Share

Kabanata 66

Author: Kaizo
last update publish date: 2026-05-05 20:25:44

Eksaktong alas-otso ng umaga. Pero para kay Asefeh, parang hindi natapos ang gabi. Nakatayo siya sa tapat ng kaniyang mural, hawak ang isang basahan na puno ng mantsa ng pintura. Ang kaniyang mga mata ay halata sa pagod, at ang kaniyang mga kamay ay bahagyang nanginginig sa bawat galaw. Pangatlong gabi na itong halos dalawang oras lang ang tulog niya dahil sa dami ng pinapabago ni Lander.

Narinig niya ang tunog at ang pamilyar na yabag ng sapatos sa sahig. Paglingon niya, nakita niya si Lander.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 66

    Eksaktong alas-otso ng umaga. Pero para kay Asefeh, parang hindi natapos ang gabi. Nakatayo siya sa tapat ng kaniyang mural, hawak ang isang basahan na puno ng mantsa ng pintura. Ang kaniyang mga mata ay halata sa pagod, at ang kaniyang mga kamay ay bahagyang nanginginig sa bawat galaw. Pangatlong gabi na itong halos dalawang oras lang ang tulog niya dahil sa dami ng pinapabago ni Lander.Narinig niya ang tunog at ang pamilyar na yabag ng sapatos sa sahig. Paglingon niya, nakita niya si Lander. Gaya ng dati, mukha itong galing sa isang magazine, maayos ang buhok, plantsado ang suit, at sobrang seryoso ng mukha. Kasunod niya ang kaniyang assistant na panay ang pindot sa hawak nitong tablet, handa sa anomang utos o reklamo ng boss niya."Check the texture on the lower left part," utos ni Lander sa assistant niya habang naglalakad palapit sa mural. Hindi man lang niya tinapunan ng tingin si Asefeh. "Make sure the matte finish is consistent. Ayoko ng kahit anong kintab kapag tinamaan ng i

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 65

    Third person POVNanatiling nakatayo si Lander sa dilim ng pasilyo, ilang metro lamang ang layo mula sa bukana ng lobby. Hindi siya tuluyang umalis. Nakatago ang kaniyang katawan sa likod ng isang malaking haligi, sapat para hindi siya makita ni Asefeh, pero sapat din para mapanood niya ang bawat galaw ng babae.Pinanood niya kung paano dahan-dahang nanghina ang mga balikat ni Asefeh matapos siyang tumalikod. Nakita niya ang pagbitaw nito sa palette na kanina lang ay hawak nito nang may determinasyon. At ang pinakamasakit sa lahat, nakita niya ang unti-unting pagdausdos ni Asefeh sa malamig na sahig ng lobby hanggang sa mapaupo ito nang tuluyan.Napakuyom ang mga kamay ni Lander sa loob ng kaniyang bulsa. Gusto niyang humakbang pabalik. Gusto niyang takbuhin ang distansya sa pagitan nila, luhuran ang babae, at bawiin ang lahat ng masakit na salitang binitawan niya. Pero nanatili siyang estatwa. Mula sa kaniyang kinatatayuan, naririnig ni Lander ang mahihinang hikbi ni Asefeh na umaal

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 64

    "May kailangan pa po ba kayo, Mr. San Real?" tanong ko. Pinilit kong maging matatag ang boses ko.Hindi siya agad sumagot. Lumapit siya nang dahan-dahan sa mural ko. Tinitigan niya ang bandang itaas kung saan ipininta ko ang paglubog ng araw sa Coron, ang bahagi na pinaka-makulay at puno ng pag-asa."I changed my mind," malamig niyang sabi habang nakatingin pa rin sa pader. "The lighting fixtures for this area will be adjusted tomorrow. And because of that, the shadows will fall differently on this mural. Hindi na babagay ang kulay na ginamit mo rito."Napakunot ang noo ko. "Pero Mr. San Real, sumunod ako sa approved proposal. Ang lighting plan na ibinigay ni Marco ang naging basehan ko sa pagpili ng shades ng pintura."Humarap siya sa akin, at sa pagkakataong ito, mas matindi ang lamig sa kaniyang mga mata. "I am the owner, Sef. At sinasabi ko sa 'yong hindi ko gusto ang magiging kinalabasan nito kapag binago ang ilaw. I want you to revise this entire section. Start tonight if you h

