LOGINHindi na naririnig ni Asefeh ang ingay sa paligid. Ang tanging nasa isip niya ay ang makalayo sa hotel. Bitbit ang kaniyang bag, mabilis siyang naglakad palabas ng lobby. Bawat hakbang niya ay puno ng pait, at bawat hininga niya ay parang may kasamang galit."Asefeh! Sandali! Mag-usap tayo!" sigaw ni Lander mula sa likuran. Halos magkandabuhol ang mga paa nito sa pagmamadali.Hinarangan siya ni Marco bago pa siya tuluyang makalabas ng pinto. "Sir, please. Huwag ngayon. Galit na galit siya, lalo niyo lang palalalain ang sitwasyon," matapang na sabi ni Marco, nakadipa ang mga kamay para pigilan ang kaniyang boss."Umalis ka sa daan, Marco! Hindi pwedeng umalis siya nang ganito!" ungal ni Lander. Namumula ang kaniyang mukha sa halo-halong emosyon, takot, galit, at matinding pagsisisi."Sir bilang kaibigan na lang ang pakiusap ko. Hayaan niyo muna siyang huminga," giit ni Marco.Pero hindi nakinig si Lander. Buong lakas niyang tinabig si Marco.Kahit anong pigil ni Marco, parang naging bi
Dalawang araw na ang nakalipas simula noong ma-ospital si Asefeh. Kahit labag sa loob niya, pinilit siyang i-confine ng doctor para masiguradong hindi na babagsak ang kaniyang immune system. Si Lander? Hindi ito tumitigil sa pagpapadala ng prutas, pagkain, at kung anu-anong get well soon gifts na hindi naman tinatanggap ni Asefeh. Para kay Asefeh, masyado nang huli ang lahat para sa ganitong klaseng pag-aalaga.Habang nagpapahinga, biglang tumunog ang phone ni Asefeh. Si Marco ang tumatawag."Sef... Sef, kailangan mong pumunta rito sa hotel ngayon din," boses ni Marco na halatang nanginginig at tila iiyak na."Bakit, Marco? Anong nangyari? Bukas pa ang labas ko sa hospital, 'di ba?" kaba na tanong ni Asefeh habang dahan-dahang bumabangon sa kaniyang kama."Ang mural, Sef... Ang mural mo... Sinira nila."Dumilim ang buong paligid ni Asefeh sa narinig niya. Hindi na siya nag-isip. Tinanggal niya ang kaniyang hospital gown, mabilis na nagbihis, at tumakas sa ospital kahit hindi pa siya p
Dahan-dahang iminulat ni Asefeh ang kaniyang mga mata. Ang unang sumalubong sa kaniya ay ang nakakasilaw na puting ilaw ng kisame at ang matapang na amoy ng disinfectant. Masakit ang kaniyang ulo, parang may pumupukpok sa loob, at ang kaniyang lalamunan ay tuyot na tuyot. Sinubukan niyang itaas ang kaniyang kanang kamay pero naramdaman niya ang bahagyang hapdi ng swerong nakakabit sa kaniya."Asefeh?"Isang pamilyar na boses ang narinig niya mula sa gilid. Lumingon siya nang dahan-dahan at doon niya nakita si Lander. Hindi ito ang Lander na nakita niya sa lobby kanina. Wala na ang suit jacket nito, nakatupi ang manggas ng kaniyang puting polo, at magulo ang kaniyang buhok na tila ba kanina pa ito sumasabunot sa sarili sa sobrang kaba. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ni Asefeh ay ang mga kamay ni Lander, may mga bakas pa rin ito ng pintura, patunay na hindi ito umalis sa tabi niya simula nang isugod siya rito."Water..." paos na sabi ni Asefeh.Mabilis na tumayo si Lander at kumuha
Eksaktong alas-otso ng umaga. Pero para kay Asefeh, parang hindi natapos ang gabi. Nakatayo siya sa tapat ng kaniyang mural, hawak ang isang basahan na puno ng mantsa ng pintura. Ang kaniyang mga mata ay halata sa pagod, at ang kaniyang mga kamay ay bahagyang nanginginig sa bawat galaw. Pangatlong gabi na itong halos dalawang oras lang ang tulog niya dahil sa dami ng pinapabago ni Lander.Narinig niya ang tunog at ang pamilyar na yabag ng sapatos sa sahig. Paglingon niya, nakita niya si Lander. Gaya ng dati, mukha itong galing sa isang magazine, maayos ang buhok, plantsado ang suit, at sobrang seryoso ng mukha. Kasunod niya ang kaniyang assistant na panay ang pindot sa hawak nitong tablet, handa sa anomang utos o reklamo ng boss niya."Check the texture on the lower left part," utos ni Lander sa assistant niya habang naglalakad palapit sa mural. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Asefeh. "Make sure the matte finish is consistent. Ayoko ng kahit anong kintab kapag tinamaan ng i
Third person POVNanatiling nakatayo si Lander sa dilim ng pasilyo, ilang metro lamang ang layo mula sa bukana ng lobby. Hindi siya tuluyang umalis. Nakatago ang kaniyang katawan sa likod ng isang malaking haligi, sapat para hindi siya makita ni Asefeh, pero sapat din para mapanood niya ang bawat galaw ng babae.Pinanood niya kung paano dahan-dahang nanghina ang mga balikat ni Asefeh matapos siyang tumalikod. Nakita niya ang pagbitaw nito sa palette na kanina lang ay hawak nito nang may determinasyon. At ang pinakamasakit sa lahat, nakita niya ang unti-unting pagdausdos ni Asefeh sa malamig na sahig ng lobby hanggang sa mapaupo ito nang tuluyan.Napakuyom ang mga kamay ni Lander sa loob ng kaniyang bulsa. Gusto niyang humakbang pabalik. Gusto niyang takbuhin ang distansya sa pagitan nila, luhuran ang babae, at bawiin ang lahat ng masakit na salitang binitawan niya. Pero nanatili siyang estatwa. Mula sa kaniyang kinatatayuan, naririnig ni Lander ang mahihinang hikbi ni Asefeh na umaal
"May kailangan pa po ba kayo, Mr. San Real?" tanong ko. Pinilit kong maging matatag ang boses ko.Hindi siya agad sumagot. Lumapit siya nang dahan-dahan sa mural ko. Tinitigan niya ang bandang itaas kung saan ipininta ko ang paglubog ng araw sa Coron, ang bahagi na pinaka-makulay at puno ng pag-asa."I changed my mind," malamig niyang sabi habang nakatingin pa rin sa pader. "The lighting fixtures for this area will be adjusted tomorrow. And because of that, the shadows will fall differently on this mural. Hindi na babagay ang kulay na ginamit mo rito."Napakunot ang noo ko. "Pero Mr. San Real, sumunod ako sa approved proposal. Ang lighting plan na ibinigay ni Marco ang naging basehan ko sa pagpili ng shades ng pintura."Humarap siya sa akin, at sa pagkakataong ito, mas matindi ang lamig sa kaniyang mga mata. "I am the owner, Sef. At sinasabi ko sa 'yong hindi ko gusto ang magiging kinalabasan nito kapag binago ang ilaw. I want you to revise this entire section. Start tonight if you h







