PROLOGUE:
“YOU?”Hindi maipinta ang mukha ni Tres Eduard Ramirez nang makita ako. Even I, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon. Two years ago was so long that I couldn’t almost remember what we did back then. Pero hindi ko kailanman makakalimutan ang mukha niya…“I can’t believe you’re Navillera Sera Ibarra,” he chuckled. He even covered his mouth with too much surprise.I smiled. “Bakit hindi natin pag-usapan ang tungkol sa sadya natin dito? You said you want to talk about Shine Wine…” sagot ko.At ngayong kaharap ko na siya, hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng nangyari. Kung ano ang mga ginawa namin sa loob ng iisang kwarto, at kung paano namin ibinahagi ang problema ng isa’t isa. Those moments that I cherished a lot, and I almost tell him my real identity– an heiress of a company.He scoffed. Inalis niya ang pagkakatakip sa kanyang bibig saka ako tinitigang maigi. Halata sa kanyang mukha na na-disappoint siya sa naging sagot ko.“Your Shine Wine is very popular now in Luzon and some parts of Visayas. Well, didiretsuhin na kita Ms. Ibarra. Gusto ko sanang magtulungan tayo para mas pasikatin pa ang produkto niyo. It’s either I’ll buy the formula or I’ll invest on it.”My mouth parted as I heard his offer. Hindi ako makapaniwala. Walang sinabi sa akin si Matias noong sinabi niyang kailangan kong makipagkita sa director ng Rhumirez Corporation, I guess this is it. That offer…Triple ang yaman ng mga Ramirez kaysa sa amin at kung papayag ako sa gusto niya, maaaring mas maganda ang kalalabasan no’n but… this man in front of me wasn’t the man I want to be a business partner. Tres is one of my greatest memory in life. Masaya ako noong kasama ko siya noon, ang lahat ng mga ipinakita ko sa kanya ay iyong totoong ako. Now that the greatest memory I have was in front of me, showing his real life, hindi ko alam kung papayag ba akong ma-involve siyang muli sa buhay ko. Ayaw kong ma-disappoint siya sa akin. Everyone knows that I am intimidating and sophisticated. Only him knows the real me.“Bakit naman ako papayag?” tanong ko.Umawang ang labi niya at saglit na natigilan sa sagot ko. Ilang saglit pa ay umayos siya sa pagkakaupo at humalukipkip. “You are smart, Ms. Ibarra. You know very well what will happen if your product goes nationwide or even worldwide with our help. Kaya bakit parang nagdadalawang-isip ka pa?”Dinampot ko ang baso ng kape na nasa aking harapan saka lumagok doon. Padarag na ibinagsak ko iyon sa lamesa kasunod ng paninitig sa kanya nang masama. This man thinks that we can’t go higher by ourselves! Parang sinasabi niya sa aking wala kaming kakayahan. Siya ba talaga iyong lalaking nakasama ko sa Biliran? Kahit pa higit na mas mayaman sila kaysa sa amin, wala siyang karapatang maging mayabang!“Alam mo, hindi ako makapaniwala na iniisip mong hindi namin kayang maging worldwide ng walang tulong n’yo,” sagot ko sa nanunuyang tono.Agad naman siyang umiling. “No, that’s not what I mean. Gusto ko lang naman na–”“Iyan ang nasa isip mo Mr. Ramirez. Why don’t you just admit it?” taas ang kilay na tanong ko.“Is it because of what happened to us two years ago, Ms. Ibarra? I mean, Sera?” he asked, eyeing me. His intimidating hooded eyes pierced me, pakiramdam ko ay malulusaw ako sa paraan niya ng paninitig.Gustuhin ko mang bumitiw sa titigang ito, pero hindi ako magpapatalo. Ayaw kong makitaan niya ako ng kahit na kaunting pagpapakumbaba. Because I am not like that.Tumikhim ako para maalis ang tila nakabara sa aking lalamunan. “Huwag mong alalahanin kung ano man ang nangyari sa atin noon. Ang tagal na noon! Huwag mong sabihing hindi mo pa rin nakakalimutan?”He licked his lips after he heard what I said then he laughed. “Shit, Ms. Ibarra. I am facing a different person right now. The Sera I know, she’s soft-spoken, innocent and–”“Sinabi ko nang huwag mo nang alalahanin ang nakaraan!” pagpuputol ko