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 63

    Asefeh's POVDumating ang balitang darating na ang may-ari ng hotel para sa inspeksyon."Sef, ayusin na natin ang lahat," tawag sa akin ni Marco. Halata sa boses niya ang excitement na may halong kaba. "Nandiyan na si Mr. San Real. Siguraduhin nating lahat ay sumusunod sa plano."Tumango lang ako habang mahigpit na hawak ang brush ko. Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. Ito na ang sandaling pilit ko ring kinalilimutan, ang muling makita ang lalaking naging dahilan kung bakit ako napadpad dito.Biglang bumukas ang malalaking pinto ng lobby. Pumasok ang isang grupo ng mga lalaking naka-suit, at sa gitna nila, nandoon siya.Si Lander.Ibang-iba na ang itsura niya. Mas matikas siya ngayon, pero ang mukha niya... parang pader na bato. Wala kang makikitang kahit anong ngiti o emosyon. Parang hindi siya ang Lander na minahal ko noon."Good morning, Mr. San Real," bati ni Marco. "Ito na po ang lobby, at heto ang mural na ginagawa ng artist nating si Sef."Huminto si La

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 62

    Ang Coron ang naging takbuhan ni Asefeh para makalimot. Sa bawat hampas ng alon, sinusubukan niyang burahin ang sakit na iniwan ni Lander. Anim na buwan na ang nakalipas, at ang buhay niya ay naging simple pero payapa. Nagpakilala siya rito bilang si Sef. Ayaw na niyang maalala ang nakaraan sa Maynila, kaya ibinuhos na lang niya ang lahat ng oras niya sa pagpipinta.Naging sikat si Sef sa isla dahil sa ganda ng kaniyang mga gawa. Hanggang sa isang araw, nakakuha siya ng malaking project. Siya ang kinuha bilang lead artist para sa isang bagong luxury hotel na itinatayo sa Coron. Malaking pagkakataon ito para sa kaniya, kaya tinanggap niya ito agad.Sa unang araw niya sa trabaho, nagulat si Asefeh nang makita ang arkitekto ng hotel."Marco?!" gulat na sabi ni Asefeh."Asefeh? Ikaw ba 'yan?" sagot ng lalaki na tuwang-tuwa.Si Marco ay dati niyang kaibigan at mentor sa sining noong nag-aaral pa siya. Siya ang unang naniwala sa galing ni Asefeh. Matagal silang hindi nagkita dahil biglang

  • Nagbabagang Pagnanasa (SPG)   Kabanata 61

    Third Person POVMatapos ang mainit na tagpong iyon sa madilim na lugar, dahan-dahang inayos ni Asefeh ang kaniyang nagusot na silk dress. Habang hinihingal pa, tumingin siya sa salamin at nakita ang kaniyang sarili, ang mga labing namumula, ang magulong buhok, at ang mga matang tila nawalan na ng kislap. Sa bawat pintig ng kaniyang puso, ramdam pa niya ang init ng katawan ni Lander, ang marahas na pag-angkin na tila isang huling paalam."Lander, tama na," mahinang sabi ni Asefeh habang isinusuot ang kaniyang takong. Hindi niya kayang tingnan ang lalaking kasalukuyang nag-aayos ng kaniyang cufflinks na tila ba walang nangyaring sa labas ng apat na sulok ng silid na iyon."What do you mean, tama na?" tanong ni Lander, ang boses ay malalim at puno ng babala. "Asefeh, sabi ko naman sa 'yo, inaayos ko ang lahat. Konting tiis na lang.""Ilang tiis pa, Lander?" Hinarap siya ni Asefeh, ang mga luha ay nagbabadyang pumatak pero pinigilan niya. "Narinig ko si Victoria. Totoo ang sinabi niya. A

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status