Share

Chapter 4

Author: Tsukimi
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-11 22:25:39

Celeste's POV

"Cee..."

Gulat na sambit ni Ian nang mapansin niya akong nakatayo sa may pintuan, tulala habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Agad silang naghiwalay at nagmamadaling kumuha ng damit na susuotin. Pero hindi ko na halos napansin ang mga sumunod nilang ginawa. Nakatitig lang ako sa kanila, pilit na inuunawa ang bagay na ayaw tanggapin ng isip ko.

"Cee! Why are you here? It's not what you think!" nagmamadaling sambit ni Bianca habang inaayos ang damit niya.

Napatingin ako sa kaniya. Ang babaeng ilang taon kong itinuring na kapatid, ang babaeng pinagkatiwalaan ko nang buong-buo, ay siya palang taong kayang sumaksak sa likod ko habang nakangiti sa harap ko.

Hindi ako makapaniwala.

Sa lahat ng taong puwede niyang piliin, bakit ang sarili kong matalik na kaibigan pa?

"Cee, baby, let me explain," ani Ian habang papalapit sa akin.

Agad akong napaatras.

Huwag.

Huwag niya akong tawaging ganoon. Nakakadiri. Punong-puno nang pandidiri, sakit at galit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila.

Gusto kong magtanong. Gusto kong malaman kung bakit nila nagawa ito sa akin. Gusto kong marinig mula sa kanilang mga bibig kung gaano na katagal ang pagtataksil na 'to.

Ilang beses ba silang nagkita nang hindi ko alam? Ilang beses ba akong ngumiti sa kanila nang hindi ko namamalayang pareho na pala nila akong niloloko?

Pero nang subukan kong magsalita, walang lumabas sa bibig ko.

Tanging mga luha ang kusang dumaloy sa aking mga pisngi.

Hindi ko na hinintay ang susunod nilang sasabihin. Tinalikuran ko sila at mabilis na lumabas ng silid, hindi pinapansin ang paulit-ulit na pagtawag ni Ian sa pangalan ko.

"Cee! Please, wait!"

Hindi ako huminto.

Ayokong marinig ang mga dahilan niya.

Ayokong malaman kung anong kasinungalingan na naman ang sasabihin niya para pagtakpan ang ginawa nila.

At higit sa lahat, ayokong makita silang dalawa sa iisang silid, dahil baka tuluyan akong mawalan ng lakas kapag muli kong nasaksihan kung paano nila winasak ang tiwala ko.

Sa sandaling iyon, ang tanging gusto ko ay makalayo sa kanila.

Paglabas ko ng bahay, halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko. Parang bawat hakbang ay may kasamang bigat na unti-unting dumudurog sa natitira kong lakas.

Paano nila nagawa?

Iyon lang ang paulit-ulit na tanong sa isip ko.

Ano ba ang nagawa kong mali para tratuhin nila ako nang ganito?

Hindi ba sapat ang pagmamahal ko? Hindi ba sapat ang tiwala ko?

Sa loob ng halos dalawang taon, naniwala akong si Ian na ang lalaking makakasama ko sa hinaharap. Siya ang taong pinagkatiwalaan ko ng puso ko, ang taong pinangarap kong makasama habang buhay.

Samantalang si Bianca naman ang babaeng itinuring kong kapatid. Siya ang nilalapitan ko kapag may problema ako, ang taong pinagsasabihan ko ng mga sikretong hindi ko kayang ibahagi sa iba.

Hindi ko akalaing darating ang araw na sila mismo ang magiging dahilan ng mga luhang hindi ko mapigilan.

Ni hindi ko namalayan na nakauwi na pala ako. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at pumasok sa bahay, umaasang makakapagkulong ako sa kuwarto at makakaiyak nang walang nakakakita.

Pero pagpasok ko pa lang sa sala, napahinto na ako.

May lalaking nakatayo malapit sa malaking bintana, abala sa kaniyang telepono. Matangkad, maayos manamit, at may malamig na ekspresyong tila walang interes sa anumang bagay sa paligid niya.

Nang marinig niya ang pagbukas ng p***o, saglit siyang lumingon sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kaniyang telepono.

