Matapos pirmahan ni Ariana ang kontrata, isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa labi ni Noime. Para bang may alam itong isang lihim na hindi niya pa natutuklasan.
"Good," aniya habang kinukuha ang papel. "Pero bago ka magsaya, may isa pang dokumentong kailangan mong pirmahan." Kinuha ni Noime ang isang bagong kontrata at inilapag iyon sa harapan ni Ariana. May limang mahahalagang patakaran na kailangang sundin. Ariana's eyes narrowed as she read the bold letters at the top: "STRICT RULES FOR THE NANNY." 1. Bawal kang mainlove kay Zephyr. – Kapag nahulog ang loob mo sa asawa ko, wala kang makukuhang kahit isang kusing mula sa sampung milyon. 2. Bawal kang makialam sa personal na buhay ng asawa ko. – Hindi mo siya pwedeng tanungin tungkol sa trabaho, pamilya, o kahit sa past relationships niya. 3. Bawal kang magsuot ng revealing na damit. – Palaging nakasara ang butones ng uniform mo. Walang sleeveless, walang shorts, at walang anumang maaaring magpakita ng balat. 4. Bawal kang lumabas ng bahay nang walang paalam. – Hangga’t kasama mo si Emanuel Luca, wala kang ibang prioridad kundi siya lang. 5. Bawal kang makisawsaw sa away ng mag-asawa. – Anuman ang marinig o makita mo sa loob ng bahay, manahimik ka. "If you break any of these rules, hindi lang ang pera ang mawawala sa’yo, pati ang trabaho mo." Tumitig si Noime sa kanya. "And trust me, hindi mo gugustuhing kalabanin ang isang Madrigal." Napalunok si Ariana. Ano ba itong pinasok niya? Huminga siya nang malalim at tumango. "Naiintindihan ko po." "Good." Ngumisi ulit si Noime, pero sa pagkakataong ito, halatang may halong pang-iinsulto. "Sa itsura mo ngayon, mukhang wala naman akong dapat ipag-alala. Wala kang tsansang maakit si Zephyr." Naningkit ang mata ni Ariana, pero hindi siya nagsalita. Tang ina, ano bang tingin nila sa’kin? Wala na ba talaga akong kagandahan?! Pero wala na siyang magagawa. Hawak na niya ang ballpen. Sa huli, kahit nangangatal ang kamay, pumirma siya sa pangalawang dokumento. Isang taon lang naman. Hindi niya kailangang mahalin si Zephyr. Hindi ba? "Ayan, pirma na!" bulong ni Ariana sa sarili habang kinakabahan. Isang taon lang naman. Sampung milyon ang kapalit! Habang dahan-dahan niyang inilalapat ang ballpen sa papel, biglang— "WAAAAAHHHH!" Isang malakas na sigaw ng bata ang umalingawngaw sa opisina, sinundan ng matuling yapak ng maliliit na paa. Bago pa niya maproseso ang nangyayari, isang maliit na katawan ang sumulpot mula sa kung saan at tumama sa gilid ng upuan niya. "AY! ANO BA—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil bigla siyang natulak at tuluyang sumubsob sa ibabaw ng mesa. Ang ilong niya ay dumiretso sa matigas na kahoy, at ang ballpen na hawak niya ay gumuhit sa papel sa maling direksyon. "A-ARAY NAMAN!" reklamo niya habang hinahawakan ang ilong. "Sino 'yon?!" "HAHAHAHAHA!" Napatingin si Ariana sa paligid, at doon niya nakita ang isang batang lalaki na mga lima o anim na taong gulang, may magulong buhok, at nakasuot ng branded na damit na halatang galing sa isang super mayamang pamilya. Nakalagay ang kamay nito sa bewang habang malakas ang halakhak—walang bahid ng pagsisisi sa ginawa niya! "Ikaw ba si Yaya?" tanong ng bata na ang tono ay parang isang boss na kinakausap ang tauhan niya. Huminga nang malalim si Ariana at sinubukang kontrolin ang sarili. "Okay, Ariana. Kalma ka lang. Isipin mo ang sampung milyon." Napatingin siya kay Noime, na parang hindi man lang nagulat sa pangyayari. "Meet Emanuel Luca Madrigal, ang anak ko. Simula ngayon, ikaw na ang bahala sa kanya." "Anak?" Muling