Ibinaba niya ang tingin sa magandang floor-to-ceiling windows sa harap niya. Sa labas, tirik ang araw, masikip ang trapiko, at sa ibaba niya ay ang malawak at magarang tanawin ng Cebu City—isang lungsod na minsan niyang pinangarap na maging sentro ng tagumpay nila ni William.
Isang pangarap na sila sana ang bubuo. Magkasama.
Bigla siyang ibinalik ng alaala sa unang araw ng S&F Law Firm—noong nagsimula pa lamang ito bilang maliit na espasyong halos walang laman. Siya, si Erin, ang nagbenta ng nag-iisang bahay na nakapangalan sa kanya upang makapagbayad ng renta. Lahat ng puhunan, oras, lakas, tiwala, at kinabukasan niya ay ipinuhunan niya para matulungan si William.
At ngayon… ang buong palapag na ito, ang opisina na minsan niyang pinaghirapan, ay pag-aari na ng lalaki. At siya—ang babaeng naglagay ng unang bato ng pundasyon—wala nang lugar dito.
Naalala niya ang unang araw nila sa opisina. Mainit ang panahon, pawisan siya, pero abot-tenga ang ngiti niya habang naglilipat ng mga gamit. Para siyang batang binigyan ng bagong mundo.
“Pwede bang S&F ang pangalan ng law firm na ito?” tanong niya kay William, masigla, puno ng pangarap.
“Pwede mo itong pangalanan ng kahit ano,” mahinang sagot ng lalaki, walang emosyon, parang wala siyang pakialam. “Ikaw ang bahala.”
Hindi romantiko ang tugon, pero sapat na iyon para kay Erin. Dahil para sa kanya, sapat nang may binibigay siyang ambag sa buhay ng taong mahal niya. Sa sobrang tuwa, mabilis niya itong niyakap.
Ngunit mahinahong inalis ni William ang kamay niya. Walang pag-aalinlangan, malamig na bulong ang sumunod:
“Ayaw kong may yumayakap sa akin.”
Dapat noon pa lang, tumigil na siya. Pero hindi—humalakhak pa siya, iniwasan ang sakit at dinaan na lang sa biro. Muli siyang sumubsob sa dibdib nito.
“E di ako na lang ang yayakap sa’yo,” sabi niya, pilit napinapasaya ang sarili.
Noon, ipinangako niya kay William na gagawin niya ang lahat para maging pinakamahusay itong abogado sa buong Pilipinas.
Natawa lang si William at sinabing, “Hindi iyon mahalaga. Ang mahalaga, masaya ka.”
Sa isip niya noon, iyon ang paraan ni William ng pag-aalaga. Ngayon, naiintindihan niyang hindi iyon pag-aalaga—kundi paglayo.
Walang halaga sa lalaki ang kaligayahan niya.
Akala niya, kaya niyang maging masaya kahit hindi siya mahal nito. Akala niya, sapat nang mahal niyaang lalaki. Pero ngayon, malinaw ang lahat: matagal na niyang niloloko ang sarili.
Tumingin siya sa paligid. Maraming kailangang ayusin—mga papel, mga folders, gamit na hindi niya maalala kung kailan huling tinabi. Bawat sulok ng opisina’y punô ng alaala; bawat mesa, saksi sa mga panahong lumaban siya hindi lang para sa propesyon, kundi para sa pagmamahal.
At habang pinagmamasdan niya ang magarang opisina na minsan niyang tinawag na tahanan, isang mapait na katotohanan ang pumasok sa isip niya:
“Hindi lahat ng bagay na itinayo mo ay mananatili sa’yo hanggang dulo.”
Pagkatapos ng lahat, mula nang maitayo ang kumpanya hanggang sa kasalukuyan, si Erin ang nasa likod ni William—nagpaplano, nag-aayos, at nagbubuno ng lahat ng posibleng kahihinatnan para sa firm. At kahit na kay William nakapangalan ang kumpanya, hindi maitatangging dugo at pawis din niya ang nagtataguyod nito. Bahagi ito ng kanyang buhay—at ng kanyang puso.
Kaya nang makita ng mga empleyado si Erin na nag-iimpake ng kanyang mga gamit, nagkatinginan lamang sila, tila may gustong sabihin ngunit walang naglalakas-loob na magsalita. Lahat sila’y narinig ng nangyari sa kasal.
Pero si William ang boss; isang maling salita lang tungkol sa personal niyang buhay ay maaaring sipain agad sila sa trabaho. Kaya nanatili silang tahimik, nagmamasid habang tahimik na naglalagay si Erin ng mga gamit sa kahon.