"You're Celeste Laurent?"

Napakunot ang noo ko.

"Depende. Sino ka?"

"Vance Silverstre."

Natigilan ako.

Vance?

Ang lalaking gustong ipakasal sa akin ng mga magulang ko? Muntik ko nang makalimutang dito pala siya mamamalagi nang isang linggo.

Hays! Akala ko pa naman makakapag-drama na ako nang walang istorbo.

"Ah, ikaw pala 'yon," walang interes kong sagot.

Muli niya akong tiningnan mula ulo hanggang paa, dahilan para bigla akong mailang sa itsura ko. Paniguradong nagkalat na ang makeup ko sa kakaiyak kanina.

"You're the girl who doesn't want to marry me," malamig niyang sambit.

"At ikaw naman ang lalaking ayokong pakasalan," mabilis kong sagot.

Bahagyang umangat ang isang kilay niya.

"Good. You're not my type either."

Napanganga ako.

Aba! Ang hangin naman ng lalaking 'to!

"Puwes, hindi rin kita type! Mga tulad mo, halatang mayabang. Ayoko sa mayabang!"

"Then stop talking to me."

Napatitig ako sa kaniya.

Napakagago!

"Kung gano'n, bakit ka nandito?"

"Do I need your permission to be here?"

"Ang yabang mo!"

"At ikaw, masyadong maingay."

Napakuyom ako ng kamao. Kakalabas ko lang sa isang napakasakit na sitwasyon, tapos heto siya at tila sinasadya pang ubusin ang natitira kong pasensiya.

"Kung hindi ka lang bisita rito, matagal na kitang pinalayas!"

"Try me."

Bigla siyang ngumisi, na para bang natutuwa pa siya sa inis ko.

Napasinghap ako sa inis.

"Kung hindi mo alam, bahay namin ito!"

"And your parents invited me. Unless you can convince them to throw me out, I'd suggest you stop embarrassing yourself."

Natigilan ako.

Diyos ko! Inuubos ng lalaking ito ang pasensiya ko!

Saglit siyang tumingin sa mukha ko, ngunit sa halip na magkomento agad, bahagya siyang kumunot ang noo habang pinag-aaralan ang itsura ko.

"Next time, fix your face before showing up in front of other people."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Excuse me?!"

"You're blocking my view."

Walang pag-aalinlangan siyang lumipat sa kabilang bahagi ng sala at muling nagtuon sa telepono niya, na para bang wala lang ako.

Napakagat ako sa labi sa sobrang inis. Hays. Bahala siya sa buhay niya!

Dumiretso ako sa hagdan, ngunit bago ako tuluyang makaalis, muli siyang nagsalita.

"One more thing, Celeste."

Napalingon ako.

"If this marriage happens, don't expect me to play the loving husband. I have no intention of changing my life for you."

Napangiti ako nang mapait.

"Don't worry. The feeling is mutual."

"Good. Stay out of my business, and I'll stay out of yours. Unless..."

Natigilan ako nang marinig ang pahabol niyang salita.

Ano na naman?

"What?" Lumingon ako sa kaniya, habang hinihintay ang karugtong nang sasabihin niya.

Dahan-dahan niyang ibinaba ang telepono niya at itinaas ang isang kilay.

"Unless you want me in your business." habang nakangisi nang nakakaloko.

Napanganga ako.

Excuse me?!

"As if!" mabilis kong sagot.

Akmang ibabalik na niya ang pansin sa telepono niya nang muli siyang magsalita.

"Careful, sweetheart."

Lalong kumunot ang noo ko.

"Don't call me that!"

Bahagya siyang ngumisi.

"Fine. I'll save that after the wedding."

"VANCE!"

Mahina siyang natawa, saka muling ibinalik ang tingin sa telepono niya.

"Yes?" ngumisi siya "Missed me already?"

ANG KAPAL NG MUKHA!

Hindi ko na siya sinagot. Kung magtatagal pa ako roon, baka makalimutan kong babae ako at masapak ko siya nang wala sa oras.

Napailing ako bago tuluyang umakyat.

Vance Silverstre.

