Share

The Billionaire's Nanny Contract
The Billionaire's Nanny Contract
Author: Zairalyah_dezai

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-03-21 10:45:26

Ariana's POV

“You are fired!”

Halos mabingi si Ariana sa sigaw ng manager ng boutique. Ramdam niya ang mga nagbabanggang titig ng mga kasamahan niya habang pinapanood siyang kinakaladkad palabas ng security guard.

“W-wait, Ma’am! Hindi po ako nagnakaw! Wala akong kinalaman d’yan!” desperadong paliwanag niya habang pilit niyang nilulundo ang kanyang braso mula sa mahigpit na hawak ng gwardya.

Pero parang wala siyang boses sa harap ng galit na galit na manager. Nakapamewang ito, nakataas ang kilay, at puno ng panunumbat ang tingin.

“Huwag ka nang magpaliwanag, Ariana! May CCTV footage na nagpapakitang nandito ka malapit sa alahas na nawala! Wala nang ibang pinaghihinalaan kundi ikaw!”

Napanganga siya. CCTV? Kung may footage nga, bakit hindi muna nila tingnan nang maayos? Saan doon ang eksaktong kuha na siya mismo ang kumuha ng alahas?

“Hindi ko po kinuha ‘yun! Sumpa man! Kahit butas ng karayom, papasukin ko, ‘wag niyo lang akong pagbintangan ng ganyan!” halos lumuha na siya sa pagkadismaya.

Ngunit imbes na pakinggan siya, nagkrus ng braso ang manager. "Tama na ang drama! Ayaw mo bang umalis nang maayos? Gusto mo bang ipakulong pa kita?"

“Kung may ebidensiya kayong ako talaga ang may gawa, sige! Dalhin niyo ako sa presinto!” matapang niyang sagot, pero sa totoo lang, nanginginig siya sa kaba.

Ang mga kasamahan niya sa boutique ay nakatayo lang, walang gustong magsalita para ipagtanggol siya. Ilan sa kanila, pilit na iniiwasan ang tingin niya—parang iniisip na baka nga may ginawa siya.

“Ariana, umalis ka na lang.” Mahina ngunit matalim ang boses ng isang kaibigan niya, si Lani. "Kahit ano pang sabihin mo, hindi ka nila pakikinggan."

Napakagat-labi si Ariana. Pinag-initan na naman siya. Hindi ito ang unang beses na nasisisi siya sa isang bagay na hindi niya ginawa, pero ito na ang pinakamalupit—isang kasong pwedeng ikasira ng pangalan niya.

Pero anong magagawa niya? Wala siyang ebidensiyang magpapatunay ng kawalang-malay niya. At sa tingin ng lahat, siya na ang kriminal.

Huminga siya nang malalim bago tumingin nang diretso sa manager. "Fine. Aalis ako. Pero tandaan niyo 'to—hindi ako magnanakaw. At isang araw, kayo mismo ang makakakita ng katotohanan."

At sa huling pagkakataon, tinitigan niya ang boutique kung saan niya ibinuhos ang pagod at pagsisikap niya. Ngayon, para bang isang masamang panaginip lang ang lahat.

Habang naglalakad palabas ng mall, ramdam niya ang bigat sa dibdib. Wala na siyang trabaho. Wala na siyang ipapadala sa pamilya niya. Paano na siya ngayon?

Pero bago pa man siya tuluyang lamunin ng kawalan ng pag-asa, isang tawag mula sa kaibigan ang nagbigay sa kanya ng bagong pag-asa.

“Ariana, may trabaho akong gusto mong subukan…”

Pinahid ni Ariana ang mga luha sa pisngi, ngunit lalo lang nagkalat ang make-up niya. Ang dating maayos niyang eyeliner ay parang naging warpaint, at ang pulang lipstick ay kumalat sa gilid ng labi niya, para siyang kakain ng tao. Wala siyang pakialam. Sa dami ng malas na dumaan sa kanya ngayong araw, kahit magmukha siyang bruha, wala na siyang paki.

Kinuha niya agad ang cellphone at tinawagan ang kaibigan niyang si Beth, na nagtatrabaho sa isang factory.

“Beth, totoo ba ‘yung sinabi mo? May trabaho ka para sa akin?”

“Oo, bes! Alam mo bang napaka-urgent nito? Yung among babae ko, aalis na for work abroad. Kailangan niya ng bagong yaya para sa anak niya. Ang dami na nilang tinanggap, pero wala ni isa ang nagtagal! Alam mo na, makulit daw ‘yung bata at suplado pa ‘yung tatay.”