napatingin si Ariana sa batang lalaking nakangisi pa rin. "Ito 'yung aalagaan ko?" "Oo." "Ito 'yung susubukan kong tiisin sa loob ng isang taon?" "Exactly." Nanlaki ang mga mata ni Ariana. "Bata ka, marunong ka bang magsorry?" tanong niya kay Emanuel, na tumawa lang at umiling. "Bakit ako magsosorry? Hindi ko naman sinasadya!" sagot nito na para bang siya pa ang may kasalanan. "Tsaka hindi ka naman namatay, diba?" "What the—" Napasinghap si Ariana at napakurap. Akalain mo ‘yon? Hindi lang makulit, mayabang pa! Ngumiti si Noime at tumayo mula sa kanyang upuan. "Mabuti na lang at pumirma ka na sa kontrata. Hindi ka na makakaatras. Ang trabaho mo ay tiyaking hindi lalayas ang mga yaya niya gaya ng dati." "Dati?" Napatingin si Ariana sa bata ulit. "Gaano na karami ang nawala niyang yaya?" "Ah, hmmm…" kunwaring nag-isip si Emanuel, saka ngumiti. "Hindi ko na mabilang. Siguro mga… bente?" "B-BENTE?!" Quota na agad siya bago pa magsimula?! Huminga nang malalim si Ariana. Okay. Kaya ko ‘to. Isang taon lang. Sampung milyon. Hindi ako susuko. Pero nang makita niyang tumakbo si Emanuel palayo, hinila ang kurtina ng opisina hanggang mapatid ito, at tumawa pa ng malakas, biglang nanghina ang tuhod niya. Diyos ko, tulungan Niyo po ako. Matapos ang opisyal na pagpirma ni Ariana, agad siyang hinarap ni Noime—ang babaeng mayaman at may matapang na presensiya. Sa kabila ng kanyang eleganteng suot at sophisticated na postura, makikita sa mga mata niya ang labis na pagod at isang bahagyang bakas ng pagkayamot habang nakatingin sa kanyang anak. "Emanuel Luca," tawag niya sa bata na kasalukuyang naglalaro ng isang maliit na laruan, hindi man lang nag-abala na tumingin sa kanyang ina. "Ano 'yon?" sagot ni Emanuel nang hindi man lang nag-aangat ng ulo. Pinipigilan ni Noime ang kanyang inis at tumikhim. "Paalis na ako. Kailangan ko nang pumunta sa airport." Walang imik si Emanuel. Parang walang narinig. Patuloy pa rin ito sa paglalaro na para bang wala siyang paki-alam sa sinasabi ng kanyang ina. Napabuntong-hininga si Noime at pinisil ang sentido. "Maging mabait ka kay Yaya Ariana, narinig mo? Sana naman 'wag mo siyang takutin gaya ng ginawa mo sa mga naunang yaya mo." Sa wakas, doon lang itinigil ni Emanuel ang ginagawa niya at tumingin kay Ariana. Sa tingin nito, para bang may hinuhusgahan na agad siya. Napalunok si Ariana habang napakapit nang mahigpit sa bag niya. Hindi pa man siya nagsisimula, pakiramdam niya nasa interview siya ng isang bossing na kritikal sa bawat kilos niya. "Hindi ko alam kung magtatagal siya," walang pakialam na sagot ni Emanuel, sabay kibit-balikat. "Boring kasi ang mga yaya." "Hindi ako boring!" kontra agad ni Ariana. "At wala kang ibang choice kundi tiisin ako!" Napangisi si Emanuel at saka lumapit sa kanya. "Tingnan natin kung totoo 'yan," bulong nito bago ngumiti ng pilyo. Naku po. Bakit parang ang sama ng pakiramdam ko? Naputol ang tensyon nang dumating ang isang lalaki—isang lalaking mukhang kakampi ni Ariana sa impyernong papasukin niya. "Ma’am Noime, naihatid ko na po ang gamit ninyo sa sasakyan," sabi ng isang matangkad na lalaking naka-uniporme ng driver. Matipuno ang katawan nito, pero halata rin ang pagod sa mukha niya. Nginitian siya ni Noime at saka tumango patungo kay Ariana. "Ariana, ito si Mang Kardo. Siya ang driver ni Emanuel at ang tanging tao sa bahay na hindi niya napalayas sa trabaho." Sa narinig, hindi napigilan ni Ariana ang mapataas ang kilay. "Talaga? Ibig sabihin, ikaw lang ang tumagal sa kanya?" Napangisi ng pagod si Mang Kardo at kinamot ang batok niya. "Ah, eh… Alam niyo po, sanay na rin ako sa kakulitan ng batang 'yan. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ako stressed araw-araw." Sabay silang napatingin kay Emanuel, na walang ibang ginawa kundi maglakad-lakad na parang isang maliit na hari na nagpapasya kung ano ang gagawin niya sa kaharian niya. "Hay, sa wakas!" bulalas bigla ni Mang Kardo, halatang galing sa kaibuturan ng puso niya ang pasasalamat. "May bago nang taga-alaga kay Bossing!" "Bossing?" tanong ni Ariana, naguguluhan. Tumawa si Mang Kardo at umiling. "Eh kasi po, para siyang maliit na CEO na mahigpit sa mga empleyado niya. Kapag hindi niya gusto, tsugi agad!" "Nakakatuwa naman 'yan," sabi ni Ariana, pero halatang hindi siya natutuwa. Tumingin sa kanya si Noime, seryoso na ulit. "Ariana, I need you to be patient with my son. Alam kong hindi siya madaling alagaan, pero..." Nagdahan-dahan siya sa pagsasalita. "...kung gusto mo ng sampung milyon, tiisin mo lahat ng kakulitan niya." Napatingin si Ariana kay Emanuel, na nakangisi na naman sa kanya. "Subukan mong tiisin ako, Yaya. Tingnan natin kung kaya mo talaga." Huminga nang malalim si Ariana, naghahanda na sa gyera. Kaya ko 'to. Kailangan kong kayanin!Mainit ang sikat ng araw habang papalapit si Ariana sa gate ng Madrigal Mansyon. Kumikislot ang kanyang dibdib sa kaba at pananabik. Nang bumukas ang gate, bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ni Yaya Felicidad. "Ay, Ariana! Buti naman at napadalaw ka," masayang bati ng yaya. "Kamusta po, Yaya? Nandiyan po ba si Emanuel? Miss na miss ko na po siya," ani Ariana habang naglalakad papasok. "Oo, hija. Nasa kwarto lang siya. May sakit kasi si bunso. Hindi na rin tumuloy si Teacher Cherry na magturo ngayong araw." Nanlaki ang mga mata ni Ariana. “Ha? May sakit siya? Anong sabi ng doktor?” “Lagnat lang naman daw. Napagod yata sa kakalaro kahapon. Pero iyak nang iyak kanina. Tuwang-tuwa nga nang marinig na paparating ka." Agad na bumilis ang lakad ni Ariana papasok sa mansyon. Pagkapasok sa loob, tinungo niya ang kwarto ng bata. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang maputlang si Emanuel na nakahiga at nakabalot sa kumot. “Ate Ariana?” mahinang tawag ng bata. Napangiti
Nakahiga na ako sa kama, yakap-yakap ang unan at hawak-hawak pa rin ang cellphone. Ilang beses ko na siyang tinawagan, pero hanggang ngayon, nakapatay pa rin ang linya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napatingin sa orasan, umaasang may magbabago—na biglang magri-ring ang phone ko, na biglang sasagot siya, na maririnig ko ang boses niya kahit saglit lang. Pero wala. Ang hirap pala… Hindi pa nga kami mag-asawa, pero ganito na ako mag-alala. Ganito na ako kaapektado sa pagkawala niya. Ganito na siya kabigat sa puso ko. Napabuntong-hininga ako. LDR. Long Distance Relationship. Hindi ko akalaing mararanasan ko ito, at hindi ko rin inakalang ganito pala kahirap. Yung hindi mo alam kung okay pa ba siya, kung may sakit ba siya, kung pagod na pagod na ba siya sa byahe, o kung naiisip ka pa ba niya. Gusto kong matulog. Gusto kong ipikit ang mga mata ko at sana paggising ko, may mensahe na siya. Pero imbes na antok ang dumating, mas lalong naging alerto ang isipan ko. Inala