Nang matapos niyang ipunin ang lahat, handa na sanang umalis si Erin at maghanap ng bagong kumpanya na lilipatan, nang biglang tumunog ang cellphone niya. Pagtingin niya sa screen, napatigil siya—ang ina ni William ang tumatawag.
Maingat niyang hinawakan ang labi niya para maiwasan ang panginginig, pilit pinapakalma ang sarili, at sinagot ang tawag.
“Hello? Si Miss Erin ba ito?” bungad ng katulong ng pamilya, bakas ang kaba sa tinig.
“Hindi namin macontact si Sir William. Biglang nagkasakit ang mama niya at dinala namin sa ospital.maaari niyo po ba siyang puntahan?”
Nanigas si Erin, napahinga siya nang malalim. “Sige… pupunta ako agad.”
********************
Pagdating niya sa ospital, nadatnan niyang nakaupo sa kama si Lourdes, ang ina ni William, habang kumakain ng mansanas na binalatan ng maid. Halata ang kaputlaan nito pero higit na nangingibabaw ang inis sa mukha. Nang makita siya, agad lumalim ang kunot ng noo nito.
“Erin!” singhal ni Lourdes, nanlalamig ngunit puno ng galit. “Ano bang nangyari sa inyong dalawa ni William? Napakalaking okasyon ang kasal!! Alam mo bang kahihiyan ang pagkansela sa mismong araw ng kasal? Hindi na kayo nag iisip?!”
Ramdam ni Erin ang pag-agos ng pawis sa noo niya. Nakita niyang may lakas pa si Lourdes na manermon, kaya’t ang konklusyon niya—hindi seryoso ang sakit nito. Malamang ay sobrang stress lang dahil sa nangyari.
“Tita… huwag ka munang magalit.”
“Paano ako hindi magagalit?” mariin na sagot ni Lourdes, halos magtaas-baba ang dibdib sa galit. “Matigas ang ulo ni William. Walang iniintindi kundi sarili niya! Bakit hindi mo man lang siya kinausap? Pinabayaan mo siyang guluhin ang lahat nang gano’n?!”
Habang humaharap si Erin sa galit ng matandang babae, naramdaman niyang muli ang bigat ng katotohanang matagal na niyang tinatanggap: kahit kailan, kahit anong gawin niya, tila siya pa rin ang laging may kasalanan.
At si William… palaging may taong handang sagipin at ipagtanggol—pero hindi kailanman si Erin ang taong iyon.
Huminga nang malalim si Erin at mahinahong ipinaliwanag ang nangyari, “Nang magsisimula na ang kasal… tumalon si Menchie mula sa building.”
“Ano?!” Halos mapasigaw si Lourdes, nanlaki ang mga mata. “Ayos lang ba si Menchie?”
“Ayos lang siya,”Tugon niya. “Dinala na siya ni William sa ospital.”
Hinaplos ni Lourdes ang kanyang dibdib, tila nabunutan ng tinik. “Diyos ko… muntik na akong atakihin. Buti na lang at ligtas siya.”
Matapos marinig ni Lourdes ang buong pangyayari, tila nabawasan ang bigat sa dibdib niya. Pagkatapos, paulit-ulit niyang pinaalalahanan si Erin na asikasuhin ang mga follow-up sa pagkansela ng kasal at huwag siyang magdulot ng dagdag na problema kay William.
Pagkalipas ng ilang oras na pag-aalala at pag-iyak, nanghina ang katawan ni Lourdes. Hindi nagtagal, nakatulog siya sa kama ng ospital.
“Miss Erin, salamat talaga sa pagpunta,”puno ng pasasalamat ang tinig ng katulong. “Ako na ang bahala rito. Pwede ka nang umalis upang magawa mo na ang lahat ng trabaho mo.. salamat.”
Tumingin si Erin kay Lourdes, mahimbing nang natutulog ang matanda, saka hinarap ang maid.
“Sa susunod… huwag mo na akong tatawagan kapag may mga ganitong problema. Ako—”
Pero hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang mabilis na umiling ang maid, puno ng paghingi ng tawad ang mukha.
“Miss Erin, huwag ka sanang magalit. Ang mga sinabi ni Ma’am kanina… huwag mo nang intindihin. Ganiyan lang talaga ang ugali niya. Simula pa noong bata si Menchie, siya na ang nagpalaki sa kanya, kaya natural lang kung medyo kampihan niya iyon. Pero ang totoo niyan, mahal ka rin niya.”