Napakunot-noo si Ariana. "Ha? Bakit naman? E ‘di ba mayaman sila? Bakit hindi na lang sila kumuha ng professional na yaya?”

Narinig niyang bumuntong-hininga si Beth sa kabilang linya. “‘Yan nga ang catch, bes. Ang gusto ng among babae, ‘yung hindi type ng asawa niya. Ayaw niyang kumuha ng maganda at sexy na yaya, baka raw landiin ng asawa niya. Kaya perfect ka para sa trabaho!”

"Excuse me?" Halos mahulog ang cellphone ni Ariana sa sinabi ng kaibigan. "Gusto mong sabihin, nakuha ko ang trabahong ‘to dahil mukha akong losyang?!"

"Huy, bes! Hindi ko sinabing losyang ka! Pero... alam mo na, hindi ka naman super glamorous sa lagay mong ‘yan.”

Muntik nang ipukpok ni Ariana ang cellphone sa noo niya. Pero bago pa siya makasagot, nagmadali si Beth.

“Punta ka na agad sa factory building. Magmamadali ang among babae, aalis na siya sa isang oras. Kung gusto mong magka-trabaho, bilisan mo na!”

Tiningnan ni Ariana ang sarili niya sa repleksyon ng salamin sa isang tindahan habang naglalakad palabas ng mall. Lalong kumunot ang noo niya. "Hala, mukha nga akong multo."

Wala nang oras para mag-ayos. Sa halip, mabilis siyang nag-abang ng taxi.

Nang makasakay siya, hindi napigilan ng driver na mapatingin sa kanya sa rearview mirror. Napasinghap ito bago natawa nang bahagya. "Miss, ano’ng nangyari sa’yo? Halloween na ba?"

Napairap si Ariana. "Manong, wala ako sa mood makipagbiruan. Pakibilisan na lang po."

Nangingiti pa rin ang driver habang minamaneho ang taxi. "Huwag kang magalit, hija. Mukha ka kasing dumaan sa bagyo. Break-up ba ‘yan? O nadisgrasya ka sa make-up?"

Huminga nang malalim si Ariana at piniling hindi na lang sagutin. Sa totoo lang, wala na siyang lakas makipagdebate. Isa lang ang sigurado niya—ito na lang ang pagkakataon niyang muling magkaroon ng trabaho.

Kaya kahit mukha siyang sira-sira na clown ngayon, wala siyang pakialam. Kung ito ang paraan para makuha ang Billionaire’s Nanny Contract, susuungin niya ito—make-up at lahat.

Pagkarating ng taxi sa harap ng malaking factory building, halos hindi pa ito tuluyang humihinto nang biglang bumukas ang pinto at mabilis na bumaba si Ariana. Hindi na niya inintindi ang gulat na reaksyon ng driver nang muntik siyang madapa sa pagmamadali.

"Hoy, bes! Dito!" sigaw ng kaibigan niyang si Beth, kumakaway ito sa kanya mula sa may gate ng factory. Halata sa mukha nito ang pananabik, pero hindi rin nito maitago ang gulat nang makita ang itsura niya. "Ay, Diyos ko, Ariana! Ano'ng nangyari sa mukha mo? Para kang galing sa war zone!"

Hingal na hingal si Ariana habang inaayos ang nagulong buhok. "Wala nang tanong-tanong, bes. Saan ako pupunta?"

Hinila siya ni Beth papasok ng factory at halos kinaladkad patungo sa opisina ng amo nito. "Dali! Naghihintay na si Ma’am Noime. I swear, bes, ito na ang biggest opportunity mo. Ten million pesos after one year! Ni sa panaginip, hindi mo ‘yan kikitain sa boutique!"

Napalunok si Ariana habang pinoproseso ang sinabi ng kaibigan. Sampung milyon?! Kahit pa araw-araw siyang magtinda ng alahas sa boutique (kung hindi lang siya natanggal), hindi niya iyon kayang kitain sa loob ng ilang dekada!

Pero bago pa niya maipagpatuloy ang pag-iisip, biglang bumukas ang isang pinto sa dulo ng hallway. Isang babae na naka-business attire at may mataray na ekspresyon ang lumabas, nakataas ang kilay at nakatitig kay Ariana mula ulo hanggang paa.

“Ikaw ba ang inirekomenda ni Beth?” tanong nito, halatang hindi sigurado kung dapat siyang tanggapin o hindi.

Bahagyang yumuko si Ariana at mabilis na nagpakilala. “Opo, Ma’am! Ariana Natividad po. Ready na po akong maging nanny ng anak niyo!”

