ANASTASIA
“You're too tense, try to relax, hmm? What should I call you?” Halos napaigtad ako dahil sa gulat. Masyadong napalalim ang pagiisip ko't nalimutan kong kinakausap niya nga pala ako. Humugot ako ng malalim na hininga. “Calm down, Tasia. This is it, hindi ka pwedeng pumalpak,” pagkausap ko pa sa sarili ko. Matamis akong ngumiti at inalis ang hiya sa katawan ko. Mas kalmado na rin ako kumpara kanina. Naupo na ako ng maayos sa kaninang bar stool na kinauupuan ko at halos magdikit ang katawan namin ngayon. “Sorry about that, hindi lang ako sanay makipagusap sa mga lalaking kakakilala ko pa lang,” mahinhin kong sabi. “You can call me, Ei.” Of course, hindi ko ibibigay ang pangalan totoong ko sa kaniya. “Ei...” bulong niya bago ay ngumiti na naman. “Nice to meet you, Ei. I go by the name K. Sounds just like yours, isn't it? Don't be too wary of me, wala akong gagawing masama sa'yo.” Ngunit ang kislap ng mga mata niya’y parang patalim. Ngayon, hindi na ako magtataka kung bakit halos hindi na mabilang ang mga babae na naikakama ni Kirill. Mabulaklak siyang magsalita. Idagdag pa ang ngiti na hindi nawawala sa labi niya. Kung normal na babae lang ako, puro pasarap ang iniisip, siguradong kapag inaya niya ako ng sex ay hinding-hindi ako tatanggi at hindi ako magdududa. Pero hindi, I can see through his mask. Alam kong nagpapakitang tao lang ang lalaking 'to. Masyado na akong maraming na-encounter na iba't-ibang klase ng tao para malaman na hindi ito ang totoong siya. Pero kahit ganoon, ay sasakyan ko pa rin ang mga sinasabi niya para sa plano. First, lasingin siya. “Bakit hindi ka pa umiinom—I mean, kanina pa kita pinapanuod. Perhaps, you have a low alcohol tolerance?” curious kong tanong. Napaisip naman ito, humawak pa sa baba at panga niya. “Why are you curious? Are you waiting for me to get drunk before you ask me for a night?” mapangakit niyang saad. Agad na namula ang mukha ko. “H-Huh?! No—hindi, shempre! Curious lang ako!” anas ko. Oh God, Tasia! Ano bang ginagawa mo? Bakit nauutal ka at kinokontra mo?! Lintek na 'yan. Tumikhim ako. “I-I mean... yes,” pagamin ko. Kitang-kita ko kung paanong kumislap ang mga mata niya. “I see... nahihiya ka, I guess,” hula niya pa. Bago ay tinawag ang isang waitress atsaka um-order ng tequila. Napalunok na lang ako habang pinagmamasdan siya. Oh no, hindi mataas ang alcohol tolerance ko—at higit sa lahat ay wala sa plano kong makipaginuman sa kaniya. Pinanatili ko ang pagpapanggap bilang isang mahinhin na babae. Puro kasinungalingan ang sinabi ko sa kaniya. Isa na roon ang sabihin na hindi na ako virgin at katulad niya akong sarap lang ang hinahanap. Parang sa bawat salitang binitawan ko, ay nililibing ko na rin ang katawan ko sa sarili kong hukaym Plano ko lang naman kasi lasingin siya. Pero bakit ganoon? Bakit umiikot na ang mundo ko ngayon? Nanlalabo na rin ang paningin ko't hindi ko na alam kung na saan ako. Pero mayroong nakaalalay sa katawan ko kaya naman tumingala ako sa kaniya. Naaninag ko ang mukha ng isang gwapong lalaki. Lalaki na pamilyar sa akin—it's Kirill, my target. “I guess, you're the one who got a low alcohol tolerance, Ei,” malambing niyang sabi. Mabibigat na ang bawat pagbuga ko ng hininga, para bang init na init ang katawan ko. “K...” tawag ko sa pangalan niya. “You said you wanted to tastes freedom, right?” tanong niya. “Then, allow me to show you what freedom tastes like,” bulong niya sa tapat ng tenga ko. Naramdaman ko na lamang ang paglapat ng labi niya sa akin. Nakaharap ako sa kaniya. Mas matangkad siya sa akin kaya naman nakatingala habang ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa magkabilang bewang ko. Nagdulot ng kakaibang init sa katawan ko ang ginawa niya. Gusto kong kumawala, tinulak ko pa mag dibdib niya pero parang naubos na ang lakas ko. No... this man, siya na lang ang pagasa ko. Kapag wala akong naiuwi ngayon—siguradong katapusan na ng buhay ko. Kaya naman imbis na manlaban, ay mas pinili ko na lamang na magpadala sa mapupusok niyang halik. Isang mainit na halikan ang pinagsaluhan namin sa loob ng umaandar na elevator. Wala na ako sa tamang pagiisip para magalala pa kung mayroong mga tao sa paligid namin. Hindi ito