Share

CHAPTER 4

"Sir..." tawag ko kay Sir William dahil medyo malayo na ang nalakad naming dalawa. Nag-alala  ako baka hanapin ako ni Lola sa loob. 

Isa pa natatakot ako sa anyo niya dahil parang galit ito, hindi ko lang kung sa akin ba o sa mga kaibigan niya. Pero malamang sa akin, siguro nainis ito dahil nagfeeling-close ako sa mga kaibigan niya kanina. Si Ate Cara naman kasi e.

Kanina niya pa hawak ang kamay ko at hindi pa rin ito tumigil sa paglalakad kaya napapasunod ako sa kanya. Dinig ko pa ang malakas niyang paghinga habang naglalakad kami. Naiilang din ako dahil wala siyang suot na t-shirt at nakikita ko ang buong likod niya. 

"Sir saan niyo po ako dadalhin?" tanong ko pero hindi man lang ito sumagot kaya nagsimula na akong kabahan. Ito pa naman ang unang bebes na nakalapit ako sa lalaking walang suot na damit pang-itaas. Tsaka nakakatakot ang tattoo niya sa likod parang galit yong ibon na nakatingin sa akin, baka bigla na lang ito magkaroon ng buhay at tukain ako. Uy! Wag naman sana.

"Sir William ang layo na po natin. Saan ba tayo pupunta?"

"Sa langit." masungit niyang sagot sa akin kaya lalo akong kinabahan. Gusto ko pang mabuhay, paano na lang si Lola kung dadalhin niya na ako sa langit? 

"Sir naman oh...hindi pa po ako handa." talagang natatakot na ako kay Sir William dahil hindi pa rin ito tumutigil sa paglalakad.

Kinakabahan na ako dahil nasa malayong parte na kami ng hacienda. Nakakatakot din  ang ugat sa kamay niya dahil parang may sariling buhay ang mga ito, gumagalaw habang hila hila niya ang aking kamay. Dinagdagan pa ng tatoo sa buong braso niya. Ang laki din ng mga muscles niya sa likod at siguradong madudurog ako kung gugustuhin niya talaga. 

"Sir William...ang kamay ko po." muli kong tawag sa kanya saka pa ito huminto. Akala ko bibitawan niya ang kamay ko ngunit nanatili lamang ang pagkakahawak niya dito. Sinubukan ko kunin pero muling humigpit ang pagkakahawak niya kahit nakatalikod pa rin siya sa akin.

Ilang segudo pa itong nanatiling nakatalikod sa akin na tila pinapakalma ang kanyang sarili saka dahan-dahang humarap. Agad kong iniwas ang tingin sa kanya dahil naiilang akong tumingin sa dibdib niyang walang damit. 

"I'm sorry..." saad niya sa mababang boses.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakaiwas ang tingin ko sa kanya. Hindi ko din naman kasi alam kung para saan ang paghingi niya ng sorry. Mas miigi sigurong doon siya humingi ng sorry kay Sir Knight dahil wala naman itong ginawang masama sa kanya. Siya lang naman tong biglang naging iritado sa kaibigan niya.

"Your name is Amethyst right?" tumango ako pero iwas pa rin ang tingin.

"Amethyst Louisse Dimaculangan po ang buong pangalan ko, Sir. Apo po ako ni Lola Belinda at ako po ang papalit sa kanya dito sa hacienda niyo." magalang kong sagot sa kanya. Kailangan ko ang trabahong ito kaya kailangan maging maayos ako sa pagsagot kay Sir William.

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Kung gagawan ako nang masama ni Sir William siguro walang makakarinig sa amin dahil malayo na kami. Malalaki pa naman ang mga puno dito tsaka ang daming pananim. 

"Please look at me." hinawakan niya pa ang panga ko tsaka pinaharap ako sa kanya. Ayoko man dahil naiilang ako ngunit napilitan akong tumingin sa mukha niya. Ang kaninang galit nitong anyo ngayon ay naging maamo na. Ang kaninang masungit nitong mga mata ay malamlam nang nakatingin sa akin.

Anong nangyari? Ang bilis naman magbago ng emosyon  ni Sir William.

"Look, Louisse, I'm sorry..." naging masuyo din ang boses niya hindi gaya kanina nung sininghalan niya si Sir Knight.

"Po?" kunot noong tanong ko sa kanya. Tsaka bakit Louisse ang tawag niya sa akin? Siya lang ang tanging tumatawag sa akin sa second name ko.