pa sa sinabi niya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. “Now if you’ll excuse, aalis na ako.”Aalis na sana ako but he grabbed my hand that made me look back. “Teka… what about my offer?”I shook my head. “Sorry pero hindi mo ako mapapa-oo. Kaya naming pasikatin sa buong mundo ang produkto namin ng walang tulong mo. Hindi ako makikipag-sosyo sa isang mayabang na tulad mo.”With that, I walked out of the coffee shop. Hindi ako papayag na magkaroon pa kaming muli ng koneksyon. Kung inaakala niyang hindi namin kaya na wala siya, I will prove him wrong. This is a rivalry between our families. Matatalo lang siya sa huli dahil mas sisikat ang Shine Wine na higit pa sa produkto nilang pang-mayayaman lang!Paglabas ko ng coffee shop, dali-dali rin akong pumasok sa kotse ko at akma sanang paaandarin na nang tinatawag niya na naman ako. Hindi ko na sana siya papansinin pero napansin kong dala niya ang handbag ko. Naiinis na binuksan ko ang bintana.Imbes na bilisan ang paglalakad papunta sa akin, pinili niya pang maglakad nang mabagal. Taas ang kilay ko habang naghihintay sa kanya. Para siyang modelo habang naglalakad palapit sa akin. The way he walk, the way he looked at me, and the way he brushed his hair with his long fingers. Those fingers who used to touch–“Tutulo ang laway mo Ms. Ibarra,” he chuckled.Napakurap ako at natauhan nang marinig ang marahang halakhak niya.“Anong sinasabi mo–”Naputol ang sasabihin ko nang siya na mismo ang nagpasok ng bag ko sa bintana saka sumilip mula sa bintana. “Anyway, I never forget a single moment with you, Sera. Even your lips, I can still taste it.” Then he winked. “See you!My mouth parted after he turned his back to me. Hindi ako makapaniwala. I couldn’t believe myself from gawking over him. Damn it, Sera! You should have ashamed of your self!KABANATA 14:HINDI KO NA natiis pa si Tres. Alam kong pwedeng hindi maganda ang kahinatnan ng desisyon ko na halikan siya pabalik pero wala na rin naman akong magagawa para bawiin pa iyon. Nangyari na ang nangyari at sigurado akong kung ano man ang nangyari kanina, magkakaroon ng malaking impact sa relasyon naming dalawa.Napahawak ako sa aking labi nang maalala kung paano niya ako halikan pabalik. The way he kissed me seems like he missed me so much, that he was craving it for a long time. Na-curious tuloy ako. Noong bigla akong umalis nang walang paalam, ano kaya ang naramdaman niya? Nainis kaya siya sa akin? Nasaktan ko kaya siya? I sighed then stopped reminiscing about everything. Imbes na tumunganga ay tumayo na ako mula sa sofa at nagpasyang dumiretso sa kwarto para magbihis ng damit at makapagpahinga na. Nang makapagbihis, inasahan kong i-te-text o tatawagan man lang ako ni Tres bago ako makatulog pero nagising na lang ako kinaumagahan, walang text o kahit missed call akong na
KABANATA 13:KANINA KO PA nararamdaman na tila ba may nakatingin sa akin. Tres kept on talking to Matias but he seemed irritated. At nang lingunin ko ang direksyon kung saan nakaupo ang ex-girlfriend niya, napatunayan kong siya ang tingin nang tingin sa amin. Inirapan ba naman ako nang makita niyang nilingon ko siya!“Don’t look at her, she’s annoying,” Tres whispered.“Hindi ako makapaniwala, pumatol ka sa ganyan?” bulong ko rin.Tinawanan niya lamang ako at saka nagtawag ng waiter na dumaan. May dala iyong red wine kaya naman kumuha kami. We tossed before we sipped on our glasses.Ilang saglit lang ay lumabas na rin ang engaged to be married. Magarbo at mamahalin maging ang mga suot nila. Sana lang ay hindi sila magpasyang maghiwalay pagkatapos nito. Ganoon pa naman madalas, kung sino pa ang mga magagarbo sa engagement at kasal ay iyon pang mabilis maghiwalay. Hindi naman sa bitter ako pero ganoon talaga madalas.“Thank you all for coming! Sana ay nagustuhan ninyo ang celebration na