ARIANA'S POV Kasabay ng mga yabag namin ni Beth ang malumanay na ihip ng hangin sa hapon. Galing kami sa canteen, kakakain lang, at ngayon ay naglalakad pabalik ng opisina. Tahimik lang kaming dalawa, parehas yata maraming iniisip. Hanggang sa— "Arianaaaaa!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa likod. Napalingon kami ni Beth, at doon nakita namin si Alex—hingal, pawisan, at parang may hinahabol… o baka kami ‘yung hinahabol niya? “Ano’ng problema?” tanong ni Beth, agad ding lumapit. Halatang aligaga si Alex. Hindi ko alam kung matatawa ako o mag-aalala. “Ariana,” hingal niya, “Pwede ba kita makausap? Kahit pagkatapos ng trabaho mo lang… please?” “Ha? Bakit? Anong meron?” tanong ko, medyo kinabahan na rin ako. Hindi niya ako tiningnan sa mata, para bang may itinatago. “Wala… basta. Importanteng bagay lang. Promise, hindi kita ipapahamak.” Napatingin ako kay Beth, parang humihingi ng tulong. Pero si Beth, tinaasan lang ako ng kila
ARIANA'S POV "Hoy, gumising ka na nga d’yan. Hindi ka ba papasok sa trabaho ngayon?" Malumanay pero may halong inis ang boses ni Beth habang marahang tinatapik ang balikat ko. Napapikit ako lalo. Ang sakit ng ulo ko, parang may dumagundong sa loob ng utak ko. Lahat ng naririnig ko ay parang double, parang delayed. At ang sikat ng araw mula sa bintana ay parang flashlight na binubuga sa mukha ko. "Masakit ulo ko," reklamo ko habang pilit tinatakpan ng kumot ang buong mukha. "Beth, pahinga muna ako ngayon… please." Tahimik siya saglit bago ko narinig ang marahang pag-upo niya sa gilid ng kama. “Kailan mo balak harapin ‘yung issue mo?” Napakurap ako. Kahit masakit pa ulo ko, hindi ko mapigilang tumingin sa kanya. Nakaupo siya ro’n, nakatitig sa akin, parang alam na niya ang lahat. "Ano bang ibig mong sabihin?" pa-inosente kong tanong. "Zephyr," diretso niyang sagot. "Ano bang meron sa inyo?" Napalunok ako. Hindi agad ako nakasagot. Pero sa totoo lang, pagod na rin ako
ARIANA’S POV Habang nakaupo ako sa kahoy na upuan ng restaurant na ito na parang bahay sa probinsya, ramdam kong unti-unti nang humuhupa ang epekto ng alak sa sistema ko. Nakakapanibago. Tahimik ang paligid, may halimuyak ng mainit na sabaw at tinolang manok. Tila ba pinilit ni Zephyr na ilayo ako sa gulo at ingay ng lungsod, pati na rin sa mga matang kanina’y nakatingin sa amin ni Noime… at sa kaniya. Noime. Bumalik sa isipan ko ang eksena kanina sa party. Ang kamay ni Noime sa braso ni Zephyr. Ang pagpakilala niya rito bilang "asawa." At ang mga mata ng mga bisitang halos sumambulat ang excitement habang kinukunan ng litrato ang dalawa. Parang eksena sa isang teleserye—at ako ‘yung third party na hindi invited sa script. Ngunit heto ako ngayon, kasama si Zephyr, at pinapasabawan. "Sabaw ka muna, baka magsuka ka mamaya," seryoso niyang sabi habang marahan akong tinutulungan hawakan ang mangkok. Hindi ako agad nakasagot. Tumango lang ako. Tahimik. Tahimik akong sumubo ng
Ariana’s POV Para akong nakapako sa kinatatayuan ko. Nakatayo lang, walang kibô, habang pinapanood ko kung paanong ngumiti si Zephyr sa mga tao... habang nakapulupot sa braso niya si Noime. Tila ba ako ang bisita sa party na ito. At silang dalawa ang bida. Hindi ako umiiyak. Hindi rin ako nagsasalita. Pero ramdam ko—ramdam kong may kung anong mabigat ang bumagsak sa dibdib ko. Parang may gumuhit na matalim sa puso ko. Pero... pilit kong pinapakalma ang sarili ko. May tiwala ako kay Zephyr. Ulit-ulitin ko man iyon sa isip ko, hindi ko mapigilang masaktan. Dahil kahit ilang beses kong paniwalaan ang dahilan ng puso ko, iba pa rin ang ipinapakita ng mga mata ko. “Girlie…” bulong ni Beth, halatang naaalala ang lahat ng sinabi ko tungkol sa ‘amin’ ni Zephyr. Umiling ako. “Okay lang ako,” tipid kong sagot. Hindi ko kayang gumawa ng eksena. Hindi ako ganung klase ng babae. Hindi rin ako tanga para kaagad mag-isip ng masama. Alam kong may dahilan si Zephyr. May rason kung baki