"I said I'm sorry..."hinuli niya ang mga mata ko kaya wala akong nagawa kundi ang makipagtitigan sa kanya. Marahas niya pang sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang isang kamay tsaka muling bumaling sa akin.

"Bakit po kayo nagso-sorry sa akin? Para saan po?" inosenting tanong ko sa kanya.

Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan saka kinuha niya ang isa ko pang kamay kaya tuluyan na akong nakaharap sa kanya. Naiilang ako sa posisyon naming dalawa, konti na lang magkakadikit na ang katawan namin.

Dahil matangkad si Sir William kailangan ko pang  tumingala sa kanya, ayokong ibaba ang tingin ko dahil makikita ko ang hubad niyang katawan.

Ang virgin eyes ko parang hindi na ata magiging virgin dahil dito kay Sir William. Bakit ba kasi hindi ito nagdamit bago man lang ako hinila doon kanina?

"I'm sorry for what I said earlier, Louise." 

"Saan po doon Sir?" pagmamaang-mangan ko pero alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Tungkol ito sa sinabi niyang hindi siya pumapatol sa isang katulong. Pero ayos lang naman sa akin, tama lang din naman yon. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa paligid? Marami pa namang mapanghusga sa panahon ngayon.

"Look, Louisse, I know you heard it and I' m so sorry for that. That's not wha--"

"Ah yun ba Sir? Naku! Ayos lang po Sir, walang problema yon sa akin." bahagya pa akong ngumiti sa kanya. " Wala naman pong mali sa sinabi niyo kanina, Sir. Choice niyo po yun, tsaka wala naman po tayo sa teleserye o sa pocketbook na yong mga amo pumapatol sa katulong po. Walang ganyan sa totoong buhay, alam ko po yon Sir." Mahaba kong paliwanag sa kanya pero hindi man lang nagbago ang eskpresyon ng mukha niya. Pansin ko tuloy lalo pa itong namomroblema.

Ayoko din namang mag-assume na kaya siya nagso-sorry dahil may gusto siya sa akin. 

Wow Amethyst ha, haba ng hair mo day!

"Sige na Sir, balik na po ako doon. Ayos lang po talaga Sir. Tama naman po kayo e."

"No Louisse, that's not what I meant for that."

Umiling ako sa kanya, anong hindi? Dinig ko kaya, nagpapalusot ka lang eh. 

"Ayos lang po Sir, wag po kayong mag-alala. Wala namang problema sa akin yon. Tsaka Sir hindi niyo naman po kailangan magpaliwanag sa akin, katulong niyo lang po ako dito. Hindi naman po sakop ng trabaho ko kung ano man ang opinyon niyo doon sa pinag-uusapan niyo kanina ng mga kaibigan mo."

Gusto ko na sanang bawiin ang kamay ko sa kanya pero mahigpit ang pagkakahawak niya dito na tila ba wala siyang balak na pakawalan ito.

"I'm so sorry for saying those words Louisse, I hope mapapatawad mo ako." he said hopeful. Kita ko pa ang frustration sa mukha niya na tila nagmamakaawa sa aking unawain ko ang mga salitang binitawan niya kanina.

"Ayos lang po Sir, wala naman po akong problema doon, saka trabaho naman po ang hanap ko. Pasensiya din po pala kung nakinig ako sa usapan niyo kanina." muli kong iniwas ang tingin ko sa kanya. " Hindi na po mauulit Sir William. Sorry din po kung nakipag-usap ako sa mga kaibigan niyo. Hayaan niyo po hindi na ito mauulit."

Binitawan niya ang kamay ko tsaka hinawakan ang baba ko at muli akong pinaharap sa kanya. Parang bigla akong nakadama ng kakaiba ng maramdama ko ang kamay niya sa aking mukha. Akala ko aalisin niya ito ngunit nanatili siyang nakahawak dito habang diritsong nakatingin sa aking mga mata.

"I'm sorry for saying those words earlier, I hope you will forgive me... please Louisse"

Agad akong nagbaba ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mga titig ni Sir William. Dagdagan pa ng sobrang lapit ng mukha niya sa akin, nakakailang.

 Ang bango bango niya pa naman samantalang ako amoy safeguard na nabilad sa araw na. Pero kahit ganun pa man sigurado naman akong hindi mabaho ang kili kili ko, yon ang laging bilin ni Lola sa akin simula  maliit pa ako.

Humakbang ako palayo pero di ko inaasahan ng bigla niya akong hapitin palapit sa kanya, napasubsob tuloy ako sa dibdib niyang walang damit. Bigla niya na lang akong niyakap kaya hindi ako nakagalaw.