Napansin niyang bahagyang kumibot ang labi ni Noime, para bang pinipigilan ang sarili na matawa. Napakunot ang noo ni Ariana.

"I see..." Napatingin si Noime kay Beth, saka bumalik ang tingin kay Ariana. "Ikaw ang perpektong yaya na hinahanap ko."

Naningkit ang mata ni Ariana. "Totoo po? Bakit naman?"

Ngumiti si Noime, pero halatang may kung anong lihim na kasamang intensyon ang mga mata nito. "Dahil hindi ka magugustuhan ng asawa ko."

Nanlaki ang mata ni Ariana. "Ha?! Ano po?"

"Never mind. Ipapaliwanag ko na lang mamaya. Pero bago ang lahat, pumirma ka muna ng kontrata. Once you sign, there’s no turning back."

Muling napalunok si Ariana habang nakatitig sa papel na inilapag ni Noime sa mesa. Isang kontrata na magbabago sa buhay niya.

Sampung milyon. Isang taon.

Ano ba naman ang isang taon ng pagiging yaya sa makulit na bata kung kapalit nito ay isang buhay na hindi na siya maghihirap?

Sa huli, huminga siya nang malalim, kinuha ang ballpen, at buong tapang na pumirma sa kontrata.

"Deal, Ma’am."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mhay
Grabe 10million sahud s Loob ng isang taoN talaga hahhaha baka nga kaibigan nya p lng sinuOng na trbaho maging yaya lng,kapalit ng 10mllion.........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 96

    THIRD PERSON POV Tahimik na ang gabi. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng orasan at ang banayad na huni ng kuliglig sa labas ng bintana. Sa loob ng silid, nakahiga na si Emanuel sa gitna ng malaking kama, mahimbing na ang tulog, yakap-yakap ang bagong stuffed toy na binili ni Zephyr. Dahan-dahan namang lumabas ng kwarto sina Zephyr at Ariana, at nagtungo sa balcony ng kanilang silid. Suot ni Ariana ang manipis na cotton robe, habang si Zephyr ay naka-simpleng pajama lang, hawak ang dalawang tasa ng gatas na may kaunting cinnamon—alam niyang paborito ni Ariana ito sa gabi. “Para sa ‘yo,” sabi ni Zephyr sabay abot ng tasa. Ngumiti si Ariana. “Alam mo talaga kung paano ako pakalmahin.” “Syempre,” sagot ni Zephyr, sabay upo sa tabi niya. “Wala akong ginustong ibang kabisaduhin kundi ikaw.” Tahimik silang umupo saglit. Ang hangin ay malamig ngunit hindi nakakakilabot—bagkus ay may hatid na katahimikan. “Naalala mo nung first time tayong nagkita?” tanong ni Zephyr

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 95

    THIRD PERSON POV Lumipas ang mga buwan, at sa wakas, kapayapaan ang bumalot sa buhay nina Zephyr at Ariana. Matapos ang lahat ng kanilang pinagdaanan—mga luha, hindi pagkakaunawaan, at masasakit na salitang binitiwan—narito na sila, tahimik na masaya. Lumalaki na rin ang tiyan ni Ariana. Araw-araw ay mas ramdam niya ang buhay na tumitibok sa kanyang sinapupunan—isang biyayang bunga ng pagmamahalan nila ni Zephyr. Kahit abala sa negosyo at mga pagpupulong si Zephyr, sinisigurado pa rin nitong hindi niya nakakalimutan ang kanyang tungkulin bilang asawa. Umuuwi ito ng maaga, dala ang paboritong prutas ni Ariana, o di kaya'y may dalang bagong unan para sa kanyang likod. Bawat sandali, pinaparamdam ni Zephyr na siya'y iniintindi, minamahal, at pinapahalagahan. --- ARIANA'S POV Masarap sa pakiramdam ang ganitong katahimikan. Ang simoy ng hangin sa hardin, ang bango ng mga bulaklak, at ang ingay ng mga ibong tila masaya rin sa paligid. Dito ko nahanap ang bagong "ako." Hindi na ako