KABANATA 12: MABUTI NA LANG at nakatulog na si Kuya Gideon bago pa makapagsumbong si Lucio pero sigurado akong bukas na bukas din sa oras na magising ang tatlo ko pang mga kapatid, wala siyang palalampasing oras para isumbong ako. “Hindi ka ba pagagalitan? Wala naman talaga tayong ginawa…” ani Tres. Nagkibit-balikat ako. “Hayaan mo na iyon. Gano’n talaga si Lucio, palibhasa bunso at siya ang madalas pagdiskitahan. Gusto lang no’n na ako naman ang pag-trip-an ng mga kapatid namin.” Marahang tumango si Tres. “Hmm, okay. But if you need me, you can call me right away,” he replied. Marahan siyang humikab at kinusot ang mga mata. “Inaantok ka na…” sabi ko. “Ang tagal naman ng cab.” “Okay lang, you can go inside. Kaya ko nang maghintay rito.” “Hindi, hihintayin kong makasakay ka,” sagot ko. A teasing smile curved his lips. “Nag-aalala ka talaga sa akin.” “Ewan ko sa ‘yo!” reklamo ko. “Sige na nga papasok na ako sa loob!” Tatalikuran ko na sana siya pero hinawakan niya ang kamay
KABANATA 11:HINDI KO NA kailangang magpaganda. Iyon ang nasa isip ko kanina, hindi ko na rin naman kailangang mag-ayos. Pero kinain ko iyon dahil ngayon nga ay talagang nag-retouch pa ako ng make-up para lang hindi magmukhang manang sa harap ni Tres. Nang makalabas ako ng banyo, pilyong mga ngiti ang isinalubong sa akin ng mga kapatid kong siraulo.“Nagdadalaga na talaga si Ate Sera!” bulalas ni Matias.“Ang tagal niyang magdalaga, pa-menopausal age na—”Mabilis na sinugod ko si Lucio at hinatak ang kanyang buhok. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak sa sakit ng paghatak ko roon.“Sige, mang-asar pa!” reklamo ko.“Totoo naman ang sinasabi ko, Ate—aray!” Pasalamat siya at napahinto ako nang marinig ang pagbusina ng sasakyan mula sa labas. Kuya Gideon stood up and then gestured me to come with him. Sumunod rin naman ako kahit hindi naman na kailangang kasama pa ako sa pagbubukas ng gate. Sa harap ng gate, naroon na nga ang kotse ni Tres. Si Kuya Gideon ang nagbukas ng gate na tinulun
KABANATA 10: “TOTOO BA, SERA?” Napaangat ako ng tingin kay Kuya Vito nang bigla niya akong tanungin. Kasalukuyan kaming nasa bahay ni Kuya Gideon at nag-uusap-usap tungkol sa pirmahang magaganap sa pagitan ng Ramirez at Ibarra. “Ang alin?” “Na may iba ka nang mahal?” Binatukan naman bigla ni Kuya Gideon si Kuya Vito. “Siraulo!” Inilapag ni Kuya Gideon sa ibabaw ng lamesa ang tub ng ice cream na matagal na raw'ng naka-imbak sa kanyang refrigerator. Kuya Vito laughed. “Just imitating the trend from Taktok! But anyways, totoo ba?” “Ang alin nga?!” “Na boyfriend mo si Tres Ramirez. Bakit hindi namin alam?” taas ang kilay nitong tanong. I sighed. “Kailangan ko bang sabihin sa inyo ang lahat?” “Nakita ko na si Tres noon,” sabat naman ni Kuya Gideon. “Siya iyong lalaking kasama mo sa resort. Akala ko naghiwalay kayo.” “Hindi…” sagot ko, nag-iwas ng tingin. “Ah! Kaya pala ayaw mong pumayag noong una kasi ayaw mong malaman naming boyfriend mo iyong director ng kompanya nila. Ate
KABANATA 9:ILANG BESES NA akong napabuntong-hininga at naisip na umatras na lamang. Ngunit sa tuwing naiisip ko ang galit na mukha ni Dad ay nagkakaroon ako ng dahilan para ituloy ang pakikipagkita sa kanya. At ngayon nga, hindi na talaga ako makakaatras. Papasok na ako sa coffee shop na napag-usapan naming pagkikitaan. Pagpasok ko pa lang sa loob, siya na kaagad ang napansin ko. Kaunti lang ang tao sa loob ng coffee shop dahil alas-dose pa lang ng tanghali. Napili talaga naming sa isang coffee shop magkita kaysa sa restaurant para makapag-usap kami nang maayos.Nakaupo siya sa dulo parte ng coffee shop, naka-de-kwarto ang mahaba niyang binti habang naka-krus ang mga bisig sa kanyang dibdib at panay ang sulyap sa kanyang relo. I never imagine that I will see him in this kind of suit; business suit. Maayos ang pagkaka-wax ng kanyang buhok at sobrang pormal. Kung gwapo siya noong nasa beach kami at madalas na nakasando o topless lang, mas gwapo siya ngayong nakaayos. Habang mas papal