Napangiti si Erin, ngunit mapait. “Kung ganoon… bakit mas ramdam kong mas gusto niya si Menchie kaysa sa akin?” bulong niya sa sarili. Kahit ang katulong, halatang-halata na nasa side din ni Menchie..
“Hindi ako galit,” mahinang sagot niya. “Pero tapos na kami ni William. Wala na akong kinalaman sa kahit ano tungkol sa kanya. Kung may kailangan si Tita, kay William ka na lang tumawag.”
Pagkasabi niyon, tumalikod si Erin at naglakad palayo, hindi na niya hinayaang makapag react pa ang katulong.
Pag-angat niya ng tingin, nanlaki ang mga mata niya—nandoon si William, kasama si Menchie. Pareho silang nakatayo sa hindi kalayuan, at malinaw na narinig ang lahat.
Nagtagpo ang paningin nila ni William. Ang lalaking iyon—ang perpektong mukha na kahit ilang ulit niyang titigan ay hindi kumukupas sa kaguwapuhan. Oo… kung hindi dahil sa mukhang iyon, hindi sana siya nahulog nang ganoon kalalim… at ganoon kasakit.
“Bakit hindi mo pa inaasikaso ang tungkol sa pagcancel ng kasal at ang mga supplier?” malamig na tanong ni William, nakakunot ang noo. “Sa akin sila tumatawag, nakakaabala sila.”
Isang mapaklang kirot ang umangat sa dibdib ni Erin.
Tama siya.
Hindi nga siya mahal ni William.
Ang gusto lang nito… ay isang taong laging andyan para ayusin ang gulo na kinasasangkutan nito, wala ng ibang dahilan!
Isang… yaya.
Hindi isang babae na mamahalin.
Hindi isang asawa.
Hindi na muling nagpakita si William. Sa kabilang kalsada, nagkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng sangay ng S&F Law Firm sa Zambales, at kasabay ng kanyang pag-alis, tuluyan ring naglaho ang aninong matagal niyang inihagis sa buhay ni Erin.Paminsan-minsan, tumitingin si Erin sa labas ng bintana at napapansin niyang kahit ang mamasa-masa at nanunuot na lamig ng kabuuan ng Zambales ay tila nakagiginhawa na. Para bang ang lahat ng magulo at hindi kanais-nais na alaala ay maayos nang isinilid at itinapon sa ilog Pasig—kasama si William mismo.Siyempre, mas naging tahimik sana ang buhay niya kung hindi dahil sa isang blondeng assistant niya.Nananatili ang mapaghamong blondeng buhok ni Jerwin at ang palagiang salitan ng mga punit-punit na jeans, naglalabas ng isang walang-humpay na aura na nagsasabing “huwag mo akong subukan.” Gayunman, kailangang aminin: ang kakayahan ng lalaki ay talagang tugma sa makinang niyang academic résumé.Matalas ang isip niya, may halos perpektong memorya, at ka
Nang matapos magsalita si Blake, napayuko at bahagyang napaurong si William. Isa lamang iyong munting pag-uga, halos hindi mapapansin, ngunit napakahigpit ng pagkakakuyom ng kanyang mga kamao—bumaon ang kanyang mga kuko sa laman ng kanyang palad.“Hindi… hindi ganito…” paos at tuyong bulong ang kanyang tinig habang pilit hinahanap ang mga salita. “Erin, makinig ka… hindi ko sinadyang saktan ka! Gusto ko lang… gusto ko lang…”Ang nais niya noon ay gumamit ng isang matinding paraan upang makuhang muli ang babaeng ang alam niya ay kanyang pag aari. Hindi niya kayang tiisin ang ideya na tuluyan itong maglaho sa mundo niya. Ngunit hindi niya inasahan na hahantong sa ganitong marahas na kaguluhan ang lahat. Higit sa lahat, hindi niya inakalang magsisiyasat si Blake nang ganoon kalalim—at ganoon kabilis.“Gusto mo lang ng ano?” malamig na malamig ang tinig ni Blake. Halatang nanunuya. “Gusto mo lang bang magkunwaring may ‘heroic rescue’ para makaramdam siya ng utang-na-loob sayo at magbago n