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 94

    THIRD POV Habang nagtatawanan pa sina Zephyr at Emanuel, abala sa paglalambingan, biglang lumapit si Yaya Felecidad, may hawak na tuwalya at cellphone sa isang tray. "Iha, ito nga pala ang cellphone mo. Mabuti na lang at hindi nasira sa ulan kagabi. Baka may importanteng tawag ka." Nagpasalamat si Ariana at agad kinuha ang phone. Bahagyang nabasa pa ito pero gumagana pa rin. Pagbukas niya ng screen, nakita niya ang pangalan ni Beth na tumatawag. Napakunot ang noo ni Ariana, may kaba sa kanyang dibdib. Agad siyang tumingin kina Zephyr at Emanuel, saka mahinang nagsabi ng, "Saglit lang ha… sagutin ko lang 'to." Lumayo siya ng kaunti at tumapat sa isang tahimik na bahagi ng veranda ng mansyon. "Hello, Beth? Anong meron?" tanong ni Ariana, agad na pansin ang kaba sa boses ng kaibigan sa kabilang linya. "Ariana… may nangyari na rito." Halos pabulong si Beth, halatang tensyonado. "Galit na galit si Don Raul. Pinalayas na rin ako sa mansyon... Lahat ng gamit ko, nilabas. H

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 93

    Inangat ni Donya Remedios ang baba ni Ariana, marahan at may halong pag-aalaga. Kita sa mga mata ng matanda ang lalim ng pag-unawa at malasakit habang tinititigan ang mukha ng dalaga. “Tapos na, iha,” marahang sabi ni Donya Remedios, punô ng katiyakan ang boses. Nanginig ang labi ni Ariana, at sa wakas, hindi na niya napigilan ang luha. Pumatak ito sa pisngi niya, ngunit agad ding pinunasan ni Donya Remedios gamit ang hinlalaki. “Ang dami mong tiniis. Ang dami mong kinaya,” bulong ni Donya Remedios. “Ngayon, hayaan mo naman ang sarili mong maging masaya.” Napatitig si Ariana sa matanda. Hindi siya makapagsalita, ngunit sapat na ang titig niyang iyon upang maiparating ang pasasalamat at bigat ng damdaming kanyang kinikimkim. “Deserve mo ang kaligayahan, Ariana,” muling sabi ni Donya Remedios. “Hindi lang bilang ina... kundi bilang ikaw.” Yumakap si Ariana kay Donya Remedios, mahigpit, tila isang batang matagal nang naghanap ng kalinga. Yumakap din ang matanda, mas mahigpit

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 92

    “Mama…” tawag ni Esmeralda, may nanginginig na bahid sa kanyang tinig habang humahakbang palapit sa matanda. “Kahit kayo... kakampihan n’yo si Ariana?” Lumingon si Donya Remedios nang mabagal, tinitigan ang manugang nang diretso sa mata. Ngunit bago pa ito makapagsalita, nagpatuloy si Esmeralda. “Hindi mo siya tunay na kilala. Hindi mo alam kung saan siya nanggaling, kung anong klase siyang babae. Hindi siya karapat-dapat sa apo mo.” Sumiklab ang galit sa mga mata ni Esmeralda. “Ginagamit lang niya si Zephyr! Huwag po kayong magpadala sa maamong mukha n’yan. Hindi kayo dapat malinlang!” Pero nanatiling tahimik si Donya Remedios. Isang uri ng katahimikang mas mabigat pa sa sigaw. Pinakamasakit itong uri ng pagtanggi para kay Esmeralda—ang hindi siya paniwalaan ng babaeng minsang naging ina-inahan niya. “Mama naman…” halos pagmamakaawa na ni Esmeralda, pilit niyang binabago ang tinig, ginagawang paawa, “Ako ito… Esmeralda. Ang minahal n’yong parang tunay na anak. Ang itinuring n’yo

  • The Billionaire's Nanny Contract   Chapter 91

    “Well, well…” mapanuyang sabi ni Senyora Esmeralda habang pababa rin siya mula sa hagdan. Malamig ang boses, matalim ang titig, at bawat hakbang niya ay tila ba’y sinasadyang pabigatin ang hangin sa paligid. Napalingon si Ariana sa kanya, bahagyang napaurong habang hawak pa rin ang balustre. “Ang ganda naman ng timing mo, Ariana,” dagdag pa nito, habang nakakunot ang noo at nakataas ang isang kilay. “Tamang-tama. Kasi ikaw na ang susunod na aalis.” Napatigil si Ariana. Napakapit siya sa tiyan niya, tila instinct na protektahan ang anak sa sinapupunan mula sa anumang masakit na salita. Hindi siya nakapagsalita agad. Alam niyang hindi siya welcome sa mansyong ito, pero iba na ang lantarang pagpapaalis na ito ni Senyora. “Mama…” mahigpit ang boses ni Zephyr na bumaba mula sa hagdan mula sa kabilang dulo, galit ang bawat hakbang. “Wala kang karapatang paalisin si Ariana. Huwag mo siyang idamay sa galit mo.” “Galit? Hindi ito basta galit, Zephyr,” sagot ni Senyora Esmeralda habang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status