Share

The Billionaire's Lust and Lies
The Billionaire's Lust and Lies
Author: Ice canjie

Chapter I

BAHAGYA nang umiikot ang paningin ni Clea dahil sa dami ng kaniyang nainom. Kasalukuyan silang nagsasaya ngayon sa isang bar ng kaniyang mga kaibigan na sina Rissi, Angie, Loisa at Tiffany. Sa wakas kasi ay nakahanap na siya ng matinong trabaho at hindi niya na maririnig ang araw-araw na bulyaw ng tiyahin na paulit-ulit siyang pinaghahanap ng trabaho at tinatawag na palamunin. Sa isang mamahaling bar siya dinala ng mga kaibigan bilang treat na rin sa kaniya, tutal ay may kaya naman ang mga kaibigan niya. Ang totoo kasi niyan ay mapera noon ang kaniyang pamilya, nakapag-aral siya sa mamahaling paaralan at doon nakilala ang mga kaibigan. Marangya ang buhay nila noon ngunit bigla silang lumagapak sa lupa nang mamatay ang kaniyang ama sa isang aksidente. Mayroon pala itong iniwan na napakaraming utang at pinaghihirapan ito ngayon ng kaniyang ina na nasa ibang bansa at nagtatrabaho upang hanggang ngayon ay makapagbayad.

“Congrats, Cle. Malaya ka na,” wika ni Loisa at tumawa. Tinungga nito ang hawak na isang baso ng tequila. “Sa unang sahod mo umalis ka kaagad sa bahay ng tita mo. Humanap ka ng bahay.”

“Sabi ko naman kasi sa ‘yo may space pa sa bahay,” wika naman ni Rissi.

“Okay lang, Rissi, ano ka ba. Nakakahiya rin ‘no.” Ngumiti siya upang panatagin ang loob ng kaibigan. Ibinaba niya sa lamesa ang kaniyang inumin. “Tama na rin na matuto ako nang sa sarili kong pagsisikap. Tutulungan ko si Mommy na makapagbayad sa utang ni papa kapag nakapagsimula na ako.” Ito talaga ang unang-una sa kaniyang listahan sa oras na makapagsimula sa trabaho. “And of course, aalis ako kila Auntie Cha.”

“Good,” magkakasabay na wika ng mga kaibigan niya at pinag-untog nila nang marahan ang kani-kanilang baso. Nagpatuloy sila sa pag-inom hanggang sa pare-pareho na silang tinamaan nang matindi. Malakas ang tugtog sa dance floor at marami-rami na ang nagsasayawan sa gitna kaya naman nagkayayaan ang kaniyang mga kaibigan na sumayaw. Dahil sa hilo ay tumanggi na lamang siya at nanatili sa kaniyang upuan. Matagal-tagal na rin simula nang huli siyang makainom kaya naman kanina pa talaga siya tinamaan. Malalakas din kasing manginginom ang mga kasama niya. Maya-maya habang nagpapahinga sa kinauupuan ay bumaligtad ang kaniyang sikmura kaya naman dali-dali siyang tumayo at nagtungo sa likuran ng bar upang doon ilabas ang lahat ng nasa lalamunan niya. Dumuwal siya at pabagsak na naupo sa damuhan nang nanghihina ang buong katawan.

“It’s cold here, Young Lady.”

Kumunot ang kaniyang noo at naniningkit ang mga mata niyang tumingin sa pares ng binti na nasa kaniyang harapan. Nag-angat siya ng tingin at nakita ang isang guwapong lalaki na bahagyang may katangkaran. Tumango lamang siya. Nanghihina siya at talagang nahihilo pa rin. Sunod ay naramdaman niya na lamang ang kung anong mainit na tela ang pumatong sa kaniyang mga balikat. Muli siyang napatingin sa lalaki, ipinatong nito sa kaniyang balikat ang isang itim na leather jacket. Nahumaling siya kaagad sa amoy ng pabango nitong tila rosas.

“T-thanks, Mr…”

Ngumiti lamang ito at hindi sinagot ang una niyang sinabi. “Would you mind if I invite you to my place tonight?” malambing ang boses nito at talagang nakakaakit.