ang unang beses na nahalikan ako—but Kirill kisses are different. Once you've taste it... wala ka nang kawala pa. My body is craving for more—I want more! Naputol ang halikan naming dalawa nang huminto ang elevator. Mapupungay ang mga mata ko't init na init ako. Isang babago sensasyon na naramdaman ko. Humiwalay na ang labi niya, pero heto ako, hinahabol pa 'yon at tumitikri pa. Nanlalabo man mag paningin, pero kitang ko ang pagngisi niya dahil sa ginawa ko. Naramdaman ko na lang ang bigla niyang pagbuhat sa akin. Nakaharap ako sa kaniya, nakakapit sa leeg at batok niya habang ang dalawang kamay niya naman ay nakahawak sa dalawang binti ko na nakapulupot sa katawan niya. At ang mga labi namin? Ngayon ay hayok na hayok para sa isa't-isa. “Uhm...” kumawala ang ungol sa labi ko nang bahagya niyang kagatin ang ibabang labi ko. Naglalakad si Kirill, habang buhat-buhat ako. Hindi ko alam kung saan kami patungo, pero hindi pa rin napuputol ang halikan naming dalawa. Ilang sandali pa ay kinapos na ako ng hininga kaya naman ako na mismo ang bumitaw, nakasandal lang ang katawan ko sa kaniya habang buhat niya pa rin ako. Habol ko ang sarili kong hininga nang marinig ako ang pagbukas ng pinto at nagsimula na siyang maglakad ulit. Natawa ako sa isipan ko. “You're so done, Tasia...” pananakot ko pa sa sarili ko. There's no doubt that Kirill will take my virginity. Pero sa tingin ko ay mas mabuti na 'rin ito. Atleast, may makukuha rin ako pagkatapos. Para pa rin akong nasa cloud nine, mayroong sinasabi si Kirill pero hindi ko siya maintindihan dahil lutang ako. Maya't-maya ay naramdaman ko naman ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama. Nagsimula nang kumabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi pa rin nawawala ang init, pero para bang unti-unti na akong bumabalik sa huwisyo. Tinukod ko pa ang magkabilang siko ko sa kama para iangat ang katawan ko, at laking gulat ko nang makitang wala nang suot na pangitaas na damit si Kirill. Naaninag ko na siya ang ang ekspresyon na mayroon sa mukha niya. Parang... Para siyang apoy—nakakasilaw, ngunit siguradong masusunog ako. Kumikislap ang blonde niyang buhok at maging ang kulay asul niyang mga mata dahil sa repleksyon ng ilaw. Napalunok ako. “Getting nervous, Ei?” Sumampa na siya sa kama. “Don't be, we're just getting started.”ANASTASIA Habang sinisimulan ni Carla ang paglalagay ng primer sa mukha ko, ramdam ko ang dahan-dahang pag-ikot ng brush sa balat ko. Malamig ang gel texture, pero ang gaan sa pakiramdam. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang masusi na ekspresyon ni Carla. Para siyang isang pintor na handang gumawa ng obra maestra gamit ang mukha ko. “Ma'am, flawless ang skin texture niyo. Sana all!” biro niya habang pinapahigis heart pa ang sarili niya sa hangin. Napatawa ako, pero agad niyang sinaway. “Wag po galawin ang lips, ma'am. Baka mag-smudge.”Sa gilid naman ang ay beki na ang pangalan daw ay Shawy. Ang hairstylist na mat neon pink na undercut hair. Abala siyang inaayos ang mga gamit na gagamitin niya. May dala-dala siyang portable steamer at curling iron na mukhang high-tech. “Ma'am, since simple lang ang makeup look, suggest ko voluminous waves para balance. Para kang modern-day Maria Clara meets Hollywood royalty. Charot!” napaka-jolly na sabi niya. Natawa naman ako. “Go lang! Bas
ANASTASIA “Ayoko niyannnn!” ang malakas na sigaw ko ang dumagundong sa loob ng kwarto namin ni Kirill. Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa revealing dress na hawak ni Kirill. Silk ang type 'non at talaga namang kulay pula pa! “Give me a reason,” aniya. Parang hinahamon niya ako kaya naman napangiti ako. Napamewang pa ako sa harapan ni Kirill. Ako pa talaga ang hinamon mo ha? 'Di mo yata alam na kuha ko ang kiliti mo pag dating sa akin, Kirill. Nagkunwari akong nagiisip ng malalim. Nakalapat pa ang hintuturong daliri ko sa labi ko habang ginagawa ko 'to para makadagdag ng charisma ko. “I mean... gusto kong ikaw lang ang nakakakita ng kabuuan ng katawan ko Kirill. I want my body to be exclusive for you. Ayaw mo ba 'yon?” Kunwari akong bumuntong hininga. “Gusto mo bang pinagtitinginan ng ibang lalaki ang katawan ko na dapat ay para lang sa'yo?” pagdadahilan ko pa ulit. Kitang-kita ko kung paanong nawala ang pilyong ngiti sa labi ni Kirill. Talagang dahan-dahang nandilim
