Share

CHAPTER 11

CHAPTER 11

WALANG habas siyang pinompyang ni Lengleng pagkatapos. Napahawak si Bria sa kaniyang ulo. She winced her pain because of the strong impact.

“Aray ko naman!” reklamo niya dahil konti na lang yata at papunta na siya sa internal bleeding!

“Ate, ayos ka lang po ba?” nag-aalalang tanong naman sa kaniya ni Yesha sa gilid.

Pinilit niyang ngumiti kahit gusto niyang isagot rito na: “bebe, hindi. Parang kagat lang naman ‘to ng dinosaur.”

Pero syempre, hindi naman niya iyon puwedeng sabihin! May pinagdaanan itong mabigat kanina ’tapos gagatungan pa ba niya?

“Buang ka talaga, Biyang!” tawa pa ni Lengleng na para bang hindi nito inalog ang buong mundo niya.

Sarkastiko siyang tumawa. “Haha. Nakakatawa yung ginawa mo, ‘no? Gusto mo gawin ko rin sa ‘yo para mas masaya?”

Akmang hahablutin niya rin ang ulo ni Lengleng nang mabilis itong nakaiwas sa kaniya.

Hays! Sayang!

“Ate, puwede po ba ’kong pumunta muna kila Ate Doris sa clubhouse po? Tutulong po muna 'ko sa kanila...” paalam ni Yesha
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status