Bakit parang nilalagnat siya? Ang init ng katawan niya tsaka para siyang hinihingal. 

Sinubukan ko siyang itulak pero lalong humigpit ang pagyakap niya sa akin. Wala siyang damit at baka may makakita dito sa amin. Ano na lang ang iisipin nila? Tsaka bakit niya ako niyayakap?

 Hindi na ba virgin ang katawan ko dahil niyakap ako ni Sir William? Hala magagalit talaga si Lola sa akin neto. 

"Sir William?"

"I'm sorry Louisse..I'm sorry..."

Mahina kong tinapik ang balikat niya dahil ilang beses na itong humingi ng paumanhin kahit sinabi kung ayos lang. Gusto ko ng kumalas sa kanya dahil naiilang talaga ako lalo't hubad siya.

"Sir..ayos lang po, wag niyo na pong isipin yon..." 

Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin kaya marahan ko siyang tinulak para makalayo ako sa kanya.

"Mauna na po ako Sir, tutulungan ko pa po sila Lola."

Agad na akong tumalikod sa kanya, hindi ko na hinintay ang sagot niya pero bago pa man ako tuluyang makalayo muli niya akong tinawag kaya tumigil ako. Naramdaman ko ang mga yapak niya palapit sa akin pero hindi ako lumingon.

"Louisse... can you do me a favor?" halatang pinipigilan nitong mapataas ang boses niya.

Humarap muna ako sa kanya dahil ang sabi ni Lola wag makiipag-usap ng nakatalikod dahil nakakabastos daw yon. Pero sana pala hindi na lang ako humarap dahil sobrang lapit niya naman ulit sa akin. 

Bakit ba dikit ng dikit si Sir William sa akin? Akala ko ba ayaw niya sa mga katulong? E di sana wag siyang lumalapit sa akin dahil katulong din naman ako nila dito. 

Pambihira talaga to si Sir William ang labo, ang hirap ispelingin.

"Can you--?"

"Ano po yon Sir?" putol ko sa kanya. 

"Can you...please don't e-entertain...K-Knight?"

Kumunot ang noo ko sa kanya. Pati ba sa mga kaibigan niya ayaw niya ding makipag kaibigan ako? Ganito ba talaga ang mga mayayaman? Akala ko sa teleserye lang, pati pala sa totoong buhay? Pero diba mga babae lang naman ang masusungit? Bakit pati si Sir William masungit din?

"Okay lang ba?..please?" 

Mapait akong ngumiti sa kanya. Hindi ako makapaniwala na ganito ang ugali ni Sir William, akala ko pa naman iba siya.

"Please don't get me wrong..." humakbang ito palapit sa akin pero tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya. 

"Naiintindihan ko po kayo Sir, pasensya na po kanina."

"No Louisse...Don't get me wrong...a-ayokong... ayokong lumalapit si Knight sayo kasi naiinis ako sa kanya." nakita kong umigting ang panga niya pagkatapos niyang sabihing naiinis siya kay Sir Knight.

Bakit kaya?

"Wala naman pong ginagawang masama si Sir Knight sa akin Sir William. Maayos naman po niya akong kinausap kanina, hindi niya naman po ako binastos. Bakit po kayo maiinis?" Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong ipagtanggol si Sir Knight dahil wala naman talaga itong kasalanan. 

" Yon na nga wala pa siyang ginagawa sa ngayon... kaya ayoko..." Halata ang pagtitimpi sa boses niya.." A-ayokong mapalapit ka sa kanya, Louisse..."

"Dahil po ba sa mahirap lang ako Sir? Ayaw mong magkipag kaibigan din ang  kaibigan mo sa gaya kong mahirap lang?"

Diritso akong tumingin sa mga mata niya. Wala na akong pakialam kung ano man ang iisipin niya sa akin ngayon. Kung tatangalin niya man ako sa trabaho wala na akong magagawa, maghahanap na lang ako sa bayan. Isa pa wala akong makitang masama sa pakikipag-usap ni Sir Knight kanina, siya lang naman ang biglang nagalit ng walang basehan. 

"NO! Of course not." agad naman niyang tanggi. " It's just that...I d-don't want to see you smiling and talking to any man...other than me..."

Hindi ko na pinansin ang huling sinabi niya dahil nagsisimula na rin akong mainis sa kanya. Walang basehan ang pagsusungit niya ngayon, para siyang batang inagawan ng laruan kung makaasta.

