NAKAHIGA na ako sa kama at nakatulala lamang sa kisame habang kinakausap ako ni Wesley. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ao maka-get over sa mga nangyari kanina sa buong maghapon."Hey baby! May problema ba? Kanina pa ako dito dumadaldal, hindi ka man lang sumasagot." Reklamo niya bago ako tinabihan sa kama. Kakauwi lang niya galing sa opisisna dahil tambak daw ang kanyang gawain lalo pa't hindi pumunta ang kanyang ina. Kaya naman ang kaninang mga nasaksihan ko ay bigla na naman na sumagi sa isip ko."Uhm, Wesley...halimbawa namatay na ako and your age is already fifty at that time, mag-aasawa ka pa ba ulit?""Huh? Anong klaseng tanong 'yan? Paano kang mamamatay? Bakit, may sakit ka ba?" sunud-sunod niyang tanong saakin."Wa-wala. I'm just wondering lang naman kung may balak ka pa banag humanap ng iba at that age.""Tss, to be honest, wala na akong balak. Dahil ikaw lang ang nag-iisang babae na sineryoso at minahal ko ng totoo. At kahit ano pa ang mangyari, ikaw lang ang mamahalin
WALA na si Wesley sa aking tabi pag dilat ko kinabukasan. Muling sumagi sa isip ko ang pinagsaluhan namin kagabi. Kaya naman kahit medyo mabigat pa ang aking pakiramdam ay nakangiti pa rin akong bumangon.Lumabas ako ng silid at agad kong nasalubong si Aling Bebang."Good morning 'nay!" masiglang bati ko sa matanda."Wow! Mukhang maganda yata ang gising mo ngayon ah. Kahapon lang ay hindi maipinta 'yang mukha mo pero ngayon kahat yata hindi ako marunong gumuhit ay kayang-kaya kong iguhit 'yan dahil sa tamis at lapad ng pagkakangiti mo.""Tss, 'nay naman! Pagbigyan mo na akong ngumiti. Ngayon lang 'to. Mamaya kapag nakita ko na naman si Mrs. Cordova ay paniguradong burado na agad ang ngiti kong 'to." "Sus, bumaba ka na diyan at baka magkita pa kayo dito ng biyenan mo. Nariyan pa iyon sa silid niya kasama 'yong lalaki." Biglang humina na ang tinig ni Aling Bebang nang banggitin niya iyon. Kaya naman pabulong akong nagtanong sa kanya."Alam ba ni Wesley na nariyan-""Hindi. Pinakiusapan
NANG sumunod na buwan ay hindi ko inaasahan ang naghihintay saakin na kamalasan.Ngayon ay naka-schedule ang check up ko sa aking private OB Gyne. Wesley insisted to accompany mo. Pero bigla na naman na nakialam ang hilaw kong biyenan."Baby, sasamahan na kita sa check up mo ngayon." Ani Wesley habang magkaharap kami sa hapagkainan.Kaagad akong huminto sa pagsubo ng pagkain at nakangiti akong tumingin sa kanya. "Thank you. Pero sure ka ba diyan? Marami ka pang gagawin sa opisina.""Yeah, I know. Pero gusto kong bumawi. Palagi ka na lang akong hindi sumasama tuwig check up mo." Giit pa niya."Tss, okay lang 'yon. Naiintindihan ko naman na busy ka.""Hmm...thank you for-"Hindi na naituloy pa ni Wesley ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang sumulpot ang kanyang ina."Wesley, have you recieve an email from Mr. Tolentino?" Ani Mrs. Cordova."Uhm, not yet mom. Why?""Then, kindly check your phone now. I thought he wants you to attend the inagauration of his new branch." d
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ni Wesley. Dalawang araw na ang lumipas simula ng pagtalunan namin ang patungkol sa mga larawan na ibinigay ng kanyang ina. Ngayon ay naririto ako sa isang parke kung saan ay napagkasunduan namin ni Cindy na magkita. Halos dalawampung minuto na akong naghihintay sa kanya ngunit hindi pa rin siya dumarating.Naupo muna ako sa isang bench at inabala ko muna ang aking sarili nang sa gayo'n ay hindi ako mainip. Kinuha ko ang aking cellphone at earphone. Kapagkuwa'y nakinig muna ako sa mga kanta ni Dua lipa. Hindi ako nakuntento sa pakikinig lang kaya't mas pinili kong sa youtube na lang nang sa gayo'n ay mapanood ko rin ang kanyang music video. Pakiwari ko kasi ay nari-relax ang utak ko sa tuwing naririnig ko ang kanyang mga kanta.Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong may biglang umupo sa aking tabi. Subalit binalewala ko lamang iyon. Dahil ang buong atensiyon ko ay naroon sa aking pinapanood at pinapakinggan. Palagay r