Mayaman, mayabang, malamig, at walang modo dagdag mo pa ang pagka bipolar niya!

Pero infairness gwapo siya— este ulol niya ang pangit niya!

Kung dati ay ayaw ko lang sa ideya ng pagpapakasal sa isang estranghero, ngayon ay mas lalo akong nagkaroon ng dahilan para tutulan iyon. Pero may magagawa ba talaga ang pagtutol ko, kung ang dahilan kung bakit ayaw kong makasal sa iba ay niloko at sinaktan ako ng lalaking minahal ko?

Pagdating ko sa kuwarto, isinara ko ang p***o at napaupo sa gilid ng kama. Muli kong naalala ang nakita ko kina Ian at Bianca, at bigla na naman akong nalungkot, walang hiyang yan, okay na sana eh.

Sa loob lamang ng isang araw, gumuho ang lahat ng pinangarap ko.

Akala ko, kilala ko ang mga taong pinakamahalaga sa akin. Akala ko, alam ko kung saan patungo ang buhay ko.

Pero nagkamali ako.

At habang nakaupo ako, yakap ang sarili at pilit na pinipigil ang sakit, isang bagay ang unti-unting luminaw sa isip ko.

Hinding-hindi na ako babalik kay Ian, at mas lalong wala na akong kawala ngayon sa kasunduang 'to.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 10

    Celeste's POVHindi ko na alam kung anong oras na ako nakauwi galing sa bar. Mabuti na lang at kahit paano, gumana pa ang utak kong tawagan ang driver namin para sunduin ako.Kung naghintay pa akong may maghatid sa akin, baka inabutan na ako ng umaga roon!Halos hindi na ako makalakad nang maayos pagpasok sa bahay. Tahimik na ang buong paligid, at halos lahat ng ilaw ay patay na. Mukhang tulog na ang mga tao rito.Good. At least, walang makakakita sa akin sa ganitong kalagayan.Napahawak ako sa dingding habang naglalakad papunta sa kuwarto ko. Pakiramdam ko, gumagalaw ang sahig sa ilalim ng mga paa ko. Minsan naman, parang biglang lumulutang ang katawan ko, kaya kailangan kong huminto paminsan-minsan para makabawi ng balanse."Diyos ko, Celeste!" bulong ko sa sarili ko. "Ano ba'ng ginawa mo sa sarili mo?"Hindi ko na talaga matandaan kung ilang baso ng alak ang nainom ko. Tatlo? Anim? Basta ang alam ko, kanina ay maayos pa akong nakakaupo sa bar counter, tapos ngayon, pati paglalakad

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 9

    Celeste's POV"You must attend business events as my wife. You must not hide any secrets from me. And you must not interfere in my affairs. What I do is none of your business..."Napakunot ang noo ko habang binabasa ang bawat linya.Okay, napaka-demanding naman ng lalaking 'to!"Must sleep in the same bedroom...?!"Napatuwid ako ng upo at muling tinitigan ang nakasulat, umaasang baka mali lang ang pagkakabasa ko.What the hell?!Nababaliw na ba siya?!Hirap na hirap na nga akong pakisamahan siya, tapos ngayon, gusto pa niyang magsama kami sa iisang kuwarto?!Hindi ba puwedeng hanggang kasal lang ang pakialam niya sa akin? Kailangan ba pati pagtulog ko, kontrolado niya?Napairap ako at nagpatuloy sa pagbabasa."You are not allowed to entertain any men...""Tch! Ano'ng gusto niya? Sa kaniya lang ako dapat tumingin? As if!"Napailing ako. Sino ba siya para pagbawalan akong makipag-usap sa ibang lalaki? Hindi pa nga kami kasal, kung umasta naman, parang pag-aari na niya ako!Pero nang mab