"Bakit po Sir? May mali po ba akong ginawa kanina sa mga kaibigan mo? Sa pagkaka-alala ko po kasi, nakipagkilala lang naman po sila sa akin. Tsaka naniniwala po kayo sa sinabi ni Sir Knight? Nagbibiro lang naman yon, bakit niya naman ako dadalawin sa bahay e ngayon lang naman kami nagkakilala?"

"Yon na nga, ngayon lang kayo nagkakilala pero feeling close na siya sayo." halatang malapit na maubos ang pasensya niya sa akin kasi nakikipagtalo pa talaga ako sa kanya. "Fuck!" malutong niya pang mura.

Feeling close? Wala naman akong naramdaman na ganun kay Sir Knight, siya lang ang naglalagay ng malisya. Kung naiinis pala siya sa kaibigan niya e di sana hindi niya na lang in-invite ito dito sa hacienda nila. Ano yon plastikan lang? Tsaka bakit kay Sir Knight lang, ibig sabihin ba ayos lang makipag-usap sa iba?

"Paano kung sabihin kong ayoko ko, Sir?" nakita ko ang pagkunot ng noo niya na parang hindi nagustuhan ang narinig mula sa akin.

 "Tsaka feeling ko naman mabait si Sir Knight, Sir William. Hindi mo naman yon magiging kaibigan kung hindi kayo magkasundo diba? Mas masungit pa nga ang mukha nung kakambal niya. Saka yong ibang kaibigan mo maligalig din naman, bakit hindi kayo naiinis sa kanila?" mahabang paliwanag ko na parang lalong ikinainis niya.

"Don't test my patience Amethyst Louisse." may babalang saad niya sa akin.

Tingnan mo to, bigla bigla na namang nagsusungit. Kanina ang bait ng mukha e, bigla nalang naging masungit ulit. 

"Bakit po Sir William, anong gagawin niyo? " naghahamon kong tanong sa kanya. 

Di porke't nagtatrabaho ako sa kanila pwede na niyang kontrolin ang buhay ko. Hello? Kaano ano ko ba siya? Hindi ko naman siya Kuya para pagbawalan ako at higit sa lahat hindi ko siya nobyo parang umastang ganyan sa akin.

"Do you really wanna know, Louisse?" 

Humakbang ito palapit sa akin kaya bigla akong kinabahan. Patay ako nito. Yan na kasi ang sinasabi ni Lola, pigilan ko ang bunganga ko. 

Umatras din ako palayo sa kanya kaya tumawa ito ng mahina.

"Scared now, Peanut?"

O bakit nadamay ang mani dito? 

 "Do you want to know kung ano ang gusto kong gawin sayo ngayon, Amethys Louisse?" tanong niya na nakangisi pa.

Tinapatan ko ang tingin niya sa akin. Anong akala niya takot ako sa malaking katawan niya? Pwes sinasabi kong...Oo takot ako! Ghad sa liit kong ito isang pilipit niya lang sa akin tiyak durog ako.

Pero hindi ako pwedeng magpahalata noh. Pinasadahan ko tingin ang kanyang katawan. Dinidisplay mo pala ha? O e di pagmasadan natin ang magandang view. 

Magandang view?! Jusko po!

Hindi ako nahiyang tingnan ang katawan niya na proud niya namang pinakita sa akin. Kulang na lang e-flex niya ang braso niya para makumpleto ang pagmamayabang niya dito. Pero in fairness naman may ipagyayabang din. 

Muntik pa akong mapalunok ng mapadako ang tingin ko sa kanyang dibdib. Ang laki ng mga muscles niya dito parang nakakatakot at the same time nakaka- enggangyong hawakan kasi parang sobrang tigas nito. 

Paano kaya nangyaring naging ganito ang katawan niya? 

Bumaba ang tingin ko sa bandang tiyan ni Sir William, hindi ko na napigilang mapalunok. 

Ang ganda naman ng pagkakahiwa hiwa ng mga muscles niya , muntik ko pa itong hawakan mabuti at agad kong naibaba ang kamay ko. Nag-init tuloy ang pisngi ko sa kahihiyan.

Shit Amethyst nakakahiya ka, tiyak makukutusan ako ni Lola kapag nalaman niya ito. My goodness, may palunok-lunok ka pang nalalaman. Ano nauuhaw ka dahil sa nakikita mo? Nakakahiya talaga.