Hindi niya alam kung epekto lang ba iyon ng alak o talagang nabibighani siya sa magandang lalaking ito. Amoy niya rin ang ibang uri ng alak sa hininga nito at ibang-iba ang pakiramdam niya sa mga mata nitong titig na titig sa kaniya. Tila siya sandaling nawala sa kaniyang sarili at nagising na lamang siyang magkalapat na ang kanilang mga labi. Napakabilis ng pangyayari, Naramdaman niya na lamang na umangat siya mula sa kinauupuan. Hindi siya nakipagtalo dahil lulong na siya sa matamis na mga labi nitong masuyo siyang hinahalikan. Nagkusa na lamang din pumulupot sa leeg ng lalaki ang kaniyang mga braso.

Napakabilis ng pangyayari. Nagbitaw lamang ang kanilang mga labi nang ibaba siya ng lalaki sa loob ng sasakyan. Tila wala na sa sarili si Clea at kusang sumama sa lalaki na hindi niya naman kilala, palagay lamang ang kaniyang loob at siguro ay dala na rin ng alak. Halos hindi niya na nga naintindihan ang sinabi ng lalaki kanina. Habang nasa byahe ay nakatulog siya.

Samantala, dinala siya ng lalaki sa silid nito at marahang inhiga sa ibabaw ng kama. Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa nang mayroong matinding pagnanasa. Marahang lumapit ang lalaki at pinasadahan ng mga daliri nito ang kaniyang mga binti. Maiksi ang suot niyang bistida at halos tumaas na iyon nang maupo siya sa sasakyan ng lalaki at makatulog. Nakagat nito ang ibabang labi habang hinahaplos ang nakalantad niyang mapuputing mga hita. Hindi pa ito nakuntento at lumapat ang palad sa magtambok niyang mga dibdib at marahan iyong minasahe.

Wala siyang kamalay-malay sa ginagawa ng lalaki.

Pumangibabaw ito sa kaniya at mabilis na hinubad ang suot na T-shirt. Kaagad siya nitong sinunggaban pagkatapos. Inangkin ang kaniyang mga labi na sabik na sabik hanggang sa bumaba ang mga halik nito sa kaniyang leeg at balikat. Ibinaba nito ang strap ng kaniyang hapit na hapit na dress at saka patuloy na pinaulanan ng halik ang kaniyang balikat pababa sa kaniyang dibdib. He put down her dress and completely expose her bosoms.

Mas lalong nag-init ang lalaki nang tuluyang makita ang namimilog niyang mga dibdib at kulay pula ang dulo. Kaagad nito iyong sinunggaban.

Naalimpungatan naman siya at mahinang napaungol dahil sa ginagawa ng lalaki. Napahawak siya sa buhok nito at mas lalong idiniin ang mukha ng lalaki sa kaniyang dibdib. “Ugh…” isang ungol ang kaniyang pinakawalan. Nasasamyo niya pa rin ang tila rosas nitong pabango. Saka lamang nagising ang diwa ni Clea nang maramdaman ang palad ng lalaki na dumapo sa gawi ng pagitan ng kaniyang mga binti.

He touched her private part though she’s still wearing her panty. Ngunit hindi iyon naging sagabal sa lalaki dahil iginilid lamang nito iyon at saka nagpatuloy sa ginagawa. He began to get more tempted when he felt her slit with his fingers.

Nakagat ni Clea ang ibabang labi dahil sa mapaglarong mga daliri ng lalaki na marahang hininaplos ang kaniyang pagkababàe. She heard him groaned and continue sucking her tïts. Gamit ang dila nito ay malaya nitong pinaglaruan ang dulo ng kaniyang mga dibdib hanggang sa mamula ito. Ramdam na ramdam niya na ang pamamasa sa pagitan ng kaniyang mga binti.

Walang kahit na isa sa kanila ang nagsalita habang napakainit ng kanilang mga tagpo. Sandaling lumayo ang lalaki at tuluyang hinubad ang lahat ng saplot sa katawan, saka muling pumangibabaw sa kaniya at ipinuwesto ang sarili sa pagitan ng mga nakabuka niyang binti. “I’ll be gentle, Sweetie.”

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Hilda Joaquin
dto pla xkau nalipat miss A, nababasa ko po kc ung mga story mo dati sa dream
goodnovel comment avatar
Marvie De Leon
Dito na me ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status