Samantala, pabalik sa apartment ni William…Nakahilig si William sa sofa, maputlang-maputla ang mukha na parang multo. Sa kusina, abala si Jhonary sa paghahanda ng sabaw para sa hangover, at ang tunog ng nagkakabanggaang mangkok at mga sandok ay umaalingawngaw sa tahimik na apartment.Bigla, tumunog ang telepono—isang matinis na ingay na bumasag sa katahimikan.Bahagyang nanginig ang katawan ni William na nakabaluktot sa sofa; ang mga araw ng pamamanhid dahil sa alak ay nagpabagal sa kanyang mga reflex. Nangapa siya sa telepono, ngunit nang makita niya ang caller ID, biglang luminaw ang dati’y malabo niyang mga mata. Lumiwanag ang kanyang mga mata at tuluyang nawala ang natitirang kulay sa kanyang mukha.Tumalon siya mula sa sofa na para bang napaso. Dahil sa biglang galaw, muling sumiklab ang sakit sa sugat sa kanyang dibdib, at napahugot siya ng isang impit na ungol habang tumutulo ang malamig na pawis sa kanyang noo. Hindi pinansin ang matinding kirot, sinagot niya ang tawag—paos
Samantala, sa APEX Law Firm…Ngayon, kasama na ni Erin si Jerwin sa kanyang opisina. Dahil sa magandang takbo ng kanyang law firm, may ilang abogado na rin siyang nakuha. Ngunit ang mata ng lahat ay nakatuon sa nilalang na kasama niya. Naguguluhan ang kanilang mga mata sa tanawing kanilang pinagmamasdan.Isang lalaking may sira sirang pantalon, nakasuot ng jacket na pang motor, at kulay blonde ang buhok, kasama ng kanilang boss!"Ano yan? bakit ganyan?""Talaga bang dito siya magtatrabaho?""Ano namang trabaho ang papasukin niya dito?""Sigurado ba si Madam diyan?"Umiikot ang mga katanungan at bulungang iyon sa loob ng opisina.Sa loob ng opisina, kinuskos ni Erin ang kanyang sentido habang nasisilip ang hindi bagay na tanawin sa likod ng salamin. Kinuha niya ang intercom.“Jerwin, pumasok ka rito sandali.”Walang pagmamadaling ibinaba ni Jerwin ang cellphone. Pumasok siya at kaswal na sumandal sa mesa ni Erin.“Ano ’yon?”Itinuro ni Erin ang bundok ng case files sa tabi niya.“Iayos
“William!”Nagbanggaan ang pagkagulat at galit sa dibdib ni Jhonary. Bigla siyang sumugod, inagaw ang bote mula sa kamay ng kaibigan, at buong lakas itong ibinagsak sa coffee table, na umalingawngaw sa isang marahas na tunog.“Nababaliw ka na ba talaga?! Wala ka na bang matinong pag-iisip?!”Natumba at natapon ang natitirang alak, binasa ang pantalon ni William—ngunit ni hindi man lang siya kumurap. Inangat lamang niya ang mga hungkag na mata, tinignan si Jhonary nang walang anumang emosyon, saka muling ibinaba ang tingin sa kanyang mga walang laman na palad, na para bang nawala sa kanya ang nag-iisa niyang lifeline. Basag na basag ang kanyang anyo, tila wasak na wasak ang buong pagkatao.“Tingnan mo ang sarili mo!” Nagsalubong ang mga kilay ni Jhonary dahil sa labis na galit. Hinawakan niya ang mga balikat ng lalaki, pilit na itinatayo ito.“Tumayo ka! Tumayo ka nga!”Nanatiling nakadikit sa sahig si William, parang patay dahil sa bigat. Sa halip na gumalaw, nagpakawala siya ng maba
Sisigaw na sana si Arnold sa matinding inis, ng biglang may marahang katok na umalingawngaw sa pintuan ng opisina.“Attorney Deigratia, busy po ba kayo?” sumilip si Erin mula sa labas.Nakasuot siya ng light gray na business suit; ang mahaba niyang buhok ay nakaayos paitaas, inilalantad ang eleganteng leeg na parang sa isang modelo. Mukha siyang propesyonal ngunit preskong-presko. Sa likuran niya ay si Arcel, buhat ang isang mabigat na bungkos ng mga dokumento. Nasa Elite sila upang tumulong sa isang legal na usaping may kinalaman sa isang overseas intellectual property dispute.Agad na lumiwanag ang mga mata ni Arnold, para bang may nakita siyang tagapagligtas.“Attorney Sandoval! Sakto ang dating mo! Sa wakas!”Ngunit kasabay ng pagbitaw ng mga salitang iyon, may isang matangkad na aninong tumabon sa kanya. Lumitaw si Blake sa bungad ng pinto. Bahagyang lumambot ang tingin niya nang makita si Erin, ngunit nang mapadako ang kanyang paningin sa nakasubsob na si Jerwin, agad itong tum