"You wanna touch, Peanut?"  mapanuksong tanong nito sa akin. Halata pa ang amusement sa mukha niya dahil sa naging reaksyon ko. Nakita ko pang dinilaan niya ang pang-ibabang labi niya. Kung iba siguro ang gumawa nun baka sinuntok ko na, ang manyak kayang tingnan. Pero bakit parang iba ang dating kapag si Sir William? Ang halay ng isip ko ah!

"Like it?" proud pang tanong nito sa akin kaya lalong init ang aking pisngi.

Inirapan ko siya para matabunan ang pagkapahiya ko. Bwesit kasing mata to hindi nalang pumirmi, kung saan saan pa kasi tumitingin e, yan tuloy.

"C'mon, Peanut..."sinubukan niya pang abutin ang kamay ko pero tinago ko ito sa aking likod. Ayoko ngang hawakan. Eww! Baka sabihin niya pang minamanyak ko siya noh. Landi nitong si Sir William, may tinatago din palang kalokohan.

Tsaka bakit niya naman ako tinatawag na peanut? Anong akala niya sa akin, mani?

"Mauna na ako sa inyo Sir, Bye na!"

Ayoko ng magtagal pa dahil parang niloloko lang naman ako nitong si Sir . Ano na lang ang iisipin ng mga kaibigan niya ang tagal kaya namin dito sa likod. Andun pa naman si Ate Cara kanina, baka isumbong pa ako nun kay Lola.

"Wait!"

"Sabihin niyo na po lahat SIr William, baka mapapagalitan na ako ni Lola, kung saan saan ako sumusuot dito. Tsaka baka kabagin po kayo oh, kanina pa kayo n*******d e." Tinuro ko pa ang hubad niyang katawan. Hindi na ako nahiya, bahala siya kung anong iisipin niya.

"Promise me first na hindi mo kakausapin si Knight, bago kita pakawalan dito." 

"Alam mo Sir, ang labo mo. Bakit ba ang init ng dugo niyo kay Sir Knight? Wala namang ginagawa yong tao sa yo."

"Peanut, I'm warning you." 

"Pwede ba Sir, wag mo akong tawagin peanut? Oo hindi ako kagandahan pero hindi din naman siguro ako mukhang mani ano?"

"Fuck! you're so cute." natatawang saad niya. 

Inikutan ko siya ng mata. Wala sa ayos tong si Sir William. "Ewan ko sayo Sir William. Bahala ka dyan." 

Nagmamadali na akong lumayo sa kanya. Kailangan ko ng makabalik at baka hinahanap na ako ni Lola. 

"Peanut, about what I said..." aniya habang nakasunod sa akin. Dinoble ko pa ang mga hakbang ko pero nabutan niya parin ako.

"Oo na Sir. Hindi ko lalapitan si Sir Knight. Si Sir Knoxx nalang kakausapin ko, mukhang mabait din naman yon." sagot ko ng nakangisi pa. Hindi ako lumingon dahil alam ko na ang reaksyon niya.

"Wag mo akong subukan Amethyst...I'm telling you..."

"Nakuuu, ewan ko sayo Sir, lahat na lang ayaw mo. Bye na Sir, bumalik ka na doon sa mga kaibigan mo."

"Tandaan mo ang sinabi ko sayo, Peanut...kung ayaw mong..." hindi niya tinuloy kaya tumigil ako.

"Kundi ano Sir?" kuryuso kong tanong sa kanya. Nakita ko pang pinigilan nitong matawa kaya sumimangot ako sa kanya.

"Ano Sir William? Anong gagawin mo sa akin?" tinaasan ko pa siya ng kilay na tila nanghahamon.

 Nakakaloko itong ngumisi sa akin. Pinasadahan niya pa ng tingin ang buong mukha bago ito nagsalita. 

"Ano Sir?"

"Kainin ko yang mani mo." Nakangising sagot niya sa akin. 

Alam kong iba ang ibig niyang sabihin do'n sa sinabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Pakiramdam ko nagsiakyatan lahat ng dugo ko sa aking mukha. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Bastos!" 

Hinampas ko pa ang dibdib niya bago ako tumakbo palayo sa kanya. Narinig ko pa ang malakas niyang tawa. Apaka bastos mo talaga Sir William. Ugh!

Comments (4)
goodnovel comment avatar
Jeckk
Ayieee kilig naman wahahaha
goodnovel comment avatar
Rose Ann Merilos
oh edi nagselos ka ngayon
goodnovel comment avatar
Rose Ann Merilos
Sa langit naman pala pupunta hahahaha seneol
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status