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 8

    Celeste's POV “Good morning,” bati ni Vance nang makapasok ako sa kusina. “Walang maganda sa morning ko. Ikaw pa lang, bad mood na agad ako,” pabalang kong sagot. Totoo naman kasi! Ang aga-aga, pagmumukha niya agad ang bumungad sa akin. Wala man lang bang ibang puwedeng makita ang mga mata ko pagkagising? Pero imbes na patulan ako, ipinagpatuloy lang niya ang pagkalikot sa cellphone niya na para bang wala siyang narinig. Wow. The audacity. Kahapon pa dapat nakaalis ang buwisit na 'to. Ang kaso, gusto ng parents ko na narito pa rin si Vance pag-uwi nila para mapag-usapan ang kasal na 'yon. Kasal. Napangiwi ako sa salitang iyon. Hindi pa rin naman ako pumapayag na magpakasal sa kaniya, no! As if naman na ganoon kadaling kumbinsihin ang isang katulad ko. Hindi ako basta-bastang pumapayag sa mga bagay na hindi ko gusto, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang buong buhay ko. And marrying a man I barely know? That's definitely not on my list. Ilang araw na rin ang lumip

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 7

    Celeste's POV Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Pero bago pa ako makalayo, gumalaw ang kamay niyang nasa bewang ko at marahang inilapit ako sa kaniya. S-shit! did he just kissed me back??! Akala ko, haharap lang ako sa kaniya at ididikit ang mga labi ko sa kaniya nang ilang segundo para mapaniwala si Ian. Isang simpleng halik na magsisilbing sampal sa kapal ng mukha ng dati kong nobyo. Pero hindi ganoon ang nangyari. Hindi niya agad ako binitawan. Sa halip, gumanti siya sa halik. Marahan, pero ramdam mong parang inaangkin ka nito. Hindi niya ako hinila nang marahas o pinilit na manatili, sapat lang ang pagkakahawak niya sa bewang ko para hindi ako basta mapaatras sa gulat. At ang pinakanakakainis? Hindi ko maipaliwanag kung bakit, sa halip na itulak siya agad palayo, ay hindi ko nagawa. Marahil dahil sa pagkabigla. Marahil dahil sa galit, inis na nararamdaman ko kay Ian. O marahil ay dahil hindi ko inasahang tutugonan niya ang halik ko. Ano ba kasing nangyayari sakin a

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 6

    Celeste's POV "Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong ko nang maabutan ko si Ian sa sala. Napahinto ako sa may pintuan, sandaling hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nakaupo siya sa sofa na para bang walang nangyari. Para bang hindi niya winasak ang tiwala ko. Para bang may karapatan pa rin siyang pumunta rito at umasta na parang normal lang ang lahat. Sino bang nagpapasok sa isang 'to rito? "Celeste, please. Let me explain," pagmamakaawa niya habang tumatayo at lumalapit sa akin. Agad akong napaatras nang tangkain niya akong hawakan sa braso. "Huwag mo akong hawakan!" mariin kong saway, dahilan para mapahinto siya. "Please, Cee. Kahit limang minuto lang. Pakinggan mo muna ako." Napatawa ako nang mapakla. Limang minuto? Talaga bang iniisip niyang sapat na ang limang minuto para ayusin ang lahat ng ginawa niya? "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita sa akin matapos mo akong gaguhin!" singhal ko, hindi na napigilan ang galit na kanina ko pa kinikimkim. "Alam

  • The Billionaire's Obsession   Chapter 5

    Celeste's POVPagkagising ko kinaumagahan, agad kong naramdaman ang matinding gutom. Napahawak pa ako sa tiyan ko nang kumalam ito, saka ko lang naalala—hindi nga pala ako kumain kagabi!Kaya pala kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko. Sa dami ba naman ng nangyari kahapon, nakalimutan ko nang pakainin ang sarili ko.Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang lahat ng nangyari. From Ian and Bianca's betrayal hanggang sa biglaang pagsulpot ni Vance sa buhay ko.Seriously, what a day!Parang isang malaking bangungot ang lahat. Kahapon lang, akala ko maayos ang takbo ng buhay ko. Akala ko kilala ko na ang lalaking minahal ko, only to find out na, kaya niya pala akong lokohin kasama pa ang sarili kong best friend.At ngayon, heto ako, nakatira sa iisang bubong kasama ang lalaking halos hindi ko naman kilala.Napapikit ako at minasahe ang sentido ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Hindi ko na ma-digest ang lahat ng nangyayari. Pakiramdam ko, kapag may isa pang problemang dumating,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status