Share

Chapter Five : Memories

"Farahh!" napaungol na lang ako dahil sa ingay. Sunod sunod naman ang kalabog sa pinto.

"Farahh!" narinig ko pa itong nagmumura. "Lintik na batang 'to! Farahh buksan mo ang pinto!"

Narinig ko na lang ang malakas na sigaw at katok ni Nanay sa pinto. Nakita ko pang nagising ang kapatid ko sa tabi ko. Ang himbing ng tulog niya. Mabuti na lang at hindi ito nagising sa sigaw ni Nanay o sadyang sanay na ito sa malakas na boses ni Nanay kaya hindi ito nagising kaagad.

Pero natigilan naman ako saglit. Magkatabi pala kami kagabi?

“Putangina buksan mo ang pinto kundi sisirain ko ito!” agad naman nanlaki ang mata ko nang narinig ulit ang sigaw ni Nanay.

"Teka lang Nay!"

Dali-dali akong bumangon at binuksan ang pinto. Bumungad sa 'kin ang galit na pagmumukha ni Nanay kaya kinabahan ako. Kita ko kung gaano kapula ang mukha niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya ng may dala-dala itong walis tambo, kaya natatakot akong ihahampas sa ‘kin iyon. Tapos magigising si Lyza at aawat dito, natatakot
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status