ANASTASIA “Bakit hindi mo na sinagot ulit ang tawag ko?” Napalingon ako sa taong nagsalita. Dahan-dahan akong umayos nang upo at kinukusot pa ang mga mata ko dahil nakadukdok ang ulo ko kanina sa lamesa habang imiidlip. Naalimpungatan lang talaga ako dahil sa lalaking 'to. Agad na nangunot ang noo ko dahil nanlalabo ang paningin ko. “Ang tagal mo naman? Bakit ngayon ka lang?” agad na tanong ko sa kaniya. “Have some errands —”“Errands mo mukha mo.” Tinarayan ko siya. “Baka may iba ka nang kinikita—” Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ko dahil tinikom ko na ang bibig ko.Gustong-gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa kung ano-ano na namang sinasabi ko. “Hmm? Bakit parang nami-miss mo naman yata ako agad? Could it be that—takot kang may ibang babae akong kitain—”Malakas na hinampas ko ang lamesa. “Sinong takot?!” wala sa sariling pasigaw na sabi ko. “Hindi ako takot 'no. Nagpapanggap lang ako kunwari, umaakto na fiancé mo talaga. And you know what?” Bumuntong hininga ako at
ANASTASIA It's been a week matapos ang nangyaring trahedya sa Coto. Na ang dapat ay masaya at nakaka-enjoy na team building para kela Anya at Silvia—nauwing traumatizing.Andito ako ngayon sa loob ng office namin ni Kirill. Inaasikaso ang mga papeles na may kinalaman sa kita ng company.“Na saan na ba 'yon? Ang tagal niya naman,” bulong ko sa hangin nang dumako ang tingin ko sa table niya. Umalis kasi si Kirill. May gusto pa naman akong linawin about dito sa mga papers, kaya lang ay wala naman siya para mapagtanungan ko. Idagdag pang hindi man lang nagsabi kung saan siya pupunta. Umalis lang na nakangiti with matching paalam na may aasikasuhin daw pero hindi full ang details. Binalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa mga papeles. Nilagyan ko 'yon ng mga pirma at iba pa, as a sign na nakita ko na. Ang need na lang ay ang pirma ni Kirill. Nasa ganoong sitwasyon ako nang bigla na lamang mag-ring ng malakas ang cellphone kong pilit na binigay sa akin ni Kirill. Inabot ko 'yon mula
ANASTASIA Naupo si Kirill sa upuang nasa gilid ng kama. Feeling ko ay nasa hospital ako. Pero feeling ko rin naman ay hindi.Hindi naman nagsalita si Kirill. Hindi niya sinimulan ang conversation namin, at hindi rin naman ako makapag-focus sa pagtatanong dahil mayroon akong naririnig na mga naguusap sa gilid. Parang mga lalaki sila, base sa mababa nilang boses. Nakaharang 'din kasi si Kirill kaya hindi ko rin naman sila makita ng direkta. “Are they bothering you?” biglang tanong niya sa akin. Nalipat ang atensyon at tingin ko sa kaniya matapos kong marinig ang sinabi niya. Nagsasalubong ang kilay niya ngayon, para bang hindi niya gustong wala sa kaniya ang atensyon ko. At hindi ko naman alam kung matatawa ba ako o ano. Umiling-iling ako. “No, really. I'm fine with it,” agad na sagot ko. Humugot pa ako ng malalim na hininga, pero nanahimik na naman ako. Nire-recall ko kasi ang mga nangyari at dahilan kung paano ako nauwi sa ganitong sitwasyon. And when I finally remembered everyth
ANASTASIA “Tasia!” nagaalalang sigaw ni Silvia habang sinusubukan niyang kumawala. “No! W-Wag kang gagalaw, Silvia!” suway ko naman sa kaniya. Nakinig naman siya sa sinabi ko, kaya medyo naging kampante ako. De bale nang ako ang mapahamak, kesa sila ni Anya na wala namang kinalaman sa mga dahil kung bakit nangyayari ngayon 'to. Dahan-dahan na nila akong inatake. Gusto kong gamitin ang baril, pero masyado akong kabado kaya imbis na paputukin 'yon—ay binato ko na lang 'yon sa pinakamalapit sa akin. At hindi naman ako nagkamaling gawin 'yon dahil tinamaan siya. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Wala naman akong planong iwan sina Anya at Silvia. Pero kailangan ko munang hanapin si Kirill. Dahil siya lang ang naiisip kong makakatulong sa akin. “Kirill?! Letse ka, Kirill!” malakas na sigaw ko habang lumilinga-linga na sa paligid. “Where are you?! Na saan ka ngayong kailangan kita?!” malakas na sigaw ko na naman.Para na akong mababaliw dahil sa mga random na pangyayari. Gusto k