GABI na ng makabalik ako sa mansiyon ng mga Cordova. Hinatid ako ni Cindy at eksaktong pagbaba ko sa kanyang kotse ay siya naman'g pagdating ng sasakyan ni Wesley.Kapagkuwa'y lumabas na rin ito sa kanyang kotse. Bahagya akong natigilan nang magtama ang aming paniningin. Nagdalawang isip pa ako kung kakausapin ko na ba siya o hindi. Ngunit nang mapansin kong naroon pa rin pala ang kotse ni Cindy at bumaba rin ito ay wala na akong nagawa kundi ang kausapin na lamang si Wesley."Uhm, We-Wesley...""Saan ka galing at sino ang naghatid sa'yo?" Aniya na puno ng iritasyon ang tinig."Magkasama kami buong maghapon at ako rin ang naghatid sa kanya." Sabad ni Cindy na nakalapit na pala saamin.Gulat na napalingon sa kanya si Wesley. "Oh, don't tell me na ikaw ang may-ari ng kotse na 'yon?""Yup! I have my own car kaya nga niyaya ko agad ang bestfriend ko na lumabas.""Sorry, Cinds! Nabigla lang ako kanina sa naging reaksiyon ko. Akala ko kasi ay umalis na naman'g mag-isa si Kiera at-"
KINABUKASAN ay namimilipit ako sa sakit ng aking tiyan. Ilang beses akong napahiyaw ngunit pihadong wala naman'g makakarinig saakin. Alas otso na iyon ng umaga at kanina pang nakaalis ang mag-ina. Si Aling Bebang ay paniguradong abala sa labas sa pagdidilig ng halaman kaya't malabo na marinig niya ako.Patuloy sa paghilab ang aking tiyan. Pakiwari ko ay manganganak na ako.Pilit kong inabot ang aking cellphone na naroon sa side table. Kakapalan ko na ang aking mukha. Kailangan kong tawagan si Wesley ngunit hindi ko pa man naaabot iyon ay bigla ng nanlabo ang aking paningin hanggang sa mawalan na ako ng malay.Hindi ko alam kung gaano katagal akong nawalan ng malay basta ang tanging alam ko lamang ay nagising ako na nakahiga na sa hospital bed."Kumusta na ang pakiramdam mo 'nak?" boses iyon ni Alimg Bebang.Napatingin ako sa matanda na naroon sa gilid ng kama. Nakaupo ito habang hawak ang kaliwa kong kamay."Ano pong nangyari sa'kin 'nay? Si Wesley po nasaan? Pupuntahan niya ba
HANGGANG sa ma-discharge at makauwi kami sa mansiyon ay hindi man lang nagpakita saakin si Wesley."Oh, ba't nakasimangot ka diyan?" sita saakin ni 'Nay Bebang habang nakaupo kami sa couch na naroon sa sala. "Si Wesley na naman ba?"Tumango ako at agad na nagpakawala ng isang malalim na buntonghininga bago ko nagawang makipag-usap sa kanya. "Nay nakakalungkot lang na pati ba naman paghatid saatin dito sa bahay ay iniasa niya pa kay Cindy. Para bang wala na talaga'ng pakialam saakin si Wesley." Puno ng hinanakit sa aking tinig."Hintayin mo siya. Mag-usap kayo mamayang gabi.""What if hindi na naman siya matulog sa aming silid?""Just trust me.""Huh? Anong gagawin mo 'nay?" "Ako na ang bahala do'n. Basta ipangako mo sa'kin na mag-uusap kayo mamaya.""Hmm...pangako 'nay." Pilit ang ngiti'ng sambit ko."Oh siya nga pala, 'yong mga gamit mo ay inilapag ko lang sa kama. Ikaw na ang bahalang mag-ayos no'n.""Opo, 'nay. Salamat ulit hindi mo ako pinapabayaan.""Sus, nagdadrama ka na
KINABUKASAN ay mukha agad ni Wesley ang unang bumungad saakin pagdilat ko ng aking mga mata."Good morning my two babies!" masiglang bati niya na hinagkan pa ako sa pisngi at bahagyang hinimas ang aking tiyan."Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba papasok sa opisina?""Nagpaalam ako kay mom na aabsent ako today dahil gusto kong bumawi sa'yo, Kiera.""Hmm, legit ba 'yan? Baka mamaya lang ay may tumatawag na sa'yo at kailangan mo ng pumumta sa opisina.""Promise, no phone call today! Look, I already turned off my phone para sa'yo lang naka-focus ang atensiyon ko buong maghapon." Giit pa niya na iniabot pa iyon saakin. "Ikaw na muna ang magtago niyan para sure ka na wala akong ibang aatupagin ngayon."Nakairap na kinuha ko iyon. Kapagkuwa'y inalalayan niya akong bumaba ng kama."Ipinagluto na kita ng almusal. Sa baba na lang ba tayo kakain or dito na lang sa-""Do'n na lamang sa hapag para may kasabay rin si 'Nay Bebang.""Okay. That's a good idea."Inalalayan niya